Wednesday, October 7, 2015

TDC Leaders Dialogue with DBM Official for Salary Increase

Kasabay ng World Teachers' Day Celebration sa Cuneta Astrodome, Pasay City, nakipagdiyalogo naman ang ilang Lider ng Teachers' Dignity Coalition sa Department of Budget and Management noong Lunes, October 5, 2015. Pinangunahan ito nina TDC Sec-Gen Emmalyn Policarpio, TDC-Caloocan Vice Chair Jaime Albiza, TDC Taguig Leader Michael Rama,TDC-Caloocan Leaders Meng Arevalo at Bong Lagarde.

Naging paksa ng diyalogo ang Salary Increase ng mga Guro na noon pa hinihingi at inilalaban ng TDC. Ayon kay DBM Asec Myrna Chua, siguradong may dagdag SAHOD tayo sa 2016 dahil naglaan na ng pondo na 50.6 Bilyong Piso ang ahesnya para sa Salary Standardization Law 4 o SSL4 para sa taong 2016 na proposal pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Dagdag ni Chua, sa panukalang dagdag sahod, hindi totoo ang 5%, 10% o 15% na kumakalat na balita dahil wala pang ina-aprubahang batas ang Kongreso ukol dito ni ang dokumento para sa iskema ng salary increase.

Nauna nang kumalat ang tatlong bersyon ng Salary Increase mula sa Senado at itoĆ½ ang 10k Across-the-Board, 25k at 29,800 na sadyang muntik nang magpalinlang sa mga kaguruan ng bansa. 

Inaasahan naman ng TDC na maging makatotohanan na ang Salary Increase ng mga guro sa lalong madaling panahon para naman makatulong ito ng malaki lalo na sa mga gurong nabaon na sa utang dahil sa kakulangan ng sahod. Magiging daan din ito para sa mas maayos na pamumuhay ng kaguruan dahil mas makakayanan na nila ang mataas na matrikula ng mga may anak na nagaaral sa kolehiyo


No comments:

Post a Comment