Wednesday, September 2, 2026

AP8 TERM 1 EXAMINATION

EASY (RECALL/REMEMBERING)

 

Panuto: Piliin ang titik na tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng daigdig.

A. Heograpiya

B. Siyensya

C. Sikolohiya

D. Edukasyon

 

2. May tatlong parte ang ating mundo, ano ang tawag sa pinakamainit na parte nito?

A. Crust

B. Core

C. Mantle

D. Lava

 

3. Saan sa mundo makikita ang Europa?

A. Silangan

B. Hilaga

C. Kanluran

D. Timog

 

4. Kung ang rainbow ay may pitong kulay, Ilan ang kontinente sa mundo?

A. 8

B. 9

C. 6

D. 7

 

5. Ito ang sinasabing “Lunduyan ng Unang Kabihasnan” na umusbong sa pagitan ng dalawang ilog.

A. Mesopotamia

B. Mesoamerica

C. Huang Ho

D. Indus

 

6. Ang ilog na ito ay kulay dilaw at sinasabing “River of Sorrow” dahil sa mga buhay na nabubuwis dito kada taon.

A. Indus River

B. Huang Ho

C. Nile River

D. Mediterano

 

7. Siya ang nagtatag ng Kabihasnang Minoan na sinasabing anak ni Zeus.

A. Artemian

B. Draco

C. Haring Minos

D. Alexander the Great

 

8. Ito ang sentrong bayan at kabisera ng Kabihasnang Minoan.

A. Agora

B. Polis

C. Acropolis

D. Knossos

 

9. Ito ay nangangahulugang Gitnang Amerika o Central America. Dito umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa America.

A. Mesoamerica

B. Mesopotamia

C. Rehiyon sa Pacific

D. Aztec

 

10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang malinaw na nagpapakita ng tema ng interaksiyon ng tao at kapaligiran?

A. Ang Pilipinas ay kasapi ng ASEAN

B. Ang pangingisda ay aktibong kabuhayan dahil napalilibutan ng dagat ang bansa

C. Ang Singapore ay nasa 103º 50ʹ silangang longhitud

D. Ang Portugal ay may wikang Portuges

 

11. Naglalarawan ng mga paniniwala, ritwal, at tradisyon na konektado sa espirituwalidad.

a. rehiyon

b. religare

c. relihiyon

d. renaissance

 

12. Ano ang istrukturang nagsisilbing tahanan ng Diyos ng mga Sumerian?

a. Pyramid

b. Ziggurat

c. Simbahan

d. Dambana

 

13. Sa lipunang Ehipto, sino ang tinuturing nilang haring-pari?

a. Pope

b. Hari

c. Pharaoh

d. Emperador

 

14. Ito ang lipunang humahati sa katayuan ng tao sa India.

a. Batas

b. Judicial System

c. Paaralan

d. Caste System

 

15. Sa lipunang India, ito ang pinakamataas at ginagalang na mga tao.

a. Brahmin

b. Kshatriya

c. Vaishya

d. Sudra

 

16. Ito ang pinakaunang kabihasnang nabuo sa Europa.

a. Indus

b. Minoan

c. Shang

d. Sumer

 

17. Ito ay nangangahulugang lungsod-estado na nagmula sa salitang pulisiya, politico, at politika.

a. acropolis

b. agora

c. polis

d. Knossos

 

18. Ano ang tawag sa pamilihang bayan ng mga minoan?

a. palengke

b. supermarket

c. knossos

d. agora

 

19. Tawag sa mayayamang tao sa Athens.

a. Patrician

b. Elite

c. Noble

d. Maharlika

 

20. Ito ang mamamayang mandirigma sa kabihasnang Greece.

a. Athens

b. Sparta

c. Minoan

d. Mycenaean

 

21. Ano ang tawag sa lungsod na bumagsak noong 1453 at naging simula ng kapangyarihan ng Ottoman Empire?

A. Rome

B. Constantinople

C. Athens

D. Florence

 

22. Sino ang emperador na nagtatag ng Constantinople noong 330 CE?

A. Emperor Constantine

B. Alexander the Great

C. Haring Philip

D. Haring Minos

 

23. Ano ang pangunahing dahilan ng Repormasyon sa Europa?

A. Paglaganap ng Islam

B. Pagbenta ng indulhensya at katiwalian sa simbahan

C. Pagbagsak ng Constantinople

D. Pag-usbong ng merkantilismo

 

24. Ano ang naging tugon ng Simbahang Katoliko upang pigilan ang paglaganap ng Protestantismo?

A. Indulhensya

B. Repormasyon

C. Kontra-Repormasyon

D. Dasal

 

25. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Europeo sa paggalugad ng bagong lupain?

A. Makahanap ng bagong ruta para sa kalakalan at ginto, pampalasa, at yaman.

B. Maghiganti laban sa mga Turkong Muslim.

C. Makakita ng magagandang tanawin.

D. Sumunod sa utos ng kanilang hari.

 

26. Sino ang tinaguriang “The Navigator” na nagpatayo ng paaralan ng nabigasyon sa Portugal?

A. Ferdinand Magellan

B. Prince Henry ng Portugal.

C. Ibn Battuta

D. Marco Polo

 

27. Anong ruta ang natuklasan ni Bartholomeu Dias noong 1488?

A. Constantinople

B. Africa

C. Cape of Good Hope.

D. India

 

28. Sino ang nakarating sa India noong 1497 matapos umikot sa Cape of Good Hope?

A. Ferdinand Magellan

B. Ibn Battuta

C. Marco Polo

D. Vasco da Gama.

 

29. Ano ang tawag sa hindi nakikitang linya na iginuhit ni Pope Alexander VI upang hatiin ang mundo sa Spain at Portugal?

A. Demarcation Line

B. Ekwador

C. Longitude

D. Latitude

 

30. Sino ang unang nakarating sa Pilipinas noong 1521?

A. Ferdinand Magellan

B. Marco Polo

C. Christopher Columbus

D. Prince Henry

 

31. Ano ang tawag sa kasunduan na naghati sa mundo sa pagitan ng Spain at Portugal?

A. Treaty of Tordesillas

B. Treaty of Paris

C. Treaty of Mongolia

D. Treatises

 

32. Anong bansa ang sumakop sa India at nagtatag ng East India Company?

A. Britain

B. Japan

C. Canada

D. America

 

33. Sino ang kilalang manlalakbay mula Venice na nagbigay-inspirasyon sa mga Europeo sa paggalugad?

A. Marco Polo

B. Vasco de Gama

C. Ferdinand Magellan

D. King Philip

 

34. Ano ang pangunahing layunin ng mga Europeo sa pagpunta sa Asya?

A. Kalakalan ng pampalasa, ginto, at yaman

B. Makakita ng mga Pwedeng Pasyalan

C. Makaiwas na maparusahan mula sa utos ng hari

D. Maikot ang mundo

 

AVERAGE

 

ANALYSIS 

35. Alamin ang tamang paliwanag tungkol sa pahayag: Ang Renaissance ay kilala bilang “Muling Pagsilang” na nagpasimula sa Italya.

A. Ito ay tama dahil ang kahulugan ng Renaissance ay Muling Pagsilang.

B. Ito ay mali dahil ang Renaissance ay ang Italya.

C. Ito ay Tama dahil ang Renaissance ay isinilang.

D. Ito ay mali dahil hindi isinisilang muli ang isang bansa.

 

Application 

36. Kung ikaw ay isang mangangalakal sa Europa noong ika-15 siglo, paano makaaapekto sa kalakalan ang pagbagsak ng Constantinople sa kamay ng Ottoman Empire?

A. Ang pagbagsak ng Constantinople ay walang kinalaman sa pag-unlad ng kalakalan.

B. Magiging magandang oportunidad ito para sa mga Mediterano.

C. Isinara ng Ottoman Empire ang dating ruta patungong Asya. Dahil dito, napilitan ang mga mangangalakal na maghanap ng bagong ruta sa dagat.

D. Ang Paglakas ng Ottoman Empire ay nagdudulot ng giyera sa pagitan ng Europa at Asya.

 

Analysis 

37. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang Renaissance sa pagbuti ng pamumuhay ng mga tao sa Europa.

A. Ang Renaissance ay nakatulong upang magbagong buhay ang mga tao.

B. Naging mahalaga ito sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao dahil nagbigay-diin sa humanism at paggamit ng agham sa halip na relihiyon lamang.

C. Ito ang nagging daan upang lumawak ang pananaw ng mga Asyano.

D. Nakatulong ito upang lalong yumaman ang mga maharlikang Europeo.

 

Comparative 

38. Ihambing ang layunin ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon.

A. Ang Repormasyon ay kilusan laban sa katiwalian ng Simbahang Katoliko na nagbunga ng mga bagong relihiyon gaya ng Protestantismo. Samantalang ang Kontra-Repormasyon ay tugon ng Simbahang Katoliko upang ipagtanggol ang kanilang kapangyarihan.

B. Ang repormasyon ay pagbabago ng asal samantalang ang kontra repormasyon ay nagbabawal sa pagbabagong ito.

C. Ito ay programa ng bawat isa sa kanila na dapat pagtuunan ng pansin kung kahalagahan ng buhay ng tao.

D. Ang repormasyon ang naging susi sa lumakas ang Katoliko habang ang kontra-repormasyon naman ang lumalaban sa simbahan.

 

APPLICATION

39. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang mga isinulat ni Marco Polo sa pag-udyok ng mga Europeo na maggalugad ng bagong ruta.

A. Nagbigay-inspirasyon sa mga Europeo na tuklasin ang Asya dahil sa kanyang paglalarawan ng kayamanan at kultura ng China.

B. Nakatulong ito upang dumami ang manunulat at pumunta sa asya.

C. Ito ang naghudyat upang lisanin ang unang nakagawian at tumutok lamang sa paglalakbay.

D. Naging sagabal ito sa paglakas ng Ottoman Empire dahil wala nang dumadaan sa kanila.

 

ANALYSIS

40. Ano ang naging epekto ng pagtuklas ni Columbus sa Bahamas at Hispaniola sa ekonomiya ng Spain?

A. Nagbigay daan ito upang lalong sumikat si Columbus.

B. Naging lalong agresibo ang Ottoman Empire upang labanan ang Spain.

C. Nagbukas ng bagong lupain para sa Spain, nagpasimula ng kolonyalismo, at nagdala ng yaman mula sa America.

D. Nagbigay-daan ito sa paghina ng ekonomiya ng Spain dahil sa takot.

 

41. Paano napatunayan ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan na maaaring ikutin ang mundo?

A. Napatunayan niya na pwedeng pumunta at maglakbay Kahit saan.

B. Napatunayan niyang sa kanya lang umiikot ang mundo ng tao.

C. Napatunayang hindi lahat ng bagay ay naiikot sa kamay ng isang tao.

D. Napatunayan na umiikot ang mundo at may koneksyon ang lahat ng karagatan.

 

ANALYSIS

42. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang mga ruta ng kalakalan sa pagpasok ng mga Europeo sa Asya.

A. Ang mga rutang ito ang nagsilbing pananggalang ng mga Europeo sa Asya.

B. Ito ang nagbigay-daan upang magkaroon ng usaping pangkapayapaan ang mga Europeo sa mga Turkong Muslim.

C. Ito ang nagsilbing gabay upang malaman ang kahalagahan ng kapaligiran.

D. Ginamit ang Silk Road at dagat upang makapasok sa Asya; nagbukas ng bagong ruta sa Indian Ocean at Spice Islands.

 

APPLICATION

43. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo ng Spain sa Pilipinas sa aspeto ng relihiyon at kultura?

A. Paglaganap ng Kristiyanismo, pagbabago sa kultura, at pagtatatag ng kolonyal na pamahalaan.

B. Napangalagaan nito ang reputasyon ng mga Pilipino.

C. Napreserba nito ang relihiyon at kultura ng ating bansa.

D. Nagsilbing babala ito sa Spain na hindi tayo patitinag sa kalaban.

 

ANALYSIS

44. Paano nakatulong ang mga teknolohiyang nabigasyon (kompas, astrolabe, caravel) sa pagtagumpay ng mga Europeo sa Asya?

A. Nakatulong ito upang lalong umunlad ang ekonomiya ng mga Europeo sa pagbebenta ng mga teknolohiyang nabigasyon sa Asya.

B. Ito ang naging sandata nila laban sa Asya.

C. Kompas, astrolabe, at caravel ay nagbigay ng mas ligtas at mabilis na paglalayag; naging susi sa tagumpay ng eksplorasyon.

D. Ito ang naging alas nila para mabilis na mauto ang Asya.

 

difficult

 

Evaluation 

45. Paano nagbago ang balanse ng kapangyarihan sa Europa matapos ang pagbagsak ng Constantinople noong 1453?

A. Lumakas ang Ottoman Empire at isinara ang dating rutang pangkalakalan patungong Asya. Ito naman ang panahon na umangat ang Spain at Portugal na naghanap ng bagong ruta sa dagat.

B. Nakakuha rin ng kakampi ang Europa laban sa Turkong Muslim.

C. Hindi na kinatakutan ang mga Turkong Muslim matapos bumagsak ang Constantinople.

D. Nagpalakas ng alyansang military ang mga Europeo upang matapatan ang lumalakas na Ottoman Empire.

 

Analysis 

46. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang Renaissance sa pagbuo ng mga bagong pananaw sa agham at pilosopiya na kalaunan ay nagbigay-daan sa Scientific Revolution.

A. Ang Renaissance ay nagbigay-diin sa humanism at paggamit ng rason, obserbasyon, at eksperimento sa halip na umasa lamang sa relihiyon.

B. Ito ay naging sandata ng Simbahang Katoliko upang lalong mapalakas nito ang paniniwala sa Diyos ng mga Europeo.

C. Ito ang nagsilbing daan upang isilang muli ang mga tao mula sa kanilang maling gawi.

D. Ang Renaissance ang nagtulak sa tao na dapat irespeto ang Diyos Lalo na ang naglilingkod sa kanya.

 

EVALUATION

47. Suriin kung paano nagbago ang balanse ng kapangyarihan sa Europa dahil sa tunggalian ng Portugal at Spain sa panahon ng paggalugad.

A. Hindi nagbago ang balance sa kapangyarihan sa Europa dahil kapwa nagpalakas ng alyansa ang Spain at Portugal.

B. Nagbago ang balance ng kapangyarihan sa Europa dahil napunta ang Hilaga sa Spain at sa Portugal naman ang timog.

C. Namagitan ang Santo Papa na dapat manatili ang pananampalataya subalit nagtaksil ang Spain.

D. Nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng Spain at Portugal; Spain lumakas sa America, Portugal sa Asya at Africa; nagbago ang sentro ng kapangyarihan mula Mediterranean patungong Atlantic.

 

48. Paano natulungan ang mga Europa na makapaglakbay ng mabilis sa dagat?

A. Tinuro ni Marco Polo ang tamang daan at kaligtasan.

B. Gumamit sila ng mga modernong barko na mas mabilis sa dati nilang gamit.

C. Sinundan nila ang daang ginamit ni Christopher Columbus upang makapaglakbay ng mabilis.

D. Ginamit nila ang mga kasangkapan tulad ng compass at astrolabe upang saktong mapuntahan ang kanilang nais

 

 

EVALUATION

49. Paano nakatulong ang kolonyalismo sa pagbuo ng mga bagong istrukturang panlipunan sa Asya, at ano ang naging epekto nito sa mga lokal na mamamayan?

A. Nagkaroon ng bagong uri ng lipunan (mestizo, encomienda system), pagbabago sa pamumuhay ng lokal na mamamayan, at pagkawala ng ilang tradisyunal na gawi.

B. Nag-isponsor ng mga gusali ang mga Europeo at ginawang Maharlika ang taga-Asya.

C. Nawala ang pangamba ng mga Asyano sa mga mababagsik na lider sa tulong ng mga Europeo.

D. Naging daan ito upang maramdaman ng mga Asyano ang proteksyon sa kalamidad, posisyon sa pamahalaan, at kayamanan.

 

SYNTHESIS

50. Kung pagsasamahin ang mga epekto ng kolonyalismo sa Asya at America, ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa aspeto ng politika, ekonomiya, at kultura?

A. Nagkakatulad ito sa Paglaganap ng Kristiyanismo, pagsasamantala sa yaman, at pagbagsak ng lokal na kultura. Samantalang nagkakaiba naman sa America na nagresulta sa halos ganap na pagkawasak ng mga imperyo (Aztec, Inca) at sa Asya na mas nakatuon sa kalakalan at pamamahala ng kolonya.

B. nagkaroon ng pagkakatulad sa pag-angat ng buhay at pagrespeto sa kakayahan ng mga Asyano at pagkakaiba naman sa kultura ng mga Asyano sa Mundo.

C. Lumaganap ang kayamanan, respeto, at paniniwala ng Asya sa mundo subalit nagkanya kanya sila ng paniniwala at kakampihan.

D. Hindi naging ganap ang penetrasyon ng mga Europeo sa Asya dahil kakayanan nitong makipagtapatan sa kakayanan nila.