Aralin 1
Heograpiya ng Daigdig
Heograpiyang Pisikal
Ang heograpiya ay tumutukoy sa sistematikong pag-aaral ng daigdig. Nagmula ito sa salitang Griyego na "Geo" o daigdig at "Graphia" o paglalarawan.
Ito ay may limang tema: Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksyon, Paggalaw. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig - Eksaktong kinaroroonan at Relatibong Lokasyon. Ang lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook - katangian tulad klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman, katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad, kultura, at mga sistemang politikal. Ang rehiyon naman ay tumutukoy ng daigdig na pinagbuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural. Ang interaksyon naman ay tumutukoy sa katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan. At ang paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa iba pang lugar dulot ng likas at hindi likas na pangyayari.
Gabay na mga Tanong!
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1.Ano ang Heograpiya?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.Ibigay ang Limang tema ng heograpiya.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Bakit kailangan nating aralin ang heograpiya?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4.Gaano nakakaapekto ang katangiang pisikal sa mga tao?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sukat at Linya
Ang daigdig ay nasusukat sa iba't ibang pamamaraan. Ito’y sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa. Gamit ang longitude, latitude, prime meridian, at equator, natatakda ang dibisyon ng lugar o lokasyon sa daigdig. Ang longitude ay tumutukoy sa distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole. Ang Prime Meridian ay itinalaga bilang zero degree longitude. Ang latitude naman ay tumutukoy sa pahalang na guhit mula sa silangan patungong kanluran o pabalik. Samantala, ang equator o ekwador ay imaginary line na naghahati sa hilaga at timog ng daigdig.
Natatakda rin ang lokasyon sa pamamagitan ng Four Cardinal Points: Hilaga, Silangan, Timog, at Kanluran. Dito matutukoy kung saang bahagi ng daigdig ang isang lugar na nagbibigay din naman ng ideya sa tao ukol sa klima, relihiyon, kultura, at iba pa.
Gabay na mga Tanong!
Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1.Latitude
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2.Longitude

3.Prime Meridian

4.Equator

5.Four Cardinal Points
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Klima, Anyong Lupa at Tubig, at Mga yamang likas
Ang klima ay kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Mahalaga ang klima sa tao dahil ito'y nagbibigay suporta sa pangangailangan ng tao. Nagkakaroon ng pagkakaiba ang klima sa lokasyon nito sa daigdig. Ang nasa lokasyon ng ekwador ay tropikal na klima na may dalawang panahon kada taon - tag-ulan at tag-araw. Samantalang iba naman ang klima ng nasa itaas at ibabang bahagi ng mundo kung saan kalimitang malamig ang kanilang panahon.
Ang daigdig ay biniyayaan ng iba't ibang anyong lupa, anyong tubig, at yamang likas. Ang mga ito'y malaki ang naging papel sa pamumuhay mula pa sa sinaunang panahon patungo sa kasalukuyang panahon. Ang mga anyong lupa tulad ng bundok, bulkan, lambak, talampas, pulo, tangway, bulubundukin, kweba, at kapatagan ay naging bahagi ng pamumuhay ng mga sinaunang tao depende sa anyo nito tulad ng kapatagan na nagsilbing pananiman, bundok na siyang naging tirahan, bulkan na lubhang delikado kapag nag-alburuto pero nakukunan ng gamot at iba pa. Ang mga anyong tubig naman tulad ng lawa, dagat, talon, sapa, ilog, delta, at bukal ay nagsilbing kaagapay sa pamumuhay ng sinaunang tao. Habang ang mga yamang likas naman tulad ng mga mineral, kagubatan, at iba pa ay nakatulong sa iba pang pangangailangan ng tao tulad ng kalakalan, palamuti, damit, at kayamanan.
Malaki ang naging ambag ng mga anyong lupa, tubig, at yamang likas sa mga tao subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unting nasisira dulot ng kapabayaan at kasakiman ng tao.
Gabay na mga Tanong!
Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1.Klima
__________________________________________________________________
2.Anyong Lupa
__________________________________________________________________
3.Anyong Tubig
__________________________________________________________________
4.Yamang Likas
__________________________________________________________________
5.Monsoon
__________________________________________________________________
6.Mt. Apo
__________________________________________________________________
7.Mt Everest
__________________________________________________________________
8.Caspian Sea
__________________________________________________________________
9.Lake Baikal
__________________________________________________________________
10.Huang Ho

Ang mga Kontinente sa Mundo
Ayon sa mga siyentipiko, ang mundo ay may iisang pulo lamang noong unang panahon - Pangea. Ang Pangea ay isang supercontinent o isang malaking tipak na lupa sa daigdig. Ito umano ay unti-unting naghiwalay sa paglipas ng panahon at naging isang daigdig na sa kasalukuyan ay hiwa-hiwalay na isla at nahahati sa mga kontinente, mga rehiyon, at mga bansa.
Sa kasalukuyan, mayroong pitong kontinente ang mundo: Asia, Australia, Africa, Europe, North America, South America, at Antartica. Ang Asia ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ito rin ang may pinakamalaking populasyon sa kasalukuyan. Habang ang Australia naman ang pinakamaliit na kontinente at Antartica ang may pinamaliit na populasyon. Hindi kasi tirahan ang Antartica bagkus pinamamahayan lamang ito ng mga siyentipikong nag-aaral sa kontinente.
Heograpiyang Pantao
Ang heograpiyang pantao ay tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ang wika ay itinuturing na kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay kasi ito ng pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang relihiyon ay tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Ang Lahi/Pangkat-Etniko naman ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.
Gabay na mga Tanong:
1.Ano ang Kontinente?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2.Ibigay ang 7 Kontinente sa daigdig:
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Ano ang heograpiyang pantao?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4.Magbigay ng wika at bansang mayroon nito:
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5.Ano ang pangkat-etniko?

Aralin 2
Ang mga Sinaunang Tao
Ang mga sinaunang tao
Sa ating kasaysayan, ang mga tao raw ay nagmula sa unggoy ayon sa teorya ni Charles Darwin. Ayon sa kanya, ang mga tao raw may ganitong pagkakasunod na pagbabago: Australopheticus-> Homo Habilis-> Homo Erectus-> Homo Sapiens Neanderthalensis-> Homo Sapien Sapiens. Subalit hindi naglaon ay may kumontra sa kanyang teorya dahil sa kasalukuyan ay may mga unggoy pa rin at mga tao na siya namang kumokontra sa kanyang teorya.
Ang kasaysayan ng tao, ayon sa mga eksperto, ay nahahati sa apat na panahon: Panahong Paleolitiko, Panahong Mesolitiko, Panahong Neolitiko, at Panahon ng Metal. Ang panahong paleolitiko o panahon ng lumang/matandang bato ay pinakauna sa lahat ng panahon kung kailan ang mga tao raw ay unang gumamit ng apoy, pasimula sa paglikha ng mga kasangkapan, pagpinta sa katawan at bato, at nagpasimula ng isang maliit na pamayanan. Ang panahong mesolitiko o panahon ng transisyon ay nag-uugnay sa luma at bagong bato. Dito nadugtungan ang pag-angat ng pamumuhay. Ang panahong Neolitiko o panahon ng bagong bato naman ay panahon ng ebolusyon ng pamumuhay ng tao. Dito, ang mga tao ay may makikinis na kasangkapang bato, permanenteng tirahan sa pamayanan, nagtatanim, gumagawa ng palayok at paghahabi. Ito rin ang sinasabing nagtatag ng Catal Huyuk o isang pamayanang neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia o Turkey. Ito ay pamayanang sakahan. Samantala, sa panahong metal naman, natutunan ng mga tao ang paggamit ng kasangkapang tanso. Sinundan ito ng mga kasangkapang gamit ang bronse, kasangkapang bakal, at hindi naglaon ay paggamit ng silver at gold.
Gabay na mga Tanong!
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Sino si Charles Darwin?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.Ibigay ang pagkakasunud-sunod na pinagmulan umano ng tao:
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Ano ang Catal Huyuk?

4.Naniniwala kaba sa teorya ni Darwin ukol sa pinagmulan ng tao? Bakit?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Aralin 3
Mga Sinaunag Kabihasnan sa Daigdig
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Ang Mesopotamia ang itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Nagmula ang salitang Mesopotamia sa wikang griyego na nangangahulugang "Sa Pagitan ng Dalawang ilog." Ayon sa mga historyador, ang Mesopotamia ang sinakop at ginawang tahanan ng mga sinaunang tao at pangkat kabilang na ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite. Sa paglipas ng maraming taon, umusbong na ang iba't ibang lungsod dito kasama na rin ang mga pagbagsak dulot ng ibang mananakop. Sa pagdating ng panahon, pinalitan ng iba pang kabihasnang ang mga naunang nagtayo ng lungsod sa lugar.
Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Gabay na mga Tanong!
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Ano ang Mesopotamia?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.Ibigay ang mga naunang kabihasnan na nanirahan sa Mesopotamia:
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Ano ang mayroon sa Mesopotamia kung bakit ito umano ang unang kabihasnan sa buong daigdig? Pangatwiranan.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan lamang ito ng mga arkeologo noong 1920 - labi ng dalawang lungsod. Ang lipunang nabuo rito ay halos kasabay ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900km at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 BCE. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nagkaroon ng progreso sa pamumuhay ng lugar paglipas ng maraming siglo. Dito umusbong ang sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
Gabay na mga Tanong!
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Ano ang Timog Asya?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.Anu-anong mga bansa ang bumubuo sa Timog Asya?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Ano ang kwento ukol sa kabihasnan Indus?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4.Ano ang Harappa at Mohenjo-Daro?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig ang kabihasnang umusbong sa China. Ang kabihasnang umusbong sa China ay nagsimula sa tabing ilog na tinatawag na Yellow River o Huang Ho. Lubhang mataba ang lupain sa tabi ng Huang Ho dahil sa pag-apaw ng ilog taun-taon at ang mga mineral mula sa kabundukan ay nananatili sa mga lupain sa tabi ng ilog. Ang pag-apaw ng ilog ay dulot ng pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan na siya namang dahilan kaya't tinawag din itong "ilog pighati." Sa pag-apaw kasi ng ilog, maraming buhay ang kinukuha nito.
Sa paglipas ng panahon, mula sa maliit na pamayanan na umusbong sa Huang Ho, unti-unti itong dumami at hindi naglaon ay naging isang kabihasnan. Nakatulong kasi ang matabang lupa sa pamumuhay ng mga sinaunang Tsino. Mula sa pagtatanim at pangangaso, naging progresibo ang kanilang pamumuhay sa paglipas ng panahon.
Gabay na mga Tanong!
Sagutin ang mga sumusunod:
1.Ano ang Huang Ho?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.Bakit sa Huang Ho nagsimula ang kabihasnang Tsino?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Bakit itinuturing na ilog pighati ang Huang Ho?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4.Anu-ano ang naging ambag ng kabihasnang Tsino sa daigdig?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Kaya mo ba ito?
Ibuod ang mga sumusunod:
1. Aralin 1 ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Aralin 2
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Aralin 3

Ebalwasyon:
1. Ano ang iyong natutunan sa mga gawaing ito?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ito sa mga mag-aaral? Bakit? (Ipaliwanag ang iyong sagot)
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Reference:
Done
ReplyDelete8-bignay
ReplyDeleteHrjvgcjdhf egg
Delete8-bignay
ReplyDelete-v.presedent
Ano name mo?
Delete8-laoan slay
Deletesir ang haba
ReplyDelete-todoroki
_luna
Kaya mo yan :)
DeleteDone
DeleteSir ang dami dikona kayaðŸ˜✌️
Deletekonti nalng sir matatapos na
ReplyDelete-Alexander
- 8 bignay
Sir ang habaaaaaa HAHHAHAHAHAHA
ReplyDelete8-dapdap
Hayssst potcha ang dame sir
ReplyDeletedame ahahhahah
ReplyDelete8talisay haha pago
ReplyDeletetapos 9:01 to 9:54
ReplyDelete-todoroki
ReplyDelete-luna'
Ang haba sir. From Balakat.
ReplyDeleteHabaaaaa
ReplyDelete8-anahaw
Crisiadagulo
Kaya moyan
Deletedone 8 banaba ang habah
ReplyDeletedone 8 banaba ang habah
ReplyDelete8-kalantas -ThomRyan-
ReplyDeleteSIPAG ABATA HAHAHAHA
DeleteIsyempere hahahah
DeleteAmporkchop HAHAHHA -secretary-
Delete8 bakawan
ReplyDelete8-kalantas♥️ -secretary-
ReplyDeletegrabi naman si ate mo darda
DeleteYoko na mag aral"
ReplyDeletePero tinapos to"
grabi kana talaga sir
ReplyDeletemay galit ka siguro samin sir
ReplyDeleteSir dami niyan ah pwede bawasan?? AHAHAHHAAHHA
ReplyDeleteSir ano to sir essay?? ðŸ˜
ReplyDeletegusto konang bumitaw de joke lang para sa grades!
ReplyDeletesir pagod na'ko
ReplyDeletehumihinga pa naman sir
ReplyDeleteDami sirr HAHHAHAHA pero kakayanin!!!
ReplyDeleteDami naman sir pero ok lng kaya naman 😊
ReplyDeletegrabe naman sir, dapat pala nag hero z nalang ako
ReplyDeleteDapat ako den
DeleteAng dami sirr HHAHAHAHA
ReplyDeleteAng Dami serrr
ReplyDeleteDone na po
ReplyDeleteIm happy to announce na tapos na ako sa wakasðŸ˜
ReplyDeletehaba
ReplyDeletekayapa
ReplyDeleteSir GL naman dami ser eh
ReplyDelete8-molave
Ang haba sir nakakapagod
ReplyDeleteNamamaga na kamay ko sir
ReplyDeletePara sayu to Eunice sa bignay ^^^
ReplyDeletesirr sakit na ng kamay ko💔
ReplyDeleteHabaaaaa
ReplyDeletepara sa grades
ReplyDeletecute mo sir
ReplyDeleteSir ang habaðŸ˜ðŸ˜ sakit sa kamay
ReplyDelete-catalan