Nagpulong kahapon, Biyernes, November 6, 2015, ang Teachers'Dignity Coalition Caloocan Chapter sa Talipapa High School. ItoĆ½ para pag-usapan ang lumalalang kondisyon ng mga Guro ng Caloocan kabilang na ang paglabag sa Six (6) working hours, intensive observation, power tripping, maling interprestasyon sa batas na ginagamit sa mga guro at iba pang mga isyu na sumisira sa educational system ng nasabing lungsod.
Tinalakay din sa pulong ang pagbuo ng paralegal team na siyang haharap at tutulong sa mga gurong may isyu, National Convention sa January, TDC Anniversary sa susunod na taon, pagdeklarang may pasok na sa araw ng mga patay, at iba pang napapanahong usapin.
Ayon kay TDC Chairperson at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas, kailangang maging matatag tayo sa mga pagsubok at pagharap sa isyung ating nararanasan sa araw-araw. Kinakailangan ding maging modelo tayo para sa iba pa nating kasama. Ang kaalaman sa batas ang magiging sandata natin para tapatan ang maling gawi ng mga opisyal ng paaralan.
Sumang-ayon naman si Dr. Juanito Victoria, punungguro ng secondary high school sa Caloocan, sa mga prinsipyo ni Basas. Aniya, kailangan nating i-fiscal bago pa man maisakatuparan ang isang masamang hangarin o isyu. Dapat aniya, ipakita natin ang ating pwersa upang kabahan ang mga opisyal na baluktot ang pananaw sa buhay.
Sa huli, napag-usapan ang iba't ibang gagawin upang masuportahan ang kampanya ng Ating Guro Partylist para sa halalan 2016.
No comments:
Post a Comment