Makikiisa ang Teachers 'Dignity Coalition / Ating Guro Partylist kasama ang SINAG / Cultural Group sa gaganaping World Teachers Day Celebration sa Cuneta Astrodome sa darating na lunes sa susunod na buwan, October 5, 2015, kung saan posibleng daluhan ito ng libu-libong mga guro at iba pang kawani ng Kagawaran ng Edukasyon.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, magtatanghal ang SINAG / Cultural Group ng TDC sa hapon, mula ala-una hanggang matapos. Ang itatanghal ay hango pa rin sa mga natutunan ng mga guro mula sa huling seminar - workshop sa Baguio City ng TDC.
Ayon kay TDC / Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas, ang pakiisa ng mga guro sa nasabing selebrasyon ay pagpapakita ng kahalagahan at hindi matatawarang kakayahan ng mga guro sa bansa. Kasama rin sa plano ng grupo ang pakikipag-diyalogo sa Department of Budget and Management Secretary Butch Abad para sa SALARY INCREASE ng mga guro.
Kaya naman, hinihikayat ng grupo ang mga guro sa bansa lalo na sa National Capital Region na makiisa sa panawagan ng TDC para sa pagtaas ng sahod maging ang pagtutol sa kalabuan ng PBB/PEI at di makatarungang pagpapatupad ng RPMS.
Kasalukuyang naghahanda ang SINAG members para sa nalalapit na pagtatanghal sa pangunguna nina Jayson Cruz ng Mandaluyong at Anthony Cruz ng Malabon. Sa Huwebes, October 1, 2015, 1-5PM, naka-reset ang rehearsal sa Quezon City Division Office.
No comments:
Post a Comment