Dumalo ang ilang lider ng Teachers'Dignity Coalition sa pangunguna nina Ramon B. Miranda, TDC Vice Chair for South Luzon, Ildefonso Enguerra III, TDC NCR Chairperson at Michael Rama, TDC Taguig Leader, sa forum na ginanap sa Buwagan ng Karunungan, DepEd Cental Office, kahapon, October 6, 2015. Konektado ito sa selebrasyon ng World Teachers'Day sa bansa na may paksang Empowering Teachers and Building Sustainable Development.
Sa forum, nagbigay ng inspirational message si dating CHR chair Loretta Ann P. Rosales at naging focus naman ng mensahe ni CHED Executive Director Atty. Julito D. Vitriolo at E-Net Philippines Vice President Prof. Flora Arellano ang Education Policies and Programs in Empowerig Teachers in Building Sustainable Societies.
Si Ms. Estrella Soriano, isang preschool teacher, ang nagsalita naman para sa Boses ng mga Guro habang sa Alternative Learning System o ALS nakatutok ang mensahe ni Ms. Carol Doyanan, isang guro. Bilang tugon, sinabi ni DepEd Usec Dina Ocampo, "Teacher must reach the unreachable children by mean of community education through ALS."
Bago nagtapos ang forum nagbigay ng synthesis and call to action si PUP Prof. Amable Tuibeo. Nagbigay ng pagkilala sa kabayanihan ng mga gruo, cultural representation, interpretative dance, song number at natapos sa pagbibigay sertipiko sa mga gurong dumalo.
No comments:
Post a Comment