Showing posts with label Personalities. Show all posts
Showing posts with label Personalities. Show all posts

Sunday, December 6, 2015

4TH NOMINEE - ATING GURO PARTYLIST

Raquel D Castillo
Fourth Nominee - Ating Guro Partylist
Deputy Secretary-General - Ating Guro Partylist

Raquel Castillo is an education policy analyst and advocacy campaign strategist.  In the past 15 years, she mobilized commitment around the broad Education For All (EFA) agenda, with focus on quality lifelong learning, education financing and governance, and gender equality in education. She was former National Coordinator of E-Net Philippines and Advocacy and Campaigns Coordinator of the Asia South Pacific Association for Basic and Adult Education.

A graduate of the Philippine Science High School and UP at Los Banos, she has been part of the UNESCO Asia-Pacific Regional Office Thematic Working Group for EFA, the TWG on Multilingual Education, the UN Girls Education Initiative (UNGEI) East Asia and Pacific, and the Decent Learning and Decent Work Group of the International Council for Adult Education (ICAE).

Ms. Castillo is currently the Lead Convener of the Stakeholder Partnerships for Education and Lifelong Learning (SPELL) and a Fellow of the People's Public Finance Institute. As the Deputy Secretary-General of Ating Guro Partylist, she seeks to contribute towards localization of the Global Education Goals 2030 and strengthening of the political voice of the education sector in the Philippines.

"HEAD, HEART, HANDS, HEALTH, HOME – FOR INCLUSIVE AND QUALITY LIFELONG LEARNING!"

Saturday, November 14, 2015

5TH NOMINEE - ATING GURO PARTYLIST

Juanito B. Dona, Jr.
5th Nominee, Ating Guro Partylist
Secretary-General, Ating Guro Partylist
Faculty member, St. Scholastica's College, Manila
jrdona@yahoo.com

Si Juanito B. Dona, Jr. ay isang guro sa isang pribadong paaralan (St. Scholastica's College, Manila), kasalukuyang Secretary-General at huliý 5th Nominee ng Ating Guro Partylist.

Nagtapos ng Master of Arts in Social Science sa Philippine Normal University (1992-1993) at sa Pangasinan State Univeristy naman ang kanyang Bachelor of Secondary Education major in Social Science.

Nagsilbing trainor, facilitator, at speaker sa mga seminar-workshops in Human Rights Pedagogy na ginanap sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas at sa Development of Human Rights Modules para sa elementary and secondary schools sa ilalim ng pagtutulungan ng Department of Education Culture and Sports (DECS) at Jose W. Diokno Foundation, Inc. noong 1993-1998. Naging Delegado sa UNESCO Southeast Asian Seminar-workshop for the Conservation of World Heritage Sites and Monuments na ginanap sa Vigan City.

Nakapag-publish ng Habing Kaalaman at Palaisipan, at Electoral Process Board Game for Social Studies. Co-author ng Kodigo sa Halalan (SSC-Grade School Electoral Process Module).

Isa sa mga founder ng Pambansang Samahan ng mga Guro sa Agham Panlipunan at kasalukuyang opisyal at aktibong miyembro ng Ating Guro Partylist.


Thursday, August 6, 2015

Ang Idol Kong si Sir Diomer!

The purpose of our lives is to be happy

Pinuno ng paaralan...
Guro ng silid-aralan...
Ama ng mga mag-aaral...
Janitor ng sambayan...
Makabagong kaisipan...
Masipag na mamamayan...
Si Sir Diomer Yan!

Ang pagiging lider ay hindi lamang nakalagay sa papel. Hindi rin ito promosyon para sa mas mataas na sahod. Ito ay sinasabuhay para makahugot ng mas maraming lider na magiging pag-asa ng bayan sa hinaharap. 

Ang posisyon ay hindi lamang magbibigay sa'yo ng karangalan kundi nagsasabi ito ng mas mataas at malawak na responsibilidad at obligasyon sa iba. Kaya naman, ang pagiging lider ay hindi basta-basta dahil nangangailangan ito ng mas malawak na karanasan, mas mabiyayang kaisipan at sandamukal na pasensya para sa mas maaayos at matatag na samahan para sa iisang layunin.

Isa si Diomer Dela Rosa Dy ng Masaguisi Elementary School, Marinduque. Nakitaan ko siya ng kakayanan para masabing lider na may patutunguhan at posibleng magbigay ng mas maraming responsableng lider sa hinaharap. Sa kanyang mga gawi at asal, hindi maikukubli ang iyong paghanga dahil sa kanyang ipinapakita at isinasagawa.

Nakakatuwang isipin na may pinuno pa rin na kayang magwalis sa bubungan ng paaralan dahil madalang itong makita sa iba. Kadalasan ang mga janitor o utusan sa paaralan ang pinapagawa nito subalit iba kay Sir Diomer, hands on kasi siya sa kanyang mga estudyante at gusto niyang maging ehemplo siya sa iba.

Sa pakikipanayam sa kanya, nalaman ko na siya ay Head Teacher II sa paaralang pinaglilingkuran. Wala umanong principal dito at siya lamang ang nangangasiwa sa eskwelahan. Nagtuturo pa rin siya sa kabila ng kanyang posisyon na hindi ginagawa ng karamihan. Aniya, masaya niyang ginagawa sa araw-araw ang iba't ibang gawain tulad ng pangangasiwa ng kanyang nasasakupang mga guro, taga-turo ng disiplina sa mga mag-aaral, promotor ng mga gawain na hindi kadalasang ginagawa ng ibang lider gaya ng pagwawalis ng bubong na sadyang delikado, paghubog sa mga batang Nurse at batang Police na malaking tulong para makita ng mga mag-aaral ang disiplina at malaking ambag nito sa lipunan, pag-akay sa kanyang kaguruan at estudyante para sa makabagong teknolohiya, at pagpapatupad ng PILA 101 na tatatak sa sambayanan. Sa PILA 101 kasi, tinuruan niya ang mga mag-aaral na pumila mula sa paaralan hanggang makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Napakapalad ng mga guro at estudyante sa ilalim ng kanyang pamamahala dahil hindi lamang ang pag-aaral at pagtuturo ng asignatura ang naibabahagi niya kundi ang pagpapakatao. Natututunan din ng kanyang mga nasasakupan ang kanilang papel para maging PAG-ASA NG BAYAN.

Nawa'y marami pang mga lider ang katulad mo na hindi nakakalimutang tumapak sa lupa. Marami kasi ang nabubulagan sa kanilang posisyon at mas pinipiling maging bulag sa katotohan na may mas malaki at mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanila. 

Saludo ako sa'yo Sir Diomer. Mabuhay ka!
 Naglilinis si Sir


Mga Batang Pulis
 PILA 101

 Ang inyong Lingkod