Sunday, September 27, 2015

Benjo Basas on the Tagged Video

Narito ang sagot ni Teachers' Dignity Coalition / Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas ukol sa kumalat na video na kinasangkutan ng guro ng Baesa High School sa kanyang estudyante kung saan siya ay naka-TAG kamakailan.

"Sa FB friends ko sa dalawang accounts, tungkol sa tagged video sa akin nitong mga nkalipas na araw, pasensiya na at agad kong inalis iyon.

(PS-Paunang Sabi, ngayong umaga ay may interview din ako sa GMA-7 pero tungkol naman ito sa election duty ng public school teacher at malayung-malayo sa usaping ito.)

Biyernes nang may mag-pm sa akin sa Benjo Ating Guro Basas ukol sa video na hindi ko naman agad napanood dahil sa cp lang ito pumasok. Gayunman, agad kong inalis ang video na tagged sa akin ng isa sa mga alumni noong 90s. Sabado ay may magkasunod na tag sa akin, again mula sa mga alumni noong 90s din na agad ko ring inalis (ang hindi ko naialis agad ay yung tagged sa Ser Benjo AtingGuro Basas, ang account ko na para sa mga batang friends at Baesa HS alumni). Linggo nang umaga ng tawagan ako ng GMA 7 at humingi ng reaksiyon, nag-decline ako dahil una hindi ko pa napapanood ang video. Ikalawa parang mahirap magbigay ng komentaryo sa isang bagay na napakalapit sa iyo. Naunawaan naman ako ng reporter bagamat muli niya akong kinumbinsi early afternoon, muli akong tumanggi. Late afternoon ng ako’y pabiyahe papuntang San Rafael, Bulacan ay muli siyang tumawag at hihingin na lamang umano ang aking reaksiyon, generally sa ganitong mga insidente bilang TDC Chair, nagpaunlak ako ng panayam sa telepono (na tila hindi naman lumabas) upang maipahayag ang paggigiit ng due process sa mga ganitong kasong kinasasangkutan ng mga guro. Pagkatapos lamang nito ay saka ko napanood ang video sa magandang celfone ng isang kasama sa Bulacan. Gabi naman nang may tumawag sa akin na opisyal ng DepEd at humihingi sa akin ng detalye na hindi ko naman kayang naibigay. Yun ang pagkakataon na nag-text ako sa aking principal upang tumawag sana sa kanya, pero hindi rin kami nagkausap.

Narito ang aking dahilan kung bakit ko ito agad na inalis:
1. Ang pananatili nito sa aking profile ay nangangahulugan ng consent sa video tagged. At kung magkagayon, magiging conflict ito sa aking kasalukuyang trabaho- hindi pa bilang teacher sa Baesa HS kundi bilang National Chairman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), organisasyong may panatang ipagtanggol ang karapatan ng mga guro. Bagamat ang pag-upload sa nasabing video ay isang paraan ng pagresolba sa isyu, ito’y hindi naayon sa due process. Hindi sa ipinagtatanggol ko ang guro na nasa video, subalit may mga establisadong panuntunan ang DepEd na dapat sinusunod sa mga ganitong insidente.

2. Habang kumakalat ang video ay lalong nagiging maselan ito hindi lang para sa guro kundi pati na rin sa bata o mga batang sangkot. Hindi naman maayo na nasa aking account ang mga ganitong video lalo ngayong ipinagdiriwang pa naman natin ang National Teachers’ Month at World Teachers’ Day sa October 5. 

Umaasa ako sa pagtatapos ng usaping ito sa lalong madaling panahon.

HAPPY TEACHERS’ DAY!

-BENJO BASAS
TDC / ATING GURO FIRST NOMINEE"

Sa video kasing kumalat, nakunang maingay ang mga estudyante sa classroom (nagtetext, susulat / drawing ng bagay sa blackboard, naghaharutan at iba) at sa kasalukuyang pag-iingay ay biglang pumasok ang isang babae na mukhang nanenermon at pinuntahan ang dalawang lalaking student sa kaliwang bahagi sa bandang dulo ng upuan. Hindi naman nabanggit kung ano ang ginagawa ni hindi rin nakunan ng video ang ginagawa ng dalawa. Sa galit ng babae, nagbabala ito na gagamit ng masamang salita hanggang marinig mula sa kanyang bibig ito... sabi niya, "gusto mo bang marinig sa mga guro niyong magmumura? putang-ina niyo!... matapos yun ay parang may hinawakan siya sa bandang balikat. Patuloy pa rin ang kanyang panenermon hanggang matapos ang video.

Habang nangyayari ang insidente ay tila hindi tinatablan ang mga estudyante dun, parang normal lang ang ganoong proseso sa kanila... ni hindi sila natitinag sa sermon? ganyan naba ang estudyante ngayon? imbes na magbasa ng kanilang libro o anumang sulatin para matuto e nagkukwentuhan? then kapag nanenermon ang guro o makapagbitaw ng masakit na salita e ipapahiya sa madla? dapat ang kinakasuhan dito e yung nag-upload ng video... hindi man lang niya naisip na mapapahiya ang babae lalo't kung guro man yun... ni hindi naisip ng nagupload ng video na may kalakip na kaso ang ginawa niya? 

Hindi rin naman tama ang ginawa ng guro sa insidente, mas maige na palampasin muna niya ang kanyang galit bago humarap sa magugulong estudyanteng ganun... para hindi makagawa ng bagay na hindi gusto ng lahat. Pero hindi rin tamang ganun na lang lapastanganin ang papel ng guro dahil may mga estudyante talaga na tila galing sa burak na kabihasnan na hindi alam ang tamang respeto at tamang lugar... ni hindi rin ata alam na ang eskwelahan ay lugar para mag-aral ng aralin at hindi lugar para magkwentuhan at maglaro.

TDC on October 5 - World Teachers' Day Celebration at Cuneta Astrodome

Makikiisa ang Teachers 'Dignity Coalition / Ating Guro Partylist kasama ang SINAG / Cultural Group sa gaganaping World Teachers Day Celebration sa Cuneta Astrodome sa darating na lunes sa susunod na buwan, October 5, 2015, kung saan posibleng daluhan ito ng libu-libong mga guro at iba pang kawani ng Kagawaran ng Edukasyon.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, magtatanghal ang SINAG / Cultural Group ng TDC sa hapon, mula ala-una hanggang matapos. Ang itatanghal ay hango pa rin sa mga natutunan ng mga guro mula sa huling seminar - workshop sa Baguio City ng TDC.
Ayon kay TDC / Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas, ang pakiisa ng mga guro sa nasabing selebrasyon ay pagpapakita ng kahalagahan at hindi matatawarang kakayahan ng mga guro sa bansa. Kasama rin sa plano ng grupo ang pakikipag-diyalogo sa Department of Budget and Management Secretary Butch Abad para sa SALARY INCREASE ng mga guro.
Kaya naman, hinihikayat ng grupo ang mga guro sa bansa lalo na sa National Capital Region na makiisa sa panawagan ng TDC para sa pagtaas ng sahod maging ang pagtutol sa kalabuan ng PBB/PEI at di makatarungang pagpapatupad ng RPMS.

Kasalukuyang naghahanda ang SINAG members para sa nalalapit na pagtatanghal sa pangunguna nina Jayson Cruz ng Mandaluyong at Anthony Cruz ng Malabon. Sa Huwebes, October 1, 2015, 1-5PM, naka-reset ang rehearsal sa Quezon City Division Office.

Wednesday, September 23, 2015

Comprehensive Forum ng TDC sa DepED-NCR, QC, Matagumpay!

Matagumpay na nairaos kanina, September 23, 2015, ang Comprehensive Forum ng Teachers’Dignity Coalition sa pangunguna ni Benjo Basas sa Conference Hall, DepEd NCR, Quezon City.

Dinaluhan ito ng mahigit Isandaang (100+) guro at punungguro mula sa iba’t ibang panig ng Luzon lalo na ang Central Luzon, CALABARZON at National Capital Region. Kasama naman ng mga delegado ang mga opisyal ng TDC mula sa iba’t ibang siyudad at bayan sa Luzon na siya namang nagpadaloy sa naturang gawain.

Naging tampok sa forum ang updates sa ilang isyu partikular na ang PBB, RPMS, New Set of Uniform, Election Service, Salary Increase Proposal, 2016 Budget at iba pang nakatakdang gawain ng grupo tulad ng World Teachers’Day Celebration, SINAG Activities, Congress, Dignidad Magazine Publication, at mga kasalukuyang isyu ng mga guro.

Pinangunahan ni TDC Vice Chair for North Luzon Jesus Mercado ang gawain na sinundan naman ni TDC Vice Chair for South Luzon Ramon Miranda na nagbigay ng forum’s rationale. Nagbigay naman ng updates si Ating Guro First Nominee Benjo Basas sa mga gurong dumalo habang si TDC NCR Chairperson Ildefonso Enguerra III ang naging tagapagdaloy ng programa.

Nagbigay ng maikling presentasyon sina Jayson Cruz ng Cultural Group at Anthony Cruz ng SINAG sa ikalawang bahagi. Sina Meng Arevalo at Mike Rama naman sa ilang additional updates habang si Kris Canillas ang nagbigay ng Minutes of Meeting mula sa huling pagpupulong ng Executive Committee ng TDC at Ating Guro.

Sa huli, nagbigay ng mga saloobin ang mga kaguruan ukol sa kanilang karanasan sa kani-kanilang mga dibisyon at paaralan maging ang pagtatanung sa isyu na may kinalaman sa kaguruan. Nasagot naman ni Benjo Basas ang lahat ng katanungan.



 The Busy Ladies
 Sir Ramon, Sir Nono, Sir Meng

 Benjo Basas on his Speech


 Sir Jess (Tarlac)


 Registration Booth
 Sir Kris

 Sir Mat (Batangas)
 Maám Cristy (Lucena)

 Maám Evilyn (Bacoor)
 Sir Benjo (left) Sir Meng (right)
 Sir Kris (big face)

 Sir Jayson 
 Sir Anthony


 Sir Richie (Dasma, Cavite)
Teachers of Manila 

 Sir Mike

 Groupie



Sunday, September 20, 2015

TDC / Ating Guro Partylist Officials, Muling Nagpulong

Muling nagpulong kahapon, September 19, 2015, ang Teachers' Dignity Coalition at Ating Guro Partylist officials sa Sulong CARHRIHL, Diliman, Quezon City. Ito'y upang pag-usapan ang mga susunod nitong gawain na nakasentro sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating mga guro sa bansa. 

Ilan sa mga napagkasunduan ang patuloy na pagtindig ng TDC / Ating Guro sa SALARY INCREASE, ESRA, at iba pang benepisyo ng kaguruan. Kasama ring nabanggit ang pagkapanalo ng Ating Guro Partylist noong nakaraang election subalit hindi naproklama ng Commission on Elections.

Marami sanang magagawa ang grupo kung naproklama ito noon dahil mas malakas ang pwersa natin sa kongreso. Maliban pa rito, marami ng acomplishments ang Ating Guro kahit hindi pa ito naluluklok sa kongreso, kabilang na ang pagtugon sa pangangailan ng mga guro, pagbibigay ng seminars, workshops, forum at iba pa sa mga kaguruan upang maging malinaw ang papel nito sa Kagawaran ng Edukasyon, pag-gabay sa mga gurong may problema sa kani-kanilang dibisyon, paglaban sa garapalang pag-uutos sa mga guro na umupo sa eleksyon, anumalya sa uniporme, pagprotesta laban sa hindi makatarungang sahod at iba pa.

Inaasahan pa ring magampanan ng TDC / Ating Guro Partylist ang kanilang tungkulin sa bayan nakaupo man o hindi sa kongreso dahil hindi lamang natatapos ngayon ang paglaban ng grupo sa katiwalian lalo na sa kapakanan ng kaguruan ng bansa.

Mabuhay ang TDC / Ating Guro Partylist!










Sunday, September 13, 2015

HUGOT


HUGOT
ni Jayson Alvar Cruz

Emperador ako pangga
Lasing sa iyong Ginebra
Ginising aking Cobra
Usok ng ‘yong mariwana

Redhorse kang agad tumalab
Nagpabula sa ‘king utak.
Katawan mong Coke marilag
Sa Sogo’y pinapangarap

Kalamansi, papaitan
Labuyo sa dinakdakan
Paminta sa sinigang
Puluta’y pagmamahalan

Bisyo kang hirap iwaksi
Nicotine ka sa ‘king yosi
Chaser kang nagpapangiti
Sa buhay,lipos ng hikbi.

Humawak ka sa ‘king braso
‘wag bumitiw sa pangako
Hihinto lang, itong puso
Pag naningil na ang bisyo.


Saturday, September 12, 2015

RPMS-Regulasyong Pahirap kina Ma'am at Sir!

Pagtuturo ang pangunahing trabaho ng mga guro. Matiyaga, masigasig at epektibong pagtuturo. Yan ang pinag-aralan natin sa mga Kolehiyo ng Edukasyon. Yan din ang ipinagsusunog natin ng kilay sa ating graduate school. Magturo, yan ang dapat nating pagtuunan ng pansin at hindi ang magpasa ng santambak na reports, mag-ipon ng dokumento, magpa-picture, gumawa ng detailed lesson plan, magpasikat sa demo teaching, mag-practice, dumalo sa mga seminar na ang itinuturo ay mga dati na nating alam o mga bagay na di kailangan kundiman mga estratehiya o programang hindi maaaring magawa sa pampublikong paaralan. Ang lahat ng pagsasakrispisyo ng mga guro ay mawawalan ng saysay kung hindi tayo makapagtuturo.

Hindi masusukat ng timbangan o medida ang kalidad ng pagtuturo sapagkat ang guro ay hindi makina at ang produkto natin ay hindi simpleng kalakal lamang.

Nananatili ang ating paninindigan, RPMS ay Regulasyong Pahirap kina Ma'am at Sir!

Ibasura ang RPMS!

MAGKASUNOD NA FORUM NG TDC SA ORIENTAL MINDORO, INILUNSAD


Inilunsad noong September 8-9, 2015 ang dalawang magkasunod na forum ng Teachers’Dignity Coalition sa Kabayan Hall, Pola Central School, Pola, at President Diosdado Macapagal Memorial National High School, Gloria, Oriental Mindoro sa pangunguna ni National Chairperson at Ating Guro Partyist First Nominee Benjo Basas.

Dinaluhan ng 173 guro mula sa mga bayan ng Pola, Socorro, Victoria, Naujan, Calapan, San Teodoro, Puerto Galera, at Baco ng District 1 ang unang forum sa Pola Central School. Nasa 173 teacher-participants din ang dumalo sa ikalawang forum na ginanap sa President Diosdado Macapagal Memorial National High School sa Gloria na nagmula pa sa mga bayan ng Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabon, Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Naging tagapagsalita sa forum sina TDC Secretary General Emmalyn Policarpio na nagbigay ng Orientation tungkol sa TDC at TDC National Chairperson / Ating Guro First Nominee Benjo Basas para sa updates ng mga isyu ng kaguruan, habang pinangasiwaan naman nina TDC National Vice Chair for South Luzon Ramon Miranda at TDC Taguig Coordinator/leader Michael Rama ang “Open Forum.”

Nakiisa rin sa pagtitipon ang OIC - School Division Superintendent ng lugar na si Dr. Maria Luisa D. Servando na nagbigay ng Inspirational Message at ang Municipal Mayor ng Pola na si Leandro P. Panganiban Jr.

Ang mga aktibidad na ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng TDC Region IV MIMAROPA na sina TDC MIMAROPA PIO Marian F. Pacia, TDC MIMAROPA Secretary Marites P. Perez at Oriental Mindoro Representative Adel Perez.