Ginanap kahapon ang ikalawang pangkalahatang pagtitipon ng mga guro ng Caloocan City na kasapi ng Caloocan North Mentors Ville Association Inc. sa Tala Elementary School.
Layon ng pagtitipong ito na magkaroon ng kalinawan sa nilalatag na programa para sa mga guro na susuportahan naman ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City, Department of Education, Pag-ibig fund at Habitat for Humanities.
Sa programang ito, magtatayo ng pabahay para sa mga guro ng Caloocan. Mababa lamang ang halagang babayaran kumpara sa halagang inilalako ng mga real state businesses sa bansa. Ang bracket ng bayaran ay depende pa sa mapagkakasunduan.
Nilalagare pa sa kasalukuyan ang lugar na pagtatayuan ng pabahay. Nakadepende pa rin kasi sa kagustuhan ng mga guro na tumira sa lugar dahil may kinalaman ito sa layo o lapit ng paaralang tinuturuan.
kasalukuyan pa umanong tumatanggap ng aplikanteng guro ng Caloocan City ang nasabing grupo. Ito'y dahil hindi pa napupuno ang 900 alokasyon para sa laki ng lugar na napili kung ito'y maisapinal na.
Hangad na rin ng nasabing grupo na maisakatuparan na ang nasabing programa upang magkaroon ng maayos na tahanan ang mga guro ng Caloocan.
No comments:
Post a Comment