Thursday, July 26, 2018

TDC 12th Anniversary


Atrasado man, matagumpay at naging masaya pa rin ang pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Teachers' Dignity Coalition noong June 30, 2018 sa Potrero Elementary School, Malabon City, mula nang maitatag ito sa Philippine Normal University noong Abril 8, 2016.

Naging abala sa napakaraming gawain ang TDC noong panahon ng bakasyon kaya naman hindi naisagawa ang taunang pagdiriwang nito.


Isang maikling programa at salu-salo ang naganap na kinatampukan ng mga mensahe ng pakikiisa, pangkulturang pagtatanghal, pagtalakay sa mga inabot ng pakikibaka ng samahan sa loob ng labindalawang taon, at pagbabahagi ng karanasan ng mga kasapi at tagasuporta ng organisasyon.

No comments:

Post a Comment