Tuesday, June 30, 2015

Iregularidad sa Pag-release ng PEI?

KUNG MAY IREGULARIDAD SA MAAGANG PAG-RELEASE NG PEI SA ILANG GURO SA REGION 6, MAY DAPAT IMBESTIGAHAN SI DIREKTOR!

Ngunit, hindi maaaring mag-suffer ang lahat ng guro dahil sa kagagawan ng iba. Sa totoo lamang, paano mangyayaring mayroong mababayaran nang maaga sa PEI gayong sabay-sabay ang pag-download nito sa bangko? Kaya kung meron mang mga nabayaran na bago pa man nagkapondo, aba'y tila isa itong milagro!

Ang hamon natin sa mahal na director ay hanapin ang mga gumagawa ng himala at huwag parusahan ang lahat ng guro sa Region VI!

Karagdagan!

May mga dibisyon na hindi pa po nakakatanggap ng PEI hanggang ngayon. May mga ilan namang paaralan ang hindi pa rin nabibigyan bagamat nakakuha na ang kanilang dibisyon. At may mga ilang indibidwal na wala pa rin ang kanilang PEI bagamat nakakuha na ang kanilang paaralan. May iba't ibang dahilan po ito na marapat nating iulat o i-inquire sa official or office concerned sa bawat level.

Pero ang malupit at hindi natin palalampasin ay ang mga rekisitos na hinihingi ng ilan bago i-release ang PEI. Walang itong anumang requirement, basta ikaw ay apat na buwang nagsilbi hanggang Mayo 31, 2015 at hindi disqualified for any reason, dapat na ibigay sa iyo ang iyong PEI.

PAKIULAT PO SA AMIN ANG ILANG PAGSASAMANTALA HINGGIL SA PEI
(cash advances na may malaking interes, pang-iipit, hindi pagsama sa payroll kahit qualified, panghihingi ng maraming dokumento bilang rekisitos atbp.)

Please share!

ATING GURO Partylist/Teachers' Dignity Coalition (TDC)

1 comment:

  1. 8-Talisay
    Sarah Pion, Mariel Corpuz
    Pag-usbong ng nation state

    ReplyDelete