Sunday, October 11, 2015

Teachers' Dignity Coalition Activities







 Registration assisted by Mam Dumaguing


 Busy People: (from left seat)Mam Emma, Mam Olive, Mam Frida and Supernatural Photographer Mam Dhona
















 Principal, Madam Chairman and Ating Guro Officials with Senator Cayetano


Kris and Mao


Maestro Kris and Senator Cayetano
 Senator Alan Peter Cayetano with People


 Talipapa High School, Caloocan

 Ms. Raquel Castillo (SPELL) and Mr. Addie Unsi (E-Net Philippines)
 Youth Sector


 Delegate from Mindanao



 Tally for Central Committee Voting
List of New 21 Central Committee of Ating Guro Partylist

Wednesday, October 7, 2015

MANGARAP AT KUMILOS

MANGARAP AT KUMILOS
ni Ramon B. Miranda

Nais mong maabot lipunang malaya
Ibig mong makamit kaginhawaan ng madla
Nangarap kang ang lupa’y ibigay sa timawa
At masaganang buhay para sa manggagawa.

Paano mo mararating ang pangarap na ito
Kung bulag ka sa nangyayari sa paligid mo
Tainga mo nama’y bingi sa karaingan ng tao
Di mo pinapansin ang kanilang pagsusumamo.

Pananaw mo sa buhay, bakit ba ganyan?
Nais mong tumulong ikaw nama’y nag-aalinlangan
Ikaw ba’y natatakot iyong karapata’y ipaglaban?
O iniisip mo lamang ang sarili mong kapakanan?

Kung sa dibdib mo’y takot ang namamahay
Pangarap mong lipunan di maipagtatagumpay
Kaya nakasalalay sa iyong mga kamay
Taos-pusong pakikilahok sa pakikibaka ng buhay.

Kaibigan halina’t mag-aral at mag-isip
Tayo nang bumangon sa pagkakaidlip
Karapatan natin kailangang masagip
Sa kuko ng mapagsamantala, gahaman at sipsip.

Sa sistemang bulok, huwag aksayahin
Itong kinabukasang tinataglay natin
Ang ating mga teorya’y dapat pagyamanin
Buhay ay gugulin sa magandang adhikain.

Gawaing pagmumulat ay mahirap talaga
Sanlaksang pilosopo sa iyo ay dadagsa
Kung magtitiyaga ka lamang sa pag-oorganisa
Hanay ay mabibigkis, lipunan ay lalaya.

Nasa pagkilos ang ating paglaya
Hindi sa pangarap at patunga-tunganga
Kung hindi ngayon, kailan pa
Kaya kilos na, baka masayang ka!

TDC Leaders Dialogue with DBM Official for Salary Increase

Kasabay ng World Teachers' Day Celebration sa Cuneta Astrodome, Pasay City, nakipagdiyalogo naman ang ilang Lider ng Teachers' Dignity Coalition sa Department of Budget and Management noong Lunes, October 5, 2015. Pinangunahan ito nina TDC Sec-Gen Emmalyn Policarpio, TDC-Caloocan Vice Chair Jaime Albiza, TDC Taguig Leader Michael Rama,TDC-Caloocan Leaders Meng Arevalo at Bong Lagarde.

Naging paksa ng diyalogo ang Salary Increase ng mga Guro na noon pa hinihingi at inilalaban ng TDC. Ayon kay DBM Asec Myrna Chua, siguradong may dagdag SAHOD tayo sa 2016 dahil naglaan na ng pondo na 50.6 Bilyong Piso ang ahesnya para sa Salary Standardization Law 4 o SSL4 para sa taong 2016 na proposal pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag ni Chua, sa panukalang dagdag sahod, hindi totoo ang 5%, 10% o 15% na kumakalat na balita dahil wala pang ina-aprubahang batas ang Kongreso ukol dito ni ang dokumento para sa iskema ng salary increase.

Nauna nang kumalat ang tatlong bersyon ng Salary Increase mula sa Senado at itoý ang 10k Across-the-Board, 25k at 29,800 na sadyang muntik nang magpalinlang sa mga kaguruan ng bansa. 

Inaasahan naman ng TDC na maging makatotohanan na ang Salary Increase ng mga guro sa lalong madaling panahon para naman makatulong ito ng malaki lalo na sa mga gurong nabaon na sa utang dahil sa kakulangan ng sahod. Magiging daan din ito para sa mas maayos na pamumuhay ng kaguruan dahil mas makakayanan na nila ang mataas na matrikula ng mga may anak na nagaaral sa kolehiyo


Tuesday, October 6, 2015

TDC Leaders, Dumalo sa DepEd Forum

Dumalo ang ilang lider ng Teachers'Dignity Coalition sa pangunguna nina Ramon B. Miranda, TDC Vice Chair for South Luzon, Ildefonso Enguerra III, TDC NCR Chairperson at Michael Rama, TDC Taguig Leader, sa forum na ginanap sa Buwagan ng Karunungan, DepEd Cental Office, kahapon, October 6, 2015. Konektado ito sa selebrasyon ng World Teachers'Day sa bansa na may paksang Empowering Teachers and Building Sustainable Development.

Sa forum, nagbigay ng inspirational message si dating CHR chair Loretta Ann P. Rosales at naging focus naman ng mensahe ni CHED Executive Director Atty. Julito D. Vitriolo at E-Net Philippines Vice President Prof. Flora Arellano ang Education Policies and Programs in Empowerig Teachers in Building Sustainable Societies.

Si Ms. Estrella Soriano, isang preschool teacher, ang nagsalita naman para sa Boses ng mga Guro habang sa Alternative Learning System o ALS nakatutok ang mensahe ni Ms. Carol Doyanan, isang guro. Bilang tugon, sinabi ni DepEd Usec Dina Ocampo, "Teacher must reach the unreachable children by mean of community education through ALS."

Bago nagtapos ang forum nagbigay ng synthesis and call to action si PUP Prof. Amable Tuibeo. Nagbigay ng pagkilala sa kabayanihan ng mga gruo, cultural representation, interpretative dance, song number at natapos sa pagbibigay sertipiko sa mga gurong dumalo.

TDC - SINAG Group, Matagumpay ang pagtatanghal sa Cuneta Astrodome

Matagumpay ang pagtatanghal ng Teachers'Dignity Coalition- SINAG Group sa Cuneta Astrodome, Pasay City, nitong Lunes, October 5, 2015. Kasabay ito sa selebrasyon ng World Teachers Day sa bansa.

Maraming lider at miyembro ng TDC mula sa Metro Manila at karatig na probinsya ang dumalo sa nasabing selebrasyon upang ipakita ang pakikiisa nito sa Kagawaran ng Edukasyon na nais bigyan ng pagkilala ang malaking ambag at halaga ng mga guro sa bansa.

Nagbigay naman ng maikling mensahe si TDC National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas sa mga dumalo sa lugar. Sa halos pitong minutong pananalita, binanggit nito ang ilang problemang kinakaharap ng mga guro sa bansa kasabay ng pabigat na RPMS at hindi makagurong pagpapabaya ng gobyerno para itaas ang sahod ng kaguruan. Nabanggit din ni Benjo na mismong siya ay nakakaranas ng paghihirap dala ng hindi magandang pagpapahalaga ng gobyerno sa mga makabagong bayani ng bayan - Ating mga Guro!













TDC / Ating Guro, Sama-samang Nagdasal sa Quiapo Church

Magkakasabay na nagsimba ang Teachers'Dignity Coalition Leaders at Members sa Quiapo Church noong Biyernes, October 4, 2015, upang ipagdasal ang kaguruan ng bansa. Pinangunahan ito ni TDC National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas upang ipakita ang pagkakaisa ng mga guro para ipanalangin ang mga kahilingan at katuparan ng mga matagal na nitong pinanawagan sa gobyerno.

Ipinaglalaban kasi ng TDC at Ating Guro Partylist ang pag-apruba ng Salary Increase na noon pa dapat ipinatupad. Maliban pa rito, ipinanawagan din ang pagsuspinde ng K-12 dahil hindi pa handa ang bansa para humarap sa panibagong problema lalo't ipapatupad na ang senior high school sa mga paaralan sa bansa sa susunod na taon. Pinatitigil din ng TDC ang pagpapatupad ng RPMS dahil pabigat ito sa ating kaguruan at maging ang hindi malinaw na pamantayan ng Performance-Based Bonus ay kinokontra rin.

Inaasam ng grupo na magiging pabor ang mga susunod na panahon para sa mga ipinaglalaban ng mga guro upang maging maayos ang kalagayan nito na may dangal at desenteng pamumuhay.