IKAWALONG BAITANG
IKAAPAT NA MARKAHAN – MGA UGNAYANG PANDAIGDIG AT MGA HAMON SA MAKABAGONG PANAHON
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga adhikain at kontribusyon upang matugunan ang mga isyung kinakaharap ng daigdig
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakagagawa ng pananaliksik na nakapagtataya sa mga napapanahong isyu at usapin sa sariling komunidad na nagpapakita ng pagtugon bilang mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig
LAYUNIN: Nailalarawan ang United Nations at ang Pilipinas bilang kasapi nito
PAKSA!
A. Ang United Nations (UN) at ang Pilipinas bilang kasapi nito
1. Pagtatag ng UN
2. Pilipinas bilang Kasapi ng UN
Ang United Nations (UN) ay isang pandaigdigang organisasyon na itinatag noong 1945 upang isulong ang kapayapaan, seguridad, karapatang pantao, at kaunlaran sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga founding members ng United Nations (UN) at patuloy na aktibong kasapi nito, na nakikilahok sa mga usapin ng kapayapaan, karapatang pantao, at kaunlaran.
Ang United Nations at ang Papel ng Pilipinas
Kasaysayan ng Pagiging Kasapi
Itinatag noong 1945, ang UN ay binuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang maiwasan ang panibagong digmaan at isulong ang pandaigdigang kapayapaan.
Ang Pilipinas ay kabilang sa 51 orihinal na kasapi na lumagda sa UN Charter noong Oktubre 24, 1945. Isa ito sa apat na bansang Asyano at ang kauna-unahang bansa sa Timog-Silangang Asya na naging kasapi.
Papel ng Pilipinas sa UN
Aktibong nakikilahok sa mga programa ng UN hinggil sa human rights, gender equality, sustainable development, at climate action.
Naging non-permanent member ng UN Security Council nang ilang beses, at muling naglalayon na makakuha ng puwesto para sa 2027–2028.
Nakikibahagi sa mga peacekeeping missions, gaya ng pagpapadala ng mga sundalo at pulis sa iba’t ibang bansa upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Ang UN sa Pilipinas ay nagbibigay ng policy guidance, technical assistance, at humanitarian support lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Kahalagahan ng UN sa Pilipinas
- Kaunlaran: Tinutulungan ng UN ang bansa sa pagsasakatuparan ng Sustainable Development Goals (SDGs).
- Kapayapaan: Nakikilahok ang Pilipinas sa mga talakayan hinggil sa pandaigdigang seguridad at kapayapaan.
- Karapatang Pantao: Aktibong sumusuporta sa mga inisyatiba para sa proteksyon ng karapatang pantao at gender equality.
- Humanitarian Aid: Nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo, lindol, at iba pang kalamidad.
Buod!
Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa UN ay nagpapakita ng pangako ng bansa sa pandaigdigang kapayapaan, demokrasya, at kaunlaran. Sa pamamagitan ng UN, nakikinabang ang Pilipinas sa tulong teknikal, humanitarian aid, at oportunidad na makibahagi sa mga desisyon na nakakaapekto sa buong mundo.
REFERENCE:
United Nations in the Philippines
Philippines and the United Nations – Wikipedia
Philippines candidacy for UN Security Council 2027–2028
GAWAIN!
Panuto: Basahin mabuti ang mga katanungan at sagutin ayon sa inyong pagkakaunawa. Isulat ito at inyong sagot sa notebook. Ikomento naman sa comment section ang inyong natutunan sa aralin.
1. Ano ang nagging ambag o tulong ng United Nations sa bawat bansa sa mundo?
2. Kailan at bakit itinatag ang United Nations?
3. Paano nakaapekto sa bansang Pilipinas ang isang international organization tulad ng United Nations?
4. Paano ginagampanan ng bansang Pilipinas ang obligasyon o responsibilidad nito sa International Organization?
5. Kung ikaw ay president ng bansa, Ano ang gagawin mo sa lumalaganap na terorismo at digmaan sa buong mundo?
6. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa kasalukuyang problema ng iyong bansa?
Ang aking natuyunan ay ang United Nations (UN) ay isang pandaigdigang organisasyon na itinatag noong 1945 upang isulong ang kapayapaan, seguridad, karapatang pantao, at kaunlaran sa buong mundo.
ReplyDeleteYEONG JA E.JEONG
ReplyDelete8-LAOAN
SA Araling ito natutunan ko na ang UN(united nation)ay organisasyon na nag bibigay ng tulong sa pilipinas ng humanitarian aid,tulong teknikal.
Ang UN ay organisasyon na isinusulong ag karapatang pantao,kapayapaan,seguridad.
Natutunan ko na mahalaga ang United Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagtulong sa mga bansa, at bilang kasapi, may benepisyo at responsibilidad ang Pilipinas na makipagtulungan at sumunod sa mga kasunduan nito.
ReplyDeleteNatutunan ko sa aralin na ang mga internasyonal na organisasyon tulad ng United Nations ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan, pag-unlad ng mga bansa, at pagharap sa mga pandaigdigang hamon. Bukod dito, natutunan ko rin na hindi lamang ang mga pinuno ng bansa ang may responsibilidad na lutasin ang mga problema kundi pati na rin ang mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan, na maaaring mag-ambag sa maliit ngunit mahalagang paraan.
ReplyDelete[Janrey M. Apacible]
ReplyDelete[8-BALAKAT]
Natutunan ko na ang United Nations ay itinatag upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang digmaan sa buong mundo. Nalaman ko rin na mahalagang papel ang ginagampanan ng Pilipinas bilang isa sa mga founding members ng UN, lalo na sa usapin ng kapayapaan, karapatang pantao, at kaunlaran. Ipinapakita nito na kahit hindi malaking bansa, may mahalagang ambag ang Pilipinas sa pandaigdigang komunidad.
LUISALYN S. MAGLASANG
ReplyDelete8-LAOAN
Natutunan ko na Ang UN(United Nation) ay may malaking epekto, dahil sa pag supporta sa mga nasalanta ng sakuna ,sa kanilang pag tulong nagbibigay Sila ng policy guidance, at technical assistance.
At bilang pagiging kasapi ng Pilipinas sa UN(United Nation), ito ay nagpapakita ng pangako ng bansa sa mga pandaigdigang kapayapaan, demokrasya, at kaunlaran.
Jose Miguel B. Inocente
ReplyDelete8- Laoan
Ang aking natutunan ngayon ay ang UN sa Pilipinas ay nagbibigay ng policy guidance, technical assistance, at humanitarian support lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Dwayne Skyler L Bacar
ReplyDelete8-Balakat
Natutunan ko na ang United Nations
Ay tinatag para mapanatili ang kapayapaan, Nalaman ko na ang Philippines ay parte nito at ang Philippines ay may mahalagang papel sa United Nation, Natutunan korin na ang United Nation ay sumusuporta sa naghihirap na bansa. Sumusuporta sila sa karapatang pantao at Humanitarian aid.
Elyza P. Tañote [8-LAOAN]
ReplyDeleteAking natutunan na ang papel ng UN sa Pilipinas ay aktibong nakikilahok sa mga programa ng UN hinggil sa human rights, gender equality, sustainable development, at climate action.
Yohan B Sanchez
ReplyDelete8 talisay
Ang aking natutunan sa aralin na ito na Ang UN ay Isa sa mga organisation na tumutulong sa pang seguridad upang maiwasan Ang mga susundo na digmaang pandaigdig na naglalayon na Gawing Isang mapayapang Isang Bansa tayo nakinakailangan Ng suprota Ng buong Bansa upang maisagawa Ng maayos Ang kanilang tungkulin sila Rin ay nag papatakbo Ng karapatang pantao at kaunlaran Ng Mundo at nag bibigay tulong sa mga Bansa na nasalanta Ng bagyo o lindol kagaya Ng pilipinas at natutunan ko Rin na bilang kasapi Ng UN meron tayong tungkulin kagaya Ng pagsuporta rito mga pagpapadala Ng sundalo upang mag pakita Ng responsibilidad bilang kasapi nito
natutunan 'ko na binuo ang UN nung natapos na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binuo ito upang maiwasan ang panibagong digmaan at isulong ang pandaigdigang kapayapaan.
ReplyDeleteSacnanas jaleah 8-anahaw
ReplyDeleteNatutunan ko na Ang united nations ay Isang pandaigdigang organisasyon na itinatag noong 1945 bukod Dito Ang papel ng pilipinas sa in ay aktibonv nakikilahok sa mga program ng UN hinggil sa human rights,gender equality,sustainable development at climate action.
natutunan kong ang UN ay binuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang maiwasan ang panibagong digmaan at isulong ang pandaigdigang kapayapaan.
ReplyDeleteDane Axel Caduco
8-Balakat
Rhenz Andrei T. Tangan
ReplyDeleteAng aking natutunan ay ang impluwensiya ng United Nations sa pilipinas at paano ito nakatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng pagbibigay suporta at tulong.
Denz R. NAPOLES.
ReplyDelete8-Yakal
Ang aking natutunan ay ang united (UN) ay nag aambag sa mga Bansa sa pamamagitan
ng pagtataguyod ng kapayapaan.
Norkisah Sani 8-Yakal
ReplyDeleteNatutunan ko mula sa nabasa at napanood ko na ang Pilipinas ay nagkaroon ng malaking papel sa UN. Ito'y nagpapatunay na may tiwala ang ibang mga kasapi na bansa sa kayang gawin at ibigay ng Pilipinas
Rianna Shane Palac
ReplyDelete8-Balakat
Ang aking natutunan sa aralin nito ag kung paano nakatulong ang united kingdom sa ating bansa at kung gaano kahalaga ito sa atinn.
8 — ANAHAW:
ReplyDeleteNatutunan ko dito ay, pagiging kasapi ng Pilipinas sa UN, ay nagpapakita ng pandaigdigang kapayapaan, demokrasya, at kaunlaran.
8 - Yakal
ReplyDeleteAng natutunan ko sa araling ito ay kung ano ang UN at kung kailan ito itinatag, natutunan ko rin na kasapi ang Pilipinas sa founding members ng UN.
July S Ramos Jr
ReplyDelete8-laoan
Ang aking natutunan sa UN ay malaking halaga ang UN sa buong mundo dahil mapanatili nya ang pandaigdig na kapayapaan
Zarren Yesha A. Marcos
ReplyDeleteNatutunan ko na kasapi ang Pilipinas sa UN at nakikiisa ito sa pagtutulungan at kapayapaan ng mga bansa.
ADAON JENICKA: natutunan ko po kung bakit tinatag ang UN tinatag ang UN para sa kapayapaan at pagtutulungan ng mga bansa
ReplyDeleteJason Uy
ReplyDelete8-Anahaw
Ang aking natutunan kung paano itinatag ang UN sa ating bansa noon at kung papaano sila mag tulong tulungan para sa kapayapaaan ng bansa,
Crisjay ylanan
ReplyDelete8 laoan
Crisjay ylanan
ReplyDelete8 laoan
Ang natutunan ko sa araling ito Ay Ang kung paano itinatag Ang united nations
KERVIN J. MENDOZA
ReplyDelete8- LAOAN
Natutunan ko na ang United Nations ay nagsisilbing tulay ng pagkakaisa ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at tulungan ang mga nangangailangan, at ang Pilipinas ay may mahalagang papel bilang aktibong kasapi nito."
JHENIKAH XHAYNE D. JANOHAN
ReplyDelete8-TALISAY
Ang aking natutunan tungkol sa United Nations (UN) ay, marunong silang makisama sa mga ibang bansa upang maiwasan ang kaguluhan o anumang digmaan at para mag kaisa-isa ang mga bansa at upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga bansa at karating bansa natin sa Pilipinas.
Queenie B. Amat
ReplyDelete8-laoan
Ang natutunan ko ay ang United nations ay binuo para maiwasan ang mga panibagong digmaang at binubuo ito ng maraming bansa