Gagawan ko palang sana ng article ang pila baldeng ambulance sa EDSA. kada tatlong segundo may Signal na maririnig na tila'y may hinahabol na oras.. Buhay!
Mula January 1 naoobserbahan ko na busy mga ambulance. Habang dumaraan ang araw mas lalo silang nagiging busy.. Bonus pa ang convoy ng mga ambulance not once, not twice but many times.
Kasabay ng tila patrolya ng mga ambulansya.. Lumalaki ang bilang ng positive cases ngayon.. Expected naman sa lalong pagdami ng ambulance sa kalsada.
Sa dami ng naoobserbahan ko sa kalsada.. Kabilang na pala kami doon.. Sa dapat obserbahan.
Mabuti na lamang at may something else na nag-push saking bumili ng medicine for fever and cough bago dumating ang sintomas at maramdaman namin ito.
Nagsimula sa pagkasilaw sa liwanag, pagsakit ng lalamunan, pagkawala ng boses, pagkakaroon ng ubo, lagnat, at trangkaso.. Bonus pa "CHILL" kahit sa katanghaliang tapat.
Nakakaramdam karin ng stress na tila nakagapos ang iyong mga paa at kamay.. Kasabay na paano mo mabibigay ang basic needs ng pamilya na ang RUNNER ay lubhang naapektuhan ngayon.
Thank God.. Kung sinarado man ang pintuan, may bintanang magbubukas para sayo.
Sa ngayon, we're still fighting.. Hope na malampasan ito hindi lang ng aming pamilya kundi ng lahat.
Umani ng malawakang batikos ang LandBank mula sa mga guro ng bansa. Ito'y matapos magkaroon ng technical problem ang bangko sa lahat ng electronic banking channels nito kasama na ang ATM sa araw ng sweldo ng mga guro noong July 20, 2018.
Samu't saring inis, galit, at pagod ang dinanas ng mga guro upang makuha lamang ang kanilang sahod mula sa naturang bangko. Kinakailangan kasi nilang pumila sa napakahaba at napakatagal na pila sa bangko upang magkaroon ng over-the-counter withdrawal.
Ayon kay Teachers' Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, "yung ma-delay ng isang araw ang aming sahod ay napahirap na sapagkat minsan isang buwan lamang ang pagdating ng suweldo sa DepEd." Aniya, sa ganitong sitwasyon ng mga guro, mahirap gumastos at huwag naman sanang dumagdag ang LandBank sa mga pasakit na dinaranas ng mga guro.
Kasabay ng aberya sa naturang bangko, naglabas naman ito ng advisory kasama na rin ang kanilang paghingi ng paumanhin sa mga gurong naapektuhan. Nagbigay rin ito ng extension hours para bigyan ng serbisyo ang mga gurong hindi umabot sa office hours. Nagbukas rin ang bangko ng Sabado hanggang Linggo ng tanghali ng kanilang serbisyo hanggang sa tuluyang bumalik ang kanilang electronic channels services at ATM.
Nakapanayam ng ABS-CBN's Reporter Jasmin Romero si Teachers' Dignity Coalition National Chair Benjo Basas noong July 13, 2018 ukol sa kawalan ng registered guidance counselors and professional nurses or medical workers ang mga pampublikong paaralan sa bansa. Kasama rin ang epekto nito sa mga pampublikong mag-aaral.
Isa kasing problema ang mataas na kwalipikasyon para maging isang guidance counselor na hindi ma-comply ng nakararami subalit maliit lamang ang sahod na katumbas ng Teacher 1. Ayon kay TDC National Chair Basas, marapat na ma-amend ang batas para rito upang maisa-ayos ang dapat maayos.
Dagdag ni Basas, ang mga guro ay eksperto sa pagtuturo at hindi sa trabaho ng mga guidance counselor at nurse na kayang solusyunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na labas sa kakayanan ng mga guro.
Base sa mga sumbong ng ilang mga guro, karaniwang inilalagay kasi na guidance counselor ang mga guro sa EsP Department at school nurse naman ay nanggagaling sa MAPEH Department o sino mang matipuhang guro na ilagay doon. Anila, mismatch ang nangyayari dahil minsan ay kung sino lamang ang nailalagay na wala namang kaalaman sa posisyon.
Malaking bagay umano ang magkaroon ng guidance counselor at nurse sa school upang ma-address at masolusyunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Hindi kasi mabibigyang lunas ang tunay na problema ng bata kung hindi nalalaman at nagagamot ang tunay nitong problema.
Ang edukasyon ang susi ng kaunlaran ng bayan. Ito rin ang kayamanang hindi mananakaw ninuman na pamana ng ating mga magulang at maging ng ating lahi. Kaya naman, ito rin ang parating nasa isip ng karamihan kaya pumapasok sa paralan at ginagapang ang hirap para makatapos lamang ng pag-aaral. Ang iba nama'y pumapasok lamang ng paaralan dahil ito'y nakagawian ng karamihan.
Iba ang buhay mag-aaral sa sentro ng kalakalan o kamaynilaan kumpara sa mga lalawigan o mga probinsya ng bansa. Sa Metro Manila kasi, apat hanggang anim na oras lamang ang nilalagi ng mga mag-aaral sa kani-kanilang paaralan dahil sa kakulangan ng classrooms sa dami ng mga enrollees. Sa probinsya naman, halos buong araw dahil sa maliit na bilang ng enrollees at kakayanan ng paaralan na ma-accomodate ang bilang ng mga estudyante. Malaki rin ang kaibahan sa pag-uugali ng mga mag-aaral, marami kasi sa kamaynilaan ang hindi nakatutok sa kanilang pag-aaral dahil sa dami ng mga tuksong pumupukaw sa atensyon ng bawat mag-aaral tulad ng computer, internet, malls, parks, barkada, at iba pa. Sa probinsya naman, hindi ganoon kalakas ang tukso lalo na sa mga malalayo sa sentrong bayan. Mas marami namang kakayanan ang taga-Maynila na gamitin ang teknolohiya sa pag-aaral kumpara sa probinsya na bilang lamang ang lugar na mayroon nito.
Paano kaya kung hindi lamang teknolohiya, ugali, at tukso sa pag-aaral tulad ng mga nararanasan ng mga taga-Maynila ang humaharap na problema hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa mga guro ng isang paaralan? Makakaya mo kaya?
Ito ang nararanasan ng mga mag-aaral lalo na ng kanilang guro sa Siya Elementary School sa Tapaz, Capiz. Sa isang panayam mula sa tumatayong school head nila, Ma. Jane A. Gardose, Head teacher I, kalbaryo ang nararanasan nila papuntang paaralan dahil mula sa kanilang tahanan sa bayan, sasakay sila sa habal-habal (motorcycle) upang makarating sa lugar kung saan sila magsisimulang maglakad ng siyam (9) na oras bago marating ang paaralang kanilang pinagsisilbihan. Hindi umano biro ito dahil hindi patag ang daanan, kailangan kasi nilang lakbayin ang bulubundukin at mga ilog na madaraanan upang maihatid lamang ang kaalaman na kailangan ng kanilang mag-aaral. Maliban pa rito, sakripisyo rin sa kanila ang pagtuturo dahil kailangan nilang maging flexible dahil multi-grade ang hawak nila sa isang classroom bunsod ng kakulangan nito. Multigrade dahil hindi lamang isang level ang nasa isang silid-aralan kundi apat na baitang. Bukod pa rito ang kakulangan ng mga mag-aaral sa kanilang basic necessities tulad ng sinelas, uniform, school supplies, at iba pa. Nabiro nga ako ng kanilang school head na minsan napupunta pa sa kanilang estudyante ang kanilang sahod dahil minsan kailangan nilang magparaos ng feeding program para hindi magutom ang kanilang estudyante. Isa rin kasing problema nila ang malnourish na bata at panay liban nito sa klase dahil tumutulong sa kani-kanilang mga magulang. Hindi na rin nahiya ang kanilang school head na sabihing lumalapit siya sa mga kaibigan at kakilala upang magbigay donasyon para sa mga bata. Nangako naman ako na sisikapin kong ilapit ito sa media o sa kinauukulan upang makatulong sa kanila.
Makikita sa mga video sa ibaba ang biyahe nila papuntang paaralan kung saan sila nagtuturo. Mayroon ring mga larawan ng kanila mismong paaralan, tinutulugan, at mga mag-aaral.
Nawa'y maging instrumento ito para mailapit sa inyo at upang makapagbigay kayo ng tulong sa kanila upang sa lalong ikagaganda ng kanilang paaralan at ikasisiya ng kanilang mga estudyante. Marapat ring bigyan ng saludo ang mga gurong nagtitiyagang tiisin ang hirap para lamang matulungan ang kanilang kababayan na maging edukado at hindi maging pabigat sa lipunan balang araw.
The role of a public school teacher is not simple as what others think about it. There are needs that the teacher should be knowledgeable, flexible, updated, disciplined, a parent, sincere and heartfelt, and many others.
In the midst of my lesson, I asked my students in Grade 7 to read his notes about the current news. I took around the four corners of the room when suddenly one of my students read his notes differently. He read differently from what was written on his notes so I tried to ask him to read it again with my eyes on his notes. I noticed that instead of reading it, He tried to say something out of what was written. I commanded him to read slowly while letting myself to correct syllables by syllables he read. So I concluded that he is not yet ready to compete in reading as what his colleagues can do. I simply put notes on his notebook addressed to his parent: "Please help and guide your son on reading." I told him to start practice reading with himself and then I will help and guide him every meeting we have in school. Although it is tiring and out of my service, I still have to do for his sake and help him to cope with the existing trends.
Yes, it is a good thing that he is only one again out of many students I handle today but yet it is alarming why he received his diploma in elementary school with reading and writing problems? He has difficulties even in consonants and vowels using his mother tongue. So what could be the consequences? could he meet the desire outcome of the institution if he can't even write a simple sentence? How he would grow if the basic knowledge he should obtain in his elementary school didn't meet? It is not a surprise to me to meet this kind of student today because I always observe different learning difficulties in many elementary graduates since I handle the grade 7 students.
There should have a review in the curriculum in the country, its learning materials, policies, and even the style of teaching. Somehow some orders, memos or even the programs made by the Department of Education are not fit or even address the total needs and demands of the stakeholders. Think about it?!?