Tuesday, July 7, 2015

ATING GURO / TDC Dialogues with DepEd Secretary Bro. Armin Luistro

July 7, 2015

Agenda:

K-12
Child protection policy
Teacher protection
RPMS
Daily log lesson plan
BIR Issue
PBB
PEI
Clothing
Angaras anti bullying bill
6 working hrs
Loan shark
Ating Guro/TDC

Nakipagdiyalogo kanina ang Ating Guro Partylist / TDC o Teacher Dignity Coalition kay Department of Education Secretary Armin Luistro upang talakayin ang ilang isyu na may kinalaman sa kagawaran, kaguruan, panukalang batas at iba pa.

Dinaluhan ito nina Ating Guro Partylist First Nominee at Teachers Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas, Ramon Miranda, Maria Cristina Encina, Jaime Albiza, Carmelito Francisco, Aurea Galaboc, Rogelio Benitez, Ma. Carmelita Almorade, Mateo Mendoza, Relyn Soriano, Joel Caramat, Jennifer Cunanan, Leonard Lobo, Jayson Cruz at Michael Rama.

Sa nasabing pulong, isa-isang nagpaabot ng saloobin ang mga kinatawan ng grupo sa kalihim ukol sa mga karanasan at problemang kinakaharap nila sa kani-kanilang paaralan at dibisyon. Ipinaabot at pinag-usapan din ang paninindigan ng grupo sa pagpapatupad ng K-12, hiring scheme of new teachers, Child Protection Policy, Teacher Protection, RPMS, make-up classes in lieu of class suspension, Daily Log Lesson Plan, BIR Issue, PEI, PBB, Clothing allowance, Angara's Anti Bullying Bill, 6 Working Hours, Loan Shark at iba pang usapin.

Ayon naman sa kalihim, ayaw ng kagawaran ang locally paid teacher gaya nalang ng LSB dahil hindi pantay ang pasahod nito sa nationally paid teachers. Dapat din umano bigyan ng personal result ang mga applicant at hindi lamang ipinapaskil kung saan. Ukol naman sa BIR issue, kakausapin ng kagawaran ang Division Office ng Caloocan upang malaman kung saan nagka-problema. Pabor ang ahensya sa common uniform ng mga guro bilang identity ng mga ito at ang PBB o Performance Based Bonus ng 2014-2015 ay matatanggap naman ngayong taon at ang maganda rito, inaasahang mas marami ang makakatanggap ng higit sa limang libo dahil mas dumami pa umano ang nakakuha ng BEST kumpara noon na marami ang GOOD na may katapat na 5000 Pesos lamang.

Dagdag ni Luistro, dapat upuan ang DepEd Order 291 upang magkaroon ng rebisyon, madefine ang hazard pay at dapat magbigay ng mga proposal ang TDC para mapag-aralan. Sa mga kinasangkutang kaso naman ng mga guro, ipinahahanda ng opisyal ang mga listahan nito upang mabilis na mapag-aralan at maibigay ang nararapat para rito.

Inaasahan naman na magiging pabor sa kaguruan ang mga susunod na desisyon ng kagarawan para sa lalong ikabubuti hindi lamang ng mga paaralan kundi maging ang kinabukasan ng educational system ng bansa.





No comments:

Post a Comment