Thursday, August 6, 2015

MAKATARUNGANG SAHOD, PROPESYONG MAY DIGNIDAD, EDUKASYONG DE-KALIDAD!

MAGKANO ANG UMENTO SA 2016?
Hanggang ngayon ay hindi pa pinal ang iskema ng umento sa 2016, bagamat naglaaan ng halaga sa panukalang badyet para sa umento sa sahod ng mga kawani ng pamahlaan.
Ang post na kumalat sa FB noong nakaraang buwan kung saan sinasabing magiging P29,800 na ang sahod ng Teacher 1 (SG-11) sa January 2016 ay panukala pa lang sa Senado (SB 2671 or SSL4) at hindi pa aprubado. At kung susuriin ang panukala, ito ay hahatiin pa rin sa 5 tranches (hulugan), kaya kung sakali mang maipasa ngayon ay sa 2020 pa ito ganap na maipatutupad. Ang Kongreso ang magtatalakay at siyang mag-aapruba ng 2016 budget (GAA 2016) alinsunod naman sa panukalang National Expenditure Program (NEP) ng ehekutibo, partikular ng DBM. Ang NEP ay naisumite sa Kongreso noon lamang Hulyo 28, matapos ang SONA.
Ang makatarungang pagtrato sa ating mga guro, kawani at mga manggagawa ay hindi kusang ibinibigay, ni nadaaraan sa simpleng pakiusapan, bagkus ITO'Y DAPAT IPINAKIKIPAGLABAN!
Patuloy nating igiit ang P10K Increase for Teachers & DepEd Employees. Gamitin ang Pink 'SAHOD ITAAS' poster as profile pic at basahin ang ating statement sa FB dated July 26. Salamat po, pls share or repost!
MAKATARUNGANG SAHOD, PROPESYONG MAY DIGNIDAD, EDUKASYONG DE-KALIDAD!
Agosto 6, 2015

No comments:

Post a Comment