Saturday, June 28, 2025

REVISED K TO 10 CURRICULUM: AP8-Q1-W2: MGA SINAUNANG KABIHASNAN

 1. Katuturan ng Kabihasnan 

2. Kabihasnang sumibol sa lambak-ilog (Tigris-Euphrates, 

Indus, Huang He, at Ilog Nile) 


Katuturan ng Kabihasnan

Kabihasnan - ito ay nagmula sa salitang-ugat na bihasa na ang kahulugan ay eksperto. Ito ay pamumuhay na nakagawian ng maraming pangkat ng tao. Kasama sa pag-unlad ng kabihasnan ay ang wika, kaugalian, paniniwala, at sining. 

Karaniwan nang sa mga lambak-ilog nagsimula ang mga kabihasnan sapagkat halos lahat ng pangangailangan ng mga tao upang maipagpatuloy ang kanilang buhay ay matatagpuan sa ilog.

Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan

Ang Kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Una itong umusbong at nalinang sa mga lambak-ilog. Bago pa man natuklasan ang mga Sistema ng pagsulat, ang mga Asyano sa mga lambak-ilog ng Tigris-Euphrates, Huang Ho, at Indus ay nagsimula nang mamuhay ng pirmihan at linangin ang kanilang kabihasnan. Maging ang mga tao sa Ehipto ay nagsimula na ring paunlarin ang kanilang kabihasnan sa Ilog Nile.

Ang patuloy na paglinang ng kabihasnan ay nagdulot ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao kasabay ito sa paglaki ng kanilang populasyon. Ang pagiging bihasa sa kanilang mga naging tuklas ang nagtulak sa kanila upang lalong paunlaran ito at magsaliksik ng marami pang bagay na makakatulong pa lalo sa kanilang pamumuhay. Sa katagalan, ang kanilang pamumuhay ay lalong umayos, kasabay ito ng pagbuo ng pamunuan para sa kaayusan ng lahat. Makalipas ang maraming taon, nagkaroon na sila ng maayos at planadong pamahalaan, organisadong pamayanan, at lungsod-estado na siya namang naging batayan ng makabagong panahon.

Isang katangian ng kabihasnan ang pagkakaroon ng lungsod. Nakikilala ito sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit nagawaing intelektwal, pamahalaan, at militar.


Kabihasnang nabuo sa Lambak-Ilog Tigris-Euphrates

Mesopotamia

Ang Mesopotamia ay nagmula sa wikang Griyego na "Meso-Pagitan" at "Potamos-Ilog," nangangahulugang, lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Ito ay umusbong sa Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa Silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates ang dalawang ilog na nagpagitna sa mesopotamia. Ang palagiang pag-apaw ng mga ilog na ito ay nagdulot ng pataba sa lupaing mesopotamia sapagkat naiiwan sa kalupaan na ito ang banlik na siyang mainam para sa sakahan.

Ang Kabihasnan ng Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization o lunduyan ng unang kabihasnan sa buong daigdig. Ang mga unang wika, pagsusulat, agrikultura, at iba pang mahahalagang imbensiyon ay naunang napaunlad ng Mesopotamia. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na umunlad ang Mesopotamia. Dahil dito, maraming kalapit na kabihasnan o imperyo ang nagkaroon ng interes na sakupin ang Mesopotamia. Unang nanirahan dito ang mga Sumerian at sinundan ng mga dayuhang mananakop na Akkadian, Babylonian, Hittites, Assyrian, Chaldean, Hittite, Persian, at mga Phoenician.



 

Sumerian (3500-2340 B.C.E.)

-Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Nag-alaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.

-Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang haring pari o mas kilala sa tawag na patesi.

 

-Tinawag na Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o Diyos na makikita sa bawat lungsod.

-Naniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.

 


 

-Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.


-Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.

 

 

 

Akkadian (2340-2100 B.C.E.)


-Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.

-Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o Agade.

-Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin (2254-2218 B.C.E).

-Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.

-Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

  

Babylonian (1792-1595 B.C.E.)

 



-Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng kabiserang lungsod na Babylon, ang Mesopotamia.

-Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.

 




 -Naging tanyag sa batas na “mata sa mata at ngipin sa ngipin” (“an eye for an eye, and a tooth for a tooth”) mas kilala sa tawag na Kodigo ni Hammurabi na binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnan

-Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.

-Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.

 

Assyrian (1813-605 B.C.E.)                                    


 

-Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian. Sila ay malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite.

-Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo.

-Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon at nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan

-Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.

 

Chaldean (612-539 B.C.E.)


 

-Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.

 


 

-Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.

-Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.


 

-Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia.

 

Persian (539-330 B.C.E.)

 

 -Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Achaemenid. (Iran)

-Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (Turkey ngayon).

 


 

-Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 B.C.E.) narating ng Persia ang tugatog ng tagumpay. Umabot ang sakop hanggang India.

-Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.

-Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.

 -Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

 

Hittite


 

-Mga mandirigmang Indo-Europeo na nanirahan sa silangang bahagi ng Asia Minor noong 2000 B.C.E.

-Ipinalaganap ang monoteismo, uri ng relihiyong sumasamba sa iisang diyos.

-Makapangyarihan dahil sila ang kauna-unahang nakatuklas at gumamit ng bakal bilang sandata at kasangkapan. Nakilala din sila sa paggamit ng kabayo at ginagamit ito bilang chariot.

 

Phoenician

 


-Ang kabihasnang Phoenician ay lumitaw noong 2000 B.C.E sa silangan ng Dagat Mediteranean o kasalukuyang bansang Lebanon.

-Dahil sa kanilang katangiang pisikal nakilala sila bilang mga mangangalakal at manlalayag.

-Ang purple dye na simbolo ng kamaharlikahan sa kabihasnang kanluranin ang pangunahing produkto na kanilang kinakalakal sa mga Europeo.

-Nakabuo ng alpabeto na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto.

-Sila ay naging tanyag ng kanilang sakupin at naging kolonya ang Carthage (Tunisia) na makapangyarihan sa Mediteranean.

 

    Ang mga unang kaharian sa Mesopotamia ay nagtagal nang mahabang panahon. Ang ilang bahagi ng Mesopotamia ay napasailaalim sa pamamahala ng mga Romano.  


Kabihasnang Umusbong sa Lambak-Ilog ng Indus

Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives. 

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.

 Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.

 Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.

  


    Ang Kabihasnang Indus ay itinatag ng mga katutubong Dravidian. Ito ay salitang Sanskrit na nangangahulugang “maiitim”. Sila ay mga magsasaka at mangangalakal na pinaniniwalaang mga kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at ginamit upang makalikha ng damit. Ang halimbawa ng kanilang kalakal ay palayok, tela at iba’t ibang uri ng metal. Ang pamahalaan, lipunan, kabuhayan, at kultura ng mga Dravidian ay maunlad.



    Tinatawag na pictogram ang sistemang ng pagsusulat subalit wala pang nakakatuklas kung paano basahin ang mga simbolo nito. Malaking palaisipan at mahiwaga ang pagwawakas ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, labis na pagbaha, at pagbabago sa klima. Maaari ring dahil sa pagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan na naging dahilan ng pagbagsak nito.

 


    Noong 1500 BCE, sinalakay ng mga Aryan pangkat ng tao na mapuputi at nagsasalita ng wikang Indo-Europeo na tinatawag na Sanskrit ang Harappa at Mohenjo-Daro. Sila ay nagmula sa Gitnang Silangan.

 


 


    Nagtataglay sila ng payak na pamumuhay, likas ang pagiging matapang at malakas kaya tinuturing sila na mahuhusay na mandirigma, Ang pinagsamang kultura ng mga Dravidian at Aryan ay nagbigay-daan sa relihiyong Hinduismo, ito ay itinuturing na pinakamatandang relihiyon sa daigdig.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

 Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E.

 Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.

Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.

 Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

 Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Mahalagang Kaganapan sa Kabihasnan ng India 

circa 2500

Pag-usbong Kabihasnan sa India

circa 2000

Pag-abot sa tugatog ng kabihasnan sa Harappa

circa 1500

Pagkawasak ng Mohenjo-Daro dahil sa mga Aryan

327 BCE

Pagsalakay ni Alexander the Great sa India

321 BCE

Pagsisimula ng Dinastiyang Maurya na tumagal hanggang 184 BCE

247 BCE

Paghahari ni Asoka ng Imperyong Maurya

320 BCE

Pagsisimula ng Imperyong Gupta

1526 BCE

Pagtatag ng Imperyong Mughal

 


Kabihasnang Umusbong sa Lambak-Ilog ng Huang Ho

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.


Heograpiya ng Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. 

Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabagobago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa Mapa ng Kabihasnan sa China mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. 

Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom. 




Sa sinaunang Kabihasnang Tsina, ang mga Tsino ay naniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro bunsod ito sa kanilang paniniwala na Sinosentrismo na ang kanilang lahi ay angat kaysa sa ibang kultura kayasila ang sentro ng daigdig. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

Nahahati ang lipunan ng Tsina sa apat na pangkat.

1. Paham- nakababasa at nakasusulat

2. Magsasaka- nagtutustos ng pagkain sa populasyon

3. Artisano- may kasanayan sa paggawa ng armas at iba’t ibang kasangkapan

4. Mangangalakal

     Dinastiya ang tawag sa uri ng pamahalaang nabuo sa Kabihasnang Tsina. Pinamumunuan ito ng isang emperador na nagmula sa iisang pamilya o angkan. Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, kung saan ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit siya ay itinuturing na Son of Heaven o “Anak ng Langit” pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Ang paniniwalang Mandate of Heaven at Son of Heaven ang nagpapaliwanag bakit papalit-palit ang dinastiya sa Tsina na tinatawag na Dynastic Cycle.

     Ang dinastiyang Xia o Hsia ang tinatayang unang itinatag na dinastiya sa Tsina ngunit nananatili itong isang alamat dahil sa kakulangan ng datos o tala na nagpapatunay sa pag-usbong nito.

 


SHANG (1570 B.C.E. - 1045 B.C.E)

•Itinuturing na unang dinastiyang pulitikal ng Tsina

•Itinatag ni Emperador Tang

•Nagsimulang ang paniniwala sa kaisipang Mandate of Heaven at Son of Heaven

•Calligraphy ang uri ng pagsulat gamit ang oracle bones



ZHOU/CHOU (1045 B.C.E. - 221 B.C.E.)

 •Dinastiyang umiral sa pinakamahabang panahon sa Tsina (900 taon)

•Pinamunuan ni Emperador Wu Wang

•Tinawag na "Gintong Panahon" sa larangan ng Pilosopiya dahil sa panahong ito lumitaw ang mga pilosopiyang Confucianismo, Taoismo at Legalismo

Confucianismo- mabuting asal at tamang pakikihalubilo sa kapwa

Taoismo- tamang pakikitungo sa kapwa at sundin ang daloy ng kalikasan

Legalismo- malupit na batas at mabigat na parusa

 


QIN/CH'IN (221 B.C.E. - 206 B.C.E.)

•Pinagmulan ng kasalukuyang pangalan ng bansang Tsina

•Pinaunlad ni Emperador Shi Huang Ti

•Ipinasunog ng emperador ang lahat ng naisulat na tala tungkol sa mga naunang dinastiya ng Tsina

•Maraming iskolar ang hinuli at pinatay

•Ipinatayo ni Emperador Shi Huang Ti ang Great Wall of China nanagsilbing panangga ng Tsina laban sa mga barbaro ng Mongolia

 



HAN (202 B.C.E. - 220 C.E.)

 •Itinatag ni Liu Pang

•Naimbento ang papel sa panahong ito.

•Naisulat ang kasaysayan ng Tsina


 SUI (589 C.E. - 618 C.E.)

 •Napag-isa nitong muli ang Tsina

•Itinatag ni Yang Jian

•Naipakilala sa Tsina ang relihiyong Buddhismo

•Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon.

•Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze

 

TANG (618 C.E. - 907 C.E)

 •Kilala bilang "Gintong Panahon ng Tsina"

•Muling nagkaroon ng kasaganahan at kaunlaran ang Tsina

•Nagkaroon ng pag-unlad sa larangan ng sining at teknolohiya

•Budismo ang naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.

•Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong Tang


 


SUNG/SONG (960 C.E. - 1127 C.E.)

 •Itinatag ni Zhao Kuangyin

•Nagtayong isang hukbong imperyal

•Umunlad ang teknolohiyang agrikultural

•Nasakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi

•Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag

 


YUAN (1279 - 1368)

 •Pinamunuan ni Kublai Khan, isang barbarong Mongol

•Nakarating sa Tsina si Marco Polo, isang manlalakbay na Europeo

•Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-Silangang Asya hanggang Silangang Europa

 


MING (1368 - 1644)

 •Nagsimulang manakop ang Tsina sa mga kalapit na lupain

•Naipakilala sa Tsina ang Kristiyanismo

•Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador

•Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type

•Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon

 


MANCHU/CHING (1644 - 1911)

 •pinamunuan ni Taitsung

•nagkaroon ng kasaganahan at kapayapaan sa Tsina sa loob ng 150 taon

•Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng Tsina

 

Kabihasnang Umusbong sa Lambak-Ilog Nile

Kabihasnang Ehipto sa Kanlurang Asya

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.

Ang mga orihinal na nanirahan sa Kabihasnang Ehipto ay nagmula sa mga nomadikong Asyano. Sila ay nanirahan sa lambak ilog na Nile. Umunlad ang kanilang pamumuhay at itinatag ang dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower Egpyt.

Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

  Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

 Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.

 Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nagiiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.

Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.

Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto:

1. Lumang Kaharian (3200-2000 BCE)

     Ito ay tinawag din na “Panahon ng Piramide” itinatag ito ni Haring Menes sa panahon na ito nagsimula ang pagpapatayo ng mga piramide upang maging libingan ng mga Pharaoh. Ang kanilang pinuno ay tinatawag na Pharaoh. Itinuturing ng mga tao na ang kanilang pharaoh ay Diyos kaya kontrolado nito ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang uri ng pamahalan na may ganitong sistema ay tinatawag na teokrasya.

 

Mga kilalang pinuno sa Lumang Kaharian

1. Djoser - sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780.

 

2. Khufu o Cheops - sa kaniyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon na may tinatayang 80 nakahanay na piramide.

 

     Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang Kabihasnan ng Ehipto. Ang maayos na plano at disenyo ng gusali ay nagpapatunay ng kanilang kahusayan at mataas na kaalaman sa arkitektura.  Ang mga sumunod na pharaoh ay hindi nagtataglay ng kagalingan sa pamumuno kung kaya pinahina sila ng sunod-sunod na digmaan. Ang sumunod na magaling na pinuno ay si Amenemhet I mula sa Thebes.

 

2. Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)

     Muling nanumbalik ang kaayusan sa Ehipto ng pamunuan ni Amenemhet I. Sa kaniyang pamumuno Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. Pinagbuti ni Amenemhet I ang sistema ng pagsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kaniyang nasasakupan. Pinaunlad niya din ang yamang mineral ng bansa at ginawang palamuti sa katawan ng mga pharaoh ang mga ito. Naging masigla ang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ugnayan sa Palestina at Syria.

  Nagwakas ang maunlad na pamamalakad sa kahariang ito ng makaranas ng sunod-sunod na digmaang sibil na siyang nagpahina sa kaharian. Naging madali silang nasalakay ng mga Hyksos na mula sa Syria. Sa loob ng 160 taon naging maayos at maunlad ang pamumuno ng mga Hyksos ngunit sila ay pinatalsik sa Ehipto sa pamumuno ni Ahmose I ng Thebes. Ang kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan ng pagsilang sa bagong kaharian.

 

3. Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)

     Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at nagsimula na rin ang Bagong Kaharian na tinatawag din na Panahon ng Imperyo sa paghahari ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.

Ang ilan sa mga tanyag na pharaoh sa kaharian ay ang mga sumusunod:

Thutmose II

-Nasakop ang Nubia para sa imperyo

-Sinakop ang Syria at Palestina

Hatshepsut

-Kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan ng daigdig

-Nagpadala ng iba’t ibang ekspedisyong pangkalakalan sa iba’t ibang lugar

-Nagpatayo ng mga temple na isang dakilang ambag ng Ehipto

-ASAWA NI THUTMOSE II

Thutmose III

-Tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad ang kalakalan at nagpalawak ng teritoryo. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa kaniyang pamumuno

-Anak ni Thutmose II at Hatshepsut

Amenhotep IV

-Ipinagbawal ang pagsamba sa maraming Diyos

-Ipinakilala ang bagong relihiyon na sumasamba sa iisang Diyos na si Aton.

Tutankhamen

-9 na taon palang ng maupo sa trono

-Ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos sa panahon niya.

Rameses II

-Nilabanan ang mga Hittites.

-Nagpatayo ng malawakang mga templo.

-Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin

 

    Winasak ng krisis sa Gitnang Silangan ang kapangyarihan ng mga pharaoh. Dahil alay, humina ang kapangyarihan ng imperyo. Sunod- sunod ang pagsakop sa kanila ng mga dayuhan kabilang ang Sudan at Persia. Tuluyang bumagsak ang kapangyarihan ng Ehipto nang sila ay salakayin ni Alexander the Great mula sa kaharian ng Macedonia at itinatag ang lungsod ng Alexandria. Ginawa niyang gobernador ng Ehipto ang kaibigan at heneral na si Ptolemy.

  


Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna at tinaguriang “Serpent of the Nile” Sinubukan niyang iligtas ang Ehipto sa pamamagitan ni Julius Caesar at Mark Anthony. Ngunit hindi siya nag tagumpay sa kaniyang pakikidigma sa mga Romano. Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.

 

 

Sistema ng Pagsulat

 

Hieroglypics ang tawag sa sistema ng pagsulat, kung saan ang mga bagay ay may katumbas na hugis o larawan. Tinatala ng mga eskriba sa bato ang paniniwala, kasaysayan at kultura hanggang matuklasan nila ang papel na nagmula sa papyrus reeds. Magaling rin sila sa larangan ng astronomiya, matematika, astrolohiya, at mga gawaing pangkabuhayan.


TANDAAN!

Ang mga sinaunang kabihasnan na inaral natin ay ang:

1. Kabihasnang Mesopotamia

- nangangahulugang "Lupain sa Gitna ng Dalawang Ilog"

- Fertile Crescent

- Tigris/Euphrates

- Nasa dulong bahagi ng Asya at Europa

2. Kabihasnang Indus

- Indus River

- Kalupaan ng India, Bangladesh, Pakistan, at karatig-lugar

3. Kabihasnang Shang / Tsino

- Huang Ho

- Sa loob ng Kalupaan ng Tsina

4. Kabihasnang Egypt

- Nile River

- Sa Africa

Huwag din nating kalimutan, ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay may pagkakatulad bagama't may pagkakaiba sa kultura, wika, lahi, heograpikal na lokasyon..

Subalit nagkakapareho naman ang pinag-usbungan - sa tabi ng ilog!

 

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa?

2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan?

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot.

 

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Ikomento rin sa gawing ibaba ang iyong sagot.

1. Bilang isang mag-aaral, anu-anong pagbabago ang napansin mo sa iyong sa paaralan?

2. Sa pamahalaan naman, anu-anong pagbabago ang iyong nakikita?

3. Sa iyong Sarili, nababatid mo ba ang mga impluwensya ng unang kabihasnan sa iyong kapaligiran? Paano mo pahahalagahan ang mga impluwensyang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 

GAWAIN 3

Panuto: Magbigay ng Sampung Lugar na nabanggit sa araling ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Ikomento rin dito ang iyong sagot.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Reference:

https://dignidadngguro.blogspot.com/search/label/First%20Grading?updated-max=2021-10-18T03:00:00-07:00&max-results=20&start=5&by-date=false

https://dignidadngguro.blogspot.com/search/label/First%20Grading?max-results=20

Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm

phillipriley.comswiki.wikispaces.net

http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/ex

p_set.html

http://www.mapsofindia.com/history/indus-valleycivilization.html

http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm

http://egypt-trade.wikidot.com/

http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations

/mesoamerica.html

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4xJNuFJtfhHAAQyVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MOHENJO+DARO&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImizFZtfZEEAeU9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=map+of+the+world&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=12&iurl=https%3A%2F%2Fonlinehomeopathictreatment.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2013%2F05%2FWorld-Maps-International-printable-World-Map-Photos.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CKuPFptfQX4A_VxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=INDUS&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9BNl8F5tfbnQASzFXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HIMALAYA&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=3&iurl=http%3A%2F%2Fhimalayaguides.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2016%2F04%2Fview-of-south-side.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DskcGZtfQ_AAIVFXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HUANG+HO&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=6&iurl=https%3A%2F%2Fmedia1.britannica.com%2Feb-media%2F16%2F116016-004-F01710FA.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtTlGptf8egA2idXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=NILE+RIVER&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=16&iurl=https%3A%2F%2Fwww.natgeokids.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2018%2F09%2FNile-River-Facts-Image-4.jpg&action=click

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9KRZYHZtflbEAVFlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MESOAMERICA&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=16&iurl=http%3A%2F%2Fschooltoolbox1.weebly.com%2Fuploads%2F1%2F2%2F1%2F0%2F12105454%2F325316244.jpg&action=click


Monday, June 16, 2025

REVISED K TO 10 CURRICULUM: AP8-Q1-WEEK1: HEOGRAPIYA NG ASYA AT DAIGDIG

HEOGRAPIYA NG ASYA AT DAIGDIG

1. Kontinente ng Daigdig

2. Natatanging Katangiang Pisikal

3. Implikasyon ng Heograpiya sa daigdig sa pamumuhay ng mga tao


Heograpiya

    Ang araling ito'y tatalakay sa kahulugan at papel ng Heograpiya sa pamumuhay ng tao at kasaysayan.

    Ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


Heograpiyang Pisikal

    Nagmula ito sa wikang Griyego na "Geo" o Daigdig at "Graphia" o Paglalarawan.

    Samakatuwid, ito ay Paglalarawan ng Daigdig.

    Ang heograpiyang pisikal ay tumutukoy sa pisikal na aspekto ng daigdig. Ito ay pag-aaral ng mga anyong lupa, anyong tubig, klima, likas na yaman, pamumuhay, at distribusyon at interaksyon ng mga tao at organismo sa kapaligiran nito.



Saklaw ng heograpiyang pisikal ang mga sumusunod:

1. Anyong lupa at Anyong tubig

2. Klima at panahon

3. Likas na yaman

4. Flora (Plant Life) / Fauna (Animal Life)

5. Distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito


Mga Anyong Lupa

Bundok

Bulubundukin

Burol

Bulkan

Kapatagan

Talampas

Lambak

Isla


Mga Anyong Tubig

Karagatan

Dagat

Look

Lawa

Ilog

Talon

Upang mas madaling pag-aralan at unawain ang heograpiya, bilangkas ito ng mga eksperto.


Ang heograpiya ay nahahati sa limang tema:

1. Lokasyon


2. Lugar


3. Rehiyon

4. Interaksyon ng tao at kapaligiran



5. Paggalaw




Estruktura ng Daigdig

    Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw.

    Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng paglalakbay paikot sa araw bawat taon.


Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core.



    Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.



Teorya kung Paano nabuo ang mga Kontinente

Continental Drift
    - Ipinanukala ni Alfred Wegener noong 1912. Ayon sa teoryang ito ang mga kontinente ay matagal na nakausad ng malayo at patuloy pa ring umuusad magpasahanggang ngayon. Sinabi din niya na ang mga kontinente ay binubuo ng iisang masa ng lupa na tinatawag na Pangea at pinalilibutan ng nagiisang karagatan na Panthalassa. Ang Pangea ay nabasag at naging dalawang malaking umbok na Gondwanaland at Laurasia.

Plate Tectonics
    - Nabuo ang teoryang ito noong 1960, at ayon dito ang mga kontinente ay nakatuntong sa plates o malaking tipak ng lupa na nakalutang sa magma na napunta sa tatlong direksyon. May tatlong uri ng plate boundaries ang divergent, convergent, at transform.

Kontinente



Kabundukan


Karagatan






Gawain 1

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel.

____1. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

____2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio.

____3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.

____4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon magtrabaho.

____5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.

____6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ngpansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod.

____7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.

____8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

____9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.

____10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil.


Gawain 2

Panuto: Dugtungan ang mga kataga ayon sa iyong pagkaintindi. Ikomento sa ibaba, sa ilalim ng inyong section ang inyong sagot.

1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay_____________________

2. Mailalarawan ko ang mundo bilang_____________________

 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay_____________


Gawain 3

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isend ang inyong sagot sa iyong guro at lider ng klase.

1. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?

A. core      C. cover

B. crust      D. mantle

2. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang tabang na tubig?

A. 1%     C. 3%

B. 2%     D. 4%

3. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito?

A. latitude line                 C. longitude line

B. lokasyong absolute        D. relatibong lokasyon

4. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado?

A. Asia                                 C. Europe

B. Australia at Oceania         D. South America

5. Ano ang average sa lalim ng talampakan mayroon ang Arctic Ocean?

A. 3 405         C. 3 407

B. 3 406         D. 3 408

6. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?

A. antropolohiya     C. heograpiya

B. ekonomiks         D. kasaysayan

7. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?

A. lokasyon             C. paggalaw

B. lugar                    D. rehiyon

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.

B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.

C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.

D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

9. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.

B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.

D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.

10. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?

A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.

B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.

C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.

D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.

11. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?

A. interaksiyon C. lokasyon

B. paggalaw D. rehiyon

12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?

A. anyong lupa

B. anyong tubig

C. imahinasyong guhit

D. estrukturang gawa ng tao

 13. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna?

A. 8 091     C. 8 093

B. 8 092     D. 8 094

14.Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere?

A. equator     C. longitude

B. latitude     D. prime meridian

15. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig?

A. Annapurna         C. Lhotse

B. Everest               D. Makalu


Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01.pdf

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8_q1_mod2_heograpiya%20ng%20pantao_FINAL08032020.pdf

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf


Tuesday, May 21, 2024

ARALIN 4: ANG UNITED NATIONS AT IBA PANG PANDAIGDIGANG ORGANISASYON, PANGKAT AT ALYANSA

A. Ang mga Pandaigdigang Organisasyon

Naitatag ang United Nations (UN) matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang maibalik ang pagkakaisa ng mga bansa sa mundo at mapanatili ang kaayusang pandaigdigan. Ito ang ipinalit sa League of Nations na naitatag matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig na layon ding pagkaisahin ang mga bansa at maipanatili ang kapayapaan sa mundo. Sinasabing hindi naging epektibo ang League of Nations na siya rin mismo ang naging dahilan upang maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Maraming organisasyong pandaigdig ang nabuo sa layong pagbigkisin ang mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran. Bukod pa ito sa United Nations nabuo para sa pagkakaisa ng mga bansang kasapi sa buong mundo. Ang mga sumusunod ay mga pandaigdigang organisasyon:

1. European Union

Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at pampolitikal na unyon ng 27 malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking kompederesyon ng mga malalayang estado na itinatag sa ialim ng pangalang iyon noong 1992. Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa patakarang publiko, patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka, at kalakalan.

2. Organization of American States (OAS)

Ang samahan ng mga Estadong Amerikano ay isang pandaigdigang samahang nakase sa Washinton, D.C., Estados Unidos. Mayroon itong tatlumpu't limang kasaping nagsasariling estado ng Amerika. Layunin nitong makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod ang pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang kanilang kalayaan.

3. Organization of Islamic Cooperation (OIC)

Ang OIC ay isang internasyunal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

4. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang ASEAN ay isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultural ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulog ng mga kultura ng bawat kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.


Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon

1. World Bank (WB)

Ang World Bank ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.

2. International Monetary Fund (IMF)

Ang International Monetary Fund ay isang pandaigdigang organisayon na pinagkakatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema  sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayundin ang pag-alok ng teknikal at pinansyal na tulong kapag hiningi.

3. World Trade Organization (WTO)

Ang World Trade Organization ay isang organisasyong pandaigdigan na itinatag upang mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal. Ang WTO ay nabuo noong Enero 1, 1995, kahalili  ng Pangkalahatang Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (General Agreement on Tariffs and Trade o GATT)


Bukod sa mga pandaigdigang organisasyon na nabanggit, marami pang organisasyong internasyunal ang nilikha upang patatagin ang kooperasyon ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran. Nilikha ang mga organisasyong ito upang magbigay tulong sa pananalapi, magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal, mamahala sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa. 

May mga samahang rehiyonal din na bumuo ng trade blocs. Ang trade blocs ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang rehiyonal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang sa taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa.

1. ASEAN Free trade Area (AFTA)

Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN o AFTA ay isang kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (Local Manufacturing) sa lahat ng mga bansa sa ASEAN.

Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay makamit ang sumusunod:

-Palakihin ang hangganang pagkainaman bilang batayang produksyon sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng pag-aawas, sa loob ng ASEAn, ng mga salabid ng taripa at walang taripa; at

-Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhunan sa ASEAN.

2. North American Free Trade Agreement

Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ng CAnada, Mexico, at United States na lumikha ng trilateral trade bloc sa North America. Nabigyang bisa ito noong 1994 na nagbigay-daan sa pagkakabuo ng isang trade bloc na maituturing na may pinakamataas na pinagsama-samang purchasing power parity sa GDP.



How to make a Research?

Research

It is a systematic process of inquiry that entails thinking of the topic; looking for the problems to solve for particular focus; collection of data; documentation; analysis and interpretation of the data. It is regarded with suitable methodologies per field and academic disciplines.

The problem arises when an individual do not know the process on how to start a research.

Here are the guides on how to start and make your own research.


How to Make a Research?

Conducting research involves several steps to ensure a systematic and thorough approach to gathering and analyzing information. Here's a general guide on how to conduct research:

1. Identify and Define Your Research Problem


Choose a Topic: Select a subject that interests you and is feasible to research.

Narrow the Focus: Refine the topic to a specific question or problem to make it manageable.

Formulate a Research Question: Develop a clear and concise question that your research will address.


2. Conduct a Literature Review

Gather Sources: Find books, articles, and other resources relevant to your topic.

Evaluate Sources: Assess the credibility, relevance, and reliability of the sources.

Summarize Findings: Note key points, theories, and gaps in existing research.


3. Develop a Research Plan

Choose a Methodology: Decide on the research methods (qualitative, quantitative, or mixed methods) that best suit your question.

Design the Study: Plan how you will collect and analyze data. This may include surveys, experiments, observations, or other methods.

Create a Timeline: Outline the steps and set deadlines for each phase of your research.


4. Collect Data

Primary Data: Gather original data through experiments, surveys, interviews, or observations.

Secondary Data: Use existing data from books, articles, databases, and other sources.


5. Analyze the Data

Organize Data: Arrange your data in a systematic way for analysis.

Statistical Analysis: Use statistical tools and software to analyze quantitative data.

Thematic Analysis: Identify patterns and themes in qualitative data.


6. Interpret Results

Compare Findings: Relate your results to your original research question and the existing literature.

Draw Conclusions: Summarize what your findings mean in the context of your research problem.

Implications: Discuss the implications of your findings for theory, practice, and future research.


7. Report the Research

Write a Research Paper: Structure your paper with an introduction, literature review, methodology, results, discussion, and conclusion.

Cite Sources: Properly reference all sources using a consistent citation style (e.g., APA, MLA, Chicago).

Revise and Proofread: Review your work for clarity, coherence, and errors.


8. Present and Share Findings

Prepare a Presentation: Create a presentation to share your findings with others.

Publish: Consider submitting your research to a journal or conference.


Tips for Successful Research

Stay Organized: Keep detailed notes and organize your materials.

Be Critical: Question assumptions and consider alternative perspectives.

Seek Feedback: Discuss your ideas and findings with peers or mentors.

Ethical Considerations: Ensure your research adheres to ethical guidelines, especially when involving human subjects.


By following these steps, you can conduct thorough and systematic research that contributes valuable insights to your field of study.


Friday, May 3, 2024

REMEDYAL SA ARALING PANLIPINAN 8

PART I

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Ano ang Heograpiya?

2. Ibigay ang Limang tema ng heograpiya.

3. Bakit kailangan nating aralin ang heograpiya?

4. Gaano nakakaapekto ang katangiang pisikal sa mga tao?

5. Latitude

6. Longitude

7. Prime Meridian

8. Equator

9. Four Cardinal Points

10. Klima

11. Anyong Lupa

12. Anyong Tubig

13. Yamang Likas

14. Monsoon

15. Mt. Apo

16. Mt Everest

17. Caspian Sea

18. Lake Baikal

19. Huang Ho

20. Ano ang Kontinente?

21. Ibigay ang 7 Kontinente sa daigdig:

22. Ano ang heograpiyang pantao?

23. Magbigay ng wika at bansang mayroon nito:

24. Ano ang pangkat-etniko?

25. Sino si Charles Darwin?

26. Ibigay ang pagkakasunud-sunod na pinagmulan umano ng tao:

27. Ano ang Catal Huyuk?

28. Naniniwala kaba sa teorya ni Darwin ukol sa pinagmulan ng tao? Bakit?

29. Ano ang Mesopotamia?

30. Ibigay ang mga naunang kabihasnan na nanirahan sa Mesopotamia:

31. Ano ang mayroon sa Mesopotamia kung bakit ito umano ang unang kabihasnan sa buong daigdig? Pangatwiranan.

32. Ano ang Timog Asya?

33. Anu-anong mga bansa ang bumubuo sa Timog Asya?

34. Ano ang kwento ukol sa kabihasnan Indus?

35. Ano ang Harappa at Mohenjo-Daro?

36. Ano ang Huang Ho?

37. Bakit sa Huang Ho nagsimula ang kabihasnang Tsino?

38. Bakit itinuturing na ilog pighati ang Huang Ho?

39. Anu-ano ang naging ambag ng kabihasnang Tsino sa daigdig? 


PART II: 

A. ALAMIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. MESOAMERICA

2. MAYA

3. AZTEC

4. INCA

5. OLMEC

6. HALACH UINIC

7. PYRAMID OF KUKULCAN

8. TENICHTITLAN

9. HUITZILOPOCHTLI

10. QUETZALCOATL

11. HERNANDO CORTES

12. MONTEZUMA II

13. FRANCISCO PIZARRO

14. CONQUISTADOR

15. HUAYNA CAPAC

16. RAINFOREST

17. SAVANNA

18. OASIS

19. SAHARA

20. TRANS-SAHARA

21. CARAVAN

22. AXUM

23. GHANA

24. MALI

25. SONGHAI

26. POLYNESIA

27. MICRONESIA

28. MELANESIA

29. PETER BELLWOOD

30. PACIFIC


B. KILALANIN AT ALAMIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Romulus at Remus

2. Roman

3. Etruscan

4. Tarquinius Superbus

5. Patrician

6. Plebeian

7. Hannibal

8. Scipio Africanus

9. Marcus Porcius cato

10. Julius Caesar

11. Marcus Brutus

12. Octavian

13. Mark Antony

14. Marcus Lepidus

15. Cassius

16. Cicero

17. Caesar Augustus

18. Cleopatra

19. Virgil, Horace, at Ovid

20. Tacitus at Livy

21. Pax Romana

22. Carthage

23. Augustus

24. Caesarian

25. Republikano

26. Diktador

27. Rome

28. Digmaang Punic

29. Veto

30. Executive

31. legislative


PART III

ALAMIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Imperyalismo

2. Kolonyalismo

3. Transpormasyon

4. Bourgeoisie

5. Banker

6. Merkantilismo

7. Doktrinang Bullionism

8. Nation-State

9. Absolute Monarchy

10. Enlightenment

11. French Revolution

12. Geocentrism

13. Heliocentrism

14. Humanismo

15. Industriyalisasyon

16. Repormasyon

17. Kontra-repormasyon

18. Laissez Faire

19. Merkantilismo

20. Monarchy

21. Constitutional Monarchy

22. Napoleonic War

23. Nasyonalismo

24. Philosophes

25. Physiocrats

26. Rebolusyon

27. Renaissance

28. Natural Law

29. Kristiyanismo

30. Humanista

31. Indulhensya

32. Protestante

33. Family Planning

34. Contraceptives

35. Eksplorasyon

36. Compass

37. Astrolabe

38. The Travels of Marco Polo

39. Spices

40. Line of Demarcation

41. Rebolusyong Siyentipiko

42. Rebolusyong Industriyal

43. White Men's Burden

44. Sphere of Influence

45. Protectorate

46. Rebolusyong Pangkaisipan

47. Parliament

48. Aristocrats

49. Divine Right

50. Boston Tea Party

51. Estate

52. Asemblea

53. Guillotine

54. Noble


PART IV

KILALANIN ANG MGA SUMUSUNOD NA PROMINENTENG INDIBIDWAL:


ADOLF HITLER

ARCHDUKE FRANZ FERDINAND

BENITO MUSSOLINI

BISMARCK

CORAZON C. AQUINO

CZAR NICHOLAS II

DESTTUTT DE TRACY

DOUGLAS MACARTHUR

EDWARD GREY

FERDINAND E. MARCOS

GAVRILO PRINCIP

GEORGE CLEMENCEAU

GRAND DUKE NICHOLAS

HARRY S. TRUMAN

JOSEPH STALIN

LEO TROSKY

LLOYD GEORGE

MANUEL L. QUEZON

OTTO VON BISMARCK

THEODORE ROOSEVELT

TOJO

VITTORIO ORLANDO

VLADIMIT LENIN

WINSTON CHURCHILL

WOODROW WILSON


Sunday, April 14, 2024

ARALIN 3: MGA IDEOLOHIYA. COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO

 ARALIN 3: MGA IDEOLOHIYA. COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO

A. Ang kahulugan ng Ideolohiya

Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala sa salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May iba't ibang kategorya ang ideolohiya.

1. Idelohiyang Pangkabuhayan

Nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan, makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa.

2. Ideolohiyang Pampolitika

Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.

3. Ideolohiyang Panlipunan

Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.


B. Ang Iba't Ibang Ideolohiya

Kapitalismo

Ito ay tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaaan sa mga patakarang pangkabuhayan.

Demokrasya

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. sa ideolohiyang ito, ang mga tao ay maaaring makilahaok nang tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwiriang demokrasya kung iboboto ang mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao sa pamamagitan ng pagboto tuwing halalan sa kinatawan na siyang hahawak ng kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative o kinatwang demokrasya. Maari rin namang di-tuwiran ang demokrasya kung ang iboboto ng mamamaya ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng pinuno sa pamahalaan. Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay nagaganap kapag ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at isawalang bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador ay namumuno batay sa kaniyang sariling kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao.

Awtoritaryanismo

Isang uri ito ng pamahalaaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ang ganitong pamahalaan sa Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado.

Totalitaryanismo

Ang uri ng pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamhalaan. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din  ng isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.

Sosyalismo

Ito ay isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya ang pamamalakad sa pamahalaan ng isang pangkat ng tao. Ang pangkat nito ang nagtatakda ng pagmamay-ari at pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismoi ng produksiyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng doktrinang ito ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksiyon ng bansa.


C. Mga Pwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa

Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia

Nag-ugat ang ideolohiyang komunismo sa Russia noong panahon ng Tsar. Ang Russia sa ilalim ng Tsar ay naging makapangyarihan subalit ang mga namumuno ay naging Despotic. Noong Marso 1917, ang Dinastiyang Romanov ay bumagsak bunga ng hindi maiwasang himagsikan at ilan ang mga dahilan ng kaguluhan ay ang mga sumusunod:

1. Pulitikal - Ang pamahalaan ay awtokratiko, bulagsak at mahina. Hindi sila nagbigay ng pantay-pantay na karapataan sa mga tao.

2. Pangkabuhayan - Mahirap at makaluma ang kalagayan at pamamaraan ng pagsasaka. Walang kalayaan at maliliit ang sahod ng mga manggagawa.

3. Sosyal - Kakaunti lamang ang mga kalayaang sosyal. Lahat ng pinilit na sumunod sa pananamplatayang Orthodox. Sapilitang pinalaganap ang wikang Ruso sa mga minoryang kultural tulad ng mga Poles, Hudeo, taga-Finland, at mga taga-Baltic. Dumating sa Petrograd ang ilan sa mga lider na Bolshevik, kabilang na sina Vlademir Lenin, Leon Trotsky, at Joseph Stalin. Nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng mga tao dahil sa programang pag-aangkin ng pamahalaan sa lahat ng mga pagawaan. Ang kaniyang panawagan, "Kapayapaan, Lupain, at Tinapay." Sa tulong ni Trotsky at Stalin, binalak ni Lenin na magkaroon ng pamahalaang komunismo base sa mga prinsipyo ni Karl Marx. Noong November 1917, naghimagsik ang mga Bolshevik sa Petrograd at bumagsak ang pansamantalang pamahalaan ni Kerensky. Tumakas itong huli at pagkatapos ay itinatag na ni Lenin ang pamahalaang komunismo na una niyang pinamunuan.


Ang Paglaganap ng Komunismo

Mula 1917 hanggang 1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng Red Army ng mga Bolshevik at ng mga White Army ng mga konserbatibo na dating tagasunod ng Tsar. Dala ng galit sa dating pamahalaan, nasupil ng mga Red Army ang mga White Army. Noong 1920, napasailalim ng komunista ang buong Russia. Ipinalalagay ni Lenin na kailangan ng dahas at pananakop para matatag ang "Diktadurya ng mga Manggagawa." Ang estadong naitatag nila ay tinawag na Union Soviet Socialist Republic o USSR. Mga prinsipyong pinaniniwalaan ng komunismo ang mga sumusunod:

1. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang supremo ng pamahalaan;

2. Pangngasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksyon ng pag-aari;

3. Pagwawaksi sa kapitalismo;

4. Pagtatawa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at ng simbahan; at

5. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa buong daigdig.


Pagsilang ng Pasismo sa Italy

Sa Italy, ideolohiyang pasismo ang namayani. Ang mga kondisyon na nagbigay-daan sa pasismo sa Italy ay ang mga sumusunod:

1, Nasyonalismo - Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang pandaigdig gayong nabigyan naman ito ng bahagi sa mga pabuya ng digmaan.

2. Paghihirap ng Kabuhayan - Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagkulang sa pagkain at maraming pangangailangan sa Italy. Tumaas ang halaga ng mga bilihin. Iginawad ng pamahalaan ang mataas na buwis upang mabayaran ang malaking pagkakautang ng bansa bunga ng digmaan. Marami ang nawalan ng trabaho sapagkat nasira ng digmaan ang mga sakahan at pagawaan.

3. Kahinaan ng Pamahalaan - Hindi nakayanan ng pamahalaang lutasin ang mga suliranin ng bansa. Pinalala pa ng pagkakaroon ng mahinang opisyal sa pamahalaan. Bunga nito, Nawalan ng saysay ang mga tradisyong demokratiko pati na ang mga tao sa kanilang demokratikong institusyon. Noong 1920, inagaw ng mga manggagawa ang tradisyong demokratiko. Nawala rin ang tiwala ng mga magsasaka sa mga may-ari ng lupa kaya't inagaw nila ang mga lupain. Ang kapayapaan ay naibalik ng mga Fascista, isang samahang itinatag ni Benito Mussolini na dating sosyalista at editor ng pahayagan.


Benito Mussolini

Ang mga tagsunod ni Mussolini ay bumoo ng mga pangkat militar na tinawag na Black Shirts na nagsasagawa ng mga pagpupulong ng mga grupong sosyalista at komunista. Ipinangangako nilang pangalagaan ang mga pribadong ari-arian. Noong October 1922, naganap ang dakilang pagmamartsa sa Roma. Pinilit ni Mussolini at ng mga Black Shirts na buwagin ang gabinete. Si Haring Victor Emmanuel ay napilitang magtatag ng bagong gabinete na si Mussolini ang Punong Ministro. Ang Pagliyamento ay napilitang maggawad ng mga kapangyarihang diktadoryal kay Mussolini. Ayon sa paniniwala ni Mussolini, bigo ang demokrasya, kapitalismo, at sosyalismo. Sa halip, itinatag niya ang isang diktaduryang Totalitarian, Corporate Sate. Pinagsama-sama niya ang kapitalismo, sosyalismo, at ang sistemang guild ng panahong midyebal. Ang mga prinsipyong sinunod ng Fascism ay ang mga sumusunod:

1. Gumawa lamang ang tao sa kapakanan ng estado.

2. Ang demokrasya ay mahina at walang saysay at lakas kailangang pangibabawin.

3. Lahat ng bibitawang opinyon, pasalita man o pasulat, ay kailangang naaayon sa pamahalaan.

4. Kinokontrol ang buong sistema ng edukasyon upang ang mamamayan ay makapagsilbi sa estado at makatulong sa paghahanda sa digmaan. Dinodominahan ng fascistang propaganda ang mga paaralan.

5. Maingat na sinesensor ang lahat ng mga pahayagan at publikasyon.

6. Lahat ng uri ng libangan ay sinusuri ng pamahalaan.

7. Hindi kinikilala ang kalayaang sibil.

8. Binibigyan ng bonus ang malalaking pamilya.

9. Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, politikal, at pangkabuhayan ang mga babae.


D. Ang Nazi Germany

Bilang isang ideolohiya, ang Nazism ay nangyari sa Germany simula noong 1930. Isa sa pinakamaluput na diktaduryang totalitarian sa makabagong panahon. Nakakahawig ito ng fascism sa Italy at komunismo sa Russia.

Adolf Hitler

Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at ang paniniwala na ang Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa pangunahing layunin ng diktaduryang Nazism. 

1. Ang Kahinaan ng Weimar Republic Ang republikang itinatag sa Germany pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga pinakademokratikong pamahalaan sa buong mundo. Ngunit hindi ito pinagtiwalaan ng mga tao.

2. Kasunduang Versailles - Nasaktan ang makanasyonalismong damdamin ng mga Aleman dahil sa mapagpahirap na mga probosyon ng kasunduang Versailles. Ang mga masugid na makabayan ay nakahandang tumulong sa pamahalaan upang maiwasto ang sapalagay nila ay mga pagkakamali upang mabawi ang pagkapahiya ng Germany.

3. Ang Paghihirap ng Kabuhayan - Pagkatapos ng digmaan, ito ang talagang nagbigay-daan sa pagbagsak ng Republikang Weimar. Dahil sa mga pinsalang dulot ng digmaan at sa malaking pagkakautang, at mga reparasyong pagbabayaran ng Germany nagkaroon ng inflation.

Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihang pinunong Nazi. Isinilang siya sa Austria at maituturing na isang panatikong nasyonalista. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, binuo niya ang National Socialist Party na tinawag na Nazi.  Ang mga prinsipyo ng Nazismo na napapaloob sa akdang"Mein Kampf, Ang Aking Laban," ni Adolf Hitler ay ang mga sumusunod:

1. Ang Kapangyarihang Racial - Pinaniniwalaan ng mga Aleman na sila ang nangungunang lahi sa daigdig. Nanggaling sila sa mga makalumang tribung Germanic na tinatawag ding Nordic o Aryano.

2. Anti-Semitism - Naniniwala ang mga Nazista na ang mga Hudyo na nanirahan sa Germany ay hindi mga Aleman at ang mga ito ang sanhi ng maraming suliranin at kabiguan ng kanilang bansa kaya't kinakailangang mawala sila sa daigdig. Ito ang naging dahilan ng Holocaust o pagpatay sa mga Hudyo.

3. Ang Pagbuwag sa Treaty of Versailles - Sinisi ng mga Nazista ang kasunduang Versailles na sanhi ng mga suliranin ng Germany.

4. Pan-Germanism - Ayon kay Hitler, ang isang pinalawak na Germany ay kailangang maitatag, kasama na ang mga teritoryong nawala sa kanila noong Unang Digmaang Pandaigdig.

5. Ang Pagwasak sa Demokrasya - Laban ang Nazism sa demokrasya at pamahalaang parliyamentaryo. Nanawagan silang wasakin ang republika at itatag ang Third Reich na isang estadong totalitaryan ng Nazismo.


E. Ang Pananaw sa Cold War

Ang United States at Soviet Union ay naging makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansang ito na kapwa tinatawag na superpower. Nauwi ito sa Cold Ward na bunga ng matinding kompetensya ng mga bansa nong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito. Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Soviet Union ay kumakatawan sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang naging papel ng Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang kapitalista sa pagsasaayos ng daigdig matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba-ibang hakbang. Sa pamamagitan ng MArshall Plan, tiniyak ng US ang pagbangon ng kanlurang Europe bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito ang pagbangon ng Japan sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur.


Mga tunay at Sanhi

Ang United States at Soviet Union ay dating magkakampi at kasama sa mga bansang nagtatag ng "Nagkakaisang mga Bansa." Dumating ang pagkakataong sila'y nagkaroon ng Cold Ward o hindi tuwirang labanan. May mga pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tensyon dahil sa pagkakaiba ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang United States ang pangunahing bansang demokratiko, samantalang komunista naman ang Soviet Union. Ang kanilang sistemang politikal ay nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng Soviet Union ang kapangyarihan sa Silangang Europe, pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa.

Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radyo. Ito ang tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampolitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo pang umigting ang hindi pagkakaunawaan dahil sa kawalan ng bukas na kalakalan ng mga bansang ito. Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base militar sa bahagi ng Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Soviet Union. Bilang tugon, nagpalabas noong 1947 ng patakarang Truman Doctrine si Pangulong Harry S. Truman ng Estados Unidos.


Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA

Naunahan ng Soviet Union (USSR) ang United States (US) sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan. Sinimulan ang paglipad ng Sputnik I noong Oktubre, 1957,  ang Panahon ng Kalawakan (Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR, si Yuri Gagarin na unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961. Ngaunit nahigitan pa ng US ang USSR nang nakaikot sa mundo ng tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7. Sinundan pa ito ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang makatapak sa buwan ang mga Amerikanong Astronaut na sina Michael Collins, Neil Armstrong, at Edwin Aldrin. HIndi rin nangpahuli sa mga imbensyon ang US.

Nakagwa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS Nautilus. HIndi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng US ang lakas atomika kundi pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pangkomunikasyong satellite. Nagulat ang mundo sa nagawang ito ng US. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa.


Mabuting Epekto ng Cold War

Ang United States at Soviet Union ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng US na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction ((IBRR) o World bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon. Samantala, pagkamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan. Isinulog ni Mihail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago sa pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Soviet Union at Ronald Reagan ng US na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami. Maraming imbensyon ang naisagawa ng dalawang panig. Matagumpay ang pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang US naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati na sa medisina at komunikasyon.


Hindi Mabuting Epekto ng Cold War

Dahil sa Cold War, umigiting ang hindi pagkakaunawaang pampolitikal, pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Soviet Union na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Sa matinding sigalot dulot ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad kaya't nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon ng banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandataha  tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw APact, at ikatlong pwersa o kilusang non-aligned.


F. Neokolonyalismo

Ang Neokolonyalismo ay tumutukoy sa patuloy na impluwensyang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati na nilang kolonya, bagama't wala silang tuwirang kontrol sa militar o politikal sa mga ito.


Ang Paraan ng Neokolonyalismo

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri ng pananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ang neokolonyalismo at interbensyon. Itinuturing ang neokolonyalismo na bago at ibang uri ng pananamantala sa mahirap na bansa. Ayon sa mga agham-politika, ito ang pananatili ng kontrol ng isang dating kolonyalista sa dati nitong kolonya. Malumanay at patago ang pamamaraang ito. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan ng mga kolonyalistang bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin ang mas malaking kita sa negosyo. Sa kabuuan, pina-igting nito ang imperyalismo sa ekonomiya, politika, militar, at ideolohiyang mga aspekto. Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang neokolonyalismo ay ang pagkakaroon nito sa makabagong pamamaraan sa pamumuhunang industriyal at pinansiyal. Kabilang dito ang pagbuo ng iba't ibang uring kompanya; pandaigdigan at pampribadong pondo; pagkakaroon ng mga korporasyon at konsoryum (samahan ng mga namumuhunan), pagsisiguro ng pamumuhunan, at pagpapautang ng malaking halaga na makakatulong hindi lamang sa nangangailangan kundi magbibigay rin ng sapat na tubo sa magpapahiram. Ang mga imperyalista ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang inilagay sa mga negosyo ng papaunlad na mga bansa. Ang mga kumpanya ng langis ang kadalasang kumikita ng malaki lalo na sa kanlurang Asya, Venezuela, Cambodia, Argentina, Brazil, Bolivia, at Africa. Isa pang pamaraan ay ang pagluluwas ng puhunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga internal at pribadong kumpanya upang makagawa ng konsoryum at makakuha ng mas magandang kundisyon sa negosyo sa papaunlad na mga bansa. Halimbawa nito ay ang Atlantic Community Development Group for Latin America (ADELA) na itinayo ng 120 pribadong kumpanya at mga bangko ng kanlurang Europe, pondo sa mga bansang Brazil, Ecuador, Nicaragua, at Chile.

Ang neokolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampolitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado, mayaman at mahirap, ay maaaring masangkot.


Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo

Ang mga pamamaraang ginamit na neokolonyalismo upang makuha ang kanilang gusto sa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring pang-ekonomiya at pangkultura. May mga pagkakataong ginamit din ang militar at ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pang-espiya.

1. Pang-ekonomiya - Naisasagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan ng pakunwaring tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong.

2. Pangkultura - Nababago bg neokolonyalismo ang pananaw ng tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito. Bunga ng kulturang dala ng dayuhang tumutulong o bansang dayuhan, nababago ang pinahahalagahan ng mga mamamayan na tinutulungang bansa sa pananamit, babasahin, at maging sa pag-uugaliu. Halimbawa, itinuro ang kabihasnan, kasaysayan at wika ng mga Amerikano kaya naapektuhan ang sariling kalinangan pati na ang paggamit ng sariling wika. Ilan lamang ito sa naging dahilan ng pagtataglay ng mga Pilipino ng kaisipang kolonyal na pumupuri at dumadakila sa anumang bagay na gawa sa sariling bayan. Bahagi rin ng neokolonyalistang kultural ang pagpasok ng iba't ibang pagkaing Amerikano na ngayo'y palasak na sa Parmesan Pilipino - hotdog, hamburger, at mansanas na ipinagpalit na sa katutubong mga pagkaing tulad ng kalamay, puto, latik, ginatan, bibingka, at marami pang iba. Maging ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran na rin ng imperyalismo. Naghangad ang mga Pilipino ng mga materyal na bagay na naging batayan ng katayuan sa lipunan. Sa pananaw ng mga katutubong pinuno sa politika at ekonomiya, nakaugnay ang pambansa o pansariling interes sa interes ng mga neokolonyalismo. Dahil dito, madaling naimpluwensiyahan huli ang una upang gawin ang nais  nila.

3. Dayuhang Tulong o Foerign Aid - Isa pang instrumento ng neokolonyalismo ang nakapaloob sa dayuhang tulong o foreign aid na maaaring pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar. Sa una'y maiisip na walang kundisyon ang pagtulong tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata o pamamahagi ngmga aklat. Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang libreng pagtulong. Nagbebenta ang bansang tumulong ng mga imported na produkto sa mga bansang tinulungan kaya nga't bumabalik rin sa kanila ang malaking tubo ng kanyang puhunan.

4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt - Anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF/World Bank) ay laging may kaakibat na kundisyon. Kabilang ditoo ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema sa pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga kundisyon, hindi makakautang mga umuutang na bansa. Dahil dito, hindi rin makaahon sa utang ang mahihirap na bansa, Debt Trap ang tinatawag dito.

5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) - Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.


Epekto ng Neokolonyalismo

Maraming epekto ang neokolonyalismo sa mga bansang sinakop at pinagsamantalahan nito.

1. Over Dependence o Labis na Pagdepende sa iba - Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong lao na sa may kaugnayan sa United States.

2. Loss of Pride o Kawalan ng karangalan -  Sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto.

3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin - Totoo ngang ang umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang kalayaan,, ang maliliit na bansa ay patuloy npa ring nakatali sa malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran.


Halaw sa: AP II EASE Module p. 20 p. 5,9,10,13,14. Basahiin di  ang kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, pp. 281-284 at Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, pp.358-361.