Saturday, August 29, 2015

KARA

KARA
Ni: Jessieto A. Abener

Pinong luntian sa paikot na daan
Umaalog na hangin sa tenga
Kasabay ng matunog na sitserya
Para kang adik na high sa ulap altidude
Batang musmos, kumakaway

Habang naglalakbay sumasabay ang alaala
Ng kahapong naging unang turista sa malamig na plaza
Mga taong nakangiti sa mga banyagang namumukod tangi
Magkasintahang nagsasagwan, pinagmamasdan.
Malalim na damdamin ay nagpapatianod.
Mababaw na tubig sa Burnham, animo'y nalulunod.

Malamig nasimoy ng hangin
ang dumadalisdis sa mabundok at mahamog na pasyalan
Panandaliang pagtakas sa magulo’t maingay na syudad ng Kamaynilaan.
Patungo sa tunay na paraisong gubat na sa libro madalas nasusulat.
Hay! Para kang dayuhan sa sariling bayan

Kasabay ng malakas na paghinto
ay pagkamulat sa makabagong realidad.
Rebulto ng dating pangulo may warak na sa ulo.
Sa libis ay matatanaw ang nagsulputang bahay
habang sa tabi’y umuusok ang animo'y hamog
sa mga bagay na nakatumpok.

Madilim na ng marating ko ang sentro.
Nasumpungan ang sarili sa loob ng isang banyagang restawran,
na nagsulputan na para bang mga tigyawat sa pisngi.
Habang humihigop ng maanghang na jjampong na isinilbi.

Naglalakad-lakad.
 Minamasdan ang mga taong nagse-session,
Mga humahalukay sa wagwagan sa mahabang daan.
Huminto sa isang sulok upang bumuga ng usok.
Natanaw ang Mariang si Kara ang pagpapakilala
“Sir, masahe?”, eksena sa Malate.

Lunsod na dating lunti
Ngayo'y mga ilaw sa tuktok ng gusali ang nakangiti.
SM na tambayan, dating puno ng halaman.
Matatayog na tahanan para sa panandaliang ti'rahan.


Habang nakahiga sa aking kwarto ay nasambit ko sa sarili.

Ang pook na may magandang Kara ay tila naglalaho na.


No comments:

Post a Comment