Monday, January 5, 2026

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA AP8

Panuto: Bilugan/Piliin ang letra na tamang sagot.


1. Ano ang pangyayaring nagpasiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand

B. Pag-atake sa Pearl Harbor


2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sanhi ng digmaan?

A. Militarismo, Alyansa, Imperyalismo, Nasyonalismo

B. Pagbuo ng NATO


3. Ano ang alyansa ng Germany, Austria-Hungary, at Italy bago ang WWI?

A. Triple Alliance

B. Warsaw Pact


4. Ano naman ang alyansa ng Britain, France, at Russia bago ang WWI?

A. Triple Entente

B. Allied Powers


5. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig?

A. Pagbuo ng League of Nations

B. Pagbagsak ng Berlin Wall


6. Ano ang pangunahing layunin ng League of Nations?

A. Pigilan ang panibagong digmaan sa pamamagitan ng diplomasya

B. Magpatupad ng Cold War policies


7. Ito ang pandemya na kumalat matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.

A. Spanish Flu

B. COVID-19


8. Ano kaya ang naging epekto ng Spanish Flu sa populasyon ng mundo?

A. Naging sanhi ng pagkamatay ng milyon-milyon

B. Nagpatibay sa League of Nations


9. Ito ang pangunahing sanhi ng Great Depression.

A. Pagbagsak ng stock market noong 1929

B. Pagbuo ng NATO


10. Ano ang naging tugon ng mga bansa sa Great Depression?

A. Pagpapatupad ng mga repormang pang-ekonomiya at pampulitika

B. Paglusob sa ibang bansa


11. Ito ang pangunahing katangian ng Totalitaryanismo.

A. Ganap na kontrol ng estado sa lahat ng aspeto ng buhay

B. Malayang halalan at oposisyon


12. Sino ang lider ng Bolsheviks na nagtatag ng komunismo sa Russia?

A. Vladimir Lenin

B. Benito Mussolini

Tamang Sagot: C


13. Siya ang nagpatupad ng komunismo sa China?

A. Mao Zedong

B. Chiang Kai-shek


14. Ano ang ideolohiyang ipinatupad ni Adolf Hitler sa Germany?

A. Nazismo

B. Pasismo


15. Ano ang pangunahing layunin ng militarismo sa Japan bago ang WWII?

A. Pagpapalawak ng teritoryo at kapangyarihan ng bansa

B. Pagbuo ng League of Nations


16. Ito ang pangunahing sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Paglusob ng Germany sa Poland

B. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand


17. Ang alyansa ng Germany, Italy, at Japan noong WWII?

A. Allied Powers

B. Axis Powers


18. Ano naman ang alyansa ng Britain, US, at USSR noong WWII?

A. Allied Powers

B. Axis Powers


19. Ito ang pangyayaring nag-udyok sa US na sumali sa WWII?

A. Pag-atake sa Pearl Harbor

B. Pagbuo ng NATO


20. Ano ang naging epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa?

A. Pagbuo ng NATO at Warsaw Pact

B. Pagbagsak ng Berlin Wall


21. Ano kaya ang layunin ng Truman Doctrine?

A. Pigilan ang paglaganap ng komunismo

B. Palakasin ang ekonomiya ng Japan


22. Ito ang pangunahing layunin ng Marshall Plan?

A. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa Europa upang makabangon

B. Pagbuo ng NATO


23. Ano ang alyansa ng mga bansang Kanluranin na nabuo noong Cold War?

A. NATO

B. Axis Powers


24. Ano ang tinatawag na “Space Race”?

A. Paligsahan sa teknolohiya ng kalawakan sa pagitan ng US at USSR

B. Paligsahan sa ekonomiya ng Europa


25. Ano ang pangunahing epekto ng Cold War sa Europa at America?

A. Pagkakaroon ng matinding tensyon at tunggalian sa ideolohiya

B. Pagbuo ng League of Nations


26. Ano ang pangunahing epekto ng Cold War sa Asya at Africa?

A. Paglaya ng mga bansa mula sa kolonyalismo

B. Pagbuo ng League of Nations


27. Ano ang ibig sabihin ng Neokolonyalismo?

A. Pagsasamantala sa ekonomiya at politika ng malalayang bansa

B. Pagbuo ng bagong imperyo sa Europa


28. Ito ang layunin ng Non-Aligned Nations.

A. Manatiling hindi nakikiling sa alinmang superpower

B. Magtatag ng imperyo sa Asya


29. Ano ang pangunahing dahilan ng Digmaang Korea?

A. Pag-aagawan ng North at South Korea sa ideolohiya (komunismo vs demokrasya)

B. Pagbagsak ng Berlin Wall


30. Ano naman ang naging dahilan ng Digmaang Vietnam?

A. Pag-aagawan ng North Vietnam (komunista) at South Vietnam (demokratiko)

B. Pagbuo ng League of Nations


31. Ano ang Russo-Afghan War?

A. Digmaan sa pagitan ng USSR at Afghanistan kung saan sinuportahan ng US ang mga mujahideen

B. Paglusob ng Germany sa Afghanistan


32. Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng USSR?

A. Pagbagsak ng Berlin Wall at krisis sa ekonomiya

B. Paglusob ng Germany sa Poland


33. Sino ang huling lider ng USSR bago ito bumagsak?

A. Mikhail Gorbachev

B. Boris Yeltsin


34. Ano ang naging simbolo ng pagtatapos ng Cold War?

A. Pagbagsak ng Berlin Wall

B. Pagbuo ng NATO


35. Ano ang mahalagang aral mula sa pagbagsak ng USSR?

A. Ang kahalagahan ng balanseng pamamahala at kalayaan

B. Ang kahalagahan ng imperyalismo


36. Ano ang pangunahing layunin ng Civil Rights Movement sa US?

A. Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga African-American

B. Pagbuo ng NATO


37. Sino ang kilalang lider ng Civil Rights Movement na nagbigay ng talumpating “I Have a Dream”?

A. Martin Luther King Jr.

B. Mao Zedong


38. Ano ang Solidarity Movement ng Poland?

A. Kilusan ng mga manggagawa laban sa pamahalaang komunista

B. Kilusan para sa kalayaan ng India


39. Ano ang Anti-Apartheid Movement sa South Africa?

A. Kilusan laban sa diskriminasyon ng lahi at paghihiwalay ng puti at itim

B. Kilusan para sa kalayaan ng India


40. Paano nakatulong ang Imperyalismo sa Africa at Asya upang lalong tumindi ang tensyon sa Europa bago ang 1914?

A. Nagdulot ng kompetisyon sa teritoryo at yaman

B. Nagpatibay ng League of Nations


41. Bakit itinuring ng maraming Aleman na hindi makatarungan ang Treaty of Versailles?

A. Dahil pinatawan sila ng mabigat na reparasyon at limitasyon sa militar

B. Dahil binigyan sila ng bagong teritoryo


42. Bakit nabigo ang League of Nations na maiwasan ang panibagong digmaan?

A. Dahil hindi sumali ang US at kulang sa kapangyarihang ipatupad ang mga desisyon

B. Dahil sa labis na suporta ng Germany


43. Paano nakaapekto ang Great Depression sa pag-usbong ng mga totalitaryong pamahalaan sa Europa?

A. Nagbigay ng oportunidad sa mga lider na mangako ng solusyon sa krisis

B. Nagpatibay sa demokrasya sa Germany


44. Paano nakaapekto ang Komunismo sa Russia at China sa pandaigdigang politika noong ika-20 siglo?

A. Naging alternatibong ideolohiya laban sa kapitalismo at demokrasya

B. Nagbigay-daan sa pagtatatag ng NATO


45. Bakit itinuring na pangunahing sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Treaty of Versailles?

A. Dahil nagdulot ito ng matinding galit at paghihiganti sa Germany dahil sa mabigat na reparasyon

B. Dahil nagpatibay ito sa demokrasya ng Europa


46. Ano ang naging epekto ng WWII sa pandaigdigang kapangyarihan?

A. Naging bipolar na tunggalian sa pagitan ng US at USSR

B. Naging imperyo ang Germany


47. Paano nakatulong ang Marshall Plan sa Europa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Nagbigay ng tulong pinansyal upang makabangon ang mga bansang naapektuhan ng digmaan

B. Nagpatibay sa militar ng USSR


48. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng NATO at Warsaw Pact?

A. NATO ay alyansa ng mga bansang Kanluranin, samantalang Warsaw Pact ay alyansa ng USSR at Silanganin

B. NATO ay alyansa ng Asya, samantalang Warsaw Pact ay alyansa ng Africa


49. Bakit mahalagang bigyan ng pinakamalaking budget ang Department of Education?

A. Upang matiyak ang kalidad ng edukasyon at paghahanda ng mamamayan para sa kaunlaran

B. Upang mapalawak ang kaalaman sa kalakalan sa loob at labas ng bansa


50. Kung ikaw ang lider ng bansa sa kasalukuyan, paano mo haharapin ang kasalukuyang problema ng iyong nasasakupan?

A. Magbibigay ng bukas na komunikasyon, konsultasyon, at tamang polisiya batay sa pangangailangan ng mamamayan

B. Magpapalakas ng militar upang masupil ang lahat ng oposisyon



No comments:

Post a Comment