AP8-Q2-WEEK5: E. Panahon ng Absolutismo, Liberalismo at Enlightenment
1. Mga mahalagang pangyayari
2. Rebolusyong Amerikano
KASANAYANG PAGKATUTO: 5. Naiuugnay ang Enlightenment at Rebolusyong Amerikano
sa paglinang ng nasyonalismo at pagkabansa
Balik-aral:
D. Panahon ng Imperyalismo
1. Pag-usbong ng mga Imperyo ng England, France, the Netherlands, Portugal, at Spain sa America, India at East Indies
2. Pagpasok ng mga Imperyalistang Estado ng Russia, Italy, Germany, United States, at Japan
PAKSA!
Panahon ng Absolutismo, Liberalismo at Enlightenment
Sa kasaysayan ng daigdig, dumaan ang Europa sa isang napakahalagang yugto na humubog hindi lamang sa sistemang pampulitika kundi pati sa mga paniniwala ng tao tungkol sa pamahalaan, karapatan, at lipunan. Ito ang Panahon ng Absolutismo, Liberalismo, at Enlightenment—mga kilusan at kaisipang nagsilbing binhi ng makabagong demokrasya.
Napakakulay ng yugtong ito sa kasaysayan ng Europa—isang panahon ng pagbabago, tunggalian ng ideolohiya, at pagsilang ng makabagong kaisipan
Ang Absolutismo ay isang sistemang pampulitika kung saan ang isang monarko ay may ganap na kapangyarihan, habang ang Liberalismo at Enlightenment ay nagbigay-diin sa mga karapatan ng indibidwal at ang halaga ng rasyonal na pag-iisip.
Absolutismo
Isang sistemang pampolitika kung saan ang kapangyarihan ay nakasentro sa isang monarko—hari o reyna—na itinuturing na tagapangalaga ng kalooban ng Diyos.
Sa Absolutismo ang nag-iisang pinuno, karaniwang isang hari o reyna, ay may hawak na ganap at walang pigil na kapangyarihan sa isang bansa. Ang mga absolutistang monarko ay madalas na nag-aangkin na ang kanilang kapangyarihan ay ipinagkaloob sa kanila ng Diyos, ayon sa teorya ng "Banal na Karapatan ng mga Hari." Isang halimbawa ng absolutismo ay si Haring Louis XIV ng France, na naghayag, "L'état, c'est moi" o "Ako ang estado," na nagpapakita ng kanyang kabuuang kontrol sa lipunan.
Walang boses ang mamamayan sa pamahalaan ito at lumawak ang agwat ng mayaman at mahirap.
Liberalismo
Isang ideolohiya na nagbibigay-diin sa karapatan ng indibidwal, kalayaan, at pagkakapantay-pantay.
Ang Liberalismo ay isang ideolohiya na umusbong bilang tugon sa absolutismo at nagbigay-diin sa mga karapatan ng indibidwal, kalayaan, at demokrasya. Ang mga liberal ay naniniwala sa paghahati ng kapangyarihan at ang paglikha ng mga konstitusyonal na pamahalaan. Ang mga ideya ng Liberalismo ay nagbigay-diin sa mga karapatan ng mga mamamayan at ang kanilang kakayahang makilahok sa pamahalaan. Ang mga pilosopong tulad ni John Locke ay nagtaguyod ng mga ideya ng natural na karapatan at kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno.
Enlightenment
Ito ay bunga ng makaagham na epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspekto ng buhay upang mapaunlad ang larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at edukasyon.
Ang Enlightenment ay isang kilusang intelektwal na umusbong noong ika-18 siglo, na naglalayong itaguyod ang rasyonal na pag-iisip at ang paggamit ng siyentipikong pamamaraan upang maunawaan ang mundo. Ang mga pilosopo tulad nina Voltaire, Montesquieu, at Rousseau ay nagbigay-diin sa mga ideya ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at ang paghahati ng kapangyarihan sa pamahalaan. Ang Enlightenment ay nagbigay-daan sa mga reporma sa lipunan at politika, na nagbunsod ng mga rebolusyon at pagbabago sa mga sistema ng pamahalaan sa buong mundo.
Ang Rebolusyong Amerikano
Ang himagsikan o panghihimagsik (Ingles: insurrection, revolution, rebellion, revolt) ay ang tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan. Maaari rin itong tumukoy sa isang mahalagang sandali na makapagbabago sa sitwasyong pampolitika ng isang bansa. O kaya, sa pag-agaw ng mga nag-alsa sa kapangyarihan ng namumuno ng pamahalaan. Tinatawag din itong rebolusyon o rebelyon dahil kaugnay ito ng marahas na pagsuway at maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan.
Maraming ideyang bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan ay may kulay pulitika at ito ang kaisipang pulitikal sa rebolusyong isinagawa ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika. Ang Rebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1775 at ito ay sa mga sumusunod na dahilan: (1) Lipunan- ang lipunang itinayo ng mga Amerika ay kakaiba sa Great Britain. Ang mga hangganan ay nalikha sa aristokrasyang batay sa kayamanan at hindi dahil sa dugo. Ang mga patakaran sa kolonya ay nagbigay laya, sigla at pag-uugali at sila ay nahirapan sa pagpapanatili sa kaugaliang Ingles; (2) Pulitika- ang batasan at hukuman ay tinulad sa Britain, kaya namihasa ang mga kolonya ng mga kalayaan at sariling pamamahala; (3) Relihiyon- Bagamat lumakas ang Puritanismo sa kolonya, ang mga tao ay may layang makapamili ng sariling relihiyon. Nagkaroon ng iba’t ibang sekta ng relihiyon; (4) Ekonomiya- Ang patakarang pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsa ng 13 kolonya.
Ang Navigation Acts ay nag-uutos na sa Britain lamang maaaring ipagbili ang ilang produkto ng kolonya at ang kolonya ay maaari lamang bumili ng mga yaring produkto sa una. Ipinag-utos ding gamitin ang mga sasakyang Ingles sa pangangalakal.
Ang malaking pagkakautang ng Britain dahil sa pakikipagdigma, ang pagtulong ng mga Amerikano sa kaaway, ang hayagang alitang nagsimula nang itakda ang Townshed Acts tungkol sa paglikom ng pera at ang paghihigpit sa mga kolonya. Ang mga batas na kinaiinisan ng mga kolonya ay ang buwis sa mga dokumentog pagnegosyo na kilala bilang Stamp Act at ang buwis sa tsaa o tea tax.
REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN, AT IMPLIKASYON
Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano.
Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing.
Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776, Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na naging tagapagtanggol sa British. Ang digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbuo ng United States of America.
Tingnan!
Sa huling bahagi ng ika -18 na siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko.
Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Itinatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga tao.
Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradiyonal na rehimen sa America at France.
Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America at Great Britain.
Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyongrebolusyunaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789.
Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europe at iba pang panig ng mundo sa dahil iniwan nito ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbuo ng isang nasyon-estado:
ang kalayaan,
pagkakapantay-pantay,
at ang kapatiran.
ANG LABINTATLONG KOLONYA
Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimualang lumapit at manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 na siglo.
Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europe.
Sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa hilaga ay Massachusetts at sa Timog ay Georgia.
Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya.
Ang Labintatlong (13) Kolonya ng Britanya sa Hilagang America
1. Massachusetts
2. New Hampshire
3. Rhode Island
4. Connecticut
5. New York
6. New Jersey
7. Pennsylvania
8. Delaware
9. Maryland
10.Virginia
11.North Carolina
12. South Carolina
13.Georgia
Ang mga Kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad ng labis na buwis.
Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang " walang pagbubuwis kung walang representasyon".
Sila ay nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inangkat sa mga kolonya.
Tinapon nila ang tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Harbor sa Massachusetts.
Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party.
Nagkaroon ng kaparusahan sa mga kolonistang naging bahagi ng insidente.
Ang pangyayaring ito ay nagresulta ng digmaan.
ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
Unang dinaluhan ng 56 na kinatawan ng mga kolonya ng Britanya ang dumalo dito. Pinangunahan ito ni Patrick Henry noong Setyembre 5, 1774.
Ipinahayag nito ang Intolerable Acts na di makataranungan at ang parliamentong Ingles ay lumalabag sa Karapatang Amerikano
Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me liberty or give me death, (Bigyan mo ko ng kalayaan o kamatayan) at ang aklat ni Thomas Paine na Common Sense ay gumising sa damdaming Amerikano.
Ito ay tahasang pagpapakita ng paglaban sa mga batas at patakaran na ipinatupad ng mga British.
ANG PAGPAPASIMULA NG DIGMAAN
Ang mga tumututol sa palakad ng mga Ingles ay dumami sa pamamahala ni Samuel Adams.
Naganap ang Unang laban sa Lexington at Concord sa pagitan ng Amerika at Great Britain ng magpadala ito ng isang tropa ng British sa Boston noong Abril 1775, upang pwersahing angkinin ng mga ito ang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord.
Bago pa man nakarating ang mga British sa Concord nagpalitan na ng putukan ang dalawang panig.
IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL
Noong Mayo 1775, idineklara ng kongresong kontinental ang pamahalaan na tinawag na "United Colonies of America".
Continental Army-tawag sa hukbo ng military.
George Washington- naatasang Commander in Chief ng Continental Army.
ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN
Hulyo 1776- nagpadala ng malaking tropa ang Britain sa Atlantic upang pahinain ang pwersa ng Amerika.
Ang Deklarasyon ng Kalayaan bagaman hindi pa tapos ang digmaan, idineklarang malaya ng Amerikano ang kanilang mga sarili noong Hunyo 4, 1776. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol.
Binigyang diin sa dokumentong ito na ang dating kolonya at hindi na teritoryo ng Britain. Kinilala na isa nang malayang bansa ang dating kolonya ng Britain at tinawag itong Estados Unidos ng Amerika.
IMPLIKASYON:
Ang naging bunga ng Rebolusyong Amerikano ay ang Kalayaan ng United States ay kinilala at ang hangganan nito sa mga kalapit na bansa ay naayos. Binigyang-saysay ng rebolusyon ang deklarasyon ng kalayaan batay sa kaisipan ni John Locke na kapag hindi iginalang ng hari ang likas na karapatan ng tao, karapatan ng mga mamamayan ang mag-alsa laban sa kanya. Ang nagtagumpay na rebolusyon sa Amerika ang nagbigay lakas sa mga Pranses upang maghimagsik laban sa abolutismo.
TANDAAN!
Ang tatlong panahong ito—Absolutismo, Liberalismo, at Enlightenment—ay may malalim na epekto sa pagbuo ng mga modernong ideya ng pamahalaan at lipunan. Ang Absolutismo ay nagbigay-diin sa kapangyarihan ng isang nag-iisang pinuno, habang ang Liberalismo at Enlightenment ay nagtaguyod ng mga karapatan ng indibidwal at ang halaga ng rasyonal na pag-iisip, na nagbukas ng daan para sa mas demokratikong mga sistema ng pamahalaan.
Ang paglalakbay mula sa absolutismo patungo sa liberalismo ay hindi madali. Ngunit sa tulong ng mga pilosopong nagpahayag ng makatwirang kaisipan, ang mga tao ay namulat sa katotohanan na sila ay may karapatan, at ang pamahalaan ay dapat naglilingkod, hindi nang-aalipin.
Ang Rebolusyong Amerikano ay naging modelo ng mga susunod pang rebolusyon sa France at Latin America. Ipinakita nito na ang isang sambayanan na mulat at may layunin ay kayang baguhin ang kasaysayan.
GAWAIN 1!
Panuto: Kilalanin at Ipaliwanag ang mga sumusunod na salita.
1. Absolutismo
2. Liberalismo
3. Enlightenment
4. Monarko
5. L'état, c'est moi
6. Haring Louis XIV
7. Ideolohiya
8. Pulitika
9. John Locke
10. Pilosopo
11. Karapatan
12. Voltaire
13. Montesquieu
14. Rousseau
15. Rebolusyon
16. Kolonya
17. Navigation Acts
18. Boston Tea Party
19. Give me liberty or give me death
20. Patrick Henry
21. Thomas Paine
22. Hunyo 4, 1776
GAWAIN 2!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Absolutismo, Liberalismo, at Enlightenment.
2. Ano ang kinalaman ng Absolutismo, Liberalismo, at Enlightenment sa Rebolusyong Amerikano?
3. Ano ang nagging implikasyon ng mga pagbabagong dulot ng mga ideolohiya at pulitika sa kasaysayan ng daigdig?
4. Ano ang ninanais ng mga Amerikano na makamit sa kanilang Rebolusyon?
5. Ano-ano ang naging implikasyon ng kanilang naging Rebolusyon?
6. Sa iyong palagay, nakatutulong ba sa isang bansa ang rebolusyon? Bakit?
Reference:
https://www.bing.com/search?q=Panahon%20ng%20Absolutismo%2C%20Liberalismo%20at%20Enlightenment&qs=n&form=QBRE&sp=-1&lq=0&pq=panahon%20ng%20absolutismo%2C%20liberalismo%20at%20enlightenment&sc=10-52&sk=&cvid=C3BF139D5D4C4E718C0F9EAAE551B35B
https://ourhappyschool.com/Panahon_ng_Absolutismo_Liberalismo_at_Enlightenment
https://dignidadngguro.blogspot.com/search/label/Third%20Grading
Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
Journal #5:
ReplyDelete"Ang Aking mga Guro na Labis kong Hinahangaan at Nais kong Tularan"