PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN | AP8 - Q1 - WEEK8 - KECPHD
ARALIN 8
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
MELC: Nasusuri ang mga Pamana ng mga Sinaunang kabihasnan sa daigdig
LAYUNIN:
Nasusuri ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
BALIK-ARAL:
Nakaraan tinalakay natin ang mga imperyo at dinastiyang umusbong sa Sinaunang Kabihasnan sa Indus at Tsina.
Inaral natin ang mga imperyo, kaharian, at dinastiyang umusbong sa Indus at Tsina.. maging ang mga ilang ambag at paniniwala nito sa kasaysayan ng daigdig.
Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig.
Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nagdulot ng iba’t ibang pag-unlad sa sistema ng pamumuhay ng tao. Ang kabihasnang Sumer, Egyptian, Indus at Shang ay ilan lamang sa mga kabihasnang nag-iwan ng mahahalagang ambag sa kasaysayan. Ang mga pamanang ito ay naging susi rin ng pagkilala sa naging pamumuhay ng mga mamamayan sa mga nabanggit na kabihasnan. Isa-isahin natin ang mga pamanang ito at alamin ang kanilang kahalagahan sa kasaysayan.
Kabihasnang Sumer o Mesopotamia (3500 - 3000 BCE)
Code of Hammurabi
- ito ay kalipunan ng mga 282 batas na nabuo sa panahon ng pamumuno ni Haring Hammurabi. Tumatalakay sa mga dapat sundin sa pang-araw-araw na buhay ng kanyang mga mamamayan.
Cuneiform
- kauna-unahang itinuturing na sistema ng pagsulat na nabuo sa daigdig.
Epic of Gilgamesh
- kauna-unahang akdang pampanitikan sa daigdig. Tumatalakay ito sa buhay ni Haring Gilgamesh sa lungsod-estado ng Uruk sa Sumer noong 3000 BCE.
Gulong
- napakahalagang sinaunang imbensyon ng mga Sumerian ay ang gulong. Sa pamamagitan nito ay napabilis ang paglalakbay sa kalupaan.
Ziggurat
- ito ay ang sentrong gusali o istraktura ng mga lungsod sa Kabihasnang Sumer. Dito nagaganap ang mga pagsamba nila sa kanilang mga Diyos.
Iba pang Kontribusyon
Araro, Decimal System, Lunar Calendar, Palayok, Perang Pilak
Kabihasnang Egyptian (3050 - 2686 BCE)
Hieroglyphics
- sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian. Bukod sa sumusulat sila sa papel, umuukit din sila ng mahahalagang impormasyon sa mga gusali.
Mummification
- proseso ng pag-eembalsamo o preserbasyon ng bangkay bago ito ilibing. Ginagamitan nila ng kemikal ang katawan upang patuyuin, matapos ito ay pininpintahan, binabalutan ng tela at nilalagyan ng palamuti tulad ng mga alahas.
Pyramid
- mga istrakturang karaniwang ginagamit ng mga Egyptian bilang libingan ng kanilang mga Pharaoh. Ang mga kayamanan ng kanilang pinuno ay makikita rin sa loob ng pyramid bilang paghahanda sa kabilang buhay.
Iba pang Kontribusyon
Book of the Dead, Geometry, Kalendaryo na may 365 na araw, Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto
Kabihasnang Indus (3500 - 1750 BCE)
Sewerage System
- sistematiko at maayos na mga daluyan ng tubig. Ang mga palikuran ay nakakonekta sa mga sentralisadong tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.
Sistemang Grid
- nakilala rin ang kabihasnang Indus sa sistematikong pagpaplano ng pagtatayo ng mga gusali. Nakaayos ang mga ito na tila grid pattern.
Iba pang kontribusyon
Ramayana at Mahabharata, pamantayan ng bigat at sukat, pinagmulan ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, Jainismo at Sikhismo
Kabihasnang Shang (1570 - 1045 BCE)
Calligraphy
- sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Ang kanilang pagsulat ay mula sa kanan paibaba patungo sa kanan paibaba.
Oracle Bones
- mga tortoise shell o cattle bone na naglalaman ng ibat ibang impormasyon ukol sa pakikipag-usap ng mga Tsino sa kanilang mga Diyos.
Potter’s Wheel
- kagamitan ng mga gumagawa ng palayok na kung saan kilala ang sinaunang Tsina sa kahusayan sa paggawa nito.
Iba pang kontribusyon
Water clock, kalendaryo, silk o seda
TANDAAN!
Bawat sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nakapag-ambag ng mga mabuting pagbabago sa pamumuhay ng tao. Bawat ambag ay nakapagdulot ng mas mabisang takbo sa pamayanang kanilang kinabibilangan. Ngunit sa kabila ng mga kabutihang dulot ng mga ito, ay hindi pa rin nawala ang masasamang epekto. Ang kaunlaran ng isang kabihasnan ay karaniwang nagwawakas nang dahil sa pananakop ng ibang grupo ng tao. Ang bawat pagsulong ng mga kabihasnan ay kaalinsabay ng pagtatapos naman ng iba. Ngunit sa kabila rin naman nito ay hindi maisasantabi na ang mabubuting dulot ng mga pamana ng mga kabihasnan ay nagkaroon ng walang humpay na epekto sa pamumuhay ng kasalukuyang tao. Mga pamanang hindi lamang maituturing na materyal na bagay, kundi mga pamanang positibong pananaw sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.
ITO MUNA ANG ATING LEKSYON NGAYON...
GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Sagutin mo ang mga ito nang mahusay sa abot ng iyong makakaya. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno at sa comment section sa ibaba.
1.Sa Epikong Gilgamesh, sinasabing ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang kamay kung ano man ang kahihitnan ng kanyang buhay ay ayon na din sa kagustuhan at gawa niya. Sang-ayon ka ba sa paniniwalang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa batay sa kasalukuyang panahon. Ano ang aral na natutuhan sa naturang epiko na maaari mong magamit sa iyong pamumuhay.
2.Sa kasalukuyang panahon na laganap ang krimen, kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabigyan ng kapangyarihan na masugpo ito, makatwiran bang gamitin batayan ang Hammurabi Code upang masupil ito? Pangatwiranan ang iyong sagot sa pamamgitan ng pagbibigay halimbawa.
3.Bilang mag-aaral ano-anong mga proyekto ang maaari mong maimungkahi upang mapangalagaan ang mga pamana ng mga sinaunang sibilisayon? Ipaliwanag kung paano ito isasagawa sa pamamgitan ng isang Flow Chart.
4.Ang Pilipinas ay mayaman sa mga pamanang pangkultura, bilang mamamayang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga?
REFERENCE:
Kasaysayan ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrT4R.d9MBflZAA5yCJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANxRlpqWFRFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3Q3FNVEV3TGdBQUFBQUVnaEJ6BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDSW1VVl8xMUVTSHVMOTN3MENzc0JLQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzIxBHF1ZXJ5A0VwaWMlMjBvZiUyMEdpbGdhbWVzaAR0X3N0bXADMTYwNjQ4OTk3Mw--?p=Epic+of+Gilgamesh&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Hr5X9cBfKHcAPgWJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN1RFFMY2pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QW1NVEV3TGdBQUFBQVBtN3dKBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDamVadXVEQjhUclMwZVJURjZhbTBIQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE0BHF1ZXJ5A1NVTUVSJTIwR1VMT05HBHRfc3RtcAMxNjA2NDkwMTA4?p=SUMER+GULONG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEmM9cBfUTYAS5CJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANEXzNZbXpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3TWZNVEV3TGdBQUFBQVN5ZkJYBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDYVdqSG16TG5SYkdaRlFDUHprWGRfQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzI1BHF1ZXJ5A1NFV0VSQUdFJTIwU1lTVEVNJTIwSU5EVVMEdF9zdG1wAzE2MDY0OTAyMDc-?p=SEWERAGE+SYSTEM+INDUS&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F6_AGMFfGQgA8eKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN3RDhwQnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VGRNVEV3TGdBQUFBQXI5ZUpSBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaUhqRjRMcEJSQmU0TGNRczFMNG9nQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzMEcXVlcnkDQ0FMTElHUkFQSFklMjBLQUJJSEFTTkFORyUyMFRTSU5BBHRfc3RtcAMxNjA2NDkwNDA0?p=CALLIGRAPHY+KABIHASNANG+TSINA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F6_AGMFfGQgA8eKJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZAN3RDhwQnpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3VGRNVEV3TGdBQUFBQXI5ZUpSBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDaUhqRjRMcEJSQmU0TGNRczFMNG9nQQRuX3N1Z2cDMARvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMzMEcXVlcnkDQ0FMTElHUkFQSFklMjBLQUJJSEFTTkFORyUyMFRTSU5BBHRfc3RtcAMxNjA2NDkwNDA0?p=CALLIGRAPHY+KABIHASNANG+TSINA&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9F68v8sBfpegAjwGJzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANmc05ITGpFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3QUZNVEV3TGdBQUFBRGZjRmk5BGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDNFgzelJEUXdRYkNkcmp4MVpBX25sQQRuX3N1Z2cDNwRvcmlnaW4DaW1hZ2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzAEcHFzdHIDBHBxc3RybAMEcXN0cmwDMTgEcXVlcnkDRElOQVNUSVlBTkclMjBUQU5HBHRfc3RtcAMxNjA2NDgwOTM5?p=DINASTIYANG+TANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9NEld8sBfv2oANd.JzbkF;_ylu=c2VjA3NlYXJjaARzbGsDYnV0dG9u;_ylc=X1MDOTYwNjI4NTcEX3IDMgRhY3RuA2NsawRjc3JjcHZpZANkMDJGb3pFd0xqSlZSczgxWG5rMEZ3UnFNVEV3TGdBQUFBRGlMd1NMBGZyA21jYWZlZQRmcjIDc2EtZ3AEZ3ByaWQDeDZuUFpKRVFSdVd1LkdhX2F1MEdCQQRuX3N1Z2cDMTAEb3JpZ2luA2ltYWdlcy5zZWFyY2gueWFob28uY29tBHBvcwMwBHBxc3RyAwRwcXN0cmwDBHFzdHJsAzE5BHF1ZXJ5A0NBTExJR1JBUEhZJTIwU0hBTkcEdF9zdG1wAzE2MDY0ODA1MDE-?p=CALLIGRAPHY+SHANG&fr=mcafee&fr2=sb-top-images.search&ei=UTF-8&n=60&x=wrt
LAOAN
ReplyDeleteFreya Aaliyah B. Nopre
Delete8-Laoan
Gawain 1
1) Sang ayon Po ako, dahil totoong Ang tao Ang gumagawa ng kanyang kapalaran. Halimbawa na lang nito ay kung pipiliin ng tao na gumawa ng masama ay maaari syang makulong at pinili nya Ang kapalaran na mapunta sa kulungan, ngunit kapag pinili ng tao na gumawa ng mabuti ay sya ay pagpapalain ng Diyos at mapupunta sya sa tamang landas.
2) Opo, ngunit dapat kung ito ay ipapatupad ay dapat Ang mapaparusahan lamang ay ang mga taong gumawa ng sobrang bigat na krimen at dapat ay walang madamay na inosenteng tao.
3) Una,ibabahagi ko ito sa aking mga kaibigan,kapamilya at kaklase. Pangalawa, akin silang sasabihan na ibahagi din ito sa iba upang mapanatili namin at maraming makaalam ng kahalagahan nito. At pangatlo ay amin itong pangangalagaan at pahahalagahan.
4) Mapapahalagahan ko ito sa pamamagitan ng pagbabahagi nito at palaging paggamit nito gaya ng pagmamano at paggamit ng "Po" at "opo".
Niña H. Ocenar
Delete8- Laoan
Gawain 1
Opo, Sapagkat tayo ay may malayang pag isiip kung kaya't malaya tayong nakaka pagdesisyon sa kung ano ang tama at mali, kung ano man tayo ngayon ay dahil sa ating kagustuhan at sa ating gawa. Halimbawa, gusto mong makatapos sa pag aaral kung sa gayun ikaw ay nagsusumikap at nag aaral ng mabuti ng sa gayon ang gusto mo ay matupad. Sa bandang huli ka akibat ng kagustuhan ay ang gawa. Sapagkat makakamit mo lang ang kagustuhan mo kapag ito ay may gawa.
2. Opo ngunit kailangan rin itong bigyan pansin upang ang mga gumagawa ng mga bagong krimen ay maparusahan sa tamang paraan
3. Una ay ibabahagi ko ito sa aking mga kakilala, aking pamilya. Pangalawa nais kong ibahagi rin nila ito sa iba. Pangatlo ito ay aking pahahalagahan pang apat ito ay aking isasapuso
4. Ito ay aking ibabahagi at papahalagan ko ito
Mary Grace B Belizon
Delete8-laoan
Gawain 1
Opo, Sapagkat tayo ay may malayang pag isiip kung kaya't malaya tayong nakaka pagdesisyon sa kung ano ang tama at mali, kung ano man tayo ngayon ay dahil sa ating kagustuhan at sa ating gawa. Halimbawa, gusto mong makatapos sa pag aaral kung sa gayun ikaw ay nagsusumikap at nag aaral ng mabuti ng sa gayon ang gusto mo ay matupad. Sa bandang huli ka akibat ng kagustuhan ay ang gawa. Sapagkat makakamit mo lang ang kagustuhan mo kapag ito ay may gawa.
2. Opo ngunit kailangan rin itong bigyan pansin upang ang mga gumagawa ng mga bagong krimen ay maparusahan sa tamang paraan
3. Una ay ibabahagi ko ito sa aking mga kakilala, aking pamilya. Pangalawa nais kong ibahagi rin nila ito sa iba. Pangatlo ito ay aking pahahalagahan pang apat ito ay aking isasapuso
4. Ito ay aking ibabahagi at papahalagan ko ito
PILI
ReplyDeleteMa Victoria Sarmiento
Delete8-PILI
1.Tama po ito dahil tayo po ang nagdedesisyon ng ating hinahanap , tayo ang pumipili ng kung ano ang ating gagawing aksyon. Halimbawa nalang ay kailangan mong pumili kung pag-aaral ba o pagtratrabaho ang tatahakin mong Daan, malaking pagbabago ang nakasalalay sayo kung kayat nararapat lang na maging said tayo sa bawat desisyon
2.Hindi po ako sang ayon lalo na't parang kinokontrol na nito ang buhay ng mga mamamayan. Masyado itong istrikto at parang kinukuha narin nito ang kalayaan ng bawat tao.
3.Una, ibabahagi ko ito sa aking mga kaibigan at kamag anak. Pangalawa, magdodonate kami upang mapanatili ang seguridad ng mga ito at pangatlo, gagawa kami ng video tungkol sa mga ito at iuupload namin online at kung maaari ay hihingi narin kami ng mga donasyon.
4.Palagi ko itong ibabahagi sa aking kapwa at ipapaalam ko ito sa aking mga maging anak sa hinahanap.
Cristina Dolinne F. Silawan
Delete8-PILI
GAWAIN1
1.Sangayon po ako sa paniniwalang ito. Halimbawa nalang ay ngayong pandemya, kung mag mamatigas ka at hindi mo susundin ang mga ipinag uutos ng gobyerno na sundin ang mga health protocols ay maaring mag bunga ito ng masama para sa iyong kalusugan, ngunit kung pipiliin mong sundin ang mga ipinag uutos ng gobyerno maaaring mapabuti pa ang iyong lagay, natulungan mo na ang sarili mo natulungan mo pa ang bansa dahil sa iyong pag sunod. Ang ibig sabihin lamang nito ay kung nais mong mapabuti ang iyong kapalaran o buhay lagi mong piliin ang mga tamang gawain.
2.Para saakin ay opo, ngunit dapat tiyakin na ang mga lalabag sa batas ay agad na maaksiyonan o agad mapapatawan ng parusa. Dahil maraming mamamayan ang patuloy sa pag gawa ng masama o mali kahit pa may batas, dahil hindi agad sila nabibigyan ng pansin upang patawan ng parusa. halimbawa nalang ngayong pandemya, mayroong mga health protocols na ipinatupad ang mga pamahalaan upang makaiwas ang mga tao sa laganap na sakit, ngunit marami paring mga pilipino na patuloy itong hindi sinisunod dahil hindi ito agad nabibigyan ng aksiyon o hindi agad sila napapatawan ng parusa upang mag tanda sa kanilang maling gawian. Kaya marapat lamang na gamitin ang Hammurabi code, dahil kailangan na ang bawat pag labag sa batas ay may kaakibat na kaparusahan.
3.Una, ipapaalam ko sa kanila ang mga pamana na aking namana. Pangalawa, ipapaalam ko sa kanila ang mga kaaliw aliw tungkol sa pamanang ito. Pangatlo, hihikayatin ko silang diskubrihin ang mga tungkol dito. Pang apat, ipapaliwanag ko sa kanila ang mga dahilan kung bakit nila ito kailangang ipag malaki. At pang huli, sabay sabay naming hihikayatin ang mga tao at ipag mamalaki sa marami ito, upang marami pang tao ang mag karoon ng inspirasyon.
4.Maipapakita ko ang pag papahalaga dito sa pamamagitan ng pag tangkilik at pag babahagi nito sa ibang tao. Upang ng sagayon ay marami pang tao ang mag karoon ng inspirasyon tungkol sa mga kulturang mayroon ang bansang Pilipinas.
Rachelle M. Simbajon
Delete8-Pili
Gawain 1
1.Opo, sapagkat tayo ay may malayang pag iisip kung kaya't malaya tayong nakakapagdesisyon sa kung ano ang tama at mali, kung ano man tayo ngayon ay dahil sa ating kagustuhan at sa ating gawa. Halimbawa, gusto mong makatapos sa pag-aaral kung sa gayon ikaw ay nagsusumikap at nag aaral ng mabuti ng sa gayon ang gusto mo ay matupad sa bandang huli ka akibat ng kagustuhan ayaw ang gawa. Sapagkat makakamit mo lang ang kagustuhan mo kapag ito ay may gawa.
2.Oo maraming krimen ang nangyayari sa aking bansa pero hindi ko ito ipapatupad kase masyadong mabigat ang batas na ito at unfair din sa iba na ako lang susundin nila kaya para sa akin ay hindi ko ipapatupad ang hammurabi code.
3.Una, ay tutulungan ko ang mga batang hindi pa nailalabas ang kanilang talento. Pangalawa, ay ibabahagi ko sa kanila kung bakit mahalagang malaman mo ang talento mo at Pangatlo ay palawakin lang nila ang mga kanilang talento o pamana ng sinaunang kabihasnan.
4.Ibabahagi ko sa kanila kung paano ko pinahalagahan ang aking talento ng maging inspirasyon naman para sa kanila at gagayahin nila.
TALISAY
ReplyDeleteSofia A. Dayang
Delete8-Talisay
GAWAIN 1
1. OPO,SUMASANG-AYON PO AKO NA ANG ATING KAPALARAN AY NAKASALALAY PO SA ATING MGA KAMAY DAGIL KYNG DI PO TAYO KIKILOS AT MAG-DUSUMIKAP DI PO UUNLAD ANG ATING BUHAY.
Ang aral na natutunan ko po sa epikong ito ay ang ibat-ibang kabihasnan at ang mga naging kontribusyon nila na yung iba ay hanggang sa ngayon ay ating pong pinag-yayamanan parin.
2. Hindi po ako sang ayon sa batas ng hammurabi code hindi po kailangan ang malupit na batas ng hammurabi code para masupil ang krimen ng lumalaganap sa bansa natin. Lahat po ng tao ay nagkakamali pero kailangan pa rin bigyan ng isa pang pagkakataon para magbago at maituwid ang maling landas.
3. Ang gagawin ko po ng proyekto ay pananatilihing malinis ang kapaligiran bilang kabataan kailangan nating bigyang halaga nito at intention kung ang sinaunang tao ay binigyang halaga ito dapat ay tayo rin halos lahat sa paligid natin ay galing sa ating kultura kaya dapat nating panatilihin maganda maayos at alagaan.
4. Unang-una po ipagmamalaki ko po ang mga pamana ng pangkultura sapagkat ito po ito po ay minana pa natin sa ating mga ninuno kaya ating pagyamanin pangalagaan at pahalagahan.
Jeselle A. de Guzman G8-Talisay
DeleteGawain 1.
1. Kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang kamay. Opo, sang-ayon po ako sa paniniwalang ito sapagkat sa aking paniniwala ikaw po ay gagawa ng mabuti at mag pupursigi sa iyong pag-aaral makakamit mo ang 'yong pangarap kailangan lang po ng sipag at tiyaga upang makamit ang ni-nanais ang pag-kilos ay s'yang sulosyon para makamit ito. Ang natutunan ko po ay dapat ma-sipag at wag ta-tamadin dahil sa buhay kong ikaw ay tamad at walang nais na makamit ikaw ay talo.
2. Kung ako po ay mabibigyan ng pag kakataon ay hinde ko po ito gagamitin dahil may paraan pa pong mas-madali at wala nang iba pang masasaktan sa pag sugpo ng mga kriminal sa panahong ito.
3. Ang mga proyektong akin pong gagawim ay Una, ang paglilinis sa ating kapaligiran, imumungkahi ko po ang mga mamamayan na magtulongan o maki-salo sa proyektong ito. Dahil para rin po ito sa ating kalusugan upang walang magkasakit dahil mahalaga ang ating kalusugan. Pangalawa ay ang Proyekto na libre ang pag-aaral dahil po sa panahon ng'yon madami ang hinde nakakapag-aral at walang pang-aral kung kaya ang iba ay nakakagawa ng masama sa kapwa o sa lipunan dahil sa hirap ng buhay. Sa Proyektong ito matutulungan ang mga gustong makapag-aral kaya kopo ito isasagawa dahil para sa'kin mahalaga ang pag-aaral dito tayo mag kakaroon ng masaganang buhay. Ito ang magiging dahilan upang mapahalagahan nila ang pamana ng sinaung sibilisasyon.
4. Maipapakita ko ang pag-papahalaga sa mga pamanang kultura sa pamamagitan ng pag-aaral nito. At imumungkahi ko ang iba na pahalagahan at mahalin ang ating kulturang pamana.
Jeanine Marie R. Leones
DeleteGrade 8- Talisay
Jeanine Marie R. Leones
Dignidad #8
Gawain 1
1. Opo ako po ay sumasang ayon bakit? halimbawa: Alam natin na bawat isa sa atin ay may karapatan kung gugustuhin nating mag aral o magtapos kahit gaano kahirap ang buhay gagawa tayo ng paraan upang maipagpatuloy ang ating pag-aaral, sa ibinigay kong pahayag sinasabi lang dito na nasasa atin ang kahihinatnan ng ating buhay kung gusto nating may marating sa buhay sa hinaharap o wala,dahil lahat ng pagdedesisyon natin ay ang magiging resulta ng ating magiging kapalaran dahil ginusto natin yun at tayo ang gumawa nun.
Ang natutunan ko po sa naturang epiko ito ay ang ibat-ibang kabihasnan at ang mga naging kontribusyon nila. na hanggang sa ngayon ay ating pinahahalagahan at pinagyayaman.
2. Hindi po ako sang ayon sa batas ng hammurabi code,dahil hindi po kailangan ang malupit na batas o marahas para lamang masupil ang krimen na lumalaganap sa bansa natin. Ang lahat po ng tao ay nagkakamali ngunit kailangan pa rin bigyan ng kaparusahan pero sa paraang payapa at walang masasaktan o dadanak na dugo,ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon ay maganda rin para maitama nila ang maling nagawa.
3. Pagbubukas ng isang proyekto gamit ang media platform na Facebook,Gagawa ako ng isang fb group page kung saan ito ay naglalayong maturuan ang kabataang tulad ko na mapangalagaan ang mga pamana ng mga sinaunang sibilisasyon,upang maging bukas sa ang isipan ng bawat isang mag-aaral ng Manuel Luis Quezon High School.
4. Sa pamamagitan ng pag papaunalad,pagmamalaki,pagmamahal at pangangalaga sa mga ito.
Kristele Gale S. Lu
Delete8-Talisay
1. Opo , sumasang-ayon po ako sa paniniwalang ito sapagkat tayo ay malayang mag isip at makapagdesiyon kaya nasa sa atin ang maaaring maging takbo ng ating buhay. Halimbawa po nun ay nais ko pong makapagtapos ng pag aaral upang masuklian ang pagsasakripisyo ng aking mga magulang kaya't ako po ay nagsusumikap at pinagbubutihan ang aking pag aaral upang matupad ang aking layunin sa aking buhay. Kaya sa bandang huli ang ka-akibat ng kagustuhan ay ang gawa.
2. Kung mabibigyan man po ako ng kapangyarihan upang masugpo ang laganap na krimen sa kasalukuyang panahon ay hindi ko po gagamiting batayan ang Hammurabi Code upang masupil ito sapagkat hindi kailangan ng malupit na batas para masupil ang krimen na nangyayari sa ating bansa at lahat tayo ay pwedeng magbago at maituwid ang ating kamaliaan.
3. Bilang mag-aaral ang proyekto na maaari kong maimungkahi upang mapangalagaan ang mga pamana ng mga sinaunang sibilisayon ay ang proyekto kung saan ito ay nagagamit at patuloy na pinagyayaman upang patuloy na umiikot sa sirkulasyon sa lipunan. Ang paggalang at patuloy na pagsasabuhay ng mga sinaunang kaalaman ay nagpapatibay kung ano man uri ng sibilisasyon mayroon tayo sa ngayon.
4. Bilang isang mamamayang Pilipino, maipakikita ang ko ang aking pagpapahalaga sa pamanang kultural ng ating bansa sa pamamagitan pag tangkilik ng sariling wika, pagkain, kaugalian, musika , sining, literatura, pananamit, seebrasyon at marami pang iba.
BRIAN LASIBAL
DeleteGRADE 8-TALISAY
DIGNIDAD #8
GAWAIN 1
1. SANGAYON AKO SA PANINIWALA NA ANG BUHAY AT KAPALARAN NG ISANG AY NAKASALALAY MISMO SA SARILI NITO.NASA TAO NA ANG LAHAT NG KAKAYAHAN TULAD NALANG NG MAGISIP,MAGTRABAHO AT MAGDESISYON KUNG ANONG KLASENG BUHAY ANG NINANAIS NATIN MATAMO IBIGSABIHIN TAYO ANG GAGAWA NG KAPALARAN NATIN.
2.KUNG AKO AY MABIBIGYAN NG KAPANGYARIHAN UPANG MASUGPO ITO,PARA SAKIN KAILANGAN TALAGA NATIN ANG CODE OF HAMMURABI O MAS HIGIT PA O MAS MAHIGPIT PA NA BATAS DAHIL SA PANAHON NATIN NADAMING MGA KREMIN NA NANGYAYARI PAGPATAY,DRUGS,HUMAN TRAFFICKING AT RAPES.EH HALOS LAHAT NG GUMAGAWA NG KREMIN AY HINDI NAHUHULI TULAD NALANG NG RIDER AND TANDEM MGA DRUG LORD HALOS HINDI NA SILA TAKOT SA ATING BATAS O DI KAYA MAY MGA KAPIT NA MATATAS NA TAO KAYA NAKAKALUSOT SILA.KAYA PARA SA AKIN MAKATWIRAN TALAGA GAMITIN NATIN UNG CODE OF HAMMURABI UNG BATAS NG KAHIT MAIMPLUWENSYANG TAO AY KAYA PARISAHAN.
3.ANG PROYEKTO NA AKING GAGAWIN UPANG MAPANGALAGAAN ANG PAMANA NG SINAUNANG SIBILISASYON AY UNA GAGAWA AKO NG ISANG PAGE SA SOCIAL MEDIA FACEBOOK AT YOUTUBE.DAHIL SA SOCIAL MEDIA MAPAPAALAM KO SA LAHAT NG SULOK NG MUNDO ANG NAGAWA NG MGA SINAUNANG SIBILISASYON NG SA GANUN LALO PA NATIN MAPANGALAGAAN ANG MGA PAMANA NILA NA HALOS LAHAT NG NASA PALIGID NATIN AY PAMANA NILA TULAD NALANG NG NAGSISILAKIHAN STRAKTUR, GADGET AT PARAAN NG PAMUMUHAY NATIN.
4.MAIPAPAKITA KO ANG AKING PAGPAPAHALAGA SA PAMANANG KULTURA SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPALAGANAP NITO,PAG MAHAL SA SARILING WIKA NATIN,BAYANIHAN,PAGKAKAISA AT HIGIT SA LAHAL UNG PAGMAMAHAL SA PAMILYA.ANG KAILANGAN LANG NATIN AY YAKAPIN AT HUWAG KALIMUTAN ANG MGA PAMANANG KULTURA NG ATING MGA NINUNO.
Ken Jacob C Jornacion
Delete8-Talisay
1.Opo, halimbawa nalang 0o ng mga drug addict ginagawa po nila yun dahil gusto nila kaya po ang kahihinatnan po nila ay kulungan, ang aral na natutunan ko po sa epiko ay ang pamana ng sinaunang kabihasnan.
2.Hindi, dahil hindi kailangan malupit na batas para masupil ang krimen na nangyayari sa ating bansa,lahat tayo ay pwedeng magbago at maituwid ang ating kamaliaan.
3)na malaman ng mga tao ang pamana ng mga sinaunang sibilisasyon upang mapangalagaan ito.
4. Sa pamamagitan ng pag papaunalad,pagmamalaki,pagmamahal at pangangalaga sa mga ito.
YAKAL
ReplyDeletePrince Lip Pacle
Delete8-Yakal
Gawain 1
1.Oo, Sapagkat tayo ay may malayang pag isiip kung kaya't malaya tayong nakaka pagdesisyon.
2. Kung ako po ay mabibigyan ng pagkakataon ay hindi ko po ito gagamitin dahil may paraan pang mas-madali at wala nang iba pang masasaktan.
3. Ang gagawin ko po na proyekto ay pananatilihing malinis ang kapaligiran at pagtatanim ng mga puno't halaman, bilang kabataan kailangan nating bigyang halaga ito at atensiyon.
4.Unang-una po ipagmamalaki ko ang mga pamana ng pangkultura sapagkat ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno kaya dapat alagaan rin natin ang ating mga mana.
Hershelyn R. Ordinario
Delete8-Yakal
Gawain 1
1.) Opo naniniwala ako dito, halimbawa gustong-gusto mo na makakuha ng mataas na marka at makapagtapos ng pag-aaral dapat gawin mo ang lahat ng gawain na ibibigay ng guro upang makakuha ka ng matataas na marka magsipag at magtiyaga hanggang sa makatapos ng pag-aaral.Ang aral na aking natutunan sa Epikong Gilgamesh ay paka-ingatan ang nabuong samahan at pakikipagkaibigan.Iisa lang ang ating buhay ingatan at mahalin, wag tayong malululong sa materyal na bagay at pahalagahan natin ang mga mahal natin sa buhay.
2.) Opo, ngunit dapat kung ito ay ipapatupad dapat ang mapaparusahan lamang ay ang mga taong gumawa ng sobrang bigat na krimen at dapat ay walang madamay na inosenteng tao.
3.) Una, pag-aralan ng mabuti ang mga pamana ng sinaunang sibilisasyon.Pangalawa, paka-ingatan at pahalagaan ang mga pamana na ito at panghuli, ibahagi ang mga napag-aralan o nalaman patungkol dito.
4.) Maipapakita ko ito sa pamamagitan ng pag-iingat sa mga pamanang ito.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteJanus Andrei F. Indelible
ReplyDelete8-MABOLO
Gawain 1
1)hindi, dahil kung walang batas gagawain nalang nila ang gusto nila kahit masama na ito, mas maganda kung may batas para maging maayus ang buhay natin.
2)opo para may batas ang tao ay may pang araw araw na dapat sundin.
3)na malaman ng mga tao ang pamana ng mga sinaunang sibilisasyon upang mapangalagaan ito.
4)papahalagahan at pangangalagaan ko ito.
Ace Sjoseph Gianan
ReplyDelete8-Mahogany
GAWAIN 1
1. OPO,SUMASANG-AYON PO AKO NA ANG ATING KAPALARAN AY NAKASALALAY PO SA ATING MGA KAMAY DAGIL KYNG DI PO TAYO KIKILOS AT MAG-DUSUMIKAP DI PO UUNLAD ANG ATING BUHAY. Ang aral na natutunan ko po sa epikonh ito ay ang ibat-ibang kabihasnan at ang mga naging kontribusyon nila na yung iba ay hanggang sa ngayon ay ating pong pinag-yayamanan parin.
2. Hindi po ako sang ayon sa batas ng hammurabi code hindi po kailangan ang malupit na batas ng hammurabi code para masupil ang krimen ng lumalaganap sa bansa natin. Lahat po ng tao ay nagkakamali pero kailangan pa rin bigyan ng isa pang pagkakataon para magbago at maituwid ang maling landas.
3. Ang gagawin ko po ng proyekto ay pananatilihing malinis ang kapaligiran bilang kabataan kailangan nating bigyang halaga nito at intention kung ang sinaunang tao ay binigyang halaga ito dapat ay tayo rin halos lahat sa paligid natin ay galing sa ating kultura kaya dapat nating panatilihin maganda maayos at alagaan.
4. Unang-una po ipagmamalaki ko po ang mga pamana ng pangkultura sapagkat ito po ito po ay minana pa natin sa ating mga ninuno kaya ating pagyamanin pangalagaan at pahalagahan.
1.Oo, sumasangayon ako na ang ating kapalaran ay nakasalalay sa ating kamay dahil, tayo ay may malayang isip kayat malaya tayong makakapag desisyon kung ano ang tama at mali, hindi tayo uunlad at magiging matagumpay kung hindi tayo kikilos.
ReplyDelete2.Hindi, dahil hindi kailangan malupit na batas para masupil ang krimen na nangyayari sa ating bansa,lahat tayo ay pwedeng magbago at maituwid ang ating kamaliaan.
3. Ang proyketo na gagawin ko ay clean of drive para maiwasan natin ang pag kakalat sa kapaligiran at mapangalagaan, para kung may dumarating na turista ay humanga sila sa gandahan ng bansa.
4.Bilang mamayang pilipino aalagaan at rerespetuhin ito at wag ikakahiya.
Ricamae B. Gonzales
ReplyDelete8-Mahogany
1.Opo, halimbawa nalang 0o ng mga drug addict ginagawa po nila yun dahil gusto nila kaya po ang kahihinatnan po nila ay kulungan, ang aral na natutunan ko po sa epiko ay ang pamana ng sinaunang kabihasnan.
2.Hindi po, dahil masyado na pong malupit iyon, maari pa naman po silang magbago at maitama ang kanilang pagkakamali.
3.Ang gagawin ko pong proyekto ay PANGALAGAAN ANG MGA LIKAS NA YAMAN,magagawa po ito sa simpleng paraan halimbawa nalang ng paglilinis sa harapan ng bahay etc.
4.ito po ay aking ipagmamalaki at isasapuso at isip.
Kiian Josh G. Jackson
ReplyDeleteG8 Mabolo
GAWAIN 1k
1. Opo, sumasang-ayon sa sinasabing ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang kamay kung anu man yun ay ayon sa kagustuhan at gawa niya sapagkat tayo ang gumagawa ng ating kapalaran binibigyan tayo ng Panginoon na kaisipan at kumilos ng aayon sa ating laya kaakibat ng ating laya ay responsibilidad kaya kung ang isipan mo ay nasa mabuting hangarin ang kakalabasan nito ay positibo at maayos. Ang kapalaran natim tayo ang gumagawa,kapalaran akibat ang mga taong nakapaligid.Pag unlad natin ay pag unlad din ng mamayan at bansa natin.
2.Sa kasalukuyan panahon maraming krime at kung ako'y bibigyan mamuno at masupil ang krimen gamit ang Hammurabi code hindi ko po ito ipapatupad sa kadahilan hindi tanggap at hindi ko kailangan gumamit ng malupit na batas upang pakinggan at sumunod ang mga tao sa aking batas. Magpapatupad ako ng mga batas na na-aangkop sa makataong paraan.Maayos na batas bawat tayo madaling sumunod kung ang gumawa ng batas ay makatao at sya mismo ay sumusunod sa ginawang batas hindj mahirap sa isang tao na gawin ito at magkaroon ng mapayang lipunan at mababawasan ang krimen
3.Ang mga proyekto maaring kong isagawa upang mapangalaan ang pamana ng sinaunang kabihasnan:
A.Pag-alaala/Pagpapakilala sa mga pamana ng sinaunang panahon. Sa paraang ito sa mga kabataan ibabahagu ko ang mga natutunan ko kaalaman sa mga pamana sa mga kabataan o matanda na aking nakikilala.
B. Pahalagaan, kung mayroon pang mga pamana ang sinaunang kabihasnan na aking makita o mahawakan pangangalagaan ko ito ng may ingat.
C. Ipagmalaki at Kilalanin, bigyan respeto at maging i acknowledge ang kahalagahan nito ngayon at susunod na henerasyon.
4. Bilang Pilipino, ipagmamalaki ko ang pamanang pangkultura na aking bansang Pilipinas sa paraang alalahanin ito, bigyan respeto, ipagmalaki sa ibang lahi, at laging buhayin sa isipan at kaibuturan ng puso na ako ay Pilipino na ipinanganak na mayamang kultura.
Yakal
ReplyDeleteGawain 1
1. >Sumasang-ayon ako dito dahil, pwedeng yumaman o humirap ang isang tao based sa kanyang pagsisikap, kung saan pwede ang isang tao maging successful business man or a poor beggar. >Kung ang pag kukuhanan ay ang sitwasyon ngayon, pwedeng mag aral ng mabuti (Online Classes) at magkaron ng professional na trabaho o Mag easy-easy sa school at maging pabigat sa pamilya. >Ang Aral na natutunan ko ay ang pag bibigay ng effort ngayon para hindi mag hirap sa future.
2. >Pwedeng Masugpo ito gamt ng Hammurabi code dahil, nag sisilbi itong batas pero ang mas mahigpit na batas. Kagaya ng pag torchure kapag may nagawang crimen.
3. Pagprotekta nito ay katumbas ng pagprotekta sa knowledge ng history ng mundo, at may kasabihan na "Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan Hindi makakarating sa paroroonan" na nagsasabi ng kung hindi mo alam at mag bigay ng thanks sa ating ancestor.
FLOW CHART:
[Mag aral ng mabuti] >>> [Maging Teacher] >>> [Mag turo sa Future Gens
tungkol sa mga ito]
4. Maipapakita ko ito sa pamamagitan ng hindi pag walang bahala dito.
Jillianne D. Jolongbayan
ReplyDelete8-Mabolo
Gawain 1
1. Sang-ayon ako dito dahil kung ano ang kagustuhang gawin ng isang tao ay yun din ang kahihinatnan ng kaniyang buhay. Halimbawa, sa panahon ngayon madami padina ng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, kaya naman ang kinahinatnan ng kanilang buhay ay hindi maganda. Dahil ang kagustuhan nila ay masama kaya masama din ang kanilang kinahinatnan.
2. Kung ako ang tatanungin, papayag ako na gamitin ito. Ngunit may kundisyon. Ipapatupad ko ang mga kautusan na iyon ngunit kapag may lumabag ay paparusahan agad. Dahil kung ipapatupad ko lang iyon, madami ang mga hindi susunod. Gaya ngayon, ipinagbabawal ang paglabas ngunit may mga lumalabag padin. Dahil ang iba sa kanila ay hindi napaparusahan. Kaya naman gagamitin ko ang Hammurabi code at ang mga lalabag dito ay mapaparusahan.
3. Una, ipapaalam ko sa iba ang mga nalalaman ko. Pangalawa, sasabihin ko sa kanila na ibahagi din nila yun sa iba. Pangatlo, papahalagahan ko ito. Pang-apat, ipagmamalaki ko ito sa iba.
4. Maipapakita ako ang aking pagpapahalaga dito sa pamamagitan ng pag-ingat at paggalang dito, pagbabahagi sa iba ng kaalaman ko tungkol dito, at ipagmamalaki ko ito.
Elaiza Marie H. Labon
ReplyDelete8-Mabolo
Gawain 1
1.Opo Dahil kung ayon ang kagustohan nya dahil bawat tao ay may kanyang-kanya kagustohan kaya hindi po kailangan pigilan kung ano ang kagustohan.
2.Opo Sangayon po ako at gagamitin ko po ito sa mabuti
3.Ipapakita ko po ang aking napamana at ipagpapamalaki ko po papahalagahan
4. Ipagmamalaki ko po at aalagaan
Jewel Crizelle R. Javier
ReplyDelete8-Mabolo
1.opo Sapagkat ito ang kanyang kagustuhan at ng kanyang mga nasasakupan nito
2.opo ngunit maisagawa ang makatwirang batas namay pantay pantay na antas
3.una ay kailangan itong Pag isipang mabuti pangalawa alamin ang kanya kanyang opinion ng mga tao sa wakas naman ay isagawa ang naturang pinag isipang solution
4.Maipapakita ko ang pagpapahalaga ko dito sa paraang iingatan ang mga ito ay mamahalin
Anika Kim C. Golosinda
ReplyDelete8-Mahogany
GAWAIN 1
1.) Oo, Sapagkat tayo ay may malayang pag isiip kung kaya't malaya tayong nakaka pagdesisyon. Halimbawa, gusto mong makapasa ngayong taon ngunit hindi ka gumagawa ng gawain o hindi mo ginagawa ang mga requirements mo para makapasa. Sabi nga nila nasa tao ang gawa sa Diyos ang awa. Sapagkat makakamit mo lang ang kagustuhan mo kapag ito ay may gawa.
2.) Hindi, dahil ang nilalaman ng code of hammurabi ay may mabibigat ma parusa sa bawat makakalabag ng batas.
3.) Bilang mag aaral ay maari kung imungkahing maglaan ng isang kwarto kung saan dun ilalagay ang mga pamana ng sinaunang sibilasyon. Ito ay mag sisilbing parang museum. Sa pamamagitan nun ay hindi natin makakalimutan ang mga pamana ng sinaunang sibilasyon.
4.) Sa pamamagitan ng pagrespeto dito. At paggamit ng kulturang ito.
Gawain 1
ReplyDelete1.Tama po ito dahil tayo po ang nagdedesisyon ng ating hinahanap , tayo ang pumipili ng kung ano ang ating gagawing aksyon. Halimbawa nalang ay kailangan mong pumili kung pag-aaral ba o pagtratrabaho ang tatahakin mong Daan, malaking pagbabago ang nakasalalay sayo kung kayat nararapat lang na maging said tayo sa bawat desisyon
2.Hindi po ako sang ayon lalo na't parang kinokontrol na nito ang buhay ng mga mamamayan. Masyado itong istrikto at parang kinukuha narin nito ang kalayaan ng bawat tao.
3.Una, ibabahagi ko ito sa aking mga kaibigan at kamag anak. Pangalawa, magdodonate kami upang mapanatili ang seguridad ng mga ito at pangatlo, gagawa kami ng video tungkol sa mga ito at iuupload namin online at kung maaari ay hihingi narin kami ng mga donasyon.
4.Palagi ko itong ibabahagi sa aking kapwa at ipapaalam ko ito sa aking mga maging anak sa hinahanap.
Ryza Gomez GAWAIN 1
ReplyDelete1. OPO,SUMASANG-AYON PO AKO NA ANG ATING KAPALARAN AY NAKASALALAY PO SA ATING MGA KAMAY DAGIL KYNG DI PO TAYO KIKILOS AT MAG-DUSUMIKAP DI PO UUNLAD ANG ATING BUHAY.
Ang aral na natutunan ko po sa epikong ito ay ang ibat-ibang kabihasnan at ang mga naging kontribusyon nila na yung iba ay hanggang sa ngayon ay ating pong pinag-yayamanan parin.
2. Hindi po ako sang ayon sa batas ng hammurabi code hindi po kailangan ang malupit na batas ng hammurabi code para masupil ang krimen ng lumalaganap sa bansa natin. Lahat po ng tao ay nagkakamali pero kailangan pa rin bigyan ng isa pang pagkakataon para magbago at maituwid ang maling landas.
3. Ang gagawin ko po ng proyekto ay pananatilihing malinis ang kapaligiran bilang kabataan kailangan nating bigyang halaga nito at intention kung ang sinaunang tao ay binigyang halaga ito dapat ay tayo rin halos lahat sa paligid natin ay galing sa ating kultura kaya dapat nating panatilihin maganda maayos at alagaan.
4. Unang-una po ipagmamalaki ko po ang mga pamana ng pangkultura sapagkat ito po ito po ay minana pa natin sa ating mga ninuno kaya ating pagyamanin pangalagaan at pahalagahan.
Franchesca P. Ibayan
ReplyDelete8_MABOLO
GAWAIN 1
1.Tama po ito dahil tayo po ang nagdedesisyon ng ating hinahanap , tayo ang pumipili ng kung ano ang ating gagawing aksyon. Halimbawa nalang ay kailangan mong pumili kung pag-aaral ba o pagtratrabaho ang tatahakin mong Daan, malaking pagbabago ang nakasalalay sayo kung kayat nararapat lang na maging said tayo sa bawat desisyon.
2. Hindi po ako sang ayon sa batas ng hammurabi code hindi po kailangan ang malupit na batas ng hammurabi code para masupil ang krimen ng lumalaganap sa bansa natin. Lahat po ng tao ay nagkakamali pero kailangan pa rin bigyan ng isa pang pagkakataon para magbago at maituwid ang maling landas.
3.Una, ibabahagi ko ito sa aking mga kaibigan at kamag anak. Pangalawa, magdodonate kami upang mapanatili ang seguridad ng mga ito at pangatlo, gagawa kami ng video tungkol sa mga ito at iuupload namin online at kung maaari ay hihingi narin kami ng mga donasyon.
4.Maipapakita ko ang pag papahalaga dito sa pamamagitan ng pag tangkilik at pag babahagi nito sa ibang tao. Upang ng sagayon ay marami pang tao ang mag karoon ng inspirasyon tungkol sa mga kulturang mayroon ang bansang Pilipinas.
Princess Nadine O. Rendon
ReplyDeleteOpo, Sapagkat tayo ay may malayang pag isiip kung kaya't malaya tayong nakaka pagdesisyon sa kung ano ang tama at mali, kung ano man tayo ngayon ay dahil sa ating kagustuhan at sa ating gawa. Halimbawa, gusto mong makatapos sa pag aaral kung sa gayun ikaw ay nagsusumikap at nag aaral ng mabuti ng sa gayon ang gusto mo ay matupad. Sa bandang huli ka akibat ng kagustuhan ay ang gawa. Sapagkat makakamit mo lang ang kagustuhan mo kapag ito ay may gawa.
2. Opo ngunit kailangan rin itong bigyan pansin upang ang mga gumagawa ng mga bagong krimen ay maparusahan sa tamang paraan
3. Una ay ibabahagi ko ito sa aking mga kakilala, aking pamilya. Pangalawa nais kong ibahagi rin nila ito sa iba. Pangatlo ito ay aking pahahalagahan pang apat ito ay aking isasapuso
4. Ito ay aking ibabahagi at papahalagan ko ito
Cristine joy Hilario grade 8-mabolo
ReplyDelete1)hindi, dahil kung walang batas gagawain nalang nila ang gusto nila kahit masama na ito, mas maganda kung may batas para maging maayus ang buhay natin.
2)opo para may batas ang tao ay may pang araw araw na dapat sundin.
3)na malaman ng mga tao ang pamana ng mga sinaunang sibilisasyon upang mapangalagaan ito.
4)papahalagahan at pangangalagaan ko ito.