
Dinaluhan ito ng 400 participants na karamiha'y mga punongguro mula sa iba't ibang dibisyon ng Region 3.
Tinalakay ni Basas ang mga bagay na may kinalaman sa kapakanan ng mga guro sa kasalukuyan at proteksyong suportado ng batas.
Kasalukuyan naninindigan ang TDC sa pangunguna ni Benjo Basas para maitaas ang sweldo ng mga guro na noon pa dapat naipatupad subalit binabalewala ng kasalukuyang administrasyon. Patuloy rin ang mga kilos-protesta para maiparating sa pamahalaan ang mga dapat nitong iprayoridad.
Umaasa naman si Benjo na magkakaroon ng mas maayos na pagtrato at suporta ang mga dumalong punungguro sa kanilang mga nasasakupan lalo na sa kanilang mga guro.
No comments:
Post a Comment