Thursday, July 26, 2018

TDC Benjo, Interviewed for Lack of Guidance Counselors, Nurses


Nakapanayam ng ABS-CBN's Reporter Jasmin Romero si Teachers' Dignity Coalition National Chair Benjo Basas noong July 13, 2018 ukol sa kawalan ng registered guidance counselors and professional nurses or medical workers ang mga pampublikong paaralan sa bansa. Kasama rin ang epekto nito sa mga pampublikong mag-aaral.

Isa kasing problema ang mataas na kwalipikasyon para maging isang guidance counselor na hindi ma-comply ng nakararami subalit maliit lamang ang sahod na katumbas ng Teacher 1. Ayon kay TDC National Chair Basas, marapat na ma-amend ang batas para rito upang maisa-ayos ang dapat maayos.

Dagdag ni Basas, ang mga guro ay eksperto sa pagtuturo at hindi sa trabaho ng mga guidance counselor at nurse na kayang solusyunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na labas sa kakayanan ng mga guro. 

Base sa mga sumbong ng ilang mga guro, karaniwang inilalagay kasi na guidance counselor ang mga guro sa EsP Department at school nurse naman ay nanggagaling sa MAPEH Department o sino mang matipuhang guro na ilagay doon. Anila, mismatch ang nangyayari dahil minsan ay kung sino lamang ang nailalagay na wala namang kaalaman sa posisyon.

Malaking bagay umano ang magkaroon ng guidance counselor at nurse sa school upang ma-address at masolusyunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Hindi kasi mabibigyang lunas ang tunay na problema ng bata kung hindi nalalaman at nagagamot ang tunay nitong problema.

No comments:

Post a Comment