Pagtuturo ang pangunahing trabaho ng mga guro. Matiyaga, masigasig at epektibong pagtuturo. Yan ang pinag-aralan natin sa mga Kolehiyo ng Edukasyon. Yan din ang ipinagsusunog natin ng kilay sa ating graduate school. Magturo, yan ang dapat nating pagtuunan ng pansin at hindi ang magpasa ng santambak na reports, mag-ipon ng dokumento, magpa-picture, gumawa ng detailed lesson plan, magpasikat sa demo teaching, mag-practice, dumalo sa mga seminar na ang itinuturo ay mga dati na nating alam o mga bagay na di kailangan kundiman mga estratehiya o programang hindi maaaring magawa sa pampublikong paaralan. Ang lahat ng pagsasakrispisyo ng mga guro ay mawawalan ng saysay kung hindi tayo makapagtuturo.
Hindi masusukat ng timbangan o medida ang kalidad ng pagtuturo sapagkat ang guro ay hindi makina at ang produkto natin ay hindi simpleng kalakal lamang.
Nananatili ang ating paninindigan, RPMS ay Regulasyong Pahirap kina Ma'am at Sir!
Ibasura ang RPMS!
No comments:
Post a Comment