Wednesday, July 8, 2015

Induction of Officers - Teachers Dignity Coalition Caloocan Chapter 2015


Nanumpa na kaninang umaga ang mga bagong opisyales ng Teachers Dignity Coalition Caloocan Chapter sa Conference Hall ng Division Office, Caloocan.

Pinangunahan at dinaluhan ito ng Ating Guro First Nominee at Teachers Dignity Coalition National Chairperson na si Benjo Basas, Regional Director Luz Almeda, Division of City Schools Caloocan Officer-in-Charge Rita E. Riddle, Caloocan City Administrator Oliver Hernandez at ang butihing Alkalde ng Caloocan Oscar Malapitan.

Ang mga bagong opisyal ng TDC-Caloocan Chapter ay inaasahang magiging daan at katuwang ng mga guro sa Caloocan sa kanilang hinaing at problema sa kani-kanilang paaralan tungo sa lalong ikabubuti ng kinabukasan ng dibisyon ng Caloocan.















No comments:

Post a Comment