Nasyonalismo sa Asya
Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansayang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.
Nasyonalismo - Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na maipakikita sa masidhing pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-Bayan.
Dalawang Uri ng Nasyonalismo
Defensive Nationalism - uri ng nasyonalismo na ipinagtatanggol ang bayan laban sa mga mananakop tulad ng ginawa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, Amerikano, at Hapon.
Aggressive Nationalism - Ito’y uri ng nasyonalismo na mapusok at layong makapanakop o mapalaki ang teritoryo ng kanilang bansa tulad na lamang na minsang ginawa ng mga Hapon sa ating bansa.
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India
Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo rito. May iba’t iba mang wika ar relihiyon ang mga ito, sila ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
Suttee o Sati - Ang pagsama ng balong babae sa pagsunog sa labi ng kanyang asawa hanggang mamatay.
Rebelyong Sepoy - Ang pag-aalsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
Amritsar Massacre - Nasawi ang 379 katao at 1,200 namang sugatan sa pamamaril ng mga sundalong Ingles habang nasa isang selebrasyon ang mga ito.
Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng pagkakataong mamahala sa India. Subalit hindi sila nasiyahan sa pagbabagong ito kung kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang sa ito ay nakamtan noong Agosto 15, 1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru. Kaalinsabay nito ang pagsilang ng bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno ni Mohammed Ali Jinnah.
Nasyonalismo sa Kanlurang Asya
Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamiha’y hawak pa ng malakas at matatag na Imperyong ottoman bago pa man masakop ng mga Kanluranin noong 1918. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang pandaigdig.
Sistemang Mandato - Pagpapasailalim ng isang nasakop na bansa sa patnubay ng isang bansang Europeo bago pa man maging malaya at makapagsarili.
Holocaust - Ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite.
Zionism - Ang pag-uwi sa Palestine ng mga jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mohandas Karamchad Gandhi
-Nangunang Lider Nasyonalista sa India
-Nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan
-Naniniwala sa ahimsa at satyagraha
-sinimulan ang civil disobedience o hindi pagsunod sa pamahalaan sa mapayapang pamamaraan.
Mohamed Ali Jinnah
-Ama ng Pakistan
-Isang abogado at pandaigdigang lider
-namuno sa Muslim League noong 1905
-namuno upang mapalaya ang Pakistan mula sa India
-Itinanghal na kauna-unahang gobernador heneral ng Pakistan
Mustafa Kemal Ataturk
-nagbigay-daan sa kalayaan ng Turkey sa kabila na ang bansang ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Great Britain, Greece, at Armenia.
-Tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parliament at dito nagsilbi bilang tagapagsalita.
-Sa Grand National Assembly ng Turkey, nabigyang-daan mapakilos ng Turkong Militar na hingin ang kalayaan ng kanilang bansa.
Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
-kinilala bilang isa sa mga malupit na lider noong ika-20 siglo
-kasama sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mamamayan
-binatikos niya ang tahasang pagpanig at pangangalaga ng Shah sa interes ng mga dayuhan tulad ng United States
Ibn Saud
-Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia
-nagpangalan ng Saudi Arabia sa kanyang bansa
-naging neutral sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig
-pinatunayan na ang pagmimina ng langis sa bansa ang pinakamayaman sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pag-unlad.
LM: 222-233
asdadadadadwwawddw
ReplyDeletePogi ako
ReplyDeletecute ko
ReplyDeleteMaganda ako
ReplyDeleteBasta army maganda
Basta filipino at filipina mga maganda at gwapo
wehba sumasabak ka sa gera?
DeleteKyot ko
ReplyDeletetao ko
ReplyDeletealien ako
DeleteHAHAHAHAHAHHA
DeleteAmp.
ReplyDeletebakit ganito yung mga comment BAHAHHAHAHAHA
ReplyDeleteHi
ReplyDeleteAdd niyo Quien Irish Nicole Ramos Chat kita
ReplyDelete