Sunday, June 14, 2015

Teachers' Dignity on the Release of PEI

TANONG NG MGA GURO SA DEPED AT DBM, ‘NASAAN NA ANG BONUS NAMIN?’
Isang buwan matapos lagdaan ni PaNgulong Aquino ang Executive Order 181 noong Mayo 15, naghihintay pa rin ang mga guro at kawani ng kanilang PEI o Productivity Enhancement Incentive.
“Inanunsiyo ng Malakanyang noon pang nkaraang buwan ang pagbibigay ng PEI na nagkakahalaga ng katumbas sa isang buwang sahod ng mga empleyado ng gobyerno, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang DepEd at DBM kung kalian ito ibibigay sa aming mga guro.” Pahayag ni Benjo Basas, guro sa Lungsod ng Caloocan at pambansang tagapangulo ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).
Ayon pa kay Basas ay inaasahan nila ang nasabing bonus na dapat sana ay maibigay simula Hunyo 1 alinsunod na rin sa EO 181 ng Pangulong Aquino.
“Ginagawang biro na nga ito ng mga guro dahil ang sabi nga naman sa EO 181 ay ‘shall be released not earlier than June 1, 2015’ ibig sabihin puwedeng June 1 hanggang December 31 ng taong ito o maaaring mas matagal pa.” Ani Basas.
Isa pang nais linawin ng TDC ay kung magkano ba talaga ang nakatakdang ibigay sa mga guro, kung ito ba ay katumbas ng isang buwang sahod o P5, 000 lamang, bagamat siniguro umano ng ilang opisyal ng DepEd na ang una ang makukuha ng mga guro.
“Ang isa pang problema dito ay kung bakit sa ilalim ng kautusan ng pangulo ay ang halaga ng PEI na maaaring P5000 o kaya’y katumbas ng isang buwang suweldo, sa halip na ibigay ang pinakamataas na benepisyo sa lahat ng guro at kawani.” Dagdag pa ni Basas.
Ang PEI ay benepisyo ng mga guro at kawani na simula pa noong 2007 ay nagkakahalaga ng sampung libong piso (P10, 000) subalit ginawang limang libo (P5, 000) na lamang noong taong 2012. Nagsagawa ng sunud-sunod na mga kilos-protesta ang TDC at iba pang mga samahan ng guro at kawani upang ibalik sa halagang P10, 000 ang PEI kung hindi man ito maitataas. Ang pagbibigay ng katumbas ng isang buwang sahod at paglalaan ng budget para dito ay bilang tugon dito ng gobyerno.
“Hinihiling namin sa DepEd at DBM na agad na klaruhin ang usaping ito para matapos na rin ang mga haka-haka ukol sa nasabing bonus at maibigay na ito nang mas maaga sa mga guro. Kami ay lagi na lamang pinaghihintay sa kakarampot na benespisyo samantalang laging minamadali pagdating sa trabaho at sakripisyo.” Himutok ni Basas.
Ayon pa rin sa TDC, bagamat makakatulong sa kanilang mga guro at empleyado, ang maliliit na bonus gaya ng PEI, hindi pa rin ito sapat upang mabuhay ng disente ang mga guro at kanilang pamilya kaya muli silang nanawagan sa pamahalaan na ipasa na ang panukalang P10, 000 umento para sa sahod ng mga guro.
“Simula noong umupo sa puwesto ang Pangulong Aquino ay wala siyang inisyatibang ginawa para mabigyan ng umento ang sahod ng mga guro at kawani. Ito’y sa kabila ng ipinagmamalaking pag-unlad sa ilalim ng kanyang administrasyon.” Pagtatapos ni Basas.

4 comments:

  1. ATING GURO - TDC Update on PEI:

    As per our query with Asec Mateo yesterday, the endorsement for our PEI is for signature na of DBM Usec Moya. Probably within the month ma-release.

    We'll be receiving 1-Month salary PEI. This is also the assurance of DBM officials and Sec. Luistro himself.

    - Sir Jimboy (TDC / ATING GURO PARTYLIST

    ReplyDelete
  2. PEI UPDATES! JUNE 19, 2015

    PLS PASS / POST THE FF MESSAGE FROM SEC LUISTRO TO TDC CHAIR BENJO BASAS TODAY, JUNE 19 ON THE STATUS OF PEI:

    "IN CONNECTION WITH YOUR QUERY REGARDING THE PEI, I AM HAPPY TO INFORM YOU THAT DEPED HAS ACHIEVED THE REQUIREMENT UNDER EO181 AND THEREFORE ENTITLED TO THE SAID INCENTIVE. WE HOPE THE PEI WILL BE RELEASED BEFORE THE END OF THE MONTH GIVEN THAT THE SARO/NCA IS CURRENTLY BEING PROCESSED. I AGAIN THANK YOU FOR YOUR CONTINUING SUPPORT AND STRONG PARTNERSHIP IN ACHIEVING OUR COMMON GOAL OF PROVIDING QUALITY EDUCATION SERVICES TO ALL SCHOOL CHILDREN."

    - BRO. ARMIN A. LUISTRO, FSC

    ReplyDelete
  3. Be stubborn! Be assertive! JOIN US!

    Kapag NEGA ang co- teacher mo tungkol sa mga balita sa PEI or hindi naniniwala o talagang nawawalan ng pag-asa, hindi natin siya masisisi. MARAMING PAGKAKATAON NA RIN KASI TAYONG UMASA AT NAGHINTAY, NAGTIWALA AT NABIGO.
    Kaya nga dapat ay makulit tayo para sa ating karapatan. Magiit pra sa mga bagay na tama lang. KUNG TAHIMIK LANG KASI AT NAGHIHINTAY SA MGA PANGYAYARI, MAS MADALAS AY WALANG NANGYAYARI.

    Ayon sa DepEd ay within the month inaasahang mare-release ang ating PEI. Maghintay lang muna tayo, kasabay ng pagbibibgay ng tama at responsableng impormasyon sa ating mga kaguro. Inaasahan nating magkakatotoo ito this time at hindi lamang sinabi upang tayo ay patigilin sa pangungulit.

    ReplyDelete
  4. GOOD NEWS!

    BUMABA NA PO ANG PONDO NG PEI NUNG JUNE 23, 2015 SA DIVISION OFFICE, PINAGAGAWA NA RIN NG LIST OF TEACHERS ANG BAWAT SCHOOL.

    1 MONTH SALARY PO ANG MATATANGGAP NATIN.. DAHIL PO ITO SA MASIGASIG NA PAGBABANTAY NG ATING GURO / TDC SA DEPED.

    KASABAY NA RIN PO DITO ANG ATING CHALK ALLOWANCE.

    PLS PASS

    - SI JIMBOY TDC / ATING GURO VICE CHAIRMAN.

    ReplyDelete