Matagumpay na naisagawa ang ikatlong DepEd Legal Process Seminar ng Teachers' Dignity Coalition sa Teachers' Camp, Baguio City nitong December 20-22, 2015.
Nilahukan ito ng mahigit isandaang deligadong mga guro at kabataan mula sa iba't ibang panig ng Luzon kabilang na ang Regiona I, Region II, Region III, Region IV-A, Region V, Cordillera Autonomous Region o CAR at National Capital Region o NCR.
Naging guest speakers sina Atty. Ariz Cawilan, Legal Officer, DepEd NCR na nagbigay kalinawan sa DepEd Administrative Rules, Magna Carta at iba pang special laws para sa kaguruan; Danielle Tan, LENTE, na nagbigay naman ng kaalaman ukol sa Public School teachers and Election Laws at optional duty ng mga guro sa halalan; at si Atty. Leland Lopez, TDC Consutant, na nagpaliwanag sa pagkakaiba ng administrative laws at criminal laws.
Nagpaliwanag din si TDC National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas ng kaalaman ukol sa kasalukuyang isyu na kinakaharap ng mga guro ng bansa habang nakatuon naman ang paksa ni TDC Secretary-General Emmalyn Policarpio sa katawan ng TDC at house rules. Sinagot din nila ang mga katanungan na patuloy na umuusig sa kaisipan ng ating mga kaguruan.
Naging tagapagdaloy naman ng programa sina Kristofer Canillas ng TDC-NCR, Roger Benitez ng TDC-Central Luzon, at si Ating Guro Partylist Fifth Nominee Juanito Dona. Kasama ng TDC Staff ang mga Bagong Tatag na Kabataan ng TDC na siyang kakatawan sa national committee for youth.
Ayon kay Benjo Basas, malaking bagay ang mabigyang kaalaman ang ating mga kaguruan sa legal na proseso sa Kagawaran ng Edukasyon at maging sa mga batas na susuporta sa kapakanan ng mga guro. Aniya, hindi lamang umano ito natuturuan ang mga guro sa kani-kanilang dibisyon kundi nabibigyan din nito ng pagkakataon na maiayos ang sistema ng pamahalaan lalo na ang education sector.
Malaki rin umano ang magiging papel ng kabataan sa grupo lalo na ang mga kumukuha ng education courses dahil ngayon pa lamang ay magiging malinaw na sa kanila ang sistema at papel nila para baguhin ang maling pamamalakad at nakagawian ng mga opisyal ng pamahalaan.
Sa huli, umuwi ang mga dumalo ng may panibagong kaalaman at karanasan, kasiyahan, at pag-asang muling maranasan ang ganitong gawain.
No comments:
Post a Comment