Friday, December 18, 2015

BENJO BASAS, NAGLIBOT SA MINDANAO

Iba't ibang lugar sa Bansa ang nilibot ni Teachers' Dignity Coalition National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas kamakailan upang magbigay kaalaman at palakasin ang moral ng ating mga kaguruan.

Kabilang na rito ang Surigao City, Cotabato, at Davao del Sur sa Mindanao habang Dasmarinas, Cavite naman sa Luzon.

Dinaluhan ang gawain ng ilang daang mga guro ng bawat lugar na umaasang maging maayos at mabigyang pagpapahalaga ang kalagayan ng mga guro ng bansa.

Sinamantala rin ni Benjo Basas ang pagkakataon para makausap ng personal ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon sa lugar upang mapag-usapan ang ilang mga isyu na kinakaharap ng mga guro ng kanilang nasasakupan.

Inaasahan namang dadalo ang First Nominee sa Baguio City sa Linggo, December 20, 2015, kung saan gaganapin ang Ikatlong DepEd Legal Process Seminar ng TDC mula December 20 hanggang December 22, 2015. Gaganapin ito sa Romulo Hall sa Teachers' Camp.





No comments:

Post a Comment