Wednesday, July 15, 2026

PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN 8 TERM 1

 PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN 8 TERM 1

WEEK1: HEOGRAPIYA NG ASYA AT DAIGDIG HEOGRAPIYA NG ASYA AT DAIGDIG

1. Kontinente ng Daigdig

2. Natatanging Katangiang Pisikal

3. Implikasyon ng Heograpiya sa daigdig sa pamumuhay ng mga tao

Heograpiya

Ang araling ito'y tatalakay sa kahulugan at papel ng Heograpiya sa pamumuhay ng tao at kasaysayan.

Ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Heograpiyang Pisikal

Nagmula ito sa wikang Griyego na "Geo" o Daigdig at "Graphia" o Paglalarawan. Samakatuwid, ito ay Paglalarawan ng Daigdig.

Ang heograpiyang pisikal ay tumutukoy sa pisikal na aspekto ng daigdig. Ito ay pag-aaral ng mga anyong lupa, anyong tubig, klima, likas na yaman, pamumuhay, at distribusyon at interaksyon ng mga tao at organismo sa kapaligiran nito.

Saklaw ng heograpiyang pisikal ang mga sumusunod:

1. Anyong lupa at Anyong tubig

2. Klima at panahon

3. Likas na yaman

4. Flora (Plant Life) / Fauna (Animal Life)

5. Distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito

Mga Anyong Lupa

1. Bundok

2. Bulubundukin

3. Burol

4. Bulkan

5. Kapatagan

6. Talampas

7. Lambak

8. Isla

Mga Anyong Tubig

1. Karagatan

2. Dagat

3. Look

4. Lawa

5. Ilog

6. Talon

Upang mas madaling pag-aralan at unawain ang heograpiya, bilangkas ito ng mga eksperto.

Ang heograpiya ay nahahati sa limang tema:

1. Lokasyon

2. Lugar

3. Rehiyon

4. Interaksyon ng tao at kapaligiran

5. Paggalaw

Estruktura ng Daigdig

Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw.

Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng paglalakbay paikot sa araw bawat taon.

Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core.

Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian.

Teorya kung Paano nabuo ang mga Kontinente

Continental Drift

    - Ipinanukala ni Alfred Wegener noong 1912. Ayon sa teoryang ito ang mga kontinente ay matagal na nakausad ng malayo at patuloy pa ring umuusad magpasahanggang ngayon. Sinabi din niya na ang mga kontinente ay binubuo ng iisang masa ng lupa na tinatawag na Pangea at pinalilibutan ng nagiisang karagatan na Panthalassa. Ang Pangea ay nabasag at naging dalawang malaking umbok na Gondwanaland at Laurasia.

Plate Tectonics

    - Nabuo ang teoryang ito noong 1960, at ayon dito ang mga kontinente ay nakatuntong sa plates o malaking tipak ng lupa na nakalutang sa magma na napunta sa tatlong direksyon. May tatlong uri ng plate boundaries ang divergent, convergent, at transform.

Gawain 1

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel.

____1. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

____2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio.

____3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa.

____4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon magtrabaho.

____5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India.

____6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ngpansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod.

____7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.

____8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

____9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.

____10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil.

GAWAIN 2

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung paano nakaaapekto ang posisyon ng daigdig sa solar system sa pagkakaroon ng buhay sa planeta.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang teorya ng Continental Drift ni Alfred Wegener sa Plate Tectonics Theory. Ano ang pangunahing pagkakaiba sa kanilang paliwanag tungkol sa paggalaw ng kontinente?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang urban planner sa NCR, paano mo gagamitin ang konsepto ng heograpiya upang tugunan ang lumalaking populasyon at problema sa transportasyon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa limang tema ng heograpiya (lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, paggalaw), alin ang pinakamahalaga sa pag-unlad ng pandaigdigang kalakalan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, paano makaaapekto ang heograpiyang pisikal nito sa kaligtasan at ekonomiya ng bansa?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Bakit mahalagang pag-aralan ang distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran? Magbigay ng halimbawa mula sa Asya.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere batay sa kanilang klima at pamumuhay ng tao.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng relatibong lokasyon sa pang-araw-araw na buhay?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa lahat ng kontinente, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa pandaigdigang ekonomiya at bakit? Gumamit ng datos mula sa heograpiya.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang teknolohiya ay nagpapabilis sa paggalaw ng tao at kalakal, paano ito nakaaapekto sa kultura at kapaligiran ng isang bansa?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 2: MGA SINAUNANG KABIHASNAN

1. Katuturan ng Kabihasnan

2. Kabihasnang sumibol sa lambak-ilog (Tigris-Euphrates, Indus, Huang He, at Ilog Nile)

Ang mga sinaunang kabihasnan na inaral natin ay ang:

1. Kabihasnang Mesopotamia

- nangangahulugang "Lupain sa Gitna ng Dalawang Ilog"

- Fertile Crescent

- Tigris/Euphrates

- Nasa dulong bahagi ng Asya at Europa

2. Kabihasnang Indus

- Indus River

- Kalupaan ng India, Bangladesh, Pakistan, at karatig-lugar

3. Kabihasnang Shang / Tsino

- Huang Ho

- Sa loob ng Kalupaan ng Tsina

4. Kabihasnang Egypt

- Nile River

- Sa Africa

Huwag din nating kalimutan, ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay may pagkakatulad bagama't may pagkakaiba sa kultura, wika, lahi, heograpikal na lokasyon..

Subalit nagkakapareho naman ang pinag-usbungan - sa tabi ng ilog!

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa?

2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan?

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag ang sagot.

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Ipaliwanag kung bakit ang mga lambak-ilog ang naging sentro ng pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang kabihasnang Mesopotamia at Indus batay sa kanilang sistema ng pagsusulat. Ano ang pangunahing pagkakaiba sa gamit at anyo ng kanilang mga simbolo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang pinuno ng kabihasnang Egyptian, paano mo gagamitin ang taunang pagbaha ng Nile River upang mapalakas ang ekonomiya ng iyong imperyo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng pamana ng kabihasnang Sumerian, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa kasalukuyang pamumuhay ng tao? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang isang kabihasnan ay nakasalalay sa kalakalan, paano makaaapekto ang pagkakaroon ng digmaan sa kanilang kabuhayan at pamumuhay?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Kodigo ni Hammurabi sa paghubog ng konsepto ng hustisya sa kasalukuyang lipunan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang pamumuhay ng mga Egyptian at Tsino batay sa kanilang pananampalataya at paniniwala sa kapangyarihan ng pinuno.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng relihiyon sa pagbuo ng kultura ng sinaunang kabihasnan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa lahat ng sinaunang kabihasnan (Mesopotamia, Egypt, Indus, China), alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa pandaigdigang pamahalaan at bakit?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang teknolohiya ng pagsusulat ay nawala sa isang kabihasnan, paano ito makaaapekto sa kanilang pamumuhay, kalakalan, at pamahalaan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 3: SINAUNANG KABIHASNAN

Kabihasnang Mediterano (Minoan, Mycenaean) 

 Maunlad na ang bansa ngayon kumpara sa mga nagdaang panahon. Bago pa man malasap ng maraming Pilipino ang kasalukuyang kasaganahan at mataas na antas ng pamumuhay, dumaan ito sa maraming pagsubok at pakikipagtunggali sa maraming mananakop kabilang na ang Espanya.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, bahagi nito ang matagalang pagsakop ng mga Kastila sa atin bago pa man dumating ang ibang mananakop. Mula sa pagsakop ng mga Kanluranin tungo sa malaya at hindi pagagaping mga Pilipino.

Pero ano nga ba ang kasaysayan naman ng mga mananakop partikular na ang kabihasnang Europeo na sadyang malaki ang naging impluwensya sa atin. Ang Modyul na ito ay magbibigay ng kaunting kasaysayan kung paano nabuo at naging isang makapangyarihang kontinente ang Europa sa daigdig.

Kabihasnang Mediteraneo

 Ang Gresya ay matatagpuan sa dulo ng Peninsulang Balkan sa Timog-Silangang Europa.   Mahalaga ang Dagat Aegean sa Silangan, Dagat Ionian sa kanluran at Dagat Mediterranean sa timog dahil ang mga ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan at naging dahilan upang umunlad ang mga sinaunang kabihasnan ng bansa. Mayroon ding mga isla sa palibot ng dagat Aegean.  Bagaman pinaghihiwalay ng mga likas na hangganan ang mga sinaunang Griyego, hindi maikakaila na nagkaroon sila ng masidhing damdamin ng pagkakaisa at pagmamahal sa bansa dahil sa  paniniwalang

nagmula sila sa iisang ninuno – si Hellen. Bahagi din ng makulay na kultura ng Gresya ay ang kanilang paggamit ng iisang wika; pagkahilig at pagdaraos ng mga palaro sa Bundok Olympus.

Kabihasnang Minoan at Mycenaean

Ang Kabihasnang Minoan ay ang kauna-unahang Aegean Civilization sa pulo ng Crete na nagsimula noong 3100 BCE. Hango ang salitang "Minoan" sa pangalan ni Haring Minos na sinasabing nagtatag nito. Ito rin ang sinasabing simula ng kasaysayan ng Europa.

Kilala ang mga Minoan na magagaling na mandaragat na nakatira naman sa bahay na yari sa bricks. May mga produkto rin silang ipinangkakalakal sa ibang pamayanan tulad ng palayok na yari sa luwad at sandata na yari sa tanso. Nakararating ito sa Aegean Sea, Greece, Cyprus, Syria, at Egypt. Ang mga produkto ay ipinagpapalit nila ng ginto, pilak, at butil. Sa sining, naipakita nila ito sa pamamagitan ng Fresco at mga palayok. Mayroon na rin silang sistema ng pagsulat. Tinawag itong Linear A para sa sistema ng pagsulat ng mga Minoan samantalang Linear B naman sa Mycenaean. Maliban pa rito, kilala rin sila sa mga sinaunang mamamayan ng Europa na mahuhusay sa paggamit ng metal at iba pang teknolohiya.

Nahukay naman ni Sir Arthur Evans, isang English Archeologist, noong 1899 ang lungsod ng Knossos. Ito ay sinasabing kabisera ng Kabihasnang Minoan.

Kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod na sumakop naman sa kabuuan ng Crete. Matatagpuan dito ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektaryang lupain na napaliligiran naman ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay kalauna'y nasira dulot ng sunog at iba't ibang kalamidad. Ang katanyagan ng Minoan at bumagsak sa kamay ng mga mananakop.

Samantala, bago pa man salakayin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Matatagpuan ang sentro ng kanilang kabihasnan sa layong 16 kilometro sa aplaya ng karagatang Aegean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Ang mga makapal na pader na nakapaligid sa lungsod ay nagsilbing pananggalang nila sa iba pang manananakop. Noong 1400 BCE, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean lalo na noong masakop at magupo nila ang Crete. Ang Crete ay lumalagong Kabihasnan sa Greece noon.

Bagama't nasakop ng mga Mycenaean ang Crete na sinasabing pinagmulan din ng kabihasnang Minoan, malaki ang naging impluwensya ng mga Minoan sa Greek. Kabilang na sa mga impluwensiyang ito ang wika, sining, alamat, at kwento.

Noong 1100 BCE, Sinalakay ang Mycenaean ng mga Dorian, isang pangkat mula sa Hilaga. Samantala, isa pang pangkat na may kaugnayan sa Mycenaean ang tumungo sa Timog ng Greece sa may lupain ng Asia Minor, hangganan ng karagatang Aegean. Dito, nagtatag sila ng pamayanang Ionia at nakilala naman bilang Ionian.

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang Dark Age o Madilim na panahon ng Greece. Naging palasak ang digmaan ng iba't ibang kaharian, nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Kasama rin dito pagtamlay ng sining at pagsulat.

Mula naman sa madilim na panahon, umusbong sa Ionia ang bagong sibilisasyon na mabilis na lumaganap sa kabuuan ng Greece. Tinawag nila ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks. Kinilala ang panahong ito na kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Tumagal ito mula 800 BCE hanggang 400 BCE na sinasabing pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Ang mga Polis

Sa panahon ng Dark Age ng Greece, nagtayo ang mga Greek ng mga kuta sa gilid ng mga burol at taluktok ng bundok upang maprotektahan sila sa pagsalakay ng iba pang mga pangkat. Hindi naglaon, ang mga ito'y naging pamayanan na pinag-usbungan din ng mga lungsod-estado o Polis. Ang Polis ay hango sa salitang pulisya, politika, at politiko. Ito'y binubuo lamang ng 5000 kalalakihan na itatala sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay matatagpuan sa matataas na lugar na tinatawag na acropolis o mataas na lungsod. Ito ang takbuhan ng mga Greek sa panahon ng digmaan na naging sentro naman ng politika at relihiyon. Agora o pamilihang bayan naman ang tawag sa ibabang bahagi ng acropolis.

GAWAIN 1

Panuto: Magbigay ng iyong mga nalaman tungkol sa mga sumusunod:

A. POLIS

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

B. AGORA

C. KNOSSOS

D. ACROPOLIS

E. SIR ARTHUR EVANS

F. HELLENES

G. HARING MINOS

H. CRETE

Panuto: Sagutin o Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Ipaliwanag kung bakit naging mahalaga ang lokasyon ng Crete sa pag-unlad ng kabihasnang Minoan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang arkitektura ng Minoan (palasyo ng Knossos) at Mycenaean (citadel at makapal na pader). Ano ang ipinapakita ng kanilang pagkakaiba tungkol sa pamumuhay at depensa?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang mangangalakal noong panahon ng Minoan, paano makatutulong ang rutang pangdagat sa Dagat Aegean sa pagpapalawak ng iyong kalakalan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng pamana ng kabihasnang Minoan at Mycenaean, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa kasalukuyang pamumuhay ng tao? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang kabihasnang Mycenaean ay humina dahil sa pagsalakay ng mga Dorian, paano mo maipapayo na mapanatili ang katatagan ng isang kabihasnan laban sa pananakop?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Linear B sa pag-unlad ng kabihasnang Mycenaean at paano ito naiiba sa Linear A ng Minoan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang pamumuhay ng mga Minoan at Mycenaean batay sa kanilang ekonomiya. Ano ang pangunahing pagkakaiba sa kanilang kabuhayan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng Dark Age sa Greece bilang bunga ng pagbagsak ng Mycenaean?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng heograpiya, alin ang mas nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnang Mediteraneo: ang dagat o ang matabang lupa? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang teknolohiya ng dagat ay nawala sa kabihasnang Minoan, paano ito makaaapekto sa kanilang kalakalan, kultura, at pamumuhay?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 4: KABIHASNANG KLASIKO SA AMERICA AT MGA PULO SA PACIFIC

Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America at mga Pulo sa Pacific

Masasalamin sa kasalukuyang kalagayan nit at sa pamumuhay ng kanilang mamamayan ang impluwensiya ng mga sinaunang kabihasnang  naitatag sa mga kontinenteng ito.

Mapag-aaralan mo sa araling ito ang pag-usbong at pag-unlad ng mga imperyo sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Masusuri mo rin kung paano nakaimpluwensiya ang mga pangyayari at mga tugon sa hamon ng mga sinaunang mamamayan sa mga nabanggit na kontinente tungo sa pagbuo ng sariling pagkakakilanlan

Heograpiya ng Mesoamerica

Ang pangalang Meso america ay hango sa katagang meso na nangangahulugang ‘gitna”Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America.Ang Mesoamerica o Central o Central America ay ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa Rivver Valley sa Gitnang Mexico at Gulf Fonseca sa katimugan ng el Salvador.Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago.Samantala,ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa Rica. Sa kasalukuyan,saklaw ng Meso-america ang malaking bahagi ng Mexico,Guatemala,Belize,ElSalvador at ang kanlurang bahagi ng Honduras. Sa lupaing ito,ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Sa Mesoamerica naitatag ang unang paninirahan ng  mga tao.Isa rin ito sa lugar na pina-usbungan ng agrikultura,tulad ng Kanlurang Asya at China.Sa kasalukuyang panahon,ito rin ang may pinakamalaking populasyon.

Olmec

Ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America (at maaaring maging sa kabuuang America). Ang katagang Olmec ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna unahang tao na gumamit ng dagta  ng mga punong rubber o goma.Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala.Ang panahong ito ay halos kasabayan ng Dinastiyang Shang ng Tsina.

Aztec

Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula s Aztlan”isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.Noong 1325,itinatag nila ang kanilang pamayanan sa Tenochtitlan,isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco.Ang Texcoco ay nasa sentro ng Lambak ng Mexico.Sa pagsapit ng ika-15 siglo,nasakop ng kanilang lungsod-estado ang iba pang tribo sa Gitnang Mexico.Nang lumaon,ang lungsod ay naging mahalagang bahagi ng sentrong pangkalakalan.

Inca

Noong ika-12 siglo,isang pangkat ng mga taong tinatawag n Inca ang nanirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cizco.Sa pamumuno ni Manco Capac,bumuo sila ng maliit na lungsod estado. Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes.Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,2200 kilometro kwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific.Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru,Ecuador,Bolivia,Chile at Argentina.

Maya

Namayani  ang kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula,ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun,Tikal,El Mirador at Copan.Nakamit ng Maya ang rurok ng kanyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E at 700 C.E. Sa lipunang Maya,katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian  sa pamamahala.Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach uinic o “tunay na lalaki”ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.Nang lumaon,nabuo rito ang mga lungsod-estado.Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan.Naiugnay ng  malalawak at maaayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng  Maya.Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati hati ng mga  tao sa lipunan.Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa.Ang sentro ng bawat lungsod ay isang piramide na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga Diyos.May mga templo at palasyo sa tabi ng piramide.

HERNANDO CORTES

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.

FRANCISCO PIZARRO

    Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Ang mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

POLYNESIA – maraming isla

poly – marami

nesia - isla

MICRONESIA – maliliit na mga isla

micro – maliit

nesia - isla

MELANESIA – maiitim ang mga tao dito

mela– maitim

nesia - isla

GAWAIN 1

PANUTO: Alamin at ipaliwanag ang mga sumusunod:

 1. MESOAMERICA

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. MAYA

3. AZTEC

4. INCA

5. OLMEC

6. HALACH UINIC

7. PYRAMID OF KUKULCAN

8. TENICHTITLAN

9. HUITZILOPOCHTLI

10. QUETZALCOATL

11. HERNANDO CORTES

12. MONTEZUMA II

13. FRANCISCO PIZARRO

14. CONQUISTADOR

15. HUAYNA CAPAC

16. POLYNESIA

17. MICRONESIA

18. MELANESIA

19. PETER BELLWOOD

20. PACIFIC

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung bakit tinaguriang rubber people ang mga Olmec at paano nakatulong ang kanilang paggamit ng dagta ng goma sa kanilang kabihasnan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang pamumuhay ng mga Maya at Aztec batay sa kanilang estratehiya sa agrikultura (chinampas vs. pagkakaingin). Ano ang ipinapakita ng pagkakaibang ito tungkol sa kanilang adaptasyon sa kapaligiran?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang pinuno ng Inca, paano mo gagamitin ang sentralisadong pamahalaan ni Pachakuti upang mapanatili ang kaayusan sa isang imperyong napakalawak?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng pamana ng kabihasnang Maya, Aztec, at Inca, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa kasalukuyang pamumuhay ng tao? Ipaliwanag gamit ang halimbawa ng estruktura o sistema.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang kabihasnang Maya ay humina dahil sa pagkasira ng kalikasan at digmaan, paano mo maipapayo na mapanatili ang katatagan ng isang kabihasnan laban sa ganitong hamon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng alyansa ng Aztec sa Texcoco at Tlacopan sa pagpapalawak ng kanilang imperyo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang pananakop ng mga Espanyol sa Aztec at Inca. Ano ang pagkakaiba sa estratehiya nina Hernando Cortes at Francisco Pizarro?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng mana sa lipunan ng Polynesia at Melanesia?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng heograpiya, alin ang mas nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnang Inca: ang Andes Mountains o ang sentralisadong pamahalaan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang Austronesian migration ay nakarating hanggang sa Pacific at Africa, paano nakaaapekto ang kanilang paglawak sa kultura at wika ng kasalukuyang panahon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 5: HEOGRAPIYA AT SINAUNANG KABIHASNAN NG ASYA AT DAIGDIG

1. Lipunang Sumerian at Egyptian

2. Sistemang Varna / Caste

Lipunang Sumerian

Ang Kabihasnan ng Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization o lunduyan ng unang kabihasnan sa buong daigdig. Ang mga unang wika, pagsusulat, agrikultura, at iba pang mahahalagang imbensiyon ay naunang napaunlad ng Mesopotamia. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na umunlad ang Mesopotamia. Dahil dito, maraming kalapit na kabihasnan o imperyo ang nagkaroon ng interes na sakupin ang Mesopotamia. Unang nanirahan dito ang mga Sumerian at sinundan ng mga dayuhang mananakop na Akkadian, Babylonian, Hittites, Assyrian, Chaldean, Hittite, Persian, at mga Phoenician.

Sumerian (3500-2340 B.C.E.)

-Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Nag-alaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.

-Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang haring pari o mas kilala sa tawag na patesi.

-Tinawag na Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o Diyos na makikita sa bawat lungsod.

-Naniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.

LIPUNAN SA SINAUNANG EHIPTO

1. Hawak ng hari ang kapangyarihan na mamuno. Ang mga maharlika ay mayroong malalawak na lupain at pribilehiyo na hindi nararanasan ng ibang mamayan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis at pagkakaroon ng malawak na karapatan.

2. Ang mga sundalo ay nangangalaga sa katahimikan at kaayusan. Nagtataglay din ng maliit na lupain kung ikukumpara sa mga maharlika.

3. Ang mga magsasaka, pastol at mangagawa ay karaniwang mamamayan sa lipunan.

4. Ang mga alipin ang pinakamababa. Sila ay ang mga hindi nakapagbayad sa utang, mga naging bihag sa digmaan, at mga salarin na inakusahan ng krimen.

Maaaring umangat ang kanilang uri batay sa kanilang kakayahan at pagsisikap.

Ang mga kababaihan ay may mataas na kalagayan at malaya. Maaring rin sila magmana ng ari-arian at sumubok magnegosyo.

SISTEMANG CASTE

Ang sistema ng caste ng India ay nahahati sa dalawang uri: varna at jati. Ipinapaliwanag ng Manu-smriti ang mga karapatan at obligasyon ng bawat isa sa  Indian caste system at pinagsasama ang relihiyon at sekular na mga aspeto ng buhay sa isang malaking kabuuan.

• Varna - Isang panlipunang uri batay sa hanapbuhay at ang papel na ginagampanan ng isang tao sa lipunang Indian. Mayroong apat: Brahmins, Kshatriyas, Vaishyas, at Shudras. Ang pinakamababang antas ng lipunang Indian, ang ''Dalits'' ay pinalayas at nadiskrimina. Ang mga ranggo na ito ay ibinigay batay sa mga kasanayan at talento sa lipunan ng isang tao, na hindi itinalaga sa kapanganakan. Ang mga Varna ay nilikha ng lipunang Indian.

• Jati - isang katayuan na itinalaga sa isang tao sa pagsilang na ipinasa sa buong pamilya. Ang Jati ay mga pangkat na nilikha ng mga diyos. Hindi mababago ng isang tao ang kanilang posisyon sa caste na ito, ngunit ang mga antas sa sistema ng jatis ay nagbago ng maraming beses sa paglipas ng mga taon batay sa mga pag-unlad sa lipunan. Ang hierarchy na ito ay nag-iiba-iba sa pagitan ng mga lokal na komunidad, at ang mas mababang jatis ay maaaring umakyat sa hierarchy bilang isang grupo, kung minsan ay pinagsama pa sa mas mataas na jati, na ipinapasa ang pangalan at reputasyon nito sa kanilang mga inapo. Ang Jatis ay kumikilos bilang isang napakalaking pinalawak na pamilya. Isa rin silang kultural na lehitimo na grupo ng interes na nagtutulungan upang isulong ang kanilang mga agenda sa pulitika at

ekonomiya. Naniniwala ang mga kritiko na ang sistema ng caste ng India ay humahadlang sa kaunlaran ng ekonomiya ng mga komunidad at nililimitahan ang demokrasyang pampulitika. Gayunpaman, natuklasan ng mga iskolar at mananaliksik na alinman sa mga ito ay hindi totoo, sa pangkalahatan.

Nang ang British Empire ay dumating sa India noong 1860 at itinatag ang kanilang Raj, nalaman nila na ang sinaunang Indian caste system ay maayos na hinati ang mga tao sa mga grupo. Sinamantala nila ito, na lumikha ng apat na pangunahing kasta. Ang sistemang ito ay ganap na nabuo noong 1920, at nang ideklara ng India ang kalayaan nito noong 1947, nagpatuloy ang binagong sistema ng caste na ito.

• Brahmin - Mga Pari; may pinakamataas, pinaka iginagalang na pagkakakilanlan sa lipunang Indian, at sa gayon ay may lahat ng mga pribilehiyo, kasama ang Kshatriya. Ang mga Brahmin ay may awtoridad sa relihiyon sa Vaishya at Shudra.  Sila lamang ang nagtataglay ng kaalaman sa mga diyos, at alam nila ang mga ritwal na ninanais ng mga diyos.

• Kshatriya - Mga Pinuno at Mandirigma; may sekular na awtoridad sa Vaishya at Shudra, at ginagamit nila ang awtoridad na ito sa pakikipag-ugnayan sa mga Brahmin. Sila rin ay nagsisilbing pisikal na tagapagtanggol sa mga brahmin.

• Vaishya - Mangangalakal, Magsasaka, at Mangangalakal

• Shudra - Mga mababang lingkod.

Bagama't mayroon lamang apat na antas, maraming tao ang itinuturing na "ikalima" na antas: ang mga Dalit. Sila ang pinakamababa sa lipunan dahil sila ay itinuturing na mga outcast.

GAWAIN 1

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na salita.

1. Sumerian

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Egyptian

3. Sistemang Varna

4. Sistemang Caste

5. Mesopotamia

6. Cradle of Civilization

7. Maharlika

8. Sundalo

9. Pangkaraniwan

10. Alipin

11. Brahmins

12. Kshatriyas

13. Vaisyas

14. Sudras

15. Pariahs

16. varna

17. Jati

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung bakit tinaguriang cradle of civilization ang Mesopotamia at paano nakaaapekto ang estrukturang panlipunan ng Sumerian sa pag-unlad ng kabihasnan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang estrukturang panlipunan ng Sumerian at Egyptian. Ano ang pagkakaiba sa kapangyarihan ng hari at pari sa dalawang lipunan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang magsasaka sa sinaunang Egypt, paano makaaapekto sa iyong pamumuhay ang pribilehiyo ng maharlika na hindi nagbabayad ng buwis?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng antas ng lipunan sa Sumerian, Egyptian, at Indian caste system, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang mga alipin sa Egypt ay maaaring umangat batay sa kakayahan, paano mo maipapayo na mapanatili ang patas na oportunidad sa lipunan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Ziggurat sa lipunan ng Sumerian at paano ito nakaaapekto sa kanilang relihiyon at pamahalaan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang sistemang Varna at Jati sa India. Ano ang pangunahing pagkakaiba sa kanilang batayan ng pagkakakilanlan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung iuugnay sa Pilipinas, paano makikita ang pagkakatulad ng sistemang caste sa kasalukuyang estrukturang panlipunan?

9. Sa pananaw ng ekonomiya, alin sa tatlong estrukturang panlipunan (Sumerian, Egyptian, Indian) ang mas nakatulong sa pag-unlad ng kalakalan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ikaw ay isang lider sa Mesopotamia, paano mo mapapanatili ang kaayusan sa lipunan na binubuo ng iba’t ibang uri ng tao at mananakop?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 6: ESTRUKTURANG PANLIPUNAN SA IBA'T IBANG BAHAGI NG ASYA AT DAIGDIG

1. Lipunang Greek at Roman

2. Iba pang sinaunang lipunan

LIPUNANG GREEK AT ROMAN

Ang lipunang Greek at Roman ay mayaman sa kultura, sining, at politika, na nagbigay ng malaking kontribusyon sa kasaysayan ng daigdig.

Lipunang Greek

Noong nasakop ng mga Mycenaean ang Crete na sinasabing pinagmulan din ng kabihasnang Minoan, malaki ang naging impluwensya ng mga Minoan sa Greek. Kabilang na sa mga impluwensiyang ito ang wika, sining, alamat, at kwento.

Noong 1100 BCE, Sinalakay ang Mycenaean ng mga Dorian, isang pangkat mula sa Hilaga. Samantala, isa pang pangkat na may kaugnayan sa Mycenaean ang tumungo sa Timog ng Greece sa may lupain ng Asia Minor, hangganan ng karagatang Aegean. Dito, nagtatag sila ng pamayanang Ionia at nakilala naman bilang Ionian.

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang Dark Age o Madilim na panahon ng Greece. Naging palasak ang digmaan ng iba't ibang kaharian, nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Kasama rin dito pagtamlay ng sining at pagsulat.

Mula naman sa madilim na panahon, umusbong sa Ionia ang bagong sibilisasyon na mabilis na lumaganap sa kabuuan ng Greece. Tinawag nila ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks. Kinilala ang panahong ito na kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Tumagal ito mula 800 BCE hanggang 400 BCE na sinasabing pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Ang mga Polis

Sa panahon ng Dark Age ng Greece, nagtayo ang mga Greek ng mga kuta sa gilid ng mga burol at taluktok ng bundok upang maprotektahan sila sa pagsalakay ng iba pang mga pangkat. Hindi naglaon, ang mga ito'y naging pamayanan na pinag-usbungan din ng mga lungsod-estado o Polis. Ang Polis ay hango sa salitang pulisya, politika, at politiko. Ito'y binubuo lamang ng 5000 kalalakihan na itatala sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay matatagpuan sa matataas na lugar na tinatawag na acropolis o mataas na lungsod. Ito ang takbuhan ng mga Greek sa panahon ng digmaan na naging sentro naman ng politika at relihiyon. Agora o pamilihang bayan naman ang tawag sa ibabang bahagi ng acropolis.

Ang mga Plebeian at Patrician

Pakikibaka ng mga Plebeian para sa Pantay na Karapatan

Isang assembly ang nilikha upang kumatawan sa mga karaniwang tao. Nilikha upang pangalagaan ang karapatan ng mga plebeian laban sa mga mapang-abusong opisyal. Maaari nilang ipawalang-bisa ang anumang batas na mapang-api sa mahihirap. Hanggang Ten Tribune ang pwedeng ihalal ng mga tao.

Ang mga Plebeian at Patrician

‘Di tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namuno ay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa na tinatawag na patrician. Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuang populasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahing posisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan. Karamihan naman sa mga Romano ay mga plebeians. Sila ay mga karaniwang tao na mula sa mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga manggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang kanilang tinatamasang karapatan.

May maayos na takbo ng pamamahala ang pamahalaang Romano. May tagapagpaganap (Executive) at tagapagbatas (Legislative). May dalawang patrician na tumatayong tagapagpaganap. Sila ang nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbong sandatahan. Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upang makapaglingkod. Sa mga kamay nila nakasalalay ang kapangyarihan ng buong Roma. Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangang magkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon. Sa panahon ng krisis, maaari silang pumili ng diktador mula sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan. May anim na buwan lamang na termino ang mga diktador o hanggang di natatapos ang krisis. Sa ganitong pamamaraan, napipigilan ang ganap na kapangyarihan ng mga diktador at napangangalagaan ang demokrasya.

Tandaan!

Kabihasnang Greek

Heograpiya at Estruktura: Ang sinaunang Greece ay binubuo ng mga lungsod-estado (polis) tulad ng Athens at Sparta. Ang mga polis na ito ay may sariling pamahalaan at kultura, at madalas na nag-aaway para sa kapangyarihan at teritoryo. Ang heograpiya ng Greece, na may mga bundok at dagat, ay nagdulot ng pagkakahiwalay ng mga komunidad, na nagbigay-daan sa pagbuo ng mga natatanging kultura.

Demokrasya: Sa Athens, umusbong ang demokrasya, kung saan ang mga mamamayan ay may direktang partisipasyon sa pamahalaan. Ang mga pangunahing lider tulad nina Solon at Pericles ay nag-ambag sa pagbuo ng mga patakaran na nagbigay ng karapatan sa mga mamamayan.

Kultura at Sining: Ang mga Griyego ay kilala sa kanilang mga kontribusyon sa sining, pilosopiya, at literatura. Ang mga akdang tulad ng "Iliad" at "Odyssey" ni Homer ay patunay ng kanilang mayamang tradisyon sa panitikan. Ang mga Griyego rin ang nagpasimula ng mga Olympic Games bilang paggalang kay Zeus.

Kabihasnang Roman

Republika at Imperyo: Ang Roma ay nagsimula bilang isang republika at kalaunan ay naging isang imperyo. Ang mga patrician at plebeian ay ang dalawang pangunahing uri ng tao sa lipunan ng Roma, na may iba't ibang karapatan at pribilehiyo. Ang mga konsul at senado ang namahala sa mga usaping pampolitika.

Arkitektura at Inhenyeriya: Ang mga Roman ay kilala sa kanilang mga monumental na estruktura tulad ng Colosseum at aqueducts. Ang kanilang mga inobasyon sa arkitektura at inhenyeriya ay nagbigay-daan sa mas mahusay na imprastruktura at kalakalan.

Kultura at Batas: Ang mga Roman ay nag-ambag sa larangan ng batas at pamahalaan, na naglatag ng mga batayan para sa modernong sistema ng batas. Ang kanilang mga akdang pampanitikan at pilosopikal ay patuloy na pinag-aaralan at pinahahalagahan hanggang sa kasalukuyan.

Paghahambing ng Lipunan

Pamahalaan: Sa Greece, ang demokrasya ay umusbong, habang sa Roma, ang republika at kalaunan ang imperyo ang namayani. Ang mga mamamayan sa Athens ay may direktang partisipasyon sa pamahalaan, samantalang sa Roma, ang mga patrician lamang ang may kapangyarihan.

Kultura at Sining: Ang sining ng Griyego ay nakatuon sa perpeksiyon at idealisasyon, habang ang sining ng Roman ay mas nakatuon sa realism at praktikalidad. Maraming sining na itinuturing na Griyego ay talagang mga kopya ng mga orihinal na Griyego na ginawa ng mga Roman.

Konklusyon

Ang mga kabihasnang Greek at Roman ay may malalim na impluwensya sa kasaysayan ng daigdig, mula sa kanilang mga kontribusyon sa sining, politika, at kultura. Ang kanilang mga ideya at sistema ay patuloy na nakakaapekto sa modernong lipunan at kultura. Ang pag-aaral sa kanilang mga lipunan ay nagbibigay ng mahalagang pananaw sa pag-unlad ng sibilisasyon.

IBA PANG SINAUNANG LIPUNAN

Sa sinaunang Kabihasnang Tsina, ang mga Tsino ay naniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro bunsod ito sa kanilang paniniwala na Sinosentrismo na ang kanilang lahi ay angat kaysa sa ibang kultura kayasila ang sentro ng daigdig. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

Nahahati ang lipunan ng Tsina sa apat na pangkat.

1. Paham- nakababasa at nakasusulat

2. Magsasaka- nagtutustos ng pagkain sa populasyon

3. Artisano- may kasanayan sa paggawa ng armas at iba’t ibang kasangkapan

4. Mangangalakal

Dinastiya ang tawag sa uri ng pamahalaang nabuo sa Kabihasnang Tsina. Pinamumunuan ito ng isang emperador na nagmula sa iisang pamilya o angkan. Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, kung saan ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit siya ay itinuturing na Son of Heaven o “Anak ng Langit” pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Ang paniniwalang Mandate of Heaven at Son of Heaven ang nagpapaliwanag bakit papalit-palit ang dinastiya sa Tsina na tinatawag na Dynastic Cycle.

Ang dinastiyang Xia o Hsia ang tinatayang unang itinatag na dinastiya sa Tsina ngunit nananatili itong isang alamat dahil sa kakulangan ng datos o tala na nagpapatunay sa pag-usbong nito.

GAWAIN 1

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga salita hango sa araling ito.

1. Crete

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Mycenaean

3. Dorian

4. Hellenes

5. Polis

6. Acropolis

7. Sparta

8. Asemblea

9. Maharlika

10. Perioeci

11. Helots

12. Athens

13. Draco

14. Council of Elders

15. Tyrant

16. Solon

17. Peisistratos

18. Cleisthenes

19. Ostracism

20. Cyrus the Great

21. Republic

22. Patrician

23. Plebeian

24. Executive

25. Legislative

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung paano nakaaapekto ang sistemang caste ng India sa pamumuhay ng mga tao at sa kanilang oportunidad sa ekonomiya.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang estrukturang panlipunan ng Tsina (Confucian hierarchy) at Japan (feudal system). Ano ang pagkakaiba sa kapangyarihan ng pinuno at ng mga mamamayan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang magsasaka sa Japan noong panahon ng Shogunate, paano makaaapekto sa iyong pamumuhay ang kapangyarihan ng daimyo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng estrukturang panlipunan sa Asya, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa kasalukuyang pamumuhay ng tao? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang isang lipunan ay nakabatay sa mahigpit na hierarchy, paano mo maipapayo na mapanatili ang pagkakaisa at kapayapaan sa kabila ng hindi pagkakapantay-pantay?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Mandate of Heaven sa estrukturang panlipunan ng Tsina at paano ito nakaaapekto sa pagbabago ng dinastiya?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang estrukturang panlipunan ng India (varna at jati) sa Europe (feudal system). Ano ang pagkakaiba sa batayan ng pagkakakilanlan at kapangyarihan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung iuugnay sa Pilipinas, paano makikita ang pagkakatulad ng sistemang caste sa kasalukuyang estrukturang panlipunan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng ekonomiya, alin sa mga estrukturang panlipunan ng Asya ang mas nakatulong sa pag-unlad ng kalakalan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ikaw ay isang lider sa Asya noong sinaunang panahon, paano mo mapapanatili ang kaayusan sa lipunan na binubuo ng iba’t ibang uri ng tao at mananakop?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 7: Ang Relihiyon at Ibang Paniniwala

1. Hinduism at Buddhism

2. Judaism, Kristiyanismo at Islam

3. Confucianism at Shintoism

RELIHIYON

Ang konsepto ng relihiyon ay naglalarawan ng mga paniniwala, ritwal, tradisyon, at mga kaugalian na konektado sa espirituwalidad. Ang relihiyon ay patuloy na naglalarawan ng malalim na paniniwala at espirituwal na pakikisalamuha ng tao sa kanyang kapaligiran, sa kanyang kapwa, at sa mga espirituwal na puwersa na mas mataas sa kanya. 

Pinagmulan

religio- salitang Latin na ang ibig sabihin ay pakikitungo o pagsunod sa mga pangako sa mga Diyos o espiritu ng mga bagay.

religare-salitang Latin na ang ibig sabihin ay mag ugnay o magbalik.

Iba't Ibang Relihiyon at Paniniwala

ZOROASTRIANISMO

Ang Zoroastrianismo ay isang sinaunang relihiyon na nagmula sa Iran bago pa dumating ang Islam. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa mundo. Ang pangunahing propeta nito ay si Zarathushtra o Zoroaster, na nagpakilala ng konsepto ng labanan sa pagitan ng mabuti at masama, o dualismo. Ang mga saligang aral ng Zoroastrianismo ay nakatuon sa pagiging mabuti, pagpapahalaga sa katapatan, pagtataguyod ng katarungan, at paggawa ng mabuti sa lipunan.

Isa sa mga pangunahing doktrina ng Zoroastrianismo ay ang konsepto ni "Ahura Mazda" bilang pinakamataas na Diyos, na nagdudulot ng kabutihan at liwanag. Sa kabilang banda, mayroon ding "Angra Mainyu" o "Ahriman," ang pangunahing kalaban na nagdudulot ng kasamaan at kadiliman. Ang mga tagasunod ng Zoroastrianismo ay tinatawag na mga Zoroastrian o Zarathustrian.

Sa kasaysayan, ang Zoroastrianismo ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga kultura at relihiyon sa kanluran, kabilang na ang Judaismo, Kristiyanismo, at Islam. Sa kasalukuyan, ang mga natitirang komunidad ng Zoroastrian ay matatagpuan sa Iran, India, at ilang iba pang mga bansa sa buong mundo.

JUDAISMO

Ang Judaismo ay isang sinaunang relihiyon, kultura, at pilosopiya na nagmula sa kasaysayan at tradisyon ng mga Israelita, na mas kilala bilang mga Hudyo. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa mundo. Pangunahing naglalaman ang Judaismo ng mga paniniwala at aral na nakabatay sa Banal na Kasulatan, partikular sa Tanakh, na kinabibilangan ng Torah (o Pentateuch), Nevi'im (Mga Propeta), at Ketuvim (Mga Kasulatan). Bukod sa mga Banal na Kasulatan, ang Judaismo ay mayroon ding mga kasulatan rabbinic at mga tradisyon na nagpapabatid ng mga katuruan at paniniwala ng komunidad. Ang mga pangunahing prinsipyo ng Judaismo ay kinabibilangan ng pananampalataya sa iisang Diyos (monoteismo), katuwiran, katarungan, pagmamahal sa kapwa, at pagsunod sa mga kautusan at mga batas moral na itinakda ng Diyos. Ang mga paniniwalang ito ay nagsisilbing gabay sa pamumuhay at pag-uugali ng mga tagasunod ng Judaismo.

KRISTIYANISMO

Ang Kristiyanismo ay isang monoteistikong relihiyon na nakabatay sa pananampalataya kay Hesus Kristo bilang Mesiyas o Tagapagligtas. Ito ay nagmula sa mga aral, buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus, na isinasaad sa Bagong Tipan ng Bibliya, partikular sa Ebanghelyo.

Ang mga pangunahing doktrina ng Kristiyanismo ay kinabibilangan ng paniniwalang sa iisang Diyos (monoteismo), ang Trinidad, ang kanyang kapanganakan mula sa Birhen Maria, ang kanyang pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay, at ang pangako ng kaligtasan sa pamamagitan ngkanyang kamatayan at pagkabuhay. Pangunahing katuruan rin ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, pagpapatawad, pagtanggap sa biyaya, at pagsunod sa mga aral ni Hesus.

ISLAM 

Ang Islam ay isang monoteistikong relihiyon na nagmula sa Arabia noong ika-7 siglo CE. Ito ay itinatag ni Propeta Muhammad, na itinuturing na huling propeta sa Islam. Ang pangunahing katuruan ng Islam ay nakatala sa Banal na Qur'an, ang banal na aklat ng Islam, at sa mga hadith o mga salaysay at gawa ng Propeta Muhammad.

Ang mga pangunahing paniniwala ng Islam ay kinabibilangan ng paniniwalang sa iisang Diyos (Allah), ang pagtanggap at pagsunod sa mensahe ni Propeta Muhammad bilang huling sugo ng Diyos, ang pagtupad sa limang pangunahing tungkulin o Five Pillars of Islam, na kinabibilangan ng Shahada (panalangin ng pagpapatotoo sa Islam), Salat (paggawa ng limang beses na araw araw na panalangin), Zakat (pamimigay ng limos), Sawm (pag-aayuno sa buwan ng Ramadan), at Hajj (pilgrimage sa Mecca).

HINDUISMO

Ang Hinduismo ay isang sinaunang relihiyon at kultura na may malalim na pinagmulan sa India. Ito ay isang polytheistic na relihiyon na naglalaman ng iba't ibang mga diyos at diyosa, at may malawak na hanay ng mga doktrina, paniniwala, at kaugalian.

Sa Hinduismo, mayroong konsepto ng karma, reinkarnasyon, at moksha. Ang karma ay nagtutukoy sa batayan ng moral na batas kung saan ang bawat gawa ay may kaugnayan sa mga resulta at karanasan ng isang indibidwal sa kanyang mga susunod na buhay. Ang reinkarnasyon ay ang paniniwala na ang kaluluwa ay nagbabalik sa mundo ng material na buhay sa iba't ibang anyo matapos ang kamatayan. Ang moksha ay ang layunin ng kaluluwa na makalaya mula sa sirkulo ng reinkarnasyon at makamit ang espirituwal na paglaya.

Kaugnay na Paksa 1: Mga Pilosopiya 

CONFUCIANISMO

Ang Confucianismo ay isang pilosopiyang panlipunan at relihiyon na nagmula sa Tsina at nagtampok ng mga aral at turo ni Confucius (Kong Fuzi) na isang kilalang pilosopo at guro noong ika-5 siglo BCE. Ang mga pangunahing prinsipyo ng Confucianismo ay nakatuon sa mga tamang asal at moralidad, pagmamahal sa pamilya, pagiging tapat sa lipunan at pamahalaan, at pagpapahalaga sa tradisyon at edukasyon.

SHINTOISMO

Ang Shintoismo ay isang relihiyon at pilosopiya sa bansang Hapon na naglalayong ipahayag at ipagdiwang ang mga espiritu ng kalikasan at mga ninuno. Ang salitang "Shinto" ay nagmula sa mga salitang "Shin" na nangangahulugang "espiritu" at "To" na nangangahulugang "daan" o "paraan". Ang pangunahing prinsipyo ng Shintoismo ay ang pagpapahalaga at paggalang sa mga espiritu (kami) na naninirahan sa mga likas na anyo tulad ng mga bundok, ilog, puno, at iba pang kalikasan.

BUDISMO

Ang Budismo ay isang relihiyon at pilosopiya na nagmula sa mga turo at aral ni Siddhartha Gautama, na mas kilala bilang Buddha, sa bansang India noong mga ika-6 o ika-5 siglo BCE. Ang pangunahing layunin ng Budismo ay ang paglaya mula sa siklo ng pagdurusa at kahirapan sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga dahilan ng paghihirap at pagkamalungkot, at sa pamamagitan ng pagtamo ng nirvana, o paglaya mula sa pagkakatali sa sirkumstansya ng buhay.

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kahulugan ng salitang Latin na religio?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Sino ang pangunahing propeta ng Zoroastrianismo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang tawag sa pinakamataas na Diyos sa Zoroastrianismo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano ang tawag sa banal na kasulatan ng Judaismo na binubuo ng Torah, Nevi’im, at Ketuvim?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Ano ang tawag sa seremonya ng mga Hudyo para sa mga batang lalaki na tumutuntong sa adulthood?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Sino ang kinikilalang Mesiyas sa Kristiyanismo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ilan ang Five Pillars of Islam?

8. Ano ang tawag sa konsepto ng Hinduismo na nagsasabing ang bawat gawa ay may kaukulang bunga?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sino ang tatlong pangunahing diyos sa Hinduismo na kilala bilang Lumikha, Tagapangalaga, at Tagawasak?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Ano ang tawag sa banal na aklat ng Islam?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na  katanungan.

1. Ipaliwanag kung paano nakaaapekto ang paniniwala sa karma ng Hinduismo sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang Mandate of Heaven ng Tsina at ang Divine Right of Kings ng Europa. Ano ang pagkakaiba ng kanilang pananaw sa kapangyarihan ng pinuno?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang pinuno sa sinaunang lipunan, paano mo gagamitin ang relihiyon upang mapatatag ang iyong pamumuno at mapanatili ang kaayusan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng pamana ng Judaismo, Kristiyanismo, at Islam, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa pandaigdigang batas at pamahalaan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang isang lipunan ay may iba’t ibang relihiyon at paniniwala, paano mo masisiguro ang pagkakaisa at kapayapaan sa kabila ng pagkakaiba?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Torah sa pamumuhay ng mga Hudyo at paano ito naiiba sa Qur’an ng Islam?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang konsepto ng nirvana sa Budismo at moksha sa Hinduismo. Ano ang pagkakaiba ng kanilang pananaw sa kalayaan mula sa siklo ng buhay?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng relihiyon sa pagbuo ng kultura at lipunan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng kasaysayan, alin sa mga relihiyon (Judaismo, Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo) ang may pinakamalaking impluwensiya sa pandaigdigang pamumuhay? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang relihiyon ay nagiging sanhi ng hidwaan sa lipunan, paano mo maipapayo na mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 8: Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig noong Ika-15 at Ika-16 Siglo

KOLONYALISMO, IMPERYALISMO, NASYONALISMO AT PAGKABANSA

ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE

- Ang Constantinople ay ang pinakamalapit na teritoryo ng Asya sa kontinente ng Europe.

- Nagsilbi itong rutang pangkalakalan mula Europe patungong India, China, at iba pang bahagi ng Silangan na napasakamay naman ng mga Turkong Muslim noon.

- Ito ay naging daanan din sa panahon ng Krusada.

- Sa panahon ng Krusada, pansamantalang napigil ang pagsakop ng mga Turkong Muslim sa mga teritoryo patungong Europe subalit nang masakop ang Silangang Mediterranean, lubusang sinakop na rin ang Constantinople noong 1453.

- Naging kontrolado ng Turkong Muslim ang kalakalan mula Silangan patungong Europe na pumutol naman sa ugnayan ng mga mangangalakal.

- Tanging ang mga mangangalakal na taga Venice, Genoa, at Florence lamang ang pinayagang makaraan sa rutang pangkalakalan.

- Yumaman ng Italya sa nangyari, at dahil dito, napilitan maghanap ng ibang ruta ang ibang mangangalakal ng Europe.

- Dahil sa hirap ng paglalayag, naimbento ang astrolabe at compass upang makatulong sa kanilang paglalayag.

RENAISSANCE

- Salitang Pranses na ang ibig sabihin ay "Muling Pagsilang."

- Naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.

- Nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350.

- Isang Kilusang Pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome.

- Natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, pamahalaan, edukasyon, wastong pag-uugali, at paggalang sa pagkatao ng isang indibidwal.

- Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.

REPORMASYON

Ang Repormasyon ay isang makasaysayang kilusan noong ika-16 na siglo na nagdulot ng malawakang pagbabago sa relihiyon, lalo nqaa sa loob ng Simbahang Katoliko. Ito ay ang naging simula ng Protentantismo, isang baging sangay ng Kristiyanismo na tumutuligsa sa ilang doktrina at gawain ng simbahn noon. Naging sanhi nito ang pagbenta ng indulhensya (Kapatawaran ng kasalanan kapalit ng pera), katiwalian sa simbahan at Kapapahan, at pagkamulat ng mga tao sa panahon ng renaissance.

KONTRA-REPORMASYON

Ito naman ang naging tugon ng Simbahang Katoliko upang ayusin ang sarili at pigilan ang paglaganap ng Protestantismo. Layon nitong ibalik ang tiwala ng mga tao sa Simbahang Katoliko, linisin ang mga maling gawi sa loob ng simbahan, at palakasin ang paniniwala sa tradisyunal na doktrina.

Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Constantinople

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Constantine the Great

3. Byzantine Empire

4. Istanbul

5. Renaissance

6. Repormasyon

7. Kontra-Repormasyon

8. Indulhensya

9. Simbahang Katoliko

10. Protestante

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung bakit ang pagbagsak ng Constantinople noong 1453 ay itinuturing na simbolikong pagtatapos ng Middle Ages sa Europa.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang epekto ng pagbagsak ng Constantinople sa kalakalan ng Europa at ang epekto ng Renaissance sa ekonomiya ng Italy.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang mangangalakal sa Venice noong ika-15 siglo, paano makaaapekto sa iyong negosyo ang pagkontrol ng Ottoman sa rutang pangkalakalan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng pamana ng Renaissance, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa kasalukuyang pamumuhay ng tao—humanismo, sining, o agham? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang mga Kristiyanong bansa sa Europa ay nagkaisa upang ipagtanggol ang Constantinople, paano maaaring nagbago ang kasaysayan ng kalakalan at relihiyon sa rehiyon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Bullionism sa merkantilismo at paano ito nakatulong sa pagbuo ng mga nation-state sa Europa?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang mga layunin ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon. Ano ang pagkakaiba sa kanilang epekto sa relihiyon at pamahalaan ng Europa?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang pinuno ng national monarchy sa Europa, paano mo gagamitin ang mga ideya ng Renaissance upang palakasin ang iyong pamumuno?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng kasaysayan, alin sa apat na pangyayaring ito (Pagbagsak ng Constantinople, Renaissance, Repormasyon, Kontra-Repormasyon) ang may pinakamalaking impluwensiya sa pagbuo ng modernong daigdig? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang Simbahang Katoliko ay hindi nagsagawa ng Kontra-Repormasyon, paano maaaring nagbago ang distribusyon ng relihiyon sa Europa at sa buong mundo?

WEEK 9: Panahon ng Paggalugad at Kolonyalismo sa America

KOLONYALISMO, IMPERYALISMO, NASYONALISMO AT PAGKABANSA

-Ang mga pangunahing dahilan ng eksplorasyon ay paghahanap ng spices, paghahanap ng ginto, mapalaganap ang Kristiyanismo, at maging magtamo ng karangalan at katanyagan.

-Ang eksplorasyon ay pinangunahan ng Portugal at sinundan ng Spain, France, Netherland at England.

-Ang explorasyon ay nagiwan ng pangmatagalang epekto sa kasaysayan na tinahak ng daigdig at isa sa mga ito ay ang pagkakatatag ng batayan para sa modernong ekonomiyang kalakalan at pamilihan.

- Ang pananakop ng mga Espanyol sa Imperyong Atec at Inca ay nagdulot ng mamalim at malawakang pagbabago sa parehong mga lipunang Mesoamerica at maging sa lipunang Espanyol.

-Milyun-milyong katutubo Mesoamerican ang namatay dahil sa mga sakit na smallpox, measles, at influenza na dala ng mga Espanyol sa Mesoamerica.

-Nagdulot din ng malawakang kamatayan ang digmaan, pagpatau, at sapilitang paggawa.

- Bumagsak ang pamahalaan at kultura ng Mesoamerica dahil naalis sa kapangyarihan ang mga emperador ng Aztec at Inca, Gumuho ang mga sistemang pampolitika, panrelihiyon, at panlipunan ng mga imperyo, at ipinilit ang Kristiyanismo, na humalili sa mga katutubong paniniwala.

- Nagkaroon ng Hibrid na kultura noong nagsanob ang mga katutubong tradisyon at kultura ng mga Espanyol na nagbunga ng sinkretismo sa relihiyon, sining, wika, at pagkain. Nabuo rin ang mga bagong pagkakakilanlan tulad ng mestizo dahil sa pagsasama ng lahi ng mga katutubo at mga Espanyol.

- Nagkaroon naman ng pagkakabo sa ekonomiyang nakabatay sa agrikultura at tributo. Ipinatupad ang encomienda system na pinagsasamantalahan ang lakas-paggawa ng mga katutubo.

- Sa Lipunang Espanyol naman, lalong lumawak ang kanilang kapangyarihan dahil sa paglawak ng kanilang teritoryo sa Amerika. Naging mas makapangyarihan din ang Simbahang Katoliko at ang paglaganap nito. Nagkaroon rin ng pagyaman ang ekonomiya ng mga Espanyol dahil sa mga nakuhang ginto at pilak mula sa mga nasakop na lupain. Kasabay ng pagbili ng pag-unlad ng ekonomiya ay pagdami ng katiwalian at hindi pagkapantay-pantay sa lipunan.

- Sa estrukturang panlipunan naman, nabuo ang bagong uri ng tao tulad ng mestizo at criollo na nagpabago sa tradisyonal na hierarchy, Nagkaroon ng kolonyal na pamahalaan na may bagong sistema ng pamumuno at batas.

Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag ng mga sumusunod na salita.

1. Portugal

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Spain

3. Kolonyalismo

4. Marco Polo

5. eksplorasyon

6. spices

7. Prinsipe Henry

8. Nartholomeu Dias

9. Vasco da gama

10. Haring Ferdinand

11. Reyna Isabela

12. Christopher Columbus

13. Amerigo Vespucci

14. Ferdinand Magellan

15. Hernando Cortes

16. Francisco Pizarro

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung bakit ang teknolohiyang nabuo sa Renaissance (kompas, astrolabe, caravel) ay naging mahalaga sa Panahon ng Paggalugad.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang layunin ng Portugal at Spain sa kanilang mga ekspedisyon. Ano ang pagkakaiba sa kanilang estratehiya sa paggalugad at kolonisasyon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang katutubo sa America noong dumating ang mga Europeo, paano makaaapekto sa iyong pamumuhay ang sistemang encomienda?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng epekto ng kolonyalismo sa America (ekonomiya, kultura, relihiyon, politika), alin ang may pinakamalaking impluwensiya hanggang sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang mga bansang Europeo ay hindi nagkaroon ng Panahon ng Paggalugad, paano maaaring nagbago ang kasaysayan ng kalakalan at pamumuhay sa buong mundo?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng Treaty of Tordesillas sa pamamahagi ng teritoryo sa pagitan ng Spain at Portugal?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang kolonisasyon ng Spain sa America at ng Portugal sa Brazil. Ano ang pagkakaiba sa kanilang pamamahala at epekto sa lipunan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kaugnayan ng Panahon ng Paggalugad sa kasalukuyang globalisasyon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng kasaysayan, alin sa mga manlalayag (Columbus, Magellan, Vasco da Gama) ang may pinakamalaking impluwensiya sa pandaigdigang kalakalan? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang mga katutubo sa America ay nakapagtatag ng alyansa laban sa mga Europeo, paano maaaring nagbago ang kasaysayan ng kolonyalismo sa kontinente?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

WEEK 10: Ang mga Asyano sa Panahon ng Paggalugad at Kolonyalismo

1. Ang paglalakbay ni Ibn Battuta

2. Ming China (tuon sa paglalakbay ni isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Zheng He)

3. Mughal Empire ng India

4. Tokugawa Japan (Edict of Sakoku)

A. Ang Paglalakbay ni Ibn Battuta

Si Ibn Battuta ay itinuturing na isa sa mga pinakadakilang manlalakbay sa kasaysayan, at ang kanyang mga isinulat na tala ay patuloy na nagbibigay ng liwanag sa mga aspeto ng buhay at kultura sa kanyang panahon. Ang kanyang mga paglalakbay ay hindi lamang isang pisikal na paglalakbay kundi isang paglalakbay ng kaalaman at karunungan na nag-ambag sa pag-unawa sa mundo ng Islam at higit pa.

B. Ang Paglalakbay ni Zheng He sa panahon ng Dinastiyang Ming at ang Yongle Emperor

Noong 1405, sa utos ng Emperador Yongle, isinagawa ang mga paglalakbay upang ipakita ang lakas ng Tsina, palawakin ang ugnayang diplomatiko, at kontrolin ang kalakalan sa rehiyon. Si Zheng He, isang Muslim na bating (eunuch) at bihasang admiral, ang pinili upang mamuno sa mga ekspedisyon. Gumamit sila ng tinatawag na "Treasure Ships"— malalaking barkong may sukat na higit sa 120 metro ang haba, mas malaki pa sa mga barkong Europeo noon. May dalang 27,000 tauhan sa mahigit 300 barko, kabilang ang mga sundalo, iskolar, mangangalakal, at tagasalin

Ang paglalakbay ni Zheng He ay hindi lamang ekspedisyon sa dagat—ito ay simbolo ng diplomasya, teknolohiya, at ambisyon ng Ming China. Sa halip na pananakop, ginamit nila ang paggalang, kalakalan, at pagpapakita ng yaman upang palawakin ang impluwensiya ng imperyo.

C. Ang Mughal Empire ng India

Ang Mughal Empire ay isa sa mga pinakadakilang imperyo sa kasaysayan ng India, na tumagal mula 1526 hanggang 1857. Ito ay itinatag ni Babur, isang pinuno mula sa Central Asia, matapos talunin si Ibrahim Lodi sa Unang Labanan sa Panipat noong 1526. Ang mga Mughal ay may lahing Turko-Mongol, at may koneksyon sa mga imperyong Safavid ng Persia at Ottoman ng Turkey.

Mahahalagang Emperador:

Akbar the Great (1556–1605): Kilala sa pagpapalawak ng imperyo at sa kanyang patakaran ng relihiyosong toleransiya.

Shah Jahan (1628–1658): Nagpatayo ng Taj Mahal, isang obra maestra ng arkitekturang Mughal.

Aurangzeb (1658–1707): Pinakahuling makapangyarihang emperador; sa kanyang panahon, umabot sa pinakamalawak na saklaw ang imperyo.

Kultura at Pamumuno

Gumamit ng Persian bilang opisyal na wika, habang ang karamihan sa populasyon ay Hindu.

Kilala sa masining na arkitektura, miniature painting, at literatura.

May sentralisadong pamahalaan at mahusay na sistema ng pagbubuwis, lalo na sa ilalim ni Akbar.

Pagbagsak

Nagsimulang humina ang imperyo noong ika-18 siglo dahil sa internal na alitan, panlabas na pananakop, at pagtaas ng kapangyarihan ng mga lokal na pinuno.

Tuluyang bumagsak noong 1857, matapos ang Indian Rebellion, at pinalitan ng British Raj.

D. Tokugawa Japan at ang Edict of Sakoku

Ang Edict of Sakoku ay isang mahalagang sandali sa kasaysayan ng Japan na humubog sa panlabas na ugnayan at panloob na pamahalaan ng bansa sa loob ng mahigit dalawang siglo. Ipinapakita nito ang hangarin ng Tokugawa shogunate na panatilihin ang control at katatagan sa harap ng mabilis na pagbabago sa mundo.

Noong 1635, sa ilalim ng pamumuno ni Shogun Tokugawa Iemitsu, ipinatupad ang Edict of Sakoku (鎖国令), na nagpasimula ng patakarang tinatawag na sakoku o “saradong bansa.” Ito ay isang mahigpit na polisiya ng pag-iwas sa ugnayan sa ibang bansa.

Ano ang Sakoku?

Ipinagbawal ang paglalakbay ng mga Hapones sa ibang bansa.

Ang mga Hapones na nasa labas ng bansa ay hindi pinapayagang bumalik—kaparusahan ay kamatayan.

Ipinagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa Japan, maliban sa ilang piling kaso.

Ang tanging daungan na pinayagang makipagkalakalan ay ang Nagasaki, sa pamamagitan ng maliit na isla ng Dejima.

Bakit Ipinatupad?

Takot sa kolonyalismo: Nakita ng Japan ang pananakop ng mga Kastila at Portuges sa mga kalapit na bansa tulad ng Pilipinas.

Ang Kristiyanismo ay itinuring na banta sa kapangyarihan ng shogunate. Pinalayas ang mga misyonero at inusig ang mga Kristiyanong Hapones.

Ang Shimabara Rebellion (1637–1638), isang pag-aalsa ng mga Kristiyanong magsasaka, ay nagpatibay sa desisyong isara ang bansa.

Mga Pagbubukod

Pinayagan lamang ang mga Dutch at Tsino na makipagkalakalan, at ito’y sa Dejima lamang.

Sa kabila ng pagsasara, nakatanggap pa rin ang Japan ng kaunting kaalaman mula sa Kanluran sa pamamagitan ng tinatawag na rangaku o “Dutch learning.”

Pamana ng Sakoku

Tumagal ang sakoku ng mahigit 200 taon, hanggang sa dumating si Commodore Matthew Perry ng U.S. Navy noong 1853 at pinilit ang Japan na buksan ang mga daungan nito.

Bagama’t napigilan nito ang pananakop, nagresulta rin ito sa pagkaantala ng teknolohikal na pag-unlad ng Japan kumpara sa mga bansang Kanluranin.

GAWAIN 1!

Panuto: Alamin ang mga sumusunod na salita.

1. Ibn Battuta

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Rihla

3. Islam

4. Dinastiya

5. Dinastiyang Ming

6. Zheng He

7. Ma He

8. Hajj

9. Kublai Khan

10. Zhi Di

11. Confucius

12. Mencius

13. Fleet

14. Mughal Empire

15. India

16. Emperador Akbar

17. Edict of Sakoku

18. Sakoku

19. Sha Jahan

20. Hapones

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang Rihla ni Ibn Battuta sa pag-unawa ng mga mananaliksik sa kultura at lipunan ng ika-14 na siglo.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang mga paglalakbay nina Ibn Battuta at Zheng He. Ano ang pagkakaiba sa kanilang layunin at epekto sa kani-kanilang kabihasnan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay isang pinuno ng Ming China, paano mo gagamitin ang mga paglalakbay ni Zheng He upang palakasin ang iyong pamumuno at impluwensiya sa Asya?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Sa lahat ng pamana ng Mughal Empire, alin ang may pinakamalaking impluwensiya sa kasalukuyang India—arkitektura, pamahalaan, o relihiyosong toleransiya? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kung ang Japan ay hindi nagpatupad ng Edict of Sakoku, paano maaaring nagbago ang kanilang teknolohikal at kultural na pag-unlad kumpara sa Kanluran?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang kahalagahan ng treasure fleet ni Zheng He sa pagpapalawak ng ugnayang internasyonal ng Ming China?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Ihambing ang pamumuno ni Akbar the Great at Aurangzeb sa Mughal Empire. Ano ang ipinapakita ng kanilang magkaibang pamumuno tungkol sa relihiyosong toleransiya at kapangyarihan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Kung ikaw ay isang guro, paano mo ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng isolationism ng Japan sa pagpapanatili ng kanilang kultura?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Sa pananaw ng kasaysayan, alin sa mga Asyano (Ibn Battuta, Zheng He, Akbar, Tokugawa Iemitsu) ang may pinakamalaking impluwensiya sa pandaigdigang pamumuhay? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Kung ang mga bansang Asyano ay nakapagtatag ng alyansa laban sa kolonisasyon ng mga Europeo, paano maaaring nagbago ang distribusyon ng kapangyarihan sa rehiyon?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

No comments:

Post a Comment