EASY (RECALL/REMEMBERING)
Panuto: Piliin ang titik na tamang
sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral
ng daigdig.
A. Heograpiya
B. Siyensya
C. Sikolohiya
D. Edukasyon
2. May tatlong parte ang ating
mundo, ano ang tawag sa pinakamainit na parte nito?
A. Crust
B. Core
C. Mantle
D. Lava
3. Saan sa mundo makikita ang
Europa?
A. Silangan
B. Hilaga
C. Kanluran
D. Timog
4. Kung ang rainbow ay may pitong
kulay, Ilan ang kontinente sa mundo?
A. 8
B. 9
C. 6
D. 7
5. Ito ang sinasabing “Lunduyan ng
Unang Kabihasnan” na umusbong sa pagitan ng dalawang ilog.
A. Mesopotamia
B. Mesoamerica
C. Huang Ho
D. Indus
6. Ang ilog na ito ay kulay dilaw
at sinasabing “River of Sorrow” dahil sa mga buhay na nabubuwis dito kada taon.
A. Indus River
B. Huang Ho
C. Nile River
D. Mediterano
7. Siya ang nagtatag ng
Kabihasnang Minoan na sinasabing anak ni Zeus.
A. Artemian
B. Draco
C. Haring Minos
D. Alexander the Great
8. Ito ang sentrong bayan at
kabisera ng Kabihasnang Minoan.
A. Agora
B. Polis
C. Acropolis
D. Knossos
9. Ito ay nangangahulugang Gitnang
Amerika o Central America. Dito umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa
America.
A. Mesoamerica
B. Mesopotamia
C. Rehiyon sa Pacific
D. Aztec
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon
ang malinaw na nagpapakita ng tema ng interaksiyon ng tao at kapaligiran?
A. Ang Pilipinas ay kasapi ng
ASEAN
B. Ang pangingisda ay aktibong
kabuhayan dahil napalilibutan ng dagat ang bansa
C. Ang Singapore ay nasa 103º 50ʹ
silangang longhitud
D. Ang Portugal ay may wikang
Portuges
11. Naglalarawan ng mga
paniniwala, ritwal, at tradisyon na konektado sa espirituwalidad.
a. rehiyon
b. religare
c. relihiyon
d. renaissance
12. Ano ang istrukturang
nagsisilbing tahanan ng Diyos ng mga Sumerian?
a. Pyramid
b. Ziggurat
c. Simbahan
d. Dambana
13. Sa lipunang Ehipto, sino ang tinuturing
nilang haring-pari?
a. Pope
b. Hari
c. Pharaoh
d. Emperador
14. Ito ang lipunang humahati sa
katayuan ng tao sa India.
a. Batas
b. Judicial System
c. Paaralan
d. Caste System
15. Sa lipunang India, ito ang
pinakamataas at ginagalang na mga tao.
a. Brahmin
b. Kshatriya
c. Vaishya
d. Sudra
16. Ito ang pinakaunang
kabihasnang nabuo sa Europa.
a. Indus
b. Minoan
c. Shang
d. Sumer
17. Ito ay nangangahulugang
lungsod-estado na nagmula sa salitang pulisiya, politico, at politika.
a. acropolis
b. agora
c. polis
d. Knossos
18. Ano ang tawag sa pamilihang
bayan ng mga minoan?
a. palengke
b. supermarket
c. knossos
d. agora
19. Tawag sa mayayamang tao sa
Athens.
a. Patrician
b. Elite
c. Noble
d. Maharlika
20. Ito ang mamamayang mandirigma
sa kabihasnang Greece.
a. Athens
b. Sparta
c. Minoan
d. Mycenaean
21. Ano ang tawag sa lungsod na
bumagsak noong 1453 at naging simula ng kapangyarihan ng Ottoman Empire?
A. Rome
B. Constantinople
C. Athens
D. Florence
22. Sino ang emperador na nagtatag
ng Constantinople noong 330 CE?
A. Emperor Constantine
B. Alexander the Great
C. Haring Philip
D. Haring Minos
23. Ano ang pangunahing dahilan ng
Repormasyon sa Europa?
A. Paglaganap ng Islam
B. Pagbenta ng indulhensya at
katiwalian sa simbahan
C. Pagbagsak ng Constantinople
D. Pag-usbong ng merkantilismo
24. Ano ang naging tugon ng
Simbahang Katoliko upang pigilan ang paglaganap ng Protestantismo?
A. Indulhensya
B. Repormasyon
C. Kontra-Repormasyon
D. Dasal
25. Ano ang pangunahing dahilan ng
mga Europeo sa paggalugad ng bagong lupain?
A. Makahanap ng bagong ruta para
sa kalakalan at ginto, pampalasa, at yaman.
B. Maghiganti laban sa mga Turkong
Muslim.
C. Makakita ng magagandang
tanawin.
D. Sumunod sa utos ng kanilang
hari.
26. Sino ang tinaguriang “The
Navigator” na nagpatayo ng paaralan ng nabigasyon sa Portugal?
A. Ferdinand Magellan
B. Prince Henry ng Portugal.
C. Ibn Battuta
D. Marco Polo
27. Anong ruta ang natuklasan ni
Bartholomeu Dias noong 1488?
A. Constantinople
B. Africa
C. Cape of Good Hope.
D. India
28. Sino ang nakarating sa India
noong 1497 matapos umikot sa Cape of Good Hope?
A. Ferdinand Magellan
B. Ibn Battuta
C. Marco Polo
D. Vasco da Gama.
29. Ano ang tawag sa hindi
nakikitang linya na iginuhit ni Pope Alexander VI upang hatiin ang mundo sa
Spain at Portugal?
A. Demarcation Line
B. Ekwador
C. Longitude
D. Latitude
30. Sino ang unang nakarating sa
Pilipinas noong 1521?
A. Ferdinand Magellan
B. Marco Polo
C. Christopher Columbus
D. Prince Henry
31. Ano ang tawag sa kasunduan na
naghati sa mundo sa pagitan ng Spain at Portugal?
A. Treaty of Tordesillas
B. Treaty of Paris
C. Treaty of Mongolia
D. Treatises
32. Anong bansa ang sumakop sa
India at nagtatag ng East India Company?
A. Britain
B. Japan
C. Canada
D. America
33. Sino ang kilalang manlalakbay
mula Venice na nagbigay-inspirasyon sa mga Europeo sa paggalugad?
A. Marco Polo
B. Vasco de Gama
C. Ferdinand Magellan
D. King Philip
34. Ano ang pangunahing layunin ng
mga Europeo sa pagpunta sa Asya?
A. Kalakalan ng pampalasa, ginto,
at yaman
B. Makakita ng mga Pwedeng
Pasyalan
C. Makaiwas na maparusahan mula sa
utos ng hari
D. Maikot ang mundo
AVERAGE
ANALYSIS
35. Alamin ang tamang paliwanag
tungkol sa pahayag: Ang Renaissance ay kilala bilang “Muling Pagsilang” na
nagpasimula sa Italya.
A. Ito ay tama dahil ang kahulugan
ng Renaissance ay Muling Pagsilang.
B. Ito ay mali dahil ang
Renaissance ay ang Italya.
C. Ito ay Tama dahil ang
Renaissance ay isinilang.
D. Ito ay mali dahil hindi
isinisilang muli ang isang bansa.
Application
36. Kung ikaw ay isang
mangangalakal sa Europa noong ika-15 siglo, paano makaaapekto sa kalakalan ang
pagbagsak ng Constantinople sa kamay ng Ottoman Empire?
A. Ang pagbagsak ng Constantinople
ay walang kinalaman sa pag-unlad ng kalakalan.
B. Magiging magandang oportunidad
ito para sa mga Mediterano.
C. Isinara ng Ottoman Empire ang
dating ruta patungong Asya. Dahil dito, napilitan ang mga mangangalakal na
maghanap ng bagong ruta sa dagat.
D. Ang Paglakas ng Ottoman Empire
ay nagdudulot ng giyera sa pagitan ng Europa at Asya.
Analysis
37. Ipaliwanag kung paano
nakatulong ang Renaissance sa pagbuti ng pamumuhay ng mga tao sa Europa.
A. Ang Renaissance ay nakatulong
upang magbagong buhay ang mga tao.
B. Naging mahalaga ito sa
pagbabago ng pamumuhay ng mga tao dahil nagbigay-diin sa humanism at paggamit
ng agham sa halip na relihiyon lamang.
C. Ito ang nagging daan upang
lumawak ang pananaw ng mga Asyano.
D. Nakatulong ito upang lalong
yumaman ang mga maharlikang Europeo.
Comparative
38. Ihambing ang layunin ng
Repormasyon at Kontra-Repormasyon.
A. Ang Repormasyon ay kilusan
laban sa katiwalian ng Simbahang Katoliko na nagbunga ng mga bagong relihiyon
gaya ng Protestantismo. Samantalang ang Kontra-Repormasyon ay tugon ng
Simbahang Katoliko upang ipagtanggol ang kanilang kapangyarihan.
B. Ang repormasyon ay pagbabago ng
asal samantalang ang kontra repormasyon ay nagbabawal sa pagbabagong ito.
C. Ito ay programa ng bawat isa sa
kanila na dapat pagtuunan ng pansin kung kahalagahan ng buhay ng tao.
D. Ang repormasyon ang naging susi
sa lumakas ang Katoliko habang ang kontra-repormasyon naman ang lumalaban sa
simbahan.
APPLICATION
39. Ipaliwanag kung paano
nakatulong ang mga isinulat ni Marco Polo sa pag-udyok ng mga Europeo na
maggalugad ng bagong ruta.
A. Nagbigay-inspirasyon sa mga
Europeo na tuklasin ang Asya dahil sa kanyang paglalarawan ng kayamanan at
kultura ng China.
B. Nakatulong ito upang dumami ang
manunulat at pumunta sa asya.
C. Ito ang naghudyat upang lisanin
ang unang nakagawian at tumutok lamang sa paglalakbay.
D. Naging sagabal ito sa paglakas
ng Ottoman Empire dahil wala nang dumadaan sa kanila.
ANALYSIS
40. Ano ang naging epekto ng
pagtuklas ni Columbus sa Bahamas at Hispaniola sa ekonomiya ng Spain?
A. Nagbigay daan ito upang lalong
sumikat si Columbus.
B. Naging lalong agresibo ang
Ottoman Empire upang labanan ang Spain.
C. Nagbukas ng bagong lupain para
sa Spain, nagpasimula ng kolonyalismo, at nagdala ng yaman mula sa America.
D. Nagbigay-daan ito sa paghina ng
ekonomiya ng Spain dahil sa takot.
41. Paano napatunayan ng
ekspedisyon ni Ferdinand Magellan na maaaring ikutin ang mundo?
A. Napatunayan niya na pwedeng
pumunta at maglakbay Kahit saan.
B. Napatunayan niyang sa kanya
lang umiikot ang mundo ng tao.
C. Napatunayang hindi lahat ng
bagay ay naiikot sa kamay ng isang tao.
D. Napatunayan na umiikot ang
mundo at may koneksyon ang lahat ng karagatan.
ANALYSIS
42. Ipaliwanag kung paano
nakatulong ang mga ruta ng kalakalan sa pagpasok ng mga Europeo sa Asya.
A. Ang mga rutang ito ang
nagsilbing pananggalang ng mga Europeo sa Asya.
B. Ito ang nagbigay-daan upang
magkaroon ng usaping pangkapayapaan ang mga Europeo sa mga Turkong Muslim.
C. Ito ang nagsilbing gabay upang
malaman ang kahalagahan ng kapaligiran.
D. Ginamit ang Silk Road at dagat
upang makapasok sa Asya; nagbukas ng bagong ruta sa Indian Ocean at Spice
Islands.
APPLICATION
43. Ano ang naging epekto ng
kolonyalismo ng Spain sa Pilipinas sa aspeto ng relihiyon at kultura?
A. Paglaganap ng Kristiyanismo,
pagbabago sa kultura, at pagtatatag ng kolonyal na pamahalaan.
B. Napangalagaan nito ang
reputasyon ng mga Pilipino.
C. Napreserba nito ang relihiyon
at kultura ng ating bansa.
D. Nagsilbing babala ito sa Spain
na hindi tayo patitinag sa kalaban.
ANALYSIS
44. Paano nakatulong ang mga
teknolohiyang nabigasyon (kompas, astrolabe, caravel) sa pagtagumpay ng mga
Europeo sa Asya?
A. Nakatulong ito upang lalong
umunlad ang ekonomiya ng mga Europeo sa pagbebenta ng mga teknolohiyang
nabigasyon sa Asya.
B. Ito ang naging sandata nila
laban sa Asya.
C. Kompas, astrolabe, at caravel
ay nagbigay ng mas ligtas at mabilis na paglalayag; naging susi sa tagumpay ng
eksplorasyon.
D. Ito ang naging alas nila para
mabilis na mauto ang Asya.
difficult
Evaluation
45. Paano nagbago ang balanse ng
kapangyarihan sa Europa matapos ang pagbagsak ng Constantinople noong 1453?
A. Lumakas ang Ottoman Empire at
isinara ang dating rutang pangkalakalan patungong Asya. Ito naman ang panahon
na umangat ang Spain at Portugal na naghanap ng bagong ruta sa dagat.
B. Nakakuha rin ng kakampi ang
Europa laban sa Turkong Muslim.
C. Hindi na kinatakutan ang mga
Turkong Muslim matapos bumagsak ang Constantinople.
D. Nagpalakas ng alyansang
military ang mga Europeo upang matapatan ang lumalakas na Ottoman Empire.
Analysis
46. Ipaliwanag kung paano
nakatulong ang Renaissance sa pagbuo ng mga bagong pananaw sa agham at
pilosopiya na kalaunan ay nagbigay-daan sa Scientific Revolution.
A. Ang Renaissance ay
nagbigay-diin sa humanism at paggamit ng rason, obserbasyon, at eksperimento sa
halip na umasa lamang sa relihiyon.
B. Ito ay naging sandata ng
Simbahang Katoliko upang lalong mapalakas nito ang paniniwala sa Diyos ng mga
Europeo.
C. Ito ang nagsilbing daan upang
isilang muli ang mga tao mula sa kanilang maling gawi.
D. Ang Renaissance ang nagtulak sa
tao na dapat irespeto ang Diyos Lalo na ang naglilingkod sa kanya.
EVALUATION
47. Suriin kung paano nagbago ang
balanse ng kapangyarihan sa Europa dahil sa tunggalian ng Portugal at Spain sa
panahon ng paggalugad.
A. Hindi nagbago ang balance sa
kapangyarihan sa Europa dahil kapwa nagpalakas ng alyansa ang Spain at
Portugal.
B. Nagbago ang balance ng
kapangyarihan sa Europa dahil napunta ang Hilaga sa Spain at sa Portugal naman
ang timog.
C. Namagitan ang Santo Papa na
dapat manatili ang pananampalataya subalit nagtaksil ang Spain.
D. Nagkaroon ng tunggalian sa
pagitan ng Spain at Portugal; Spain lumakas sa America, Portugal sa Asya at
Africa; nagbago ang sentro ng kapangyarihan mula Mediterranean patungong
Atlantic.
48. Paano natulungan ang mga
Europa na makapaglakbay ng mabilis sa dagat?
A. Tinuro ni Marco Polo ang tamang
daan at kaligtasan.
B. Gumamit sila ng mga modernong
barko na mas mabilis sa dati nilang gamit.
C. Sinundan nila ang daang ginamit
ni Christopher Columbus upang makapaglakbay ng mabilis.
D. Ginamit nila ang mga
kasangkapan tulad ng compass at astrolabe upang saktong mapuntahan ang kanilang
nais
EVALUATION
49. Paano nakatulong ang
kolonyalismo sa pagbuo ng mga bagong istrukturang panlipunan sa Asya, at ano
ang naging epekto nito sa mga lokal na mamamayan?
A. Nagkaroon ng bagong uri ng
lipunan (mestizo, encomienda system), pagbabago sa pamumuhay ng lokal na
mamamayan, at pagkawala ng ilang tradisyunal na gawi.
B. Nag-isponsor ng mga gusali ang
mga Europeo at ginawang Maharlika ang taga-Asya.
C. Nawala ang pangamba ng mga
Asyano sa mga mababagsik na lider sa tulong ng mga Europeo.
D. Naging daan ito upang
maramdaman ng mga Asyano ang proteksyon sa kalamidad, posisyon sa pamahalaan,
at kayamanan.
SYNTHESIS
50. Kung pagsasamahin ang mga
epekto ng kolonyalismo sa Asya at America, ano ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba sa aspeto ng politika, ekonomiya, at kultura?
A. Nagkakatulad ito sa Paglaganap
ng Kristiyanismo, pagsasamantala sa yaman, at pagbagsak ng lokal na kultura.
Samantalang nagkakaiba naman sa America na nagresulta sa halos ganap na
pagkawasak ng mga imperyo (Aztec, Inca) at sa Asya na mas nakatuon sa kalakalan
at pamamahala ng kolonya.
B. nagkaroon ng pagkakatulad sa
pag-angat ng buhay at pagrespeto sa kakayahan ng mga Asyano at pagkakaiba naman
sa kultura ng mga Asyano sa Mundo.
C. Lumaganap ang kayamanan,
respeto, at paniniwala ng Asya sa mundo subalit nagkanya kanya sila ng
paniniwala at kakampihan.
D. Hindi naging ganap ang
penetrasyon ng mga Europeo sa Asya dahil kakayanan nitong makipagtapatan sa
kakayanan nila.
No comments:
Post a Comment