Thursday, June 18, 2015

SINING AT KULTURA PARA SA PAGTUTURO AT ADBOKASIYA!

Magandang Araw po mga kapatid sa NCR!

Inaanyayahan kayo ng TDC Cultural Group sa kanilang comprehensive training-workshop on July 9-12 sa Teachers' Camp, Baguio City (P3,000 ang registration at may memo from DepEd-NCR to help us raise the funds from LGUs, local funds, faculty etc). May apat na session groups ang simultaneous workshop- Drama/Theatre Arts, Creative Writing, Dance at Music.

Layunin nitong maging instrumento ang sining at kultura sa ating pagtuturo at lalo na sa pagsusulong ng adhikain at adbokasiya ng mga guro.

Coordinated rin sa NCCA ang workshop at ilan sa mga facilitator/trainer ay ang mga sumusunod (confirmed, so far):

Dr. Apo Chua at Teatro Pabrika- Theatre Arts
Prof. Eros Atalia II at Jerry B. GrĂ¡cio- Creative Writing
Teacher Anthony Cruz- Dance
Teacher JR Santos- Music

Para sa mga kapatid na guro na interesadong sumali, makipag-ugnayan lamang kaagad sa mga lider ng TDC Cultural Group Karla Ating Guro Hutalle, 09274720967 or Jayson Cruz, 09204227266. ASAP ito kasi aayusin sa weekend ang list of pax at training design so the memo from NCR would be ready by Monday. Thanks!

Note: Dahil limited ang number of pax, magiging 'first come, first serve basis' ang confirmation. Kapag napuno na ang slot ng session group na interested kayo ay next time na lang uli.

Sunday, June 14, 2015

Teachers' Dignity on the Release of PEI

TANONG NG MGA GURO SA DEPED AT DBM, ‘NASAAN NA ANG BONUS NAMIN?’
Isang buwan matapos lagdaan ni PaNgulong Aquino ang Executive Order 181 noong Mayo 15, naghihintay pa rin ang mga guro at kawani ng kanilang PEI o Productivity Enhancement Incentive.
“Inanunsiyo ng Malakanyang noon pang nkaraang buwan ang pagbibigay ng PEI na nagkakahalaga ng katumbas sa isang buwang sahod ng mga empleyado ng gobyerno, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang DepEd at DBM kung kalian ito ibibigay sa aming mga guro.” Pahayag ni Benjo Basas, guro sa Lungsod ng Caloocan at pambansang tagapangulo ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC).
Ayon pa kay Basas ay inaasahan nila ang nasabing bonus na dapat sana ay maibigay simula Hunyo 1 alinsunod na rin sa EO 181 ng Pangulong Aquino.
“Ginagawang biro na nga ito ng mga guro dahil ang sabi nga naman sa EO 181 ay ‘shall be released not earlier than June 1, 2015’ ibig sabihin puwedeng June 1 hanggang December 31 ng taong ito o maaaring mas matagal pa.” Ani Basas.
Isa pang nais linawin ng TDC ay kung magkano ba talaga ang nakatakdang ibigay sa mga guro, kung ito ba ay katumbas ng isang buwang sahod o P5, 000 lamang, bagamat siniguro umano ng ilang opisyal ng DepEd na ang una ang makukuha ng mga guro.
“Ang isa pang problema dito ay kung bakit sa ilalim ng kautusan ng pangulo ay ang halaga ng PEI na maaaring P5000 o kaya’y katumbas ng isang buwang suweldo, sa halip na ibigay ang pinakamataas na benepisyo sa lahat ng guro at kawani.” Dagdag pa ni Basas.
Ang PEI ay benepisyo ng mga guro at kawani na simula pa noong 2007 ay nagkakahalaga ng sampung libong piso (P10, 000) subalit ginawang limang libo (P5, 000) na lamang noong taong 2012. Nagsagawa ng sunud-sunod na mga kilos-protesta ang TDC at iba pang mga samahan ng guro at kawani upang ibalik sa halagang P10, 000 ang PEI kung hindi man ito maitataas. Ang pagbibigay ng katumbas ng isang buwang sahod at paglalaan ng budget para dito ay bilang tugon dito ng gobyerno.
“Hinihiling namin sa DepEd at DBM na agad na klaruhin ang usaping ito para matapos na rin ang mga haka-haka ukol sa nasabing bonus at maibigay na ito nang mas maaga sa mga guro. Kami ay lagi na lamang pinaghihintay sa kakarampot na benespisyo samantalang laging minamadali pagdating sa trabaho at sakripisyo.” Himutok ni Basas.
Ayon pa rin sa TDC, bagamat makakatulong sa kanilang mga guro at empleyado, ang maliliit na bonus gaya ng PEI, hindi pa rin ito sapat upang mabuhay ng disente ang mga guro at kanilang pamilya kaya muli silang nanawagan sa pamahalaan na ipasa na ang panukalang P10, 000 umento para sa sahod ng mga guro.
“Simula noong umupo sa puwesto ang Pangulong Aquino ay wala siyang inisyatibang ginawa para mabigyan ng umento ang sahod ng mga guro at kawani. Ito’y sa kabila ng ipinagmamalaking pag-unlad sa ilalim ng kanyang administrasyon.” Pagtatapos ni Basas.

Saturday, June 13, 2015

Benjo Basas on Sen. Angara's Bill

Kahapon (June 11, 2015) ay narinig ko sa radyo na kinakapanayam ni Karen Davila si Sen Sonny Angara tungkol sa kanyang "Anti-Bullying Bill" na isasama ang mga guro sa umano'y bullies at papatawan ng mas malaking parusa (higit pa sa mga tadhana ng RA 7610 at DepEd-CPP) lalo na kung magtangkang mag-suicide ang batang biktima umano ng pambu-bully ng guro.
Tinanong siya ni Karen hinggil sa reaksyon ng mga guro sa kanyang panukala lalo na ang pahayag ng TDC na sobra-sobra na ang regulasyon sa mga guro (RA 7610, DepEd CPP etc) kaya dapat niyang iatras ang kanyang bill. Ayon sa butihing senador ay bukas siya sa pakikipag-usap sa atin at handang makinig sa ating mga suhestiyon. Ang filing raw na ginawa niya ay ang umano'y unang hakbang lamang naman.
Mukhang baliktad, sa paggawa kasi ng batas ay dapat nauuna ang mga public hearing at consultation sa mga sektor na maaaring maapektuhan. Hindi natin alam kung sino ang kanyang mga kinonsulta, pero tiyak kong hindi tayo kasama. Sana lang talaga ay naisip niya munang makipag-usap bago nagsumite ng ganitong bill. Sa pangkalahatan naman ay maayos ang nagng performance ni Sen. Angara, kaya nirerespeto ko pa rin siya hanggang ngayon at umaasa akong sa malao't madali ay magbibigay siya ng mas detalyadong pahayag na hindi gaya ng naunang statement niya na tila baga paiwas sa ating mga argumento at sentimyento.
Hihintayin natin ang kanyang sagot sa ating pormal na liham at kung sakaling magtakda ng petsa ng pulong, inaasahan nating dadalo ang maraming bilang ng mga guro. Kung gaano kainit ang ating ulo at kung gaano tayo ka-articulate sa Facebook ay mas lalo tayong dapat mahusay sa aktuwal na dayalogo. Tiyakin nating iaatras ni Sen Angara ang kanyang proposal upang wala na ring sinumang mambabatas ang magtangkang magsumite ng anumang panukala na walang konsiderasyon sa mga guro.
Lagi sana tayong maging mapagbantay sa ating mga karapatan at kagalingan. Higit sa lahat, PROTEKTAHAN NATIN ANG ATING DIGNIDAD!
Maraming salamat po at MABUHAY ANG MGA GURO!

Wednesday, June 10, 2015

Happy 8th Birthday Datu Magiting!


Sana lumaki ka na hindi makasarili, may paglingap at pagmamahal sa kapwa at hindi lamang sa pangalan maging magiting.

Happy Birthday :)