Tuesday, June 8, 2021

AP8-Q4-WEEK3-4: IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

 AP8-Q4-WEEK3-4: IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


MELC/Kasanayan

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Code: AP8AKD-IVb-2 


BALIK-ARAL:

Sa nagdaang aralin ay tinalakay ko ang mga pangyayaring nagbunsod sa unang digmaang pandaigdig. kasama rito ang mga tensyon at pagkakabuo ng samahan ng mga bansa sa mundo lalo na ang pagkakabuo ng liga ng mga bansa o League of Nations.

Ngayon naman ay tatalakayin ko ang mga mahahalagang pangyayari, dahilan, at mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Makikilala rin natin ang mga prominenteng tao na  nanguna sa pagsugod at pagdepensa sa digmaang ito.


Mga Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig at nag-udyok sa ikalawang digmaang pandaigdig

1. Paglusob ng Germany sa Poland

2. Masidhing Nasyonalismo

3. Pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa

4. Pag-agaw ng Japan sa Machuria 

5. Pagpatay kay Arkduke Francis Ferdinand ng Austria-Hungary 




Mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II ay isang napakalaking digmaang kinasangkutan ng halos lahat ng bansa sa daigdig. Nag-umpisa ito halos dalawang dekada pa lamang ng matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula ito ng ika-1 ng Setyembre taong 1939 at nagwakas noong ika-2 ng Setyembre taong 1945, nangangahulugang tumagal ang digmaan sa loob ng anim na taon at isang araw. Ang digmaang ito ay itinuturing na pinakamapaminsalang labanan sa kasaysayan ng tao dahil sa 70 hanggang 85 milyon ang mga namatay. Sa digmaang ito, nahati sa dalawang alyansang militar ang karamihan sa mga bansa sa buong mundo kasama na ang mga makapangyarihan, ito ay ang Allied Powers at Axis Powers. 

Ang Allies o Allied Powers ay pinangungunahan nina Winston Churchill ng Great Britain, Franklin Roosevelt ng United States of America, Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) at Chiang Kai-Shek ng China. Samantala, ang Axis Powers naman ay kinabibilangan nina Adolf Hitler ng Germany, Hirohito ng Japan at Benito Mussolini ng Italy.

 


Sa digmaang ito, nasangkot ang mahigit sa isang daang milyong tao mula sa iba’t ibang bansang nakilahok sa digmaan. Ibinuhos ng mga pangunahing bansa ang kanilang kakayahang pang-ekonomiya, pang-siyensya, at pang-industriyal para masuportahan ang digmaan. Kilala rin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa malawakang masaker, pagpatay ng lahi, malawakang pambobomba, at paggamit ng mga nuclear na armas sa digmaan. Kaya hindi maikakailang mahirap mailarawan ang lawak at saklaw ng digmaang ito. Ngunit, ano ba ang nangyari? Ano ba ang mga naging dahilan upang humantong ito sa isang napakalaking digmaan ng kasaysayan? Paano nga ba nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Halina’t isa-isahin natin ang mga dahilang ito. 


Pagbagsak ng Stock Market

Noong taong 1920, nagkaroon ng economic boom o mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ang United States na makikita sa mataas na halaga ng stocks. Namuhunan ang maraming tao sa pamamagitan ng pagbili ng mga stocks sa mababang halaga ng porsiyento bilang paunang pambayad at inutang naman ang iba sa stockbroker. Setyembre 1929, nakaramdam ang mga namumuhunan ng pagtaas ng presyo ng stocks, kaya’t sinimulan nilang ibenta ang mga ito dahil sa posibilidad ng pagbaba ng presyo nito sa mga susunod na araw. Nagdulot ito ng tuloy-tuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks hanggang Oktubre 24 na nagbigay takot sa mga namumuhunan.

Dahil sa patuloy na pagbagsak ng halaga ng stocks, lahat ng mga namumuhunan ay nagnais na ibenta ang kanilang mga stocks subalit walang nais bumili. At sa loob lamang ng isang araw, 13 milyong shares ang ibinenta sa New York Stock Exchange. Ang mabilis na pagbagsak ng presyo ng mga stock ay tinawag na Wall Street Crash, hango sa pinansiyal na distrito ng New York. Noong ika-29 ng Oktubre taong 1929, tuluyang bumagsak ang New York Stock Exchange at tinawag nila itong Black Thursday.


 Bunga ng Wall Street Crash:

1. Maraming tao ang nawalan ng malaking salapi at nalugi ng maganap ang wall street crash

2. Nagsara ang mga bangko at mga negosyo

3. Maraming tao ang nawalan ng trabaho

4. Humina ang produksiyon at bumababa ang pasahod sa mga manggagawa

5. Nagdulot ng Great Depression.


Ang Great Depression

Ang Great Depression ay isang malawakang krisis pang-ekonomiya na nagsimula dahil sa pagbagsak ng stock market noong October 20, 1929. Naapektuhan nito ang halos lahat ng mamamayan ng United States. Humina ang produksiyon ng mga industriya. Umabot sa 9 milyong katao ang nawalan ng pera sa mga bangko dahil nawalan ang bangko ng pambayad. Noong taong 1933, halos ikaapat na bahagi ng mga mamamayan sa United States ay nawalan ng trabaho.

Ang taong 1933 ang pinakamalalang taon ng Great Depression dahil umabot sa 12 milyong katao ang nawalan ng trabaho. Nabawasan ang pag-angkat ng United States ng mga hilaw na materyales na nakaapekto sa mga mahihirap na bansang dumedepende sa pagbebenta ng pagkain at mga hilaw na materyales. 

Lumaganap sa buong mundo ang pagbagsak ng ekonomiya ng United States. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nagpautang ang mga bangko ng United States sa ibang bansa. Subalit, nang magsimula ang Great Depression, sinimulang bawiin ng United States ang mga pautang nito sa ibang bansa, gayundin ang kanilang puhunan at mga negosyo. At upang mapanatili ang dolyar sa kanilang bansa at bilhin ng mga mamamayang Amerikano ang kanilang sariling produkto, pinatawan ng mataas na taripa ng United States ang mga produktong imported. Ang patakarang ito ay nagkaroon ng epekto sa mga bansa na nagluluwas ng produkto sa United States. Naglagay rin ang mga bansa ng mataas na taripa sa kanilang mga produkto na naging sanhi ng paghina ng kalakalang pandaigdig. Nagdulot ito ng patuloy na paghina ng ekonomiya ng mundo at malawakang kawalan ng hanapbuhay. Ang Great Britain at Germany, ay kabilang sa mga bansang labis na naapektuhan. At mabilis na lumaganap sa buong mundo ang krisis.


Pagsikat ng mga Diktador

Dahil sa hangarin na magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, ang Nasismo, Komunismo, at Pasismo ay naitatag sa iba’t ibang panig ng Europa. Ito ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga diktador. Ang isang diktador ay mayroong ganap na kapangyarihan at ganap na kontrol sa mga mamamayan nito. Naging hangarin ng mga diktador na sakupin ang kanilang mga kalapit bansa sa paniniwalang ito ang paraang makakatulong upang maiahon nila ang ekonomiya ng kanilang bansa. Ang mga ambisyon ng mga diktador tulad ni Adolf Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng Soviet Union (Russia) ang naging daan upang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 

Kahinaan ng League of Nations

Ang League of Nations ay itinatag noong ika-10 ng Enero taong 1920 na may layuning mapanatili ang kapayapaan. Ngunit hindi nito nagawang pigilan ang pagsalakay ng Japan sa Manchuria, Italy sa Ethiopia, at Germany sa Rhineland. Ang mga kasapi ng League of Nations ay hindi nagkakasundo sa mga usapin at pagpapasya, wala itong kapangyarihang maningil ng buwis at walang sariling hukbo upang maipatupad ang mga desisyon. Ang hindi pagsali ng mga makapangyarihang bansa katulad ng United States ay isa pang dahilan ng kahinaan ng League of Nations. Sumali ang Russia noong 1934 subalit ito ay inalis kaya’t napunta sa Great Britain at France ang responsiblidad na itaguyod ang liga. Ngunit ang dalawang naturang bansa ng mga panahong iyon ay hindi pa lubusang nakakabangon sa pinsalang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kaya’t upang makaiwas sa digmaan, ipinatupad ng Britain at France ang patakarang appeasement kung saang hinayaan nilang ipagpatuloy ng mga diktador ang kanilang pagsakop sa mga teritoryo.


Mga Kondisyon ng Treaty of Versailles

Opisyal na nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig noong ika-28 ng Hulyo taong 1919 sa pamamagitan ng kasunduan sa Versailles. Layunin ng Treaty of Versailles na panatilihin ang kapayapaan pagkatapos ng Unang Digmaan. Ngunit para sa mga Aleman, hindi makatarungan ang nilalaman ng kasunduan. Naging mitsa ito upang magkaroon ng tensiyon at humantong sa pagsisimula sa panibagong digmaan na higit na mas malawak at mas mapaminsala.


Mga Pagsalakay Bago Sumiklab Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1. Pagsalakay ng Japan sa Manchuria (1931) – Sinalakay ng Japan ang Manchuria noong 1931. Ito ay isang lalawigang nasa hilaga ng China na mayaman sa bakal at karbon. Ito ang unang hamon na kinaharap ng League of Nations, kinondena nila ito, subalit wala silang nagawa para pigilan ang Japan. Ang ginawang ito ng Japan ang dahilan kung bakit siya itiniwalag sa liga. 

2. Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia (1935) – Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia at tuluyang nilabag ang kasunduan sa Liga (Covenant of the League). 

3. Pagsalakay ng Germany sa Rhineland (1936) – ang pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa at pagkabigo ng liga na panatilihin ang kapayapaan ang nagkumbinsi kay Hitler na kunin ang Rhineland. Ito ay isang buffer zone na nasa magkatunggaling bansa na France at Germany. Dahil sa patakarang appeasement, ang paglusob na ito ng Germany ay hinayaan lamang ng France. 

4. Pagsalakay ng Japan sa China (1937) – sinalakay ng mga Hapones ang China, at dahil sa kanilang mga makabagong armas, bumagsak ang Nanjing at ang Beijing na kapital ng China. 

5. Pagkuha ng Germany sa Austria (1938) – Nakasaad sa Treaty of Versailles na ipinagbabawal ang pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss). Ngunit dahil maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong sangay ng Germany. 

6. Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia (1938) - Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudentenland na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudentenland at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany. 

7. Paglusob ng Germany sa Poland (1939) – Noong 1939, ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma ((Non-Aggression Pact). Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng mga sumusunod na pagyayari:

a. Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.

b. Pagkainis ng Russia sa Great Britain nang ang ipinadalang nitong negosyador para sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao.


Mga Kaganapan at Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, hindi natupad ang kapayapaang inaasahang makamit batay sa Treaty of Versailles ng 1919 at sa iba pang mga kasunduang nilagdaan ng mga bansang Europeo. Sa halip, nasaksihan ang isa pang digmaan na itinuturing na pinakamapangwasak na digmaan sa kasaysayan ng sangkatuhan- ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na naganap noong 1939 hanggang 1945.


Mga Mahalagang Kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig 

Pagsalakay sa Poland. Bukod sa Austria at Czechoslovakia sinalakay din ng hukbo ni Hitler ang Poland noong Setyembre 1, 1939 upang gawing teritoryo. Isinagawa ng Germany ang blitzkrieg o lightning war, ang estratehiyang militar na ginagamitan ng mabibilis na eroplano at tangke na sinundan ng puwersa ng mga sundalo sa kanilang pagsalakay. Ito ay nagresulta ng pagbagsak ng Warsaw, ang kabisera ng Poland. Ang pagsalakay na ito ng Germany sa Poland ang nagpasimula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany noong Setyembre 3, 1939. Ang magkabilang panig na naglaban ay ang Axis Powers na pinangungunahan ng Germany, Italy at Japan laban sa Allied o Allies Powers na kinabibilangan ng Great Britain at France.

Ang Digmaan sa Europe. Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot Line, (isang hanay ng mga moog na pangdepensa sa hangganan ng France at Germany) kung saan hinihintay nila ang pagsalakay ng Germany, subalit walang naganap na pagsalakay. Tinawag ito na Phony War dahil sa pananahimik ng Europe sa digmaan. Muling naglunsad ng pagsalakay si Hitler sa Denmark at Norway noong Abril 9, 1940. Isinunod nito ang Netherlands, Belgium at Luxembourg. Ito ang naghudyat sa pasimula ng Battle of France at ang pagtatapos ng Phony War. Tuluyang bumagsak ang Paris sa mga Aleman noong Hunyo 22, 1940. 

Sinamantala ng Soviet Union ang digmaan at sinakop ang Finland noong Nobyembre 1939. Sinakop din nito ang Latvia, Lithuania at Estonia gayundin ang Romania.

Labanan sa Hilagang Africa. Tinulungan ng Germany ang Italya laban sa mga British sa digmaang naganap sa Hilagang Africa. Iniutos ni Mussolini ang pagsalakay sa Libya noong Setyembre 1940. Layunin nito na makuha ang Egypt na noon ay kontrolado ng Britain dahil sa Suez Canal. Ang Suez Canal ay ang ruta na dinadaan ng Britain patungo sa mga kolonya nito sa Silangan kaya’t tinawag itong Lifeline of the Empire.

Pananalakay sa Soviet Union. Sa kabila ng kasunduan ng Soviet Union at Germany, nagplano si Hitler na salakayin ang Soviet Union. Bilang paghahanda, sinakop muna ng Germany ang Bulgaria at naminsala sa Greece at Yugoslavia. Sa tulong ng pinagsamang puwersa ng mga sundalo mula sa Italy, Romania at Finland biglaang sinalakay ng Germany ang Soviet Union noong Hunyo 22, 1941, at ito ay tinawag ni Hitler na Operation Barbarossa. 

 Ang United States at ang Digmaan. Ang paglaganap ng pananakop ng Axis Powers, pagkatalo ng mga Allies at pagkabahala sa kalagayan ng demokrasya sa daigdig ang nagdulot sa United States upang mapilitan na makialam sa digmaan. Pinagtibay ng kongreso ang batas na Lend Lease na nagpahintulot sa mga Allies na manghiram o upahan ang mga armas at suplay ng digmaan ng Amerika. Noong Agosto 1941, sina Pangulong Franklin Roosevelt ng America at Winston Churchill ng Inglatera ay nagpulong at lumagda sa Atlantic Charter, isang dokumento na naglalaman ng mga demokratikong prinsipyo na ipinaglalaban sa digmaan. 

Ang Labanan sa Pasipiko. Ang digmaan sa Pacific ay sa pagitan ng mga Allies at Japan na nagpatuloy hanggang Agosto 1945. Nauna nang sinalakay ng Japan ang Korea, Manchuria at ilang bahagi ng China. Sumunod na sinalakay ng Japan ang Guam at pagkaraan ay naglunsad ng pagsalakay sa Pilipinas. Sinalakay din ng Japan ang Hongkong, Malaya, Singapore, Indonesia, Myanmar at naging banta sa Australia. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong 1942 at nagtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

Habang pinag-uusapan ang kapayapaan sa pagitan ng Amerika at Japan, binomba ng mga eroplanong Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Ang pataksil na pagsalakay na ito ay nagpagalit sa mga Amerikano. 


Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Tagumpay ng Allied sa Europe at Hilagang Africa 

Nagsimula ang pagbawi sa Kanlurang Europe noong Hunyo 6, 1944, nang dumaong ang Allied Powers sa Normandy, France samantalang sa Hilagang Europe ay tinalo naman ng Rusya ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong May 13, 1945 ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong bansa. Samantala ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. 


Ang Pagsuko ng Germany

Noong Abril 30, 1945 si Hitler na nagnais mamuno sa daigdig ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril kasama ang kabit nito, si Eva Braun sa isang selda. Ang digmaan sa Europe ay nagtapos noong Mayo 7, 1945 nang si Heneral Alfred Jodl, pinuno ng sandatahang lakas ng Germany ay lumagda sa isang kasunduan ng pagsuko ng Germany sa mga Alyado. Ang Mayo 8, 1945 ay idineklara bilang V-E (Victory in Europe) Day sa United States. Nang matapos ang digmaan sa Europa, ang mga alyado ay nagplano na durugin ang Japan, ang natitira sa puwersang Axis.


Ang Tagumpay sa Pasipiko

Inatake ng puwersang Amerikano at Australian ang mga lugar sa Asia-Pacific na nasakop ng Japan. Noong Agosto 6, 1945, ang United States ay nagbagsak ng bomba atomika sa Hiroshima at nasundan ng pangalawang bomba atomika na ibinagsak sa lungsod ng Nagasaki noong Agosto 9, na nagdulot ng malubhang epekto sa Japan. Hinikayat ni Pangulong Truman ang Japan na sumuko na o makaranas pa ng maraming pambobomba. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang U.S Missouri sa Tokyo Bay. Sumuko ang Japan noong Setyembre 2, 1945 at ito ay tinawag na V-J Day o Victory in Japan. Ito ang pormal na pagwawakas ng digmaan sa Pacific at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Ang Yalta Settlement

Ang naganap na pagpupulong ng tatlong pinuno ng mga bansang nanalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Yalta, bahagi ng Crimea, noong Pebrero 1945. Nagpulong sina Joseph Stalin ng Russia, Winston Churchill ng Great Britain at Franklin Roosevelt ng US upang pagpasyahan ang kapalaran ng Germany. Napagkasunduang ipatupad sa Germany ang disarmament, demilitarization o pagbabawal na magtatag ng sandatahang lakas at dismemberment o paghahati rito. Pagbabayarin din ang Germany ng $20 bilyon bilang bayad-pinsala



GAWAIN:


PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ikomento ang inyong sagot sa comment section nito. Ilagay din sa inyong notebook ang inyong sagot.

1. Mayroon bang nananatiling epekto sa kasalukuyan ang naganap na digmaan noon? Magbigay ng limang mga bansang mayroong tensyon sa kasalukuyan.

2. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang muling pagsiklab ng isa pang digmaan?

3. Ano ang mga masamang epekto ng digmaan? May kaugnayan ba ang mga naganap na digmaan noon sa kasalukuyang panahon? Ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan?

4. Bilang mag-aaral ngayon, sakaling maging lider ka sa hinaharap, paano mo haharapin ang tensyon sa West Philippine Sea?


REFERENCE

Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlrUF79g86oAmIlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=ikalawang+digmaang+pandaigdig&fr2=piv-web&fr=mcafee

https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuRoGL9g.DQAJAxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZAMEc2VjA3BpdnM-?p=allied+vs+axis+powers&fr2=piv-web&fr=mcafee



JOURNAL #1:

"ANG MGA GUSTO AT AYAW KONG MAALALA NOONG THIRD GRADING"

JOURNAL #2:

"ANG MGA NAGAWA KONG BAGAY NA NAGDULOT NG HINDI PAGKAKASUNDO O PAGKAKAINTINDIHAN NG IBA"

JOURNAL #3:

"NGAYONG NALALAPIT ANG ARAW NG KALAYAAN, AKING SINASARIWA ANG GINAWA NG MGA BAYANI NG BAYAN UPANG MAKAMIT NATIN ANG KALAYAAN"

JOURNAL #4:

"ANG AKING BANSA NA NAGING SAKSI SA MGA PANGYAYARING NAGANAP NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG"



56 comments:

  1. Replies
    1. Ben Jared Urquia
      8-Bakawan

      1.Germany
      USA
      France
      Japan
      United kingdom

      2.Pagbuo ng mga batas pangkapayapaan
      Hindi paglabag sa mga teritoryo ng ibang banda
      Pagbuo ng mga pagkakaibigan

      3.Ang mga masamang epekto ng digmaan ay ang mga:
      Pagkamatay ng milyong tao
      Pagkasira ng mga ari-arian
      Pagkawala ng ibang kabuhayan
      Opo,ang mga tensyon ngayon kagaya nalamang sa West Philippine Sea.

      4.Sa pamamagitan ng pakikipaglaban ng walang nagaganap ng digmaan
      Sa pamamagitan ng pag sampa ng mga reklamo.

      Delete
    2. Arabela Dorcas Delavega
      8-Bakawan

      Gawain:

      1. Japan
      Vietnam
      Russia
      Brunei
      China
      2.Pagkakaroon ng malinaw ng mga teritoryo sa bansa at pagbuo ng malinaw na batas
      3.Pagkawala ng mga buhay na inosente at pagkasira ng mga kabahayan
      4.Maging responsableng lider at kayang pamunuan ang kanyang nasasakupan at makipag-ayos para walang masaktan at mamatay kung kinakailangan

      Delete
    3. Euniece Espino
      8-Bakawan

      1. Nawasak ang malaking parte ng lungsod ng China, Russia, Vietnam, Brunei at Japan noong ikalawang digmaang oandaigdig.

      2. Paggawa ng mga malinaw na batas at ugnayan sa hangganan ng teritoryo.

      3. Madaming sundalong namatay dahil sa paglaban sa digmaan.

      4. Masunurin na lider, dahil hindi mo malalaman kung paano maging lifer kung hindi ka susunod sa iyong lider.

      Delete
    4. JinCky Demayo
      8-bakawan
      1.1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
      vietnam
      Japan
      China
      Brunei
      Russia
      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo.
      3.Maraming mga mamayan at sundalo ang namatay
      4.maging masunurin at makisama para hindi mahirapan ang leader o ang mga kagrupo

      Delete
    5. Ella Mae Cuaresma
      8-Bakawan
      1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunei
      Japan

      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa

      3.namamatay ang mga sundalong lumalaban sa digmaan

      4.maging masunurin sa lider , dahil hindi mo malalaman kung paano maging lider kung hinde ka susunod sa iyong lider.

      Delete
    6. Moises Isaac G. Cuello
      8-Bakawan
      1.Germany,USA,japan,france,UK
      2.Bumuo ng patas na batas
      3. kamatayan ng maraming mga inosenteng mga tao
      4.haharapin ko kung paano ang tamang paraan

      Delete
  2. Replies
    1. Ronnabele E.Homeres
      8-kalantas

      1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunei
      Japan
      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo.
      3.maraming mga tao ang namatay sa digmaan.
      4.Maging maayos na lider na kayang pamahalaan ang kanyang nasasakupan.

      Delete
    2. Aldrich Khildz L.Elevazo
      8 - Kalantas

      1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunei
      Japan

      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa

      3.namamatay ang mga sundalong lumalaban sa digmaan

      4.maging masunurin sa lider , dahil hindi mo malalaman kung paano maging lider kung hinde ka susunod sa iyong lider.

      Delete
    3. Renalyn A. Jaictin
      8-Kalantas


      1.Noong pangalawang digmaan na pandaigdigan nawasak ang malalaki na parte nang lungsod ng
      :JAPAN
      :VIETNAM
      :RUSSIA
      :BRUNEI
      AT CHINA

      2.Ang Pagkakaroon ng isang malinaw na ugnayan sa hangganan ng teritoryo

      3.marami na tao ang namatay dhil sa ikalwang digmaan

      4.sya at nging mahusay na lider ng kanyang sinasakupan.

      Delete
    4. 1.Noong ikalawang digmaanang pang daigdig nawasak ang malaking parte ng mga lugnsod.
      *Vietnam
      *China
      *Japan
      *Russia
      *Brunei
      2.Pagkakaroon ng isang malinaw na hangganan ng teritoryo
      3.maraming tao ang naapektuhan at binuwis ang kanilang buhay dahil sa digmaan
      4.maging masunurin na lider dahil malaking responsibilidad ito at merong mga taong naniniwala at sumusuporta.

      Delete

    5. Ayesha Kimberly Grizo
      8-kalantas

      Delete
    6. JAN DAVE LINGAD
      8-KALANTAS
      GAWAIN3-4
      1 Noong ikalawang digmaang pandaigdig nawasak ang malaking parte ng lungsod ng china,russia,vietnam,brunei,japan.
      2 Pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa.
      3 Maraming mamamayan at sundalo ang mga namatay.
      4 Ipaglalaban ko ito,dahil ito ay saatin.

      Delete
    7. tjay madronero
      8-kalatas
      1.Noong pangalawang digmaan na pandaigdigan nawasak ang malalaki na parte nang lungsod ng
      :JAPAN
      :VIETNAM
      :RUSSIA
      :BRUNEI
      AT CHINA
      2.Pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa.
      3.Maraming mamamayan at sundalo ang mga namatay.
      4.Maging Maayos na lider at may Paninindigan at Marunong makinig sa opinyon ng iba.

      Delete
    8. Mary Grace Gonzales
      8-kalantas

      1.oo ang ating takot na troma tayo sa ng yaring digmaang at naging mapaghanda tayo, kaya nagpaunlad tayo ng mga armas
      2. maging malumanay sa pakikipag-usapan tungkol sa kasunduan
      3.milyong-milyong katao ang namatay dahil sa ikalawang digmaan.
      4.maging matalino sa paggawa ng desisyon at dapat ring makinig sa opniyon ng iba.

      Delete
  3. Replies
    1. Anguz Montillla
      8-kalumpit

      GAWAIN
      1,Ito ay nagresulta ng pagbagsak ng Warsaw, ang Kabisera ng Poland,Ang pagsalakay na ito ng Germany sa Poland ang nagpasimula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
      2,Pagkakaroon ng Malinaw na hangganan ng mga teritoryo.
      3,Ngunit DAHIL maraming mga mamamayang Austriano ang gustung masama ang kanilang bansa sa Germany.
      4, Talayang hinggil s usapin sa West Philippine Sea (WPS) mga pulo pulo na na papabilang ngayon sa bansang Pilipinas.

      Delete
    2. Angeluz Montilla
      8-kalumpit

      GAWAIN
      1,ito ay nagresulta ng pagbagsak ng War, Saw ang Kabisera ng Poland, Ang pagsalakay na ito ng Germany sa Poland ang nagsimula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
      2.Pagkakaaroon ng Malinaw na hangganan ng mga teritoryo.
      3.Ngunit DAHIL maraming mga mamamayang Austriano ang gustung masama ang kanilang bansa sa Germany.
      4.Talayang hinggil usapin sa West Philippine Sea ( WPS) mga pulo na papabilang ngayon sa binasang Pilipinas.

      Delete
    3. Cyrus Pintucan
      8-kalumpit



      1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunei
      Japan

      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa

      3.namamatay ang mga sundalong lumalaban sa digmaan

      4.maging masunurin sa lider , dahil hindi mo malalaman kung paano maging lider kung hinde ka susunod sa iyong lider.

      Delete
    4. Jenlix Rhey D Lagos
      8-Kalumpit

      1.Noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig,Nawasak ang Malaking Parte ng Lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunei
      Japan

      2.Pagkakaroon ng Malinaw na hangganan ng mga Teritoryo sa Bansa

      3.Maraming mga mamayan at sundalo ang namatay

      4.Maging Maayos na lider at may Paninindigan at Marunong makinig sa opinyon ng iba.

      Delete
    5. Joana Ajos
      8-kalumpit

      1.noong ikalawang digmaang pandaigdig nawasak ang malaking parte ng lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunie
      Japan
      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa.
      3.milyong-milyong katao ang namatay dahil sa ikalawang digmaan.
      4.maging matalino sa paggawa ng desisyon at dapat ring makinig sa opniyon ng iba.

      Delete
    6. Khercelle Jane P. Marasigan
      8-KALUMPIT
      1.)Oo.
      -North Korea
      -South Korea
      -Russia
      -America
      -Japan
      2.)Itigil ang paghihinala at tanggalin sa isip ang pagiging uhaw sa kapangyarihan.
      3.)
      -Maraming napinsala.
      -Maraming lugar ang naangkin ng ibang na galing sa ibang bansa.
      -Maraming racism discrimination na nangyayari na nagiging dahilan ng seperation;Oo,Dahil maraming gusto mag agawan ng teritoryo na naagaw sa isang bansa.
      4.)Makikipag usap ako ng maayos sa kanila at iintindihin ko sila,magiging handa rin ako kung sakali mang makikipag alsahan sila.

      Delete
  4. Replies
    1. Kate Ashley G Chua
      8-kamagong

      1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
      China
      Russia
      Vietnam
      Brunei
      Japan

      2.pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa

      3.namamatay ang mga sundalong lumalaban sa digmaan

      4.maging masunurin sa lider , dahil hindi mo malalaman kung paano maging lider kung hinde ka susunod sa iyong lider.

      Delete
    2. trixy anne A. obana
      8-kamagong

      1.noong ikalawang digmaang
      pandaigdig nawasak ang malaking
      parte ng lungsog
      china
      russia
      Vietnam
      Brunei
      japan
      2.pagkakaroon ng malinaw na hanggana ng mga teritory
      3.maraming mga tao ang napatay sa digmaan.
      4maging maayos na lider na kanyang pamahalaan ang kanyang nasasakupan.

      Delete
    3. Edwin John P. Abugan Jr.
      8 - Kamagong

      1. Mayroon, Ang mga bansang China, Russia, Vietnam, Bruneiat Japan.
      2. Pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa , Pagkakaroon ng respeto ang bawat mga bansa, at Pagkakaunawaan katulad ng pakikipag-usap, pakikipagkalakalan, pakikipag-kaibigan at pasensya
      3. Ang mga masasamang epekto ng digmaan ay: Gutom
      - Kawalan ng tirahan
      - Sakit
      - Kawalan ng edukasyon
      - Kamatayan ng mga sibilyan
      *Opo, tulad ng pagaagawan ng teritoryo.
      4. Para sa akin, ang natatanging solusyon diyan ay ang ibang gobyerno na magbibigay ng patas na karapatan sa mga teritoryo. Hindi ito kayang gawin ng mga tao. Kaya ang gobyerno na tinutukoy ko ay ang Gobyerno ng Diyos o ang Kaharian niya. Ito ang tanging solusyon diyan. Ito yong parati nating ipinapanalangin na "dumating nawa ang iyong kaharian dito sa lupa".

      Delete
    4. George Andrei I. Pablo
      8-Kamagong

      GAWAIN:

      1. Meron, China, Japan, Vietnam, Russia, Brunei.
      2. Kung may hindi pagkakaintindihan pag-usapan ito ng maayos, at intindihin ang opinyon ng ibang bansa.
      3. Maraming tao ang nawalan ng mahal sa buhay, maraming taong nawalan ng tirahan at pagkagutom.
      4. Ang gagawin ko ay kakausapin ko sila at intindihin ang kanilang mga opinyon at manatiling mahinahon, hindi ako magpapadala sa emosyon at hindi ako manghuhusga.

      Delete
    5. Juri Andrei Vega Peregrin
      8- K A M A G O N G

      1.Meron, China, Japan, Vietnam, Russia, Brunei.

      2.Pagkakaroon ng Malinaw na hangganan ng mga Teritoryo sa Bansa.

      3.Marami na tao ang namatay dhil sa ikalwang digmaan.

      4.Bilang mag-aaral ipag lalaban ko ito dahilcsaatin ang WEST PHILIPPINE SEA at kakausapin ko sila ng maayos upang di basta basta maagaw ang teritoryo ng ating bansa.

      Delete
    6. Kevin Louie Pacheco
      8-kamagong
      Mga Gawain
      Sagot

      1.maraming taong nawalan Ng trabaho at walang salapi at bagsak Ang ekonomiya Ng Germany
      At Ng digmaan nawasak Ang mga Lugar at Bansa tulad Ng

      Japan
      Italy
      Germany
      Soviet union
      Austria
      Poland

      2.pag kakaroon Ng maayos na pamamalakad Ng Bansa at Ng military

      3 Ang masamang epekto ay andaming namatay na tao at Ang sikat na pinahirapan Ng Nazi ay mga hudyo nasayang lang wasak din Ang mga gusali

      4 nasayang lang Ang pag offensive Ng Axis Dahil natalo sila Ng Allies

      Delete
    7. Jamaica C. Ohina
      8-kamagong

      1.japan,china,brunei,russia at vietnam.
      2.Makipag sundo at mag takda ng batas.
      3.Masamang epekto ng digmaan ay may namatay na walang kalaban laban ang mga pag aari ng isang tao ang nawala.
      4.Kakauusapin muna ng maayos pero kapag hindi tumigil mag lalagay ng harang na naayon sa iyong sakop.

      Delete
    8. Lester John P. Pagpaguitan
      8-kamagong

      1. Japan,Vietnam,Russia,Brunei,China .

      2.pakikipag-usap nang maayos.

      3.maraming namatay sa digmaan.

      4.Ipaglalaban ko ito.

      Delete
    9. Raven Moroni R. Alegria
      1.japan,china,brunei,russia at vietnam.
      2.Pagkakaroon ng Malinaw na hangganan ng mga Teritoryo sa Bansa.
      3. Maraming tao ang nawalan ng mahal sa buhay, maraming taong nawalan ng tirahan at pagkagutom.
      4maging maayos na lider na kanyang pamahalaan ang kanyang nasasakupan.

      Delete
    10. Juri Andrei Vega Peregrin
      8-kamagong

      1.Noong pangalawang digmaan na pandaigdigan nawasak ang malalaki na parte nang lungsod ng
      :JAPAN
      :VIETNAM
      :RUSSIA
      :BRUNEI
      AT CHINA

      2.Ang Pagkakaroon ng isang malinaw na ugnayan sa hangganan ng teritoryo

      3.marami na tao ang namatay dhil sa ikalwang digmaan

      4.sya at nging mahusay na lider ng kanyang sinasakupan.

      Delete
    11. Jade Raulyn Espinosa Mostoles
      8-kamagong

      1. japan,vietnam,russia,brunei,china.
      2. pagkakaroon ng malinaw ng mga teritoryo sa bansa at pagbuo ng malinaw na batas.
      3. pagkawala ng mga buhay na inosente at pagkasira ng mga kabahayan.
      4. maging responsableng lider at kayang pamunuan ang kanyang nasasakupan at makipag-ayos para walang masaktan at mamatay kung kinakailangan.

      Delete
  5. Replies
    1. Angeline Nicole Ballero
      8-Lanete
      Mga Gawain;
      Sagot

      1,Myroon tulad ng maraming tao ang nawalan ng trabaho,mababa ang sahod ng mga mang gagawa.
      a),Japan
      b),italy
      c)germany
      d),Austria
      e),poland

      2pagkakaroon ng kanya kanyang maayos
      na pamamalaakad at dapat tumupad sa hanganan ng mga teritoryo

      3),Ang masamang epekto ay maraming tao ang namatay,nawalan ng trabaho at pag bagsak ng mga negosyo

      4),Maging maayos na lidet at may paninindigan..

      Delete
    2. Bryan Briones
      8-lanete

      1.noong ikalawang digmaang
      pandaigdig nawasak ang malaking
      parte ng lungsog
      china
      russia
      Vietnam

      2.2.Pagbuo ng mga batas pangkapayapaan
      Hindi paglabag sa mga teritoryo ng ibang banda

      3.maraming mamamayan at sundalo ang namamatay


      4.maging masunurin at makisama para hindi mahirapan ang leader o ang mga kagrupo

      Delete
    3. ALJOE B BALUNGAYA
      8-LANETE
      1.Germany
      USA
      France
      Japan
      United kingdom

      2.Pagbuo ng mga batas pangkapayapaan
      Hindi paglabag sa mga teritoryo ng ibang banda
      Pagbuo ng mga pagkakaibigan

      3.marami na tao ang namatay dhil sa ikalwang digmaan
      4.sya at nging mahusay na lider ng kanyang sinasakupan.

      Delete
    4. ENRIQUE JR.S.BAYLOSIS
      8-LANETE
      GAWAIN (Q4,W3-4)

      1.Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Nawasak ang malaking parte ng Lungsod
      RUSSIA
      CHINA
      JAPAN
      BRUNEI
      VIETNAM.

      2.Pagbuo ng mga Batas Pangkapayapaan Hinde Paglabag sa mga Teritoryo ng Ibang Banda.

      3.Maraming Namatay na mamamayan
      Dahil sa Digmaan.

      4.PatuLoy na sumunod lagi sa Leader at makipagka-isa.



      Delete
    5. Ryza Banico
      8-Lanete
      1.Opo,mayroon pang nananatiling epekto sa kasalukuyan at ang mga bansang may tensyon rito ay ang japan,china,brunei,at vietnam.
      2.Pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
      3.Ang masamang dulot nito ay ang pagkamatay ng karamihan at pagkawalan ng pagasa at pananampalataya sa diyos.Ang kaugnayan nito sa kasalukuyan ay pagtatak sa mga isip at nakaraan ng mga tao,nagbago rin ang kultura natin at ang dulot nito ngayon ay labis na pagdepende natin dahil sa takot tayong ma-gyera muli.
      4.Bilang isang mag-aaral at sakaling maging lider ako,haharapin ko nang may tamang pamamahala rito.

      Delete
    6. Darnel Japhet M Briones
      8-lanete
      1.noong ikalawang digmaang pandaigdig nawasak ang malaking parte ng lungsod ng China,Russia,Vietnam,Brunei at Japan
      2.pagbuo ng mga batas pangkapayapaan hindi paglabag sa mga teritoryo ng ibang bansa
      3.maraming mga mamamayan at sundalo ang namatay
      4.ang gagawin ko ay kakausapin ko sila at intindihin ang kanilang mga opinyon at manatiling mahinahon hindi ako magpapadala sa emosyon at hindi ako manghuhusga

      Delete
    7. Benirose D.Bacudo
      8-Lanete
      1.)Nawasak ang parte ng lungsod ng russia,china,vietnam,brunei at japan.
      2.)pagsunod sa batas at ng mga teritoryon' nasasakupan nila.
      3.)Maraming mahal sa buhay ang kinuha noong ikalawang digmaan at mga namatay.
      4.Ang gagawin ko ay kakausapin ko sila ng mahinahon at pakikinggan ko ang kanilang hinaing para magkaliwangan.

      Delete
  6. 1.nong pangalawang digmaan na pandaigdigan nawasak ang malalaki na parte nang lungsod ng
    :JAPAN
    :VIETNAM
    :RUSSIA
    :BRUNEI
    AT CHINA
    2.Ang Pagkakaroon ng isang malinaw na ugnayan sa hangganan ng teritoryo
    3.marami na tao ang namatay dhil sa ikalwang digmaan
    4.sya at nging mahusay na lider ng kanyang sinasakupan.

    ReplyDelete
  7. MARK DENVER RIBERAL 8-BANGKAL

    1.nong pangalawang digmaan na pandaigdigan nawasak ang malalaki na parte nang lungsod ng
    :JAPAN
    :VIETNAM
    :RUSSIA
    :BRUNEI
    AT CHINA
    2.Ang Pagkakaroon ng isang malinaw na ugnayan sa hangganan ng teritoryo
    3.marami na tao ang namatay dhil sa ikalwang digmaan
    4.sya at nging mahusay na lider ng kanyang sinasakupan.

    ReplyDelete
  8. Monique Polarde
    8-Bangkal
    1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig nawasak ang malaking parte ng lungsod
    Vietnam
    China
    Japan
    Russia
    Brunie
    2.Pagkakaroon ng isang malinaw na hangganan ng teritoryo.
    3.Maraming mga tao ang naapketuhan at binuwis ang kanilang buhay dahil sa digmaan
    4.maging maayos at tapat na lider

    ReplyDelete
  9. Mariel Mabini
    8-Bangkal

    1.Noong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig,Nawasak ang Malaking Parte ng Lungsod
    China
    Russia
    Vietnam
    Brunei
    Japan

    2.Pagkakaroon ng Malinaw na hangganan ng mga Teritoryo sa Bansa

    3.Maraming mga mamayan at sundalo ang namatay

    4.Maging Maayos na lider at may Paninindigan at Marunong makinig sa opinyon ng iba.

    ReplyDelete
  10. Jaede L. Bejeno 8-yakal
    1.Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod ng China,Russia,Vietnam,Brunei at Japan.
    2.Pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa , at Pagkakaunawaan at respeto sa bawat bansa.
    3.Maraming mamamayan ang namatay kasama dito ang mga lumaban sa digmaan.
    4.kung bibigyan ako ng pagkakataon na maging lider doon ito po ay aking aayusin at papakinggan ko din ang mga gusto o mga suhesyon na sabihin ng aking mamayan .

    ReplyDelete
  11. abriel D mundoy
    8-lanete

    1.oo ang ating takot na troma tayo sa ng yaring digmaang at naging mapaghanda tayo, kaya nagpaunlad tayo ng mga armas
    2. maging malumanay sa pakikipag-usapan tungkol sa kasunduan
    3.ang masamang dulot ng digmaang ay marami ang namatay at maraming nawalan ng pag-asa at nawala rin ng pananampalataya sa diyos
    4.bilang leader sa sabihin ko sa mga members na makipag operate sa leader at makipatulungan

    ReplyDelete
  12. FRITZHE BOLICHE
    8-YAKAL


    1.noong ikalawang digmaang
    pandaigdig nawasak ang malaking
    parte ng lungsog
    china
    russia
    Vietnam
    2.2.Pagbuo ng mga batas pangkapayapaan
    Hindi paglabag sa mga teritoryo ng ibang banda
    3.maraming mamamayan at sundalo ang namamatay
    4.maging masunurin at makisama para hindi mahirapan ang leader o ang mga kagrupo

    ReplyDelete
  13. Stephanie B. Paulite
    8-bangkal
    1.China
    japan
    russia
    brunie
    vietnam
    2.paggawa ng isang maayos at malinaw na batas.
    3.
    4.maging matalino at tapat na lider

    ReplyDelete
  14. Ameera Jean C. Piocos
    8-Bangkal
    1. .Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod
    ~CHINA
    ~RUSSIA
    ~VIETNAM
    ~BRUNEI
    ~JAPAN

    2.pagkakaroon ng malinaw na pagkakaunawaan at malinaw na batas sa bawat bansa

    3.madaming sundalo ang namatay sa digmaan

    4.maging malawak ang kaalaman. makinig sa opinyon ng iba at makipag usap ng maayos sa kabilang bansa

    ReplyDelete
  15. Christina Marie Balagot
    8-lanete

    1.Nawasak ang malaking parte ng lungsod ng China, Russia, Vietnam, Brunei at Japan noong ikalawang digmaang oandaigdig.
    China
    Russia
    Vietnam
    Brunei
    Japan
    2.Ang Pagkakaroon ng isang malinaw na ugnayan sa hangganan ng teritoryo.
    3.Maraming mga tao ang naapketuhan at binuwis ang kanilang buhay dahil sa digmaan.
    4.maging masunurin sa lider , dahil hindi mo malalaman kung paano maging lider kung hinde ka susunod sa iyong lider.

    ReplyDelete
  16. Elizha Mariz Golosinda
    8-Yakal

    1. Mayroon, Ang mga bansang China, Russia, Vietnam, Bruneiat Japan.

    2. Pagkakaroon ng malinaw na hangganan ng mga teritoryo sa bansa.

    3. Ang masamang epekto ay maraming tao ang namatay,nawalan ng trabaho at pag bagsak ng mga negosyo.

    4. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na maging lider doon ito po ay aking aayusin at papakinggan ko din ang mga gusto o mga suhesyon na sabihin ng aking mamayan.

    ReplyDelete
  17. Rienel ian bestudio
    8 lanete

    1.germay
    Usa
    Japan
    France
    Uk
    2.pagsunod sa mga batas paggalng sa teritoryo ng iba
    3.maraming mandirigma ang nasawi sa labanan pagkawala ng ilng pangkabuhayan
    Opo sapagkat sa pinagdaraanan nating pandemya maring kabuhayan ang naantala
    4.maging responsableng leader at mabuting huwaran sa mga nasasakupan

    ReplyDelete