Narito ang sagot ni Teachers' Dignity Coalition / Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas ukol sa kumalat na video na kinasangkutan ng guro ng Baesa High School sa kanyang estudyante kung saan siya ay naka-TAG kamakailan.
"Sa FB friends ko sa dalawang accounts, tungkol sa tagged video sa akin nitong mga nkalipas na araw, pasensiya na at agad kong inalis iyon.
(PS-Paunang Sabi, ngayong umaga ay may interview din ako sa GMA-7 pero tungkol naman ito sa election duty ng public school teacher at malayung-malayo sa usaping ito.)
Biyernes nang may mag-pm sa akin sa Benjo Ating Guro Basas ukol sa video na hindi ko naman agad napanood dahil sa cp lang ito pumasok. Gayunman, agad kong inalis ang video na tagged sa akin ng isa sa mga alumni noong 90s. Sabado ay may magkasunod na tag sa akin, again mula sa mga alumni noong 90s din na agad ko ring inalis (ang hindi ko naialis agad ay yung tagged sa Ser Benjo AtingGuro Basas, ang account ko na para sa mga batang friends at Baesa HS alumni). Linggo nang umaga ng tawagan ako ng GMA 7 at humingi ng reaksiyon, nag-decline ako dahil una hindi ko pa napapanood ang video. Ikalawa parang mahirap magbigay ng komentaryo sa isang bagay na napakalapit sa iyo. Naunawaan naman ako ng reporter bagamat muli niya akong kinumbinsi early afternoon, muli akong tumanggi. Late afternoon ng ako’y pabiyahe papuntang San Rafael, Bulacan ay muli siyang tumawag at hihingin na lamang umano ang aking reaksiyon, generally sa ganitong mga insidente bilang TDC Chair, nagpaunlak ako ng panayam sa telepono (na tila hindi naman lumabas) upang maipahayag ang paggigiit ng due process sa mga ganitong kasong kinasasangkutan ng mga guro. Pagkatapos lamang nito ay saka ko napanood ang video sa magandang celfone ng isang kasama sa Bulacan. Gabi naman nang may tumawag sa akin na opisyal ng DepEd at humihingi sa akin ng detalye na hindi ko naman kayang naibigay. Yun ang pagkakataon na nag-text ako sa aking principal upang tumawag sana sa kanya, pero hindi rin kami nagkausap.
Narito ang aking dahilan kung bakit ko ito agad na inalis:
1. Ang pananatili nito sa aking profile ay nangangahulugan ng consent sa video tagged. At kung magkagayon, magiging conflict ito sa aking kasalukuyang trabaho- hindi pa bilang teacher sa Baesa HS kundi bilang National Chairman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), organisasyong may panatang ipagtanggol ang karapatan ng mga guro. Bagamat ang pag-upload sa nasabing video ay isang paraan ng pagresolba sa isyu, ito’y hindi naayon sa due process. Hindi sa ipinagtatanggol ko ang guro na nasa video, subalit may mga establisadong panuntunan ang DepEd na dapat sinusunod sa mga ganitong insidente.
2. Habang kumakalat ang video ay lalong nagiging maselan ito hindi lang para sa guro kundi pati na rin sa bata o mga batang sangkot. Hindi naman maayo na nasa aking account ang mga ganitong video lalo ngayong ipinagdiriwang pa naman natin ang National Teachers’ Month at World Teachers’ Day sa October 5.
Umaasa ako sa pagtatapos ng usaping ito sa lalong madaling panahon.
HAPPY TEACHERS’ DAY!
-BENJO BASAS
TDC / ATING GURO FIRST NOMINEE"
Sa video kasing kumalat, nakunang maingay ang mga estudyante sa classroom (nagtetext, susulat / drawing ng bagay sa blackboard, naghaharutan at iba) at sa kasalukuyang pag-iingay ay biglang pumasok ang isang babae na mukhang nanenermon at pinuntahan ang dalawang lalaking student sa kaliwang bahagi sa bandang dulo ng upuan. Hindi naman nabanggit kung ano ang ginagawa ni hindi rin nakunan ng video ang ginagawa ng dalawa. Sa galit ng babae, nagbabala ito na gagamit ng masamang salita hanggang marinig mula sa kanyang bibig ito... sabi niya, "gusto mo bang marinig sa mga guro niyong magmumura? putang-ina niyo!... matapos yun ay parang may hinawakan siya sa bandang balikat. Patuloy pa rin ang kanyang panenermon hanggang matapos ang video.
Habang nangyayari ang insidente ay tila hindi tinatablan ang mga estudyante dun, parang normal lang ang ganoong proseso sa kanila... ni hindi sila natitinag sa sermon? ganyan naba ang estudyante ngayon? imbes na magbasa ng kanilang libro o anumang sulatin para matuto e nagkukwentuhan? then kapag nanenermon ang guro o makapagbitaw ng masakit na salita e ipapahiya sa madla? dapat ang kinakasuhan dito e yung nag-upload ng video... hindi man lang niya naisip na mapapahiya ang babae lalo't kung guro man yun... ni hindi naisip ng nagupload ng video na may kalakip na kaso ang ginawa niya?
Hindi rin naman tama ang ginawa ng guro sa insidente, mas maige na palampasin muna niya ang kanyang galit bago humarap sa magugulong estudyanteng ganun... para hindi makagawa ng bagay na hindi gusto ng lahat. Pero hindi rin tamang ganun na lang lapastanganin ang papel ng guro dahil may mga estudyante talaga na tila galing sa burak na kabihasnan na hindi alam ang tamang respeto at tamang lugar... ni hindi rin ata alam na ang eskwelahan ay lugar para mag-aral ng aralin at hindi lugar para magkwentuhan at maglaro.
No comments:
Post a Comment