Thursday, June 25, 2015

KARAPATAN, KAGALINGAN, DIGNIDAD NG GURO, IPAGLABAN!

May mga ilang dibisyon na may ulat na natanggap na ng mga guro ang PEI gaya sa mga lungsod sa CALABARZON (Tanauan, Batangas, Tayabas, Lucena, Dasma atbp), kinumpirma na ito ng ilan sa ating mga kapatid doon. Ibig sabihin ay tuluy-tuloy na rin ang pag-release nito sa iba pang mga dibisyon. Inaasahan nating makararating na rin ito sa lahat bago matappos ang buwan ayon na rin sa commitment ng DepEd Central Office sa atin.

Pinatutunayan lamang nito na totoo ang mga nauna nating impormasyong naibigay- EQUIVALENT TO ONE MONTH SALARY ANG PEI 2015 AT MAIBIBIGAY SA BUWAN NG HUNYO.

Gayunman, masasabi nating late pa rin ito sapagkat as early as June 1 sana ay maaari nang mag-release dahil may pondo namang inilaan para dito sa 2015 budget.

ISA PA PO AT HUWAG NATING KALILIMUTAN, PATULOY ANG ATING PANAWAGAN PARA SA P10, 000 ACROSS-THE-BOARD INCREASE SA ATING SAHOD. TANDAANG MAGMULA NOONG UMUPO SA POSISYON, WALANG INISYATIBA ANG PAMAHALAANG AQUINO NA UMENTUHAN ANG SUWELDO NG MGA GURO AT EMEPLEYADO NG GOBYERNO. ANG ADJUSTMENT SA ATING SUWELDO NOONG 2011 AT 2012 AY MULA PA SA SSL-3 OF 2009 NOONG ADMINISTRASYONG ARROYO.

KARAPATAN, KAGALINGAN, DIGNIDAD NG GURO, IPAGLABAN!
ATING GURO Partylist/ Teachers' Dignity Coalition (TDC)

Please share or re-post!

No comments:

Post a Comment