Saturday, August 29, 2015

KARA

KARA
Ni: Jessieto A. Abener

Pinong luntian sa paikot na daan
Umaalog na hangin sa tenga
Kasabay ng matunog na sitserya
Para kang adik na high sa ulap altidude
Batang musmos, kumakaway

Habang naglalakbay sumasabay ang alaala
Ng kahapong naging unang turista sa malamig na plaza
Mga taong nakangiti sa mga banyagang namumukod tangi
Magkasintahang nagsasagwan, pinagmamasdan.
Malalim na damdamin ay nagpapatianod.
Mababaw na tubig sa Burnham, animo'y nalulunod.

Malamig nasimoy ng hangin
ang dumadalisdis sa mabundok at mahamog na pasyalan
Panandaliang pagtakas sa magulo’t maingay na syudad ng Kamaynilaan.
Patungo sa tunay na paraisong gubat na sa libro madalas nasusulat.
Hay! Para kang dayuhan sa sariling bayan

Kasabay ng malakas na paghinto
ay pagkamulat sa makabagong realidad.
Rebulto ng dating pangulo may warak na sa ulo.
Sa libis ay matatanaw ang nagsulputang bahay
habang sa tabi’y umuusok ang animo'y hamog
sa mga bagay na nakatumpok.

Madilim na ng marating ko ang sentro.
Nasumpungan ang sarili sa loob ng isang banyagang restawran,
na nagsulputan na para bang mga tigyawat sa pisngi.
Habang humihigop ng maanghang na jjampong na isinilbi.

Naglalakad-lakad.
 Minamasdan ang mga taong nagse-session,
Mga humahalukay sa wagwagan sa mahabang daan.
Huminto sa isang sulok upang bumuga ng usok.
Natanaw ang Mariang si Kara ang pagpapakilala
“Sir, masahe?”, eksena sa Malate.

Lunsod na dating lunti
Ngayo'y mga ilaw sa tuktok ng gusali ang nakangiti.
SM na tambayan, dating puno ng halaman.
Matatayog na tahanan para sa panandaliang ti'rahan.


Habang nakahiga sa aking kwarto ay nasambit ko sa sarili.

Ang pook na may magandang Kara ay tila naglalaho na.


Monday, August 24, 2015

National Seminar on DepEd Legal Process 1st Batch

Sa kabila ng malawakang brownout sa lugar, kawalan ng tubig, malakas na ulan at pagbabanta ng bagyo, matagumpay na nairaos ang ating National Seminar on DepEd Legal Process sa Teachers' Camp, Baguio City nitong Biyernes hanggang Linggo, August 21-23, 2015.

Nilahukan ito ng mahigit 180 Teachers, School Heads, Education Supervisors at iba't ibang lider mula sa Region 4A, Region 4B, Region 5 at National Capital Region.

Tinalakay sa naturang seminar ang pagsulong ng Election Service Reform Act o ESRA na naglalayong mabigyan ng opsyon ang kaguruan sa pag-upo sa eleksyon kasama na rin ang mga benepisyong nakalaan para sa kanila gaya ng hospitalization, honorarium at iba pang po-protekta sa mga guro. Naging malinaw naman sa mga dumalo ang mga ground para sa administrative case, dishonesty at iba pang mga kasong kinakaharap at pwedeng kaharapin ng mga guro kasama na ang mga dapat gawin dito, proseso ng pagsasampa o isinampang kaso, paraan ng pagsasampa ng kaso at iba pang may kinalaman sa isyu sa paaralan at dibisyon. Binigyan din ng pagkakataong matalakay ang batas para sa child abuse, provision ng Family Code, problema ng mga guro sa araw-araw sa paaralan, dagdag pasaning mga isinusulong na batas, hamon sa mga namumuno at iba pang kasalukuyang isyu na nagaganap sa iba't ibang dibisyon ng mga dumalo.

Pinangunahan nina Atty. Ona Caritos ng LENTE, Atty. Leland Lopez ng TDC-Ating Guro at Atty. Ariz Cawilan ng DepEd Calabarzon ang mga pangunahing paksa ng seminar. Binigyang-paliwanag naman ni Ating Guro First Nominee at Teachers' Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas ang pinagmulan ng ating organization at maging ang mga pamantayan at pinaninindigan ng samahan.

Sa huli, nabigyang linaw ang ilan sa kasalukuyang kaganapan sa ating mga pinaglalaban at maging ang hamon sa ating mga kaguruan kasama na rin ang katanungan sa kasalukuyang problemang kinakaharap ng ating kaguruan na hindi nakuhang masagot lahat dahil sa kakulangan ng oras o panahon.

Inaasahan naman ng mga participant na magkaroon ng iba pang gawain ang TDC ng tulad ng kanilang naranasan upang lalong lumalim at lumawak ang kanilang kaalaman sa kanilang mga karapatan bilang mga bagong bayani ng bayan. 






Sir Kris and Maestro Ramon

 Emmalyn Policarpio
TDC Sec-Gen
Ka Noli
Atty. Ariz Cawilan (holding the shirt) with TDC staff





 THE MEN







 THE MIMAROPA
 MAESTRO JAYSON CRUZ
 MAESTRO RAMON MIRANDA


 ATTY. LELAND LOPEZ AND ATTY. ARIZ CAWILAN
 BENJO ON THE MOVE :)


 THE STAFF
 ATTY. ONA CARITOS


 THE MEN

 THE MAKATAS

 BICOLANOS PRESENTATION