SINAUNANG KABIHASNAN | Unang mga Imperyo at Dinastiya
AP8 - Q1 - WEEK6 - Egypt at Mesopotamia
LAYUNIN: Nasusuri ang mga Sinaunang Kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa Politika, Ekonomiya, Kultura, Relihiyon, Paniniwala, at Lipunan
Balik-Aral:
Nakaraan inaral natin ang Sinaunang Kabihasnan at kaugnayan ng Heograpiya rito. Naging mahalaga ang papel ng heograpiyang lokasyon sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan at pagtatag ng mga pamayanan, imperyo, kaharian, at dinastiya. Bagama’t magkakaiba ang lahi, kultura, pinagmulan, at wika ng mga sinaunang kabihasnan, nagkakapareho naman ito sa lokasyon ng kanilang pinag-usbungan - Tabi ng Ilog Nile, Tigris at Euphrates, Ganges, at Huang Ho.
Ngayon naman ay aaralin natin ang mga Sinaunang Kabihasnan umusbong partikular na ang mga dinastiya at imperyo. Tatalakayin din natin ang sistemang politikal, ekonomiya, relihiyon, paniniwala, lipunan, at pagsulat.
MAHUHULAAN MO KAYA? Ano kaya ang tinutukoy ng mga sumusunod na larawan?
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang mga orihinal na nanirahan sa Kabihasnang Ehipto ay nagmula sa mga nomadikong Asyano. Sila ay nanirahan sa lambak ilog na Nile. Umunlad ang kanilang pamumuhay at itinatag ang dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower Egpyt.
Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto:
1. Lumang Kaharian (3200-2000 BCE)
Mga kilalang pinuno sa Lumang Kaharian
1. Djoser - sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780.
2. Khufu o Cheops - sa kaniyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon na may tinatayang 80 nakahanay na piramide.
Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang Kabihasnan ng Ehipto. Ang maayos na plano at disenyo ng gusali ay nagpapatunay ng kanilang kahusayan at mataas na kaalaman sa arkitektura. Ang mga sumunod na pharaoh ay hindi nagtataglay ng kagalingan sa pamumuno kung kaya pinahina sila ng sunod-sunod na digmaan. Ang sumunod na magaling na pinuno ay si Amenemhet I mula sa Thebes.
2. Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)
Muling nanumbalik ang kaayusan sa Ehipto ng pamunuan ni Amenemhet I. Sa kaniyang pamumuno Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. Pinagbuti ni Amenemhet I ang sistema ng pagsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kaniyang nasasakupan. Pinaunlad niya din ang yamang mineral ng bansa at ginawang palamuti sa katawan ng mga pharaoh ang mga ito. Naging masigla ang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ugnayan sa Palestina at Syria.
Nagwakas ang maunlad na pamamalakad sa kahariang ito ng makaranas ng sunod-sunod na digmaang sibil na siyang nagpahina sa kaharian. Naging madali silang nasalakay ng mga Hyksos na mula sa Syria. Sa loob ng 160 taon naging maayos at maunlad ang pamumuno ng mga Hyksos ngunit sila ay pinatalsik sa Ehipto sa pamumuno ni Ahmose I ng Thebes. Ang kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan ng pagsilang sa bagong kaharian.
3. Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at nagsimula na rin ang Bagong Kaharian na tinatawag din na Panahon ng Imperyo sa paghahari ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.
Ang ilan sa mga tanyag na pharaoh sa kaharian ay ang mga sumusunod:
Thutmose II
-Nasakop ang Nubia para sa imperyo
-Sinakop ang Syria at Palestina
Hatshepsut
-Kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan ng daigdig
-Nagpadala ng iba’t ibang ekspedisyong pangkalakalan sa iba’t ibang lugar
-Nagpatayo ng mga temple na isang dakilang ambag ng Ehipto
-ASAWA NI THUTMOSE II
Thutmose III
-Tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad ang kalakalan at nagpalawak ng teritoryo. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa kaniyang pamumuno
-Anak ni Thutmose II at Hatshepsut
Amenhotep IV
-Ipinagbawal ang pagsamba sa maraming Diyos
-Ipinakilala ang bagong relihiyon na sumasamba sa iisang Diyos na si Aton.
Tutankhamen
-9 na taon palang ng maupo sa trono
-Ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos sa panahon niya.
Rameses II
-Nilabanan ang mga Hittites.
-Nagpatayo ng malawakang mga templo.
-Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin
Winasak ng krisis sa Gitnang Silangan ang kapangyarihan ng mga pharaoh. Dahil alay, humina ang kapangyarihan ng imperyo. Sunod- sunod ang pagsakop sa kanila ng mga dayuhan kabilang ang Sudan at Persia. Tuluyang bumagsak ang kapangyarihan ng Ehipto nang sila ay salakayin ni Alexander the Great mula sa kaharian ng Macedonia at itinatag ang lungsod ng Alexandria. Ginawa niyang gobernador ng Ehipto ang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna at tinaguriang “Serpent of the Nile” Sinubukan niyang iligtas ang Ehipto sa pamamagitan ni Julius Caesar at Mark Anthony. Ngunit hindi siya nag tagumpay sa kaniyang pakikidigma sa mga Romano. Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.
LIPUNAN SA SINAUNANG EHIPTO
1. Hawak ng hari ang kapangyarihan na mamuno. Ang mga maharlika ay mayroong malalawak na lupain at pribilehiyo na hindi nararanasan ng ibang mamayan tulad ng hindi pagbabayad ng buwis at pagkakaroon ng malawak na karapatan.
2. Ang mga sundalo ay nangangalaga sa katahimikan at kaayusan. Nagtataglay din ng maliit na lupain kung ikukumpara sa mga maharlika.
3. Ang mga magsasaka, pastol at mangagawa ay karaniwang mamamayan sa lipunan.
4. Ang mga alipin ang pinakamababa. Sila ay ang mga hindi nakapagbayad sa utang, mga naging bihag sa digmaan, at mga salarin na inakusahan ng krimen.
Maaaring umangat ang kanilang uri batay sa kanilang kakayahan at pagsisikap.
Ang mga kababaihan ay may mataas na kalagayan at malaya. Maaring rin sila magmana ng ari-arian at sumubok magnegosyo.
Mahigit na 2,000 Diyos ang sinasamba ng sinaunang Ehipto. Ang paniniwala at pagsamba sa maraming Diyos ay tinatawag na Politeismo.
Si Amon-Ra, ang Diyos ng araw ang pinakamahalaga sa lahat sapagkat siya ang nagbibigay-liwanag.
Ang Diyosa na si Isis ang kumakatawan sa isang ina at asawa.
Ang Diyos ng mga nasa kabilang buhay at Ilog Nile na kumokontrol sa pagbaha ay si Osiris.
Ang Diyos ng pag-ibig, kaligayahan at katarungan ay si Bastet na isang pusa.
Bilang pagpapahalaga sa mga yumao pinasimulan nila ang pag-eembalsamo o mummification o pagpreserba sa mga patay. Pinatutuyo nila ang bangkay at nilalagyan ng kemikal. Pagkatapos ay babalutan ito ng linen at palalamutian ng alahas.
Hieroglypics ang tawag sa sistema ng pagsulat, kung saan ang mga bagay ay may katumbas na hugis o larawan. Tinatala ng mga eskriba sa bato ang paniniwala, kasaysayan at kultura hanggang matuklasan nila ang papel na nagmula sa papyrus reeds. Magaling rin sila sa larangan ng astronomiya, matematika, astrolohiya, at mga gawaing pangkabuhayan.
Ang Kabihasnan ng Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization o lunduyan ng unang kabihasnan sa buong daigdig. Ang mga unang wika, pagsusulat, agrikultura, at iba pang mahahalagang imbensiyon ay naunang napaunlad ng Mesopotamia. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na umunlad ang Mesopotamia. Dahil dito, maraming kalapit na kabihasnan o imperyo ang nagkaroon ng interes na sakupin ang Mesopotamia. Unang nanirahan dito ang mga Sumerian at sinundan ng mga dayuhang mananakop na Akkadian, Babylonian, Hittites, Assyrian, Chaldean, Hittite, Persian, at mga Phoenician.
Sumerian (3500-2340 B.C.E.)
-Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Nag-alaga ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.-Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang haring pari o mas kilala sa tawag na patesi.
-Tinawag na Ziggurat ang istrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o Diyos na makikita sa bawat lungsod.
-Naniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.
-Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
-Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
Akkadian (2340-2100 B.C.E.)
-Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.
-Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod- estado ng Akkad o Agade.
-Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin (2254-2218 B.C.E).
-Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
-Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.
Babylonian (1792-1595 B.C.E.)
-Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng kabiserang lungsod na Babylon, ang Mesopotamia.
-Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
-Naging tanyag sa batas na “mata sa mata at ngipin sa ngipin” (“an eye for an eye, and a tooth for a tooth”) mas kilala sa tawag na Kodigo ni Hammurabi na binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnan
-Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon.
-Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga dayuhang pinuno.
Assyrian (1813-605 B.C.E.)
-Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian. Sila ay malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite.
-Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
-Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon at nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan
-Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
Chaldean (612-539 B.C.E.)
-Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
-Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.
-Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
-Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia.
Persian (539-330 B.C.E.)
-Nagtatag ng isang malawak na imperyo na tinawag na Achaemenid. (Iran)
-Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (Turkey ngayon).
-Sa pamumuno ni Darius the Great (521-486 B.C.E.) narating ng Persia ang tugatog ng tagumpay. Umabot ang sakop hanggang India.
-Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
-Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
-Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
Hittite
-Mga mandirigmang Indo-Europeo na nanirahan sa silangang bahagi ng Asia Minor noong 2000 B.C.E.
-Ipinalaganap ang monoteismo, uri ng relihiyong sumasamba sa iisang diyos.
-Makapangyarihan dahil sila ang kauna-unahang nakatuklas at gumamit ng bakal bilang sandata at kasangkapan. Nakilala din sila sa paggamit ng kabayo at ginagamit ito bilang chariot.
Phoenician
-Ang kabihasnang Phoenician ay lumitaw noong 2000 B.C.E sa silangan ng Dagat Mediteranean o kasalukuyang bansang Lebanon.
-Dahil sa kanilang katangiang pisikal nakilala sila bilang mga mangangalakal at manlalayag.
-Ang purple dye na simbolo ng kamaharlikahan sa kabihasnang kanluranin ang pangunahing produkto na kanilang kinakalakal sa mga Europeo.
-Nakabuo ng alpabeto na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto.
-Sila ay naging tanyag ng kanilang sakupin at naging kolonya ang Carthage (Tunisia) na makapangyarihan sa Mediteranean.
Ang mga unang kaharian sa Mesopotamia ay nagtagal nang mahabang panahon. Ang ilang bahagi ng Mesopotamia ay napasailaalim sa pamamahala ng mga Romano.
TANDAAN!
-·Ang sinaunang kabihasnang Ehipto ay mayroong dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower Egypt
-·Si Menes ang pinuno ng Upper Egypt na sumakop sa Lower Eypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang Ehipto sa mahabang panahon.
-·Ang pharaoh ang namumuno at may hawak ng kapangyarihan sa sinaunang Ehipto.
-·Nakilala ang kabihasnang Ehipto sa kanilang hieroglypics, mummification, at ang kahanga-hangang piramide.
-·Ang Mesopotamia ay itinuturing na cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang maunlad na kabihasnan sa buong mundo.
- Ang kabihasnang Mesopotamia ay pinanahan at sinakop ng iba’t ibang pangkat ng tao kabilang ang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Hittite, Phoenician, at Persian.
ITO MUNA ANG ATING LEKSYON NGAYON...
GAWAIN 1:
Panuto: Basahing maigi ang sumusunod na pahayag at sagutin ang tinutukoy na imperyo ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Ikomento rin sa comment section ang iyong sagot.
___________ 1. Sumusulat sila sa clay tablet gamit ang stylus
___________ 2. Malulupit at mababagsik kaya natalo ang mga Babylonian at Hittite
___________ 3. Magagaling na maglalayag at mahuhusay na mga mangangalakal
___________ 4. Ito ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa buong mundo
___________ 5. Nagmula sa lahi ng mga Babylonian
___________ 6. Nakatuklas ng paggamit sa bakal
___________ 7. Nakilala sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin”
___________ 8. Mga taong Indo-Europeo na may sentralisadong pamahalaan at sistema ng pagbubuwis
___________ 9. Patesi o haring pari ang tawag sa kanilang pinuno, kilala din sila bilang mga magsasaka
___________ 10 Nagpatayo ng kauna-unahang silid-aklatan
GAWAIN 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Ikomento rin sa comment section ang iyong sagot.
1. Sa lipunan ng Sinaunang Ehipto, Ano sa palagay mo ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa Caste System ng India? Ipaliwanag ang sagot.
2. Sa mga nabanggit na pinuno sa araling ito, sino ang nakatawag ng iyong pansin? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.
REFERENCE:
Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtZOvKZfdUsA5i5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=PYRAMID+OF+GIZA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtxqvKZfZ8kAvJhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=code+of+hammurabi&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4xJPdvKZfZmgAjzVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=TAJ+MAHAL&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImDkvKZf090AIk5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CLEOPATRA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IlztvKZfhhkAaA5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=WOOD+BLOCK+PRINTING&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWf0vKZf6qEApT9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HINDUISM&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Ik38vKZfemIAeAhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CONFUCIUS&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9IkoDvaZfyHwAtmBXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=ZIGGURAT&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4xJwNvaZfZLIA3JVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MUMMIFICATION&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9H6kVvaZf6LcA9dJXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=CUNEIFORM&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtMbvaZfVNwAvQ5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=GREAT+WALL&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DuSGwqZfqo0AoyNXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MESOPOTAMIA&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnmJwqZfPvkAdtuJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAM4SHlnU2pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3aVRNVEV3TGdBQUFBQk40X3o5BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDNXQ5QW9pVUVRUTZhVms1Y1RpZ3pDQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzgEcXVlcnkDU3VtZXJpYW4EdF9zdG1wAzE2MDQ3NjQzNjc-?p=Sumerian&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CW.tw6ZfzCoA.X1XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Akkadian&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Dt5dxKZf5R4APyFXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Babylonian&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9FqojxaZf3kIAbwqJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANybzk4TVRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VF9NVEV3TGdBQUFBQjFtX3EyBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDQ2xMTGpKRjNUTmVGU0VJNmxvVW43QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMyBHBxc3RyA0NoYWxkZWFuBHBxc3RybAM4BHFzdHJsAzE3BHF1ZXJ5A2NoYWxkZWFuJTIwZW1waXJlBHRfc3RtcAMxNjA0NzY0OTgw?p=chaldean+empire&fr=mcafee&fr2=sa-gp-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtmMxaZfpVcAJT5XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Nabopolassar&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr7ExaZfjyUAVNCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANHdzVnaFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3Ty5NVEV3TGdBQUFBQl9MYmZXBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDVkxicWlVT0JScjZ3YVIzU2c2dm5JQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0N5cnVzJTIwdGhlJTIwR3JlYXQEdF9zdG1wAzE2MDQ3NjUxODc-?p=Cyrus+the+Great&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9LtZKxqZfe1IAV7CJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANicHQ2anpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3ZWxNVEV3TGdBQUFBQ0hNUXNiBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDU0xPOTg0djZSb2U2OXJoaVFKZ3l6QQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzIwBHF1ZXJ5A0Rhcml1cyUyMHRoZSUyMEdyZWF0BHRfc3RtcAMxNjA0NzY1MzU0?p=Darius+the+Great&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9JnmpxqZfj6cA96iJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANXNVlCalRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3ZkZNVEV3TGdBQUFBQ00zTVM0BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDei5iM1FHaVpUMUtsX0JKTFp3NDdhQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE0BHF1ZXJ5A1pvcm9hc3RyaWFuaXNtBHRfc3RtcAMxNjA0NzY1NDUw?p=Zoroastrianism&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtKUx6ZfOOsAyRhXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=Hittite&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEmmx6Zf_BYAnRCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANOZXJocHpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VWpNVEV3TGdBQUFBQ2I3Nk0zBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDBG5fc3VnZwMwBG9yaWdpbgNpbWFnZXMuc2VhcmNoLnlhaG9vLmNvbQRwb3MDMARwcXN0cgMEcHFzdHJsAwRxc3RybAMxMARxdWVyeQNQaG9lbmljaWFuBHRfc3RtcAMxNjA0NzY1Njk0?p=Phoenician&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F6__x6ZfVOwAr86JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANHQWJkd3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ4RzNNVEV3TGdBQUFBQ2hQVFFOBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDRUFodVVEOHNUYXVWUGphUnYubjBGQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzUEcXVlcnkDTWVuZXMEdF9zdG1wAzE2MDQ3NjU5MDg-?p=Menes&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DWvSyKZfAoAAoW2JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN3U1JKVXpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3WkpNVEV3TGdBQUFBQ3QxRWhhBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDWjBxSDEyWFJUc3VfVFlralp0dkdJQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzYEcXVlcnkDUEFSQU9IBHRfc3RtcAMxNjA0NzY1OTk3?p=PARAOH&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
LAOAN
ReplyDeleteFreya Aaliyah B. Nopre
Delete8-Laoan
Gawain 1
1) Sumerian
2) Assyrian
3) Phoenician
4) Akkadian
5) Chaldean
6) Hittite
7) Babylonian
8) Hittite
9) Sumerian
10) Assyrian
Gawain 2
1) Ang pagkakapareho ng lipunan ng sinaunang ehipto at caste system ng India ay pareho sila ng pag-uuri sa lipunan ngunit sila ay magkaiba kung pinuno Ang pag-uusapan Sapagkat Pharoah Ang namumuno sa ehipto habang pari naman Ang namumuno sa India.
2) Si Rameses, dahil sya ang Faraon noong panahon ni Moses, Sya ang pinakitaan ng himala ng Diyos at ni Moses upang kanyang palayain Ang mga israelita.
Niña H. Ocenar
Delete8- Laoan
Gawain 1
1 Sumerian
2 Assyrian
3 Phoenician
4 Akkadian
5 Chaldean
6 Hittite
7 Babylonian
8 Hittite
9 Sumerian
10 Assyrian
Gawain 2
1 Pareho sila ng batayan sa pamumuno at paraan ng pamumuhay
2. Ang Hettite dahil ang kanilang ginagamit ay kabayo at ginagamit ito nilang chariot
Mary Grace B Belizon
Delete8-laoan
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
GAWAIN2
1.sila ay parehas ng mga kinalalagyan sa pamumuno sa lipunan at ang piramide dahil mayroon sila nito ang kaibahan lng ay ang kanilang posisyon
2.si Isis dahil sya ang kumakatawan sa isang ina at asawa kaya ako ay namamangha kaya para bang nag karoon ako ng interes sakanya
MABOLO
ReplyDeleteJillianne D. Jolongbayan
Delete8-Mabolo
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2.
1. Sa aking pagkakaalam, pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan. Parehi silang parang hugis tatsulok.
2. Para sa akin si Cleopatra, dahil palagi kong naririnig ang kaniyang pangalan ngunit wala akong alam sa kaniyang buhay. Kaya naman ng nabasa ko na naging pinuno siya, at nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas, ay para bang nagkainteres ako sa kaniya.
Franchesca Paladin Ibayan
Delete8_Mabolo
Gawain 1
1.Sumerian
2.Assyrian
3.Phoenician
4.Akkadian
5.Mesapotamia
6.Hettite
7.Babylonian
8.Hettite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2.
1.Ang sa palagay ko po ay ang katulad nila ay ang piramide dahil meroon din uto sa dalawa at ang kaibahan naman nito ay ang pwesto nila sa pyramid.
2. Ang natuunan ko ng pansin ay si Darius the Great dahil sa pamumuno n'ya ay narating ng Persia ang tugatog ng tagumpay.
DeleteAkon Allen D Hulleza
8-Mabolo
Week 6
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkdaian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Hammurabi/Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2
1. Sila ay mayroong batayan kung papaano mamumuhay o magsisilbi ang isang mamamayan kung siya ba ay Isang alipin,sundalo,pangkaraniwan o mamumuno.
2. Para sa akin ito ay si Hammurabi dahil sa kanyang naging tanyag na batas na "Mata sa mata at ngipin sa ngipin" at isa sa mga halibawa nito ay ang: kapag nagnakaw ka ay puputulan ka ng kamay.
Jewel Crizelle R. Javier
Delete8-Mabolo
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2
1.pareho silang batayan sa pamumuno at paraan Ng pamumuhay
Ang pag kakaiba Naman nito ay Ang pharaoh ang namumuno at may hawak ng kapangyarihan sa sinaunang Ehipto at Naman ay Ang kabihasnang Mesopotamia ay pinanahan at sinakop ng iba’t ibang pangkat ng tao kabilang ang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, Hittite, Phoenician, at Persian.
2.Ang nakakuha Ng asking pansin ay si Darius the Great sa paraan Ng kanyang pamumuno at dahil din sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.
Elaiza Marie H. Labon
Delete8-Mabolo
Gawain 1
1.Sumerian
2.Assyrian
3.Phoenician
4.Akkadian
5. Chaldean
6.Hittite
7.Babylonian
8.Hittite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2
1.Ang sinaunang Ehipto ay nakilala, sa kanilang pyramide na hugis tatsulok at ang India.Sa kanilang caste system na hugis tatsulok din. Sila rin ay nagkakatuladbsa pag-uuri ng tao sa lipunan mula sa pinakamataas. Haggang sa pinakambabal.Sila naman ay nagkakaiba sa pakahalaan, relihiyon at paniniwala.
2.Si Khufu o Cheops ang pumukaw ng aking atensyon dahil sa kahaya. Haggang ganda ng "Great Pyramid na itinayo sa kanyang panahon.
Janus Andrei F. Indelible
Delete8-MABOLO
GAWAIN 1
1)Sumerian
2)Assyrian
3)Phoenician
4)Imperyong Akkadian
5)Chaldean
6) Hittite
7)Babylonian
8)Hittite
9)Sumerian
10)Assyrian
GAWAIN 2
1)ang kanilang pagkakatulad ay parehas silang may sinsunod na antas ng lipunan at ang pagkakaiba naman nila ang mga bansang kanilang hinahawakan.
2)Hettite dahil sila ang nagpalaganap na sumamba sa iisang diyos.
Alexza Gweneth R. Jacob
Delete8-Mabolo
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2
1. Sa aking palagay ang pag kakaiba nito ay ang pamumuno o pwesto nila sa isang bayan maaaring iakw ay alipin o masusunod.
2. Ito ay ang Sumerian dahil sila ay namalagi sa lambak ilog at nag alaga ng iba't ibang hayop kagaya ng baboy, baka at marami pang iba.
Jenifer B Isada
Delete8-mabolo
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2.
1. Sa aking pagkakaalam, pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan. Parehi silang parang hugis tatsulok.
2. Para sa akin si Cleopatra, dahil palagi kong naririnig ang kaniyang pangalan ngunit wala akong alam sa kaniyang buhay. Kaya naman ng nabasa ko na naging pinuno siya, at nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas, ay para bang nagkainteres ako sa kaniya.
Cristine joy Hilario
Delete8-mabolo
Gawain 1
1 Sumerian
2 Assyrian
3 Phoenician
4 Akkadian
5 Chaldean
6 Hittite
7 Babylonian
8 Hittite
9 Sumerian
10 Assyrian
Gawain 2
1 Pareho sila ng batayan sa pamumuno at paraan ng pamumuhay
2. Ang Hettite dahil ang kanilang ginagamit ay kabayo at ginagamit ito nilang chariot
MAHOGANY
ReplyDeleteAnika Kim C. Golosinda
Delete8-Mahogany
GAWAIN 1
1. Sumerin
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
GAWAIN 2
1.) Ang pagkakaparehas nila ay ang batayan ng kanilang lipunan, ang pyramid. Ang pagkakaiba naman nilang dalawa ay ang pinuno, sa caste system ay pari, at sa ehipto naman ay pharoah.
2.) Ang pinuno ng Hittite, dahil ipinalaganap nila ang monoteismo, ang relihiyong sumasamba sa iisang Diyos. Sila rin ang nakatuklas ng bakal bilang sandata.
Ace Joseph Gianan
Delete8-mahogany
Gawain 1
1.Sumerian
2.Assyrian
3.Chonicians
4.Akkadian
5.Chaldean
6.Hittite
7.Babylonian
8.Hitite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2
1.Ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China ay pare pareho silang umunlad sa isang kontinente.
2.Ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus, at China ay pare pareho silang umunlad sa isang kontinente.
GAWAIN 1
Delete1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
GAWAIN 2
1. Ang kabihasnan ay pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan
2.Si Hittle, dahil siya ang unang nakatuklas ng bakal bilang sandata at kasangkapan.
Ricamae B. Gonzales
Delete8-Mahogany
GAWAIN 1:
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
GAWAIN 2:
1.Ang Pagkakatulad nila ay parehas silang nakilala dahil sa piramide at ang pagkakaiba nila ay sa Ehipto ay pharoah ang namumuno at sa Caste System nan ay pari.
2.Si tutankhamen dahil bata pa lamang siya ng maupo sa trono.
Gawain 1
Delete1.Sumerian
2.Assyrian
3.Phoenician
4.Akkadian
5.Chaldean
6.Hittite
7.Babylonian
8.Hittite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2
1.Pare parehas silang nakapagpatayo ng kanta kanya nilang piramide. Sa Ehipto ay Pharoah ang tawag sa kanilang pinuno at mga haring Pari naman sa Caste system
2.Thutmose lll dahil sya ang nakakamit ng ginintuang panahon at napalawak nya ang kanilang teritoryo
WEEK6 Quarter 1
DeleteNathalie fortis Indonila Maminta.
8-Mahogany
GAWAIN 1:
1.sumerian
2.assyrian
3.Phoenician
4.Akkdian
5.Chaldean
6.Hittites
7.Babylonian
8.Hittites
9.Sumerian
10.Ashurbanipal
GAWAIN 2:
1.ang caste system sa india ay sinaunang paghahati ng lipunanan na may ibat ibang antas ng tao.
2.Rameses II
dahil:
-Nilabanan ang mga Hittites.
-Nagpatayo ng malawakang mga templo.
-Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin
Ryza Gomez Gawain 1
Delete1.SUMERIAN
2.ASSYRIAN
3.PHOENICIAN
4.AKKADIAN
5.CHALDEAN
6.HITTITE
7.BABYLONIAN
8.HITTITE
9.SUMERIAN
10.ASSYRIAN GAWAIN2
1.sila ay parehas ng mga kinalalagyan sa pamumuno sa lipunan at ang piramide dahil mayroon sila nito ang kaibahan lng ay ang kanilang posisyon
2.si Isis dahil sya ang kumakatawan sa isang ina at asawa kaya ako ay namamangha kaya para bang nag karoon ako ng interes sakanya.
Juan Mateo V. Guban
Delete8-Mahogany
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2.
1. Sa aking pagkakaalam, pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan. Parehi silang parang hugis tatsulok.
2. Para sa akin si Cleopatra, dahil palagi kong naririnig ang kaniyang pangalan ngunit wala akong alam sa kaniyang buhay. Kaya naman ng nabasa ko na naging pinuno siya, at nagpakamatay sa pamamagitanng pagpapatuklaw sa ahas, ay para bang nagkainteres ako sa kaniya.
Princess Nadine O. Rendon
Delete8-Mahogany
Gawain 1
1.Sumerian
2.Assyrian
3.Chonicians
4.Akkadian
5.Chaldean
6.Hittite
7.Babylonian
8.Hitite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2
1. Sa aking palagay ang pag kakaiba nito ay ang pamumuno o pwesto nila sa isang bayan maaaring iakw ay alipin o masusunod.
2. Ito ay ang Sumerian dahil sila ay namalagi sa lambak ilog at nag alaga ng iba't ibang hayop kagaya ng baboy, baka at marami pang iba.
TALISAY
ReplyDeleteJeselle A. de Guzman
DeleteG8-TALISAY
Gawain 1
1.Sumerian
2.Assyrian
3.Phoenician
4.Akkadian
5.Mesapotamia
6.Hettite
7.Babylonian
8.Hettite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2.
1.Ang sa palagay ko po ay ang katulad nila ay ang piramide dahil meroon din uto sa dalawa at ang kaibahan naman nito ay ang pwesto nila sa pyramid.
2. Ang natuunan ko ng pansin ay si Darius the Great dahil sa pamumuno n'ya ay narating ng Persia ang tugatog ng tagumpay.
Ken Jacob C Jornacion
Delete8-Talisay
Gawain 1
1.sumerian
2.assyrian
3. Phoenicians
4. Babylonia
5. Chaldean
6. Hittites
7. Babylonia
8. Hittites
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2
Kabilang sa caste system ng bansang india ang mga Brahmins, Kshatriyas na tinatawag ding Rajanyas, Vaishyas at ang mga Shudras.
2. Ang pinuno ng asserian, dahil siya ang nagpatayo ng unang silid aklatan.
Sofia A. Dayang
Delete8-Talisay
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Tsino
4. Egypt
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Ashurbanipal
Gawain 2
1. Ang pagkakatulad ay parehas silang antas ng pamumuhay, ngunit pinaghihirapan ang sa egypt.
2. Ang pinuno ng asserian, dahil siya ang nagpatayo ng unang silid aklatan.
Jeanine Marie R. Leones
DeleteGrade 8-Talisay
Week 6 dignidad
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittites
7. Babylonian
8. Hittites
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2
1.Ang caste system ng India ay may katulad na hierarchical na istraktura kaysa sa mga klase sa Europa (na nasa itaas ang relihiyoso) ngunit mayroon ding isang istrakturang pamayanan ang mga sub-caste. Ipinaliwanag ng istraktura ng pamayanan kung bakit matatag ang system ng kasta. Ang mga sub-cast ay nagbibigay ng tunay na serbisyong panlipunan at pakikiisa sa kanilang pamayanan. Ang sistema ng kasta ng India ay batay sa mga paniniwala sa hinduism at kaya't nagbibigay ito ng isang nakahihigit na katayuan sa kasta ng Brahmin. Ang superior status na ito ay nabigyang-katwiran ng kanilang monopole sa mga pag-aaral ng hinduism.Tulad ng mga Indian, ang mga tao ng Egypt at Mesopotamian ay naniniwala na sila ay naninirahan sa isang mundo kung saan ang istrakturang panlipunan ay may banal na pinagmulan. Tulad ng karamihan sa iba pang mga sibilisasyon, ang mga klaseng panlipunan na ito ay karaniwang nasisira bilang mga pari, mandirigma, artesano, magsasaka, at manggagawa.
2. Si Hammurabi
Dahil sya ay matapang at mabagsik subalit isang mabuting lider. Si Asoka rin ang nakaagaw ng aking atensyon dahil siya ay isang magaling na pinuno sa larangan ng kalakaran at pagpapaunlad ng bansa.At panghuli ay si Babur
na isang magaling na pinuno sa pakikipaglaban.
YAKAL
ReplyDeleteMatthew Lhay S.Dacal Dacal
Delete8-Yakal
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittites
7. Babylonian
8. Hittites
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2
1.Marami silang pagkakatulad tulad ng sa antas nila sa buhay.
2.Para sa akin ay si Hammurabi dahil ang kanyang puso ay parang apoy na hindi mamatay matay at siya ay matapang
Khurt F Palma
Delete8-Yakal
Gawain 1
1.Sumerian 2
2.Assyrian
3.Phoenician
4.Akkadian
5.Chaldean
6.Hittite
7.Babylonian
8.Hittite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2
1.Ang pagkakatulad sa kanilang lipunan ay ang Pyramid, at ang pinagkaiba naman ay ang Pharoah ang namumuno sa Ehipto at Park naman sa castle System ng Indian.
2.Si Thutmose lll,dahil sya ang tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad niya ang kalakalan at nagpalawak ng teritoryo na kamit ang ginintoang panahon sa kanyang pamumuno.
Kasheca antoneth v.pabanil
Delete8-yakal
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2.
1. Sa aking pagkakaalam, pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan. Parehi silang parang hugis tatsulok.
2. Para sa akin si Cleopatra, dahil palagi kong naririnig ang kaniyang pangalan ngunit wala akong alam sa kaniyang buhay. Kaya naman ng nabasa ko na naging pinuno siya, at nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas, ay para bang nagkainteres ako sa kaniya.
Hershelyn R. Ordinario
Delete8-Yakal
Gawain 1
1.) Sumerian
2.) Assyrian
3.) Phoenician
4.) Akkadian
5.) Chaldean
6.) Hittite
7.) Babylonian
8.) Hittite
9.) Sumerian
10.) Assyrian
Gawain 2
1.)Ang pagkakatulad ng Sinaunang Ehipto at Caste System ay pareho sila ng batayan sa pamumuno’t paraan ng pamumuhay at pag-uuri sa lipunan.Ang pagkakaiba naman nito ang Sinaunang Ehipto ay pinamumunuan ng mga Pharaoh samantala, ang Caste System naman ay pinamumunuan ng Pari.
2.) Thutmose lll.Siya ang nakatawag ng aking pansin dahil sa kaniyang mahusay na pamumuno napaunlad ang kalakalan at nagpalawak ng teritoryo ng Ehipto.
Prince Lip Pacle
Delete8-Yakal
Gawain 1
1.Sumerian
2.Assyrian
3.Phoenician
4.Akkadian
5.Mesapotamia
6.Hettite
7.Babylonian
8.Hettite
9.Sumerian
10.Assyrian
Gawain 2.
1. Sa aking pagkakaalam, pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan. Parehi silang parang hugis tatsulok.
2. Para sa akin si Cleopatra, dahil palagi kong naririnig ang kaniyang pangalan ngunit wala akong alam sa kaniyang buhay. Kaya naman ng nabasa ko na naging pinuno siya, at nagpakamatay sa pamamagitanng pagpapatuklaw sa ahas, ay para bang nagkainteres ako sa kaniya.
Precious Jewel R. De Mesa
ReplyDelete8-Yakal
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Tsino
4. Egypt
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Ashurbanipal
Gawain 2
1. Ang pagkakatulad ay parehas silang antas ng pamumuhay, ngunit pinaghihirapan ang sa egypt.
2. Ang pinuno ng asserian, dahil siya ang nagpatayo ng unang silid aklatan.
Aishelle mae c seballos.
ReplyDelete8-pili
Gawain 1
1.SUMERIAN
2.ASSYRIAN
3.PHOENICIAN
4.AKKADIAN
5.CHALDEAN
6.HITTITE
7.BABYLONIAN
8.HITTITE
9.SUMERIAN
10.ASSYRIAN
GAWAIN 2
1.ANG PAGKAKAPAREHO NG SINAUNANG EHIPTO AT CASTE SYSTEM NG INDIA AY PAREHO SILA NG URI SA LIPUNAN NGUNIT SILA AY MAG KAIBA DAHIL KUNG PINUNO NAMAN PHAROAH ANG NAMUMUNO SA EHIPTO HABANG PARI NAMAN ANG NAMUMUNO SA INDIA
2.SI HITTITE DAHIL SYA ANG UNANG NAKATUKLAS AT GUMAMIT NG BAKAL BILANG SANDATA AT KASANG KAPAN
Kiian Josh G. Jackson
ReplyDeleteG8 MAbolo
GAWAIN 1:
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
GAWAIN 2:
1. Sapalagay ko base sa akin natutunan ang pagka-katulad sa lipunan ng Sinaunang Ehipto at Caste System ay nahahati sa apat na pangkat o antas sa buhay;
una ang pinakamataas, pangalawa ang mga mandirigma, pangatlo ang manggagawa , pang-apat mga alipin. Ang pagkakaiba nman nila dalawa sa paraan kung sino namumuno sa Sinaunang Ehipto ay Pharaoh at sa Caste System naman ay pari.
2.Sa mga pinunong nabanggit si DARIUS the GREAT narating ng Persia ang tugatog ng tagumpay na umabot hanggang India.
BRIAN LASIBAL
ReplyDeleteGrade 8 -TALISAY
GAWAIN 1
1.SUMERIAN
2.ASSYRIAN
3.PHOENICIAN
4.AKKADIAN
5.CHALDEAN
6.HITTITE
7.BABYLONIAN
8.HITTITE
9.SUMERIAN
10.ASSYRIAN
GAWAIN 2
1.PAREHO LANG MAGKAKAIBA LANG SA MGA PINUNO AT RELIHIYON.KU G SA INDIA MAYROON SILANG TAJ MAHAL KUNG SAAN SILA NAGSASAMBA SA EHIPTO NAMAN MAYROON SILANG PYRAMID PARA SA LIBINGAN NG MGA PHARAOH.
2.PARA SAKIN SI CYRUS THE GREAT AT DARIUS THE GREAT DAHIL NG NAGSIMULA MANAKOP ANG PERSIAN NAPASAILALIM NILA ANG MGA MEDES AT CHALDEAN NG MESOPOTAMIA AT ASIA MINOR TURKEY SA NGAYON.AT SA PAMUMUNO NAMAN NI DARIUS THE GREAT NARATING NG PERSIA ANG TUGATOG NG TAGUMPAY NA UMABOT ANG SAKOP HANGGANG INDIA.DAHIL MATINDINDING PAKIKIPAGLABAN AT NAPAGTAGUMPAYAN NA DIGMAAN MASASABI KO NA SILA TALAGA ANG NAKATAWAG PANSIN YUNG KAYA IPAGLABAN ANG BANSA SA MGA MANAKOP.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteCristina Dolinne F. Silawan
ReplyDelete8-PILI
GAWAIN1
1.sumerian
2.assyrian
3.phoenician
4.akkadian
5.chaldean
6.hittie
7.babylonian
8.hittie
9.sumerian
10.assyrian
GAWAIN2
1.sila ay parehas ng mga kinalalagyan sa pamumuno sa lipunan at ang piramide dahil mayroon sila nito ang kaibahan lng ay ang kanilang posisyon
2.si Isis dahil sya ang kumakatawan sa isang ina at asawa kaya ako ay namamangha kaya para bang nag karoon ako ng interes sakanya.
RECORDED
ReplyDeleteMa. Victoria P Sarmiento
ReplyDelete8-Pili
Gawain 1
1. Sumerian
2. Assyrian
3. Phoenician
4. Akkadian
5. Chaldean
6. Hittite
7. Babylonian
8. Hittite
9. Sumerian
10. Assyrian
Gawain 2.
1. Sa aking pagkakaalam, pareho sila ng batayan ng mga katayuan sa lipunan. Parehi silang parang hugis tatsulok.
2. Para sa akin si Cleopatra, dahil palagi kong naririnig ang kaniyang pangalan ngunit wala akong alam sa kaniyang buhay. Kaya naman ng nabasa ko na naging pinuno siya, at nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas, ay para bang nagkainteres ako sa kaniya.
Rachelle M. Simbajon
ReplyDelete8-Pili
Gawain 1
1.sumerian
2.assyrian
3.phoenican
4.akkadian
5.chaldean
6.hittites
7.babylonian
8.hittites
9.sumerian
10.assyrian
Gawain 2
1.Sa aking pagkakaalam ay pareho sila ng pyramide na hugis tatsulok
2.Ang nakatawag ng aking pansin ay si nebuchadnezzar dahil ako ay namamangha sa mga napagawa niya.