Tuesday, September 28, 2021

AP8-Q1-WEEK4: SINAUNANG TAO - SEASON 2

 

AP8-Q1-WEEK4-KECPHD: SINAUNANG TAO

 AP8-Q1-WEEK4-KECPHD

PINAGMULAN NG TAO

 

    Marami ang nagtatalo o siguro nagtatalo pa rin hanggang ngayon kung ano ba talaga ang nauna.. ang itlog? o ang Manok?




    
     
     Ang itlog ay galing o inilalabas ng manok mula sa sinapupunan nito!

     Ang manok nama'y nagsimula sa itlog, napisat/nabiyak, naging sisiw, at nung lumaki, manok na!

     Ano nga kaya ang nauna?

    Isang bagay parin ang marami ang tanong - bakit nga kaya iba-iba ang tao? may maputi, kayumanggi, maitim! mayroon ding pandak, katamtaman, at matangkad... minsan may higante pa ang laki sa karaniwan..

  Iba iba rin ang tabas ng pangangatawan ng tao, may payat, may mataba, may singkit, bilugan, katamtaman! may matangos, at may Pango! Pango kaba?

   Ang mga katangiang ito'y ipinamana sa inyo/atin ng mga magulang, lolo at lola, ninuno natin... maging sila ay ganun din... Ang tanong-Saan ba nagmula ang tao? Saan ka nagmula? Sa unggoy ba?

 

Alamin natin!

 

Sa araling ito, pag-aaralan naman natin ang Sinaunang Tao.

 















    Nakaraan pinag-aralan natin ang Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Pantao.. Kung saan, inaral natin ang pisikal na katangian ng daigdig at mga saklaw ng heograpiyang pantao tulad ng wika, relihiyon, at pangkat-etniko. 

    Maliban sa mga Alamat! Dalawa ang teorya ng pinagmulan ng Tao! - Ang sa Bibliya at sa Siyensya!

 

BIBLIYA

    Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, ang tao raw ay nilikha ng Diyos. Sa Bibliya, Mababasa sa Genesis (Creation). Ipinaliwanag dito kung paano nilikha ng Diyos ang mundo at Tao sa loob ng anim na araw. Sila Eva at Adan ang unang tao sa mundo ayon sa bibliya.

 

 


SYENSYA

    Sa siyensya naman, Sinasabi ng mga siyentipiko at mga antropologo na ang tao ay lumitaw sa mundo dahil sa isang proseso ng ebolusyon. Ang prosesong ito ay katha ng isang kilalang geologist at biologist na si Charles Robert Darwin. Pinakatanyag ang teorya ni Charles Darwin na Evolution of Man. (Picture)

 


    Ayon sa kaniya nagmula sa simpleng organismo ang tao at hindi bunga ng isang paglikha. Dahil sa proseso ng ebolusyon lumitaw ang tao, ito ay tinawag niyang Theory of Evolution o Teorya ng Ebolusyon ng Tao.

 

 


Sa kanyang teorya, ang tao raw ay nagmula sa unggoy?!? - Mukhang unggoy.

 

Ang pagkakasunud-sunod nito ay:

Australopithecus

Homo Habilis

Homo Erectus

Homo Neanderthalensis

Homo Sapiens

 

    Sa teoryang ito, ayon kay Charles Darwin, ang lahat ng species o pangkat ng mga nabubuhay na organismo ay nalinang sa pamamagitan ng natural selection. Ang mga pahayag at pag-aaral na ito ay nakasaad sa kaniyang librong may pamagat na "On the Origin of Species" na nailimbag noong taong 1859.

     Maraming tumaliwas sa pananaw na ito subalit naging batayan ito ng mga ilang siyentipikong nagdadalubhasa sa pinagmulan ng tao.

 

Pinagmulan ng Tao batay sa Siyentipiko at Arkeologong Tuklas

    Batay sa siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng tao, ang tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes o bakulaw – malaking uri ng unggoy - (ang sinasabing pinagmulan ng tao). Mula sa specie ng Austrolapethicus hanggang sa specie ng Homo (nangangahulugang tao).

  May 2.5 milyong taon na ang nakalilipas nang makitang nabuhay ang mga ninuno ng tao. Napagtagumpayan ng mga Homo na ito ang makiayon sa kanilang kapaligiran at sa panahon.

  Australopethicus ito ay nagmula sa salitang Austra na nangangahulugang Timog at Pithecus na nangangahulugang Ape na kapag pinagsama ang mga salita, ito ay nangangahulugang "Southern Apes". Ang lahat ng mga labi at buto ng Southern Apes ay natagpuan sa Timog Africa.

 

Tatlong tanyag na Homo na natagpuan sa iba’t-ibang panig ng Daigdig

 1. Homo Habilis

- Nangangahulugang able man o handy man

- Unang species ng hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang yari sa bato.

Namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong taon na nakalilipas

- Lucy pinakatanyag na Austrolapethicus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974. Ito ay pinaniniwalaang ninuno ng Homo Habilis.

 


2. Homo Erectus

-Natatanging uri ng mga Homo sapagkat ito ay nakatatayo ng tuwid o taong nakatindig.

-Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo.

-May kakayahang gumawa ng mga kagamitan gaya ng Homo Habilis.

-Unang hominid na namuhay sa lipunan ng mga mangangaso.

-Nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan

 


3. Homo Sapiens

-Uri ng Homo na nangangahulugang matalino, nakapangangatwiran at modernong tao. ·  

-Ito ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao.

-Ang mga tao sa henerasyong ito ay kabilang at tinatawag na Homo Sapiens

-Isang halimbawa ng homo na ito ay ang Cro-Magnon.

 

    Nang simulan ng mga unang tao na gumawa ng mga kagamitan na yari sa bato ay nagsimula na rin ang panahon na tinawag ng mga arkeologo na panahon ng bato.  Hinati ito sa tatlong panahon:

 

Paleolitiko- Panahon ng Matandang Bato

        Paleos: matanda

        Lithos: bato

Mesolitiko - Gitnang Panahon ng Bato

        Meso: gitna

        Lithos: bato

Neolitiko - Panahon ng Bagong Bato

        Neo: bago

        Lithos: bato

    

    Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

 

PANAHONG PALEOLITIKO (2 500 000 – 10 000 B.C.E)

    Ito ay tinatawag ding ―Panahon ng Lumang Bato o Old Stone Age‖. Ito ay nanggaling sa dalawang salita na Paleos (matanda) at Lithos (bato). Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga hominid. Laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat sa panahong ito. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Sinasabi na ang mga tao sa panahong ito ay tinatawag na Nomadic o nomadiko - walang permanenteng tirahan.

     Ayon sa mga dalubhasa sa paksang ito, ang Panahong Paleolitiko ay nahati sa tatlong bahagi: Lower, Middleat Upper Paleolithic.

A. Lower Paleolithic Period

-Ayon sa pag-aaral, ito ang panahong nagbabago ang anyo ng mga tao at ang pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.

-Nakilala ang mga Homo Habilis sa bahaging ito sapagkat dito nila natutuhang gumawa ng mga kasangkapang yari sa bato. Nagwakas ang bahaging ito dakong 120 000 taon na ang nakararaan.

B. Middle Paleolithic Period

-Ito ang bahagi nang paglitaw ng makabagong tao 100 000 taon na ang nakalilipas. Sa

panahong ito umusbong ang pagiging artistiko at abilidad ng mga tao dahil sa pagguhit sa mga bato at pagpipinta sa kanilang mga katawan. Sinasabing dito nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi.

C. Upper Paleolithic Period

    Umusbong dakong 40 000 – 8 500 taon ang nakararaan. Nabuo sa bahaging ito ang kultura ng mga tao. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak. Sa panahong ito lumitaw ang mga Cro-Magnon at napalitan ang mga Neanderthal. Nagkaroon din ng pagbabago sa mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

 

  Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12 000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang simula ng Panahong Neolitiko

 

PANAHONG NEOLITIKO (10 000 – 4 000 B.C.E)

    Ito ang huling bahagi ng Panahong Bato. Kilala ito sa tawag na Panahon ng Bagong Bato o New Stone Age. Nagmula sa mga katagang Griyego na Neo at lithos na ang ibig sabihin ay bagong bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagpapabago sa kabuhayan ng tao ay umabot sa mataas nitong antas. Ang mga pagbabagong ito ay bunsod ng pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.

    Pinaunlad sa panahong ito ang sektor ng agrikultura gamit ang makabagong makinarya. Natuto din ang mga tao na magpaamo ng mga hayop. Naging mas bihasa sila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa bato.

    Maging ang kanilang mga tahanan ay mas malaki at pulido gamit ang mga materyales na tulad ng graba, semento at buhangin na hindi pa nauso ng panahong paleolitiko. Natuto na rin ang mga taong tumira at manahanan sa isang pamayanan. Hinihinuha na dito na rin nabuo ang konsepto ng pamilya at tahanan.

 

Catal Huyuk – isa itong pamayanang Neolitiko na matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon). Ito ay isang pamayanang sakahan.

 

    Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. At dito nag-umpisa ang Panahon ng Metal. Naganap ito dakong 4 000 B.C.E.

 

PANAHONG METAL (4 000 B.C.E - Kasalukuyan)

    Ito ang panahon makalipas ang panahon ng bagong bato. Natutunan ng mga tao sa panahong ito ang paggamit ng metal upang lumikha ng mga kasangkapang magagamit nila sa kanilang paghahanap-buhay tulad ng kutsilyo, sibat, pana, itak, at espada. Dito nakilala ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga patalim.

 

A. Panahon ng Tanso

Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2 000 B.C.E. sa Europe at 1 500 B.C.E. naman sa Egypt. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.

 

B. Panahon ng Bronse

Ang panahong ito ay nagpakilala sa bronse bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitang pansaka. Natuklasan ng mga tao na ang bronse ay mas matibay kaysa tanso sapagkat ito ay pinaghalong tanso at lata. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.

 

C. Panahon ng Bakal

Ang panahong ito ay isang yugto ng kaunlaran ng sinaunang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1 500 B.C.E. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian.

 

 

Tandaan!

    Maraming paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ilan sa mga paliwanag na ito ay ang paniniwalang panrelihiyon (Teoryang Paglalang) at ang paliwanag mula sa siyensya (Teoryang Ebolusyon).

     Ayon sa siyentipikong pag-aaral, ang tao ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes o bakulaw – malaking uri ng unggoy - (ang sinasabing pinagmulan ng tao).

    Ang tatlong tanyag na Homo na natagpuan sa iba’t ibang panig ng Daigdig

1. Homo Habilis - Nangangahulugang able man o handy man. Isang hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang yari sa bato.

2. Homo Erectus - uri ng mga Homo na nakatatayo ng tuwid o taong nakatindig. Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo; at

3. Homo Sapiens - isang Homo na nangangahulugang matalino, nakapangangatwiran at modernong tao. Ang mga tao sa henerasyong ito ay kabilang at tinatawag na Homo Sapiens.

 

Ang mga Homo na ito ay nabuhay sa iba’t ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay tinatawag na:

A. Panahong Paleolitiko o Lumang Bato

B. Panahong Neolitiko o Bagong Bato; at

C. Panahong Metal

 

 


Gawain 1

Panuto: Hanapin sa SET B ang tinutukoy ng SET A. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno. Isend sa inyong guro.

SET A

1. Nangangahulugang tao 

2. Sumulat ng On the Origin of Species 

3. Nangangahulugang able man o handyman 

4. Pinakatanyag na Austrolapethicus Afarensis

5. Ang tao ay lumitaw dahil nilikha ng Diyos

6. Tawag sa walang permanenteng tirahan  

7. Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo 

8. Isang halimbawa ng Homo Sapiens 

9. Sila ang nakatuklas ng bakal 

10.Naganap sa panahong ito ang sistematikong pagtatanim


 SET B

a. Hettites

b. Nomadiko

c. Charles Robert Darwin

d. Cro-Magnon

e. Austrolapethicus

f. Lucy

g. Homo

h. Teoryang Ebolusyon

i. Teoryang Paglalang

j. Homo Erectus

k. Homo Sapiens

l. Homo Habilis

m. Panahong Paleolitiko

n. Panahong Neoltiko

o. Panahong Metal



Gawain 2

 

Panuto: Ngayong natapos mo ang araling ito, dugtungan mo naman ang mga sumusunod na Open-ended Statement base sa iyong nalaman at naunawaan sa araling ito. Ikomento ang iyong sagot sa comment section sa ibabang bahagi nito.

 

Nalaman ko __________________________________________________________.

Naunawaan ko _______________________________________________________.

Gagawin ko __________________________________________________________.

 

 

Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isend ang sagot sa iyong guro.

1. Sa anong yugto sa Panahong Paleolitiko nagsimulang lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan?

A. Prehistoric Period             C. Middle Paleolithic Period

B. Lower Paleolithic Period  D. Upper Paleolithic Period

2. Isa itong Homo Species na nanganghulugang able man o handy man, sila ang unang hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato.

A. Homo Erectus                     C. Homo Sapiens

B. Homo Habilis                       D. Homo Neanderthal

3. Sa panahon ng Upper Paleolithic ang mga taong Neanderthal ay nawala at napalitan ng mga taong Cro – Magnon. Ang mga Cro – Magnon ay kakaiba sa mga sinaunang tao dahil sa:

A. gumagamit ng apoy

B. bumuo ng isang sistema ng irigasyon

C. nakikipagkalakalan sila sa malayong pook

D. gumagamit sila ng mga kasangkapang yari sa bronse

4. Alin sa mga sumusunod ang pag-unlad na naranasan sa panahon ng Middle Paleotic Period?

A. paggamit ng apoy

B. paggamit ng magaspang na kagamitan

C. nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso

D. umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan

5. Ang mga Homo Sapiens ay nangunguna sa lahat ng sinaunang tao sa karunungan. Ito ay nagpapatunay na:

A. higit na marami silang kagamitan kaysa sa ibang sinaunang tao

B. pagala–gala sila sa paghahanap ng makakain

C. hindi sila nakakasulat ng anumang bagay

D. umasa sila sa kalikasan upang mabuhay

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng MALING impormasyon tungkol sa yugto ng pag-unlad sa pamumuhay ng tao?

A. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.

B. Dumami ang maaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.

C.Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.

D. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko. 

 

 

Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

Bustamante (2014). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadeth Publishing House Corporation. Philippines

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Du3GIotf2ZMAWwZXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=evolution+of+man&fr2=piv-web&fr=mcafee

Thursday, September 16, 2021

AP8-Q1-WEEK2: JOURNAL 2 SEASON 2

 AP8-Q1-WEEK2: JOURNAL 2 - SEASON 2


"ANG NAGING GAMPANIN NG RELIHIYON O PANINIWALA SA PAGHUBOG NG AKING PAGKATAO"

AP8-Q1-WEEK2: Heograpiyang Pantao SEASON 2

 AP8-Q1-WEEK2: Heograpiyang Pantao

 AP8-Q1-WEEK2


    Nakaraan pinag-aralan natin ang kahulugan ng heograpiya, saklaw, at tema nito. Inaral din natin ang papel nito sa pamumuhay ng tao at ating kasaysayan.

    Ngayon naman, aralin naman natin ang isa pang saklaw ng heograpiya - Heograpiyang Pantao.


Heograpiyang Pantao

    Ang heograpiyang pantao ay ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba't ibang bahagi ng daigdig.


Wika

    Itinuturing bilang kaluluwa at salamin ng isang kultura ang wika. Ito ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang wika ay ipinamana pa sa atin ng mga sinaunang tao sa mundo at ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo.

    Batay sa datos mula sa aklat ng “Kasaysayan ng Daigdig” na sinulat ni Blando et al (2014), tinatayang may 7,105 buhay na wika sa mundo ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. May 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.




Mga Katangian ng Wika

    1. Dinamiko – nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdigan na pagbabago.

    2. May sariling kakanyahan – hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika.

    3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa – ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.


Relihiyon

    Ang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “pagsasama sama o pagkakabuklod-buklod.” Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng tao. Bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang kinikilalang Diyos na sinasamba. Kadalasan ang mga paniniwalang nakapaloob sa mga aral at turo ng relihiyon ay naging basehan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pamumuhay sa araw-araw.

    Kung matatandaan ang ating mga ninuno ay mayroon din sariling paniniwala na naging gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi organisado at sistematiko ang paniniwala nila noon. Ang mga relihiyon sa kasalukuyan ay organisado at may doktrinang sinusunod.

    Suriin sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng tagasunod nito.




Lahi at Pangkat-Etniko

    Ang mga tao sa daigdig ay nahahati sa iba’t ibang pangkat. Isa sa mga batayan ay ang pangkat-etniko na kaniyang kinabibilangan.

    Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Maliwanag ang pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko dahil pinagbubuklod ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon. 

    Samantala, ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat. Ayon sa mga eksperto may iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig na nagdulot ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon.

    Tinatawag din na pangkat etnolinggwistiko ang mga pangkat-etniko dahil karamihan sa mga ito ay gumagamit ng iisang wika. Mayroong iba’t ibang pangkat etnolongwistiko sa daigdig. Halaw sa datos na sinulat ni (Minahan 2014), ang Han Chinese na may tinatantiyang populasyon na 1.4 bilyon ang pinakamalaking pangkatetniko sa buong daigdig. Ito ay sinundan ng mga Arabs na may populasyong 450 milyon (Nydell 2005), at ang pangatlo ay ang Bengalis na may populasyon na 230 milyon (Ethnologue 2014). 


Grupong Etnolinggwistiko

    Ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura 


Dalawang Batayan ng Paghahating Etnolinggwistiko

    1. Wika – sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat 

    2. Etnisidad – ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at saloobin.



Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang inyong sagot sa comment section sa ibabang bahagi nito. Lagyan ng pangalan at section para sa pagkakakilanlan.

1. Ano ang pagkakaiba ng wika at etnisidad bilang dalawang batayan ng paghahating Etnolinggwistiko?

2. Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating Etnolinggwistiko?

3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan?


Gawain 2

Panuto: Ibigay ang inyong sagot sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot sa inyong kwaderno.

1. Paano nakatulong ang relihiyon o paniniwala sa paghubog ng iyong pagkatao?

2. Bakit nagiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?

3. Sa iyong pananaw, nakakatulong ba ang wika sa pagkakaisa at kaunlaran? Ipaliwanag ang iyong sagot. 


Gawain 3

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. Itype at Isend ito sa inyong guro kasama ng inyong pangalan at section.

1. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?

A. etniko         C. etnolinggwistiko

B. etnisidad     D. katutubo

2. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay?

A. etniko         C. lahi

B. etnisidad     D. relihiyon

3. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?

A. lahi             C. teknolohiya

B. relihiyon     D. wika

4. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?

A. Budhismo     C. Islam

B. Hinduismo     D. Shintoismo

5. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?

A. lahi                      C. relihiyon

B. pangkat etniko     D. wika

6. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming gumagamit?

A. Afro-Asiatic         C. Indo-European

B. Austronesian         D. Niger-Congo

7. Tingnan ang talahanayan sa ibaba. 

Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala

Kristiyanismo 31.59%

Islam 23.20%

Hinduismo 15.00%

Non-religious 11.67%

Budismo 7.10%

Iba pa 11.44%

8. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan?

A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo

B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo

C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala

D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo

9. Batay sa talahanayan, ang non-religious group ay binubuo ng ________.

A. 7.10%         C. 11.67%

B. 11.44%         D. 15.00%

10. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?

A. Budismo         C. Islam

B. Hinduismo      D. Kristiyanismo

11. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan?

A. etniko         C. paniniwala

B. lahi             D. wika

12. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat?

A. etniko         C. relihiyon

B. lahi             D. wika

13. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa________.

A. klima              C. relihiyon

B. pinagmulan     D. wika

14. Anong relihiyon ang sinasamba ng mga Arabo?

A. Budismo             C. Islam

B. Hinduismo          D. Judaismo

15. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na

 tagasunod?

A. Budismo                 C. Islam

B. Hinduismo              D. Kristiyanismo

16. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?

A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.

B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.

C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.

D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.



Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01.pdf

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8_q1_mod2_heograpiya%20ng%20pantao_FINAL08032020.pdf

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnP2W4RfeYwAgytXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=pangkat+etniko+sa+mundo&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R_IW4Rf4xwALQ6JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANoNHJicFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QmpNVEV3TGdBQUFBQmhlNEZZBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMyMgRxdWVyeQNyZWxpaGl5b24lMjBzYSUyMG11bmRvBHRfc3RtcAMxNjAyNTEwMDU3?p=relihiyon+sa+mundo&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt


Monday, September 13, 2021

AP8-Q1-WEEK1-JOURNAL1 SEASON2

 

AP8-Q1-WEEK1 SEASON2


JOURNAL #1


"ANG AKING INAASAHAN AT GAGAWIN SA AKING PAG-AARAL 
NGAYONG IKALAWANG TAON NG PANDEMYA"

AP8-Q1-WEEK1 SEASON2

 AP8-Q1-WEEK1

 AP8-Q1-WEEK1


Heograpiya

    Ang araling ito'y tatalakay sa kahulugan at papel ng Heograpiya sa pamumuhay ng tao at kasaysayan.

    Ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.


Heograpiyang Pisikal

    Nagmula ito sa wikang Griyego na "Geo" o Daigdig at "Graphia" o Paglalarawan.

    Samakatuwid, ito ay Paglalarawan ng Daigdig.

    Ang heograpiyang pisikal ay tumutukoy sa pisikal na aspekto ng daigdig. Ito ay pag-aaral ng mga anyong lupa, anyong tubig, klima, likas na yaman, pamumuhay, at distribusyon at interaksyon ng mga tao at organismo sa kapaligiran nito.



Saklaw ng heograpiyang pisikal ang mga sumusunod:

1. Anyong lupa at Anyong tubig

2. Klima at panahon

3. Likas na yaman

4. Flora (Plant Life) / Fauna (Animal Life)

5. Distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito


Upang mas madaling pag-aralan at unawain ang heograpiya, bilangkas ito ng mga eksperto.


Ang heograpiya ay nahahati sa limang tema:

1. Lokasyon


2. Lugar


3. Rehiyon

4. Interaksyon ng tao at kapaligiran



5. Paggalaw




Estruktura ng Daigdig

    Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw.

    Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng paglalakbay paikot sa araw bawat taon.


Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core.



    Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.


Kontinente



Kabundukan


Karagatan






Gawain 1

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel.

____1. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

____2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio.

____3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.

____4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon magtrabaho.

____5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.

____6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ngpansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod.

____7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.

____8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

____9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.

____10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil.


Gawain 2

Panuto: Dugtungan ang mga kataga ayon sa iyong pagkaintindi. Ikomento sa ibaba, sa ilalim ng inyong section ang inyong sagot.

1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay_____________________

2. Mailalarawan ko ang mundo bilang_____________________

 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay_____________


Gawain 3

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isend ang inyong sagot sa iyong guro at lider ng klase.

1. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?

A. core      C. cover

B. crust      D. mantle

2. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang tabang na tubig?

A. 1%     C. 3%

B. 2%     D. 4%

3. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito?

A. latitude line                 C. longitude line

B. lokasyong absolute        D. relatibong lokasyon

4. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado?

A. Asia                                 C. Europe

B. Australia at Oceania         D. South America

5. Ano ang average sa lalim ng talampakan mayroon ang Arctic Ocean?

A. 3 405         C. 3 407

B. 3 406         D. 3 408

6. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig?

A. antropolohiya     C. heograpiya

B. ekonomiks         D. kasaysayan

7. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?

A. lokasyon             C. paggalaw

B. lugar                    D. rehiyon

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.

B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.

C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.

D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

9. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.

B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.

D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.

10. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?

A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.

B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.

C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.

D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.

11. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?

A. interaksiyon C. lokasyon

B. paggalaw D. rehiyon

12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?

A. anyong lupa

B. anyong tubig

C. imahinasyong guhit

D. estrukturang gawa ng tao

 13. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna?

A. 8 091     C. 8 093

B. 8 092     D. 8 094

14.Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere?

A. equator     C. longitude

B. latitude     D. prime meridian

15. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig?

A. Annapurna         C. Lhotse

B. Everest               D. Makalu


Reference:

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01.pdf

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/ap8_q1_mod2_heograpiya%20ng%20pantao_FINAL08032020.pdf

file:///C:/Users/kirz_pooh/Downloads/Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf


Tuesday, June 8, 2021

AP8-Q4-WEEK3-4: IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

 AP8-Q4-WEEK3-4: IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


MELC/Kasanayan

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Code: AP8AKD-IVb-2 


BALIK-ARAL:

Sa nagdaang aralin ay tinalakay ko ang mga pangyayaring nagbunsod sa unang digmaang pandaigdig. kasama rito ang mga tensyon at pagkakabuo ng samahan ng mga bansa sa mundo lalo na ang pagkakabuo ng liga ng mga bansa o League of Nations.

Ngayon naman ay tatalakayin ko ang mga mahahalagang pangyayari, dahilan, at mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Makikilala rin natin ang mga prominenteng tao na  nanguna sa pagsugod at pagdepensa sa digmaang ito.


Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig at nag-udyok sa ikalawang digmaang pandaigdig

1. Paglusob ng Germany sa Poland

2. Masidhing Nasyonalismo

3. Pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa

4. Pag-agaw ng Japan sa Machuria 

5. Pagpatay kay Arkduke Francis Ferdinand ng Austria-Hungary 




Mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II ay isang napakalaking digmaang kinasangkutan ng halos lahat ng bansa sa daigdig. Nag-umpisa ito halos dalawang dekada pa lamang ng matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula ito ng ika-1 ng Setyembre taong 1939 at nagwakas noong ika-2 ng Setyembre taong 1945, nangangahulugang tumagal ang digmaan sa loob ng anim na taon at isang araw. Ang digmaang ito ay itinuturing na pinakamapaminsalang labanan sa kasaysayan ng tao dahil sa 70 hanggang 85 milyon ang mga namatay. Sa digmaang ito, nahati sa dalawang alyansang militar ang karamihan sa mga bansa sa buong mundo kasama na ang mga makapangyarihan, ito ay ang Allied Powers at Axis Powers. 

Ang Allies o Allied Powers ay pinangungunahan nina Winston Churchill ng Great Britain, Franklin Roosevelt ng United States of America, Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) at Chiang Kai-Shek ng China. Samantala, ang Axis Powers naman ay kinabibilangan nina Adolf Hitler ng Germany, Hirohito ng Japan at Benito Mussolini ng Italy.

 


Sa digmaang ito, nasangkot ang mahigit sa isang daang milyong tao mula sa iba’t ibang bansang nakilahok sa digmaan. Ibinuhos ng mga pangunahing bansa ang kanilang kakayahang pang-ekonomiya, pang-siyensya, at pang-industriyal para masuportahan ang digmaan. Kilala rin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa malawakang masaker, pagpatay ng lahi, malawakang pambobomba, at paggamit ng mga nuclear na armas sa digmaan. Kaya hindi maikakailang mahirap mailarawan ang lawak at saklaw ng digmaang ito. Ngunit, ano ba ang nangyari? Ano ba ang mga naging dahilan upang humantong ito sa isang napakalaking digmaan ng kasaysayan? Paano nga ba nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Halina’t isa-isahin natin ang mga dahilang ito. 


Pagbagsak ng Stock Market

Noong taong 1920, nagkaroon ng economic boom o mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ang United States na makikita sa mataas na halaga ng stocks. Namuhunan ang maraming tao sa pamamagitan ng pagbili ng mga stocks sa mababang halaga ng porsiyento bilang paunang pambayad at inutang naman ang iba sa stockbroker. Setyembre 1929, nakaramdam ang mga namumuhunan ng pagtaas ng presyo ng stocks, kaya’t sinimulan nilang ibenta ang mga ito dahil sa posibilidad ng pagbaba ng presyo nito sa mga susunod na araw. Nagdulot ito ng tuloy-tuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks hanggang Oktubre 24 na nagbigay takot sa mga namumuhunan.

Dahil sa patuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks, lahat ng mga namumuhunan ay nagnais na ibenta ang kanilang mga stocks subalit walang nais bumili. At sa loob lamang ng isang araw, 13 milyong shares ang ibinenta sa New York Stock Exchange. Ang mabilis na pagbagsak ng presyo ng mga stock ay tinawag na Wall Street Crash, hango sa pinansiyal na distrito ng New York. Noong ika-29 ng Oktubre taong 1929, tuluyang bumagsak ang New York Stock Exchange at tinawag nila itong Black Thursday.


 Bunga ng Wall Street Crash:

1. Maraming tao ang nawalan ng malaking salapi at nalugi ng maganap ang wall street crash

2. Nagsara ang mga bangko at mga negosyo

3. Maraming tao ang nawalan ng trabaho

4. Humina ang produksiyon at bumababa ang pasahod sa mga manggagawa

5. Nagdulot ng Great Depression.


Ang Great Depression

Ang Great Depression ay isang malawakang krisis pang-ekonomiya na nagsimula dahil sa pagbagsak ng stock market noong October 20, 1929. Naapektuhan nito ang halos lahat ng mamamayan ng United States. Humina ang produksiyon ng mga industriya. Umabot sa 9 milyong katao ang nawalan ng pera sa mga bangko dahil nawalan ang bangko ng pambayad. Noong taong 1933, halos ikaapat na bahagi ng mga mamamayan sa United States ay nawalan ng trabaho.

Ang taong 1933 ang pinakamalalang taon ng Great Depression dahil umabot sa 12 milyong katao ang nawalan ng trabaho. Nabawasan ang pag-angkat ng United States ng mga hilaw na materyales na nakaapekto sa mga mahihirap na bansang dumedepende sa pagbebenta ng pagkain at mga hilaw na materyales. 

Lumaganap sa buong mundo ang pagbagsak ng ekonomiya ng United States. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nagpautang ang mga bangko ng United States sa ibang bansa. Subalit, nang magsimula ang Great Depression, sinimulang bawiin ng United States ang mga pautang nito sa ibang bansa, gayundin ang kanilang puhunan at mga negosyo. At upang mapanatili ang dolyar sa kanilang bansa at bilhin ng mga mamamayang Amerikano ang kanilang sariling produkto, pinatawan ng mataas na taripa ng United States ang mga produktong imported. Ang patakarang ito ay nagkaroon ng epekto sa mga bansa na nagluluwas ng produkto sa United States. Naglagay rin ang mga bansa ng mataas na taripa sa kanilang mga produkto na naging sanhi ng paghina ng kalakalang pandaigdig. Nagdulot ito ng patuloy na paghina ng ekonomiya ng mundo at malawakang kawalan ng hanapbuhay. Ang Great Britain at Germany, ay kabilang sa mga bansang labis na naapektuhan. At mabilis na lumaganap sa buong mundo ang krisis.


Pagsikat ng mga Diktador

Dahil sa hangarin na magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, ang Nasismo, Komunismo, at Pasismo ay naitatag sa iba’t ibang panig ng Europa. Ito ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga diktador. Ang isang diktador ay mayroong ganap na kapangyarihan at ganap na kontrol sa mga mamamayan nito. Naging hangarin ng mga diktador na sakupin ang kanilang mga kalapit bansa sa paniniwalang ito ang paraang makakatulong upang maiahon nila ang ekonomiya ng kanilang bansa. Ang mga ambisyon ng mga diktador tulad ni Adolf Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) ang naging daan upang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 

Kahinaan ng League of Nations

Ang League of Nations ay itinatag noong ika-10 ng Enero taong 1920 na may layuning mapanatili ang kapayapaan. Ngunit hindi nito nagawang pigilan ang pagsalakay ng Japan sa Manchuria, Italy sa Ethiopia, at Germany sa Rhineland. Ang mga kasapi ng League of Nations ay hindi nagkakasundo sa mga usapin at pagpapasya, wala itong kapangyarihang maningil ng buwis at walang sariling hukbo upang maipatupad ang mga desisyon. Ang hindi pagsali ng mga makapangyarihang bansa katulad ng United States ay isa pang dahilan ng kahinaan ng League of Nations. Sumali ang Russia noong 1934 subalit ito ay inalis kaya’t napunta sa Great Britain at France ang responsiblidad na itaguyod ang liga. Ngunit ang dalawang naturang bansa ng mga panahong iyon ay hindi pa lubusang nakakabangon sa pinsalang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kaya’t upang makaiwas sa digmaan, ipinatupad ng Britain at France ang patakarang appeasement kung saang hinayaan nilang ipagpatuloy ng mga diktador ang kanilang pagsakop sa mga teritoryo.


Mga Kondisyon ng Treaty of Versailles

Opisyal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig noong ika-28 ng Hulyo taong 1919 sa pamamagitan ng kasunduan sa Versailles. Layunin ng Treaty of Versailles na panatilihin ang kapayapaan pagkatapos ng Unang Digmaan. Ngunit para sa mga Aleman, hindi makatarungan ang nilalaman ng kasunduan. Naging mitsa ito upang magkaroon ng tensiyon at humantong sa pagsisimula sa panibagong digmaan na higit na mas malawak at mas mapaminsala.


Mga Pagsalakay Bago Sumiklab Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria (1931) – Sinalakay ng Japan ang Manchuria noong 1931. Ito ay isang lalawigang nasa hilaga ng China na mayaman sa bakal at karbon. Ito ang unang hamon na kinaharap ng League of Nations, kinondena nila ito, subalit wala silang nagawa para pigilan ang Japan. Ang ginawang ito ng Japan ang dahilan kung bakit siya itiniwalag sa liga. 

2. Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia (1935) – Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia at tuluyang nilabag ang kasunduan sa Liga (Covenant of the League). 

3. Pagsalakay ng Germany sa Rhineland (1936) – ang pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa at pagkabigo ng liga na panatilihin ang kapayapaan ang nagkumbinsi kay Hitler na kunin ang Rhineland. Ito ay isang buffer zone na nasa magkatunggaling bansa na France at Germany. Dahil sa patakarang appeasement, ang paglusob na ito ng Germany ay hinayaan lamang ng France. 

4. Pagsalakay ng Japan sa China (1937) – sinalakay ng mga Hapones ang China, at dahil sa kanilang mga makabagong armas, bumagsak ang Nanjing at ang Beijing na kapital ng China. 

5. Pagkuha ng Germany sa Austria (1938) – Nakasaad sa Treaty of Versailles na ipinagbabawal ang pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss). Ngunit dahil maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong sangay ng Germany. 

6. Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia (1938) - Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudentenland na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudentenland at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany. 

7. Paglusob ng Germany sa Poland (1939) – Noong 1939, ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma ((Non-Aggression Pact). Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng mga sumusunod na pagyayari:

a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.

b. Pagkainis ng Russia sa Great Britain nang ang ipinadalang nitong negosyador para sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao.


Mga Kaganapan at Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, hindi natupad ang kapayapaang inaasahang makamit batay sa Treaty of Versailles ng 1919 at sa iba pang mga kasunduang nilagdaan ng mga bansang Europeo. Sa halip, nasaksihan ang isa pang digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan ng sangkatuhan- ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap noong 1939 hanggang 1945.


Mga Mahalagang Kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig 

Pagsalakay sa Poland. Bukod sa Austria at Czechoslovakia sinalakay din ng hukbo ni Hitler ang Poland noong Setyembre 1, 1939 upang gawing teritoryo. Isinagawa ng Germany ang blitzkrieg o lightning war, ang estratehiyang militar na ginagamitan ng mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng puwersa ng mga sundalo sa kanilang pagsalakay. Ito ay nagresulta ng pagbagsak ng Warsaw, ang kabisera ng Poland. Ang pagsalakay na ito ng Germany sa Poland ang nagpasimula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany noong Setyembre 3, 1939. Ang magkabilang panig na naglaban ay ang Axis Powers na pinangungunahan ng Germany, Italy at Japan laban sa Allied o Allies Powers na kinabibilangan ng Great Britain at France.

Ang Digmaan sa Europe. Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot Line, (isang hanay ng mga moog na pangdepensa sa hangganan ng France at Germany) kung saan hinihintay nila ang pagsalakay ng Germany, subalit walang naganap na pagsalakay. Tinawag ito na Phony War dahil sa pananahimik ng Europe sa digmaan. Muling naglunsad ng pagsalakay si Hitler sa Denmark at Norway noong Abril 9, 1940. Isinunod nito ang Netherlands, Belgium at Luxembourg. Ito ang naghudyat sa pasimula ng Battle of France at ang pagtatapos ng Phony War. Tuluyang bumagsak ang Paris sa mga Aleman noong Hunyo 22, 1940. 

Sinamantala ng Soviet Union ang digmaan at sinakop ang Finland noong Nobyembre 1939. Sinakop din nito ang Latvia, Lithuania at Estonia gayundin ang Romania.

Labanan sa Hilagang Africa. Tinulungan ng Germany ang Italya laban sa mga British sa digmaang naganap sa Hilagang Africa. Iniutos ni Mussolini ang pagsalakay sa Libya noong Setyembre 1940. Layunin nito na makuha ang Egypt na noon ay kontrolado ng Britain dahil sa Suez Canal. Ang Suez Canal ay ang ruta na dinadaan ng Britain patungo sa mga kolonya nito sa Silangan kaya’t tinawag itong Lifeline of the Empire.

Pananalakay sa Soviet Union. Sa kabila ng kasunduan ng Soviet Union at Germany, nagplano si Hitler na salakayin ang Soviet Union. Bilang paghahanda, sinakop muna ng Germany ang Bulgaria at naminsala sa Greece at Yugoslavia. Sa tulong ng pinagsamang puwersa ng mga sundalo mula sa Italy, Romania at Finland biglaang sinalakay ng Germany ang Soviet Union noong Hunyo 22, 1941, at ito ay tinawag ni Hitler na Operation Barbarossa. 

 Ang United States at ang Digmaan. Ang paglaganap ng pananakop ng Axis Powers, pagkatalo ng mga Allies at pagkabahala sa kalagayan ng demokrasya sa daigdig ang nagdulot sa United States upang mapilitan na makialam sa digmaan. Pinagtibay ng kongreso ang batas na Lend Lease na nagpahintulot sa mga Allies na manghiram o upahan ang mga armas at suplay ng digmaan ng Amerika. Noong Agosto 1941, sina Pangulong Franklin Roosevelt ng America at Winston Churchill ng Inglatera ay nagpulong at lumagda sa Atlantic Charter, isang dokumento na naglalaman ng mga demokratikong prinsipyo na ipinaglalaban sa digmaan. 

Ang Labanan sa Pasipiko. Ang digmaan sa Pacific ay sa pagitan ng mga Allies at Japan na nagpatuloy hanggang Agosto 1945. Nauna nang sinalakay ng Japan ang Korea, Manchuria at ilang bahagi ng China. Sumunod na sinalakay ng Japan ang Guam at pagkaraan ay naglunsad ng pagsalakay sa Pilipinas. Sinalakay din ng Japan ang Hongkong, Malaya, Singapore, Indonesia, Myanmar at naging banta sa Australia. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

Habang pinag-uusapan ang kapayapaan sa pagitan ng Amerika at Japan, binomba ng mga eroplanong Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Ang pataksil na pagsalakay na ito ay nagpagalit sa mga Amerikano. 


Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Tagumpay ng Allied sa Europe at Hilagang Africa 

Nagsimula ang pagbawi sa Kanlurang Europe noong Hunyo 6, 1944, nang dumaong ang Allied Powers sa Normandy, France samantalang sa Hilagang Europe ay tinalo naman ng Rusya ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong May 13, 1945 ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong bansa. Samantala ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. 


Ang Pagsuko ng Germany

Noong Abril 30, 1945 si Hitler na nagnais mamuno sa daigdig ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril kasama ang kabit nito, si Eva Braun sa isang selda. Ang digmaan sa Europe ay nagtapos noong Mayo 7, 1945 nang si Heneral Alfred Jodl, pinuno ng sandatahang lakas ng Germany ay lumagda sa isang kasunduan ng pagsuko ng Germany sa mga Alyado. Ang Mayo 8, 1945 ay idineklara bilang V-E (Victory in Europe) Day sa United States. Nang matapos ang digmaan sa Europa, ang mga alyado ay nagplano na durugin ang Japan, ang natitira sa puwersang Axis.


Ang Tagumpay sa Pasipiko

Inatake ng puwersang Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asia-Pacific na nasakop ng Japan. Noong Agosto 6, 1945, ang United States ay nagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima at nasundan ng pangalawang bomba atomika na ibinagsak sa lungsod ng Nagasaki noong Agosto 9, na nagdulot ng malubhang epekto sa Japan. Hinikayat ni Pangulong Truman ang Japan na sumuko na o makaranas pa ng maraming pambobomba. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang U.S Missouri sa Tokyo Bay. Sumuko ang Japan noong Setyembre 2, 1945 at ito ay tinawag na V-J Day o Victory in Japan. Ito ang pormal na pagwawakas ng digmaan sa Pacific at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Ang Yalta Settlement

Ang naganap na pagpupulong ng tatlong pinuno ng mga bansang nanalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Yalta, bahagi ng Crimea, noong Pebrero 1945. Nagpulong sina Joseph Stalin ng Russia, Winston Churchill ng Great Britain at Franklin Roosevelt ng US upang pagpasyahan ang kapalaran ng Germany. Napagkasunduang ipatupad sa Germany ang disarmament, demilitarization o pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas at dismemberment o paghahati rito. Pagbabayarin din ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala



GAWAIN:


PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ikomento ang inyong sagot sa comment section nito. Ilagay din sa inyong notebook ang inyong sagot.

1. Mayroon bang nananatiling epekto sa kasalukuyan ang naganap na digmaan noon? Magbigay ng limang mga bansang mayroong tensyon sa kasalukuyan.

2. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang muling pagsiklab ng isa pang digmaan?

3. Ano ang mga masamang epekto ng digmaan? May kaugnayan ba ang mga naganap na digmaan noon sa kasalukuyang panahon? Ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan?

4. Bilang mag-aaral ngayon, sakaling maging lider ka sa hinaharap, paano mo haharapin ang tensyon sa West Philippine Sea?


REFERENCE

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlrUF79g86oAmIlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=ikalawang+digmaang+pandaigdig&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuRoGL9g.DQAJAxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=allied+vs+axis+powers&fr2=piv-web&fr=mcafee



JOURNAL #1:

"ANG MGA GUSTO AT AYAW KONG MAALALA NOONG THIRD GRADING"

JOURNAL #2:

"ANG MGA NAGAWA KONG BAGAY NA NAGDULOT NG HINDI PAGKAKASUNDO O PAGKAKAINTINDIHAN NG IBA"

JOURNAL #3:

"NGAYONG NALALAPIT ANG ARAW NG KALAYAAN, AKING SINASARIWA ANG GINAWA NG MGA BAYANI NG BAYAN UPANG MAKAMIT NATIN ANG KALAYAAN"

JOURNAL #4:

"ANG AKING BANSA NA NAGING SAKSI SA MGA PANGYAYARING NAGANAP NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG"