Umani ng malawakang batikos ang LandBank mula sa mga guro ng bansa. Ito'y matapos magkaroon ng technical problem ang bangko sa lahat ng electronic banking channels nito kasama na ang ATM sa araw ng sweldo ng mga guro noong July 20, 2018.
Samu't saring inis, galit, at pagod ang dinanas ng mga guro upang makuha lamang ang kanilang sahod mula sa naturang bangko. Kinakailangan kasi nilang pumila sa napakahaba at napakatagal na pila sa bangko upang magkaroon ng over-the-counter withdrawal.
Ayon kay Teachers' Dignity Coalition National Chair Benjo Basas, "yung ma-delay ng isang araw ang aming sahod ay napahirap na sapagkat minsan isang buwan lamang ang pagdating ng suweldo sa DepEd." Aniya, sa ganitong sitwasyon ng mga guro, mahirap gumastos at huwag naman sanang dumagdag ang LandBank sa mga pasakit na dinaranas ng mga guro.
Kasabay ng aberya sa naturang bangko, naglabas naman ito ng advisory kasama na rin ang kanilang paghingi ng paumanhin sa mga gurong naapektuhan. Nagbigay rin ito ng extension hours para bigyan ng serbisyo ang mga gurong hindi umabot sa office hours. Nagbukas rin ang bangko ng Sabado hanggang Linggo ng tanghali ng kanilang serbisyo hanggang sa tuluyang bumalik ang kanilang electronic channels services at ATM.
No comments:
Post a Comment