Magkakasabay na nagsimba ang Teachers'Dignity Coalition Leaders at Members sa Quiapo Church noong Biyernes, October 4, 2015, upang ipagdasal ang kaguruan ng bansa. Pinangunahan ito ni TDC National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas upang ipakita ang pagkakaisa ng mga guro para ipanalangin ang mga kahilingan at katuparan ng mga matagal na nitong pinanawagan sa gobyerno.
Ipinaglalaban kasi ng TDC at Ating Guro Partylist ang pag-apruba ng Salary Increase na noon pa dapat ipinatupad. Maliban pa rito, ipinanawagan din ang pagsuspinde ng K-12 dahil hindi pa handa ang bansa para humarap sa panibagong problema lalo't ipapatupad na ang senior high school sa mga paaralan sa bansa sa susunod na taon. Pinatitigil din ng TDC ang pagpapatupad ng RPMS dahil pabigat ito sa ating kaguruan at maging ang hindi malinaw na pamantayan ng Performance-Based Bonus ay kinokontra rin.
Inaasam ng grupo na magiging pabor ang mga susunod na panahon para sa mga ipinaglalaban ng mga guro upang maging maayos ang kalagayan nito na may dangal at desenteng pamumuhay.
No comments:
Post a Comment