Matagumpay na nairaos ang 2nd Batch ng National Seminar on DepEd Legal Process ng Teachers' Dignity Coalition sa Teachers' Camp, Baguio City noong nakaraang linggo, August 28-30, 2015.
Nilahukan ito ng mahigit 300 participants na Teachers, School Heads, Education Supervisors at iba pang nagnanais makaranas ng magandang dulot ng gawaing ito. Nagmula sila sa Regions 1-3, CAR, at ilang participants mula sa NCR, Region IV-A at IV-B.
Naging panauhing tagapagsalita sina Atty. Leland Lopez ng TDC-Ating Guro, Atty. Wade A. Latawan ng DepED Quezon City at Atty. Helen Graido ng LENTE. Tinalakay nila ang ilang mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng ating kaguruan at mga batas na poprotekta sa mga guro.
Inaasahan naman ng mga dumalo na magkaroon muli ng ganitong pagtitipon upang lalong maging maalam ang mga guro ng bansa lalo na sa batas na magiging sandalan nila sa panahong may problema.
Mabuhay ang Ating Guro!
No comments:
Post a Comment