AP8-Q3-WEEK8: IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO: PAG-USBONG SA NASYONALISMO
MELC/Kasanayan
Nasusuri ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.
Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
BALIK-ARAL
Sa nagdaang aralin, tinalakay ko ang mga pangyayari ukol sa buhay ni Napoleon Bonaparte, ang kanyang pag-usbong, pakikibaka, at pagbagsak. Kasama ring napag-usapan ang ilang labanan at ambag niya sa rebolusyong Pranses.
Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga dahilan, pangyayari, at epekto ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Kasama ring tatalakayin ang pag-usbong ng nasyonalismo sa daigdid.
PANIMULA
“Anong maiaambag mo?” Sadyang kakaiba ang pamamaraan ng pag-aaral sa kasalukuyan dahil sa suliranin sa pandemiyang Covid-19. Ngunit sa kabila nito, napakahalaga na maipagpatuloy ang pag-aaral at pagkatuto. Ito ay isang mabisang sandata para sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Narito ang mga simple ngunit kapaki-pakinabang na hakbang na maitutulong mo para sa iyong sarili, pamilya at bansa.
1. Maging masipag at matiyaga sa pag-aaral. Ugaliin ang masigasig na pagbabasa at pag-unawa sa mga aralin.
2. Maging matapat sa pagsagot sa iba’t ibang gawain. Hindi man maging madali na matutunan ang kabuuan ng aralin, ang mahalaga ay sinubukang gamitin ang buong makakaya nang may buong katapatan.
3. Maging disiplinado sa paggamit ng oras. Laging maglaan ng sapat na oras sa pag-aaral at unahin ito kaysa sa mga bagay na hindi lubusang kinakailangan.
4. “Huwag mahihiyang magtanong.” Para sa mga bahaging hindi mo maunawaan, maaaring magtanong sa guro o iyong magulang.
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop. Ang una nilang layunin na palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo at maghanap ng mga hilaw na sangkap ay higit pang nadagdagan ng mas mapagnasang mga hangarin para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Mula sa mga unang nakilalang Spain at Portugal na naging tanyag sa mga paglalayag, naging kabilang din sa mga Kanluraning mananakop ang mga bansang Netherlands, France, Britain, Amerika at iba pa. Ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay nagsimula bago ang ika-19 na siglo.
Paghahanap ng mga Hilaw na sangkap
Upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga bansa, ang mga Europeo ay naghanap ng mga hilaw na sangkap sa mga lupaing kanilang nasasakop. Ang likas na yaman ng mga teritoryong kanilang naaangkin ay ginagamit nila sa paglikha ng mga produktong kapaki-pakinabang at mabenta sa pakikipagkalakalan. Mas maraming hilaw na sangkap, mas maraming produktong malilikha, mas malaking kita para sa bansa.
Pagpapalakas ng puwersa
Bukod sa mga hilaw na sangkap, napakahalaga para sa mga Europeo ang magkaroon ng karagdagang tao na magsisilbing lakas-paggawa (labor force) ng mga nililikha nilang produkto. Ang mga teritoryong kanilang naaangkin ay nagsisilbi ring bagsakan ng mga produktong kanilang ikinakalakal o ibinibenta. Gayundin, ang mga katutubo ng mga lupaing kanilang nasasakop ay nagagamit nila upang lumaban sa mga digmaan para sa kanilang sariling bansa.
Pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo
Napakataas ng pagtingin ng mga Kristiyanong Europeo sa kanilang relihiyon na kung saan ay mababa naman ang turing ng ilan sa kanila sa mga katutubong may ibang paniniwala at maraming kinikilalang Diyos. Napakalaking ambag ng Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo ang paglaganap ng Kristiyanismo sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Dahil dito, maraming mga kulturang Kristiyano ang naituro at naisabuhay rin ng mga katutubo sa mga lupaing nasasakop ng mga Europeo. Ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo ay dumaan sa maraming mabuti at masamang pamamaraan, nakapag-ambag ng maraming mabuti at masamang epekto sa ibat ibang aspeto ng kasaysayan at kultura sa ibat ibang lupain sa daigdig.
Mula sa mapa sa itaas, mahihinuha ang mga sumusunod :
- Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin.
- Malaking bahagi ng Hilagang Asya ay naging teritoryo o nasa impluwensya noon ng Russia.
- Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Amerika noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.
- Ang Turkey o Imperyong Ottaman ay ang pinakamakapangyarihan sa mga karatigbansa nito sa Kanlurang Asya.
- May pinakamaraming teritoryo na nasakop ang United Kingdom. Kabilang dito ang ilang mga bansa sa Timog Africa at Silangan Africa, Australia, India at Canada.
- Bagamat una sa naging makapangyarihan sa paglalayag sa karagatan ang Spain at Portugal, maliit na lamang ang naging teritoryong sakop nito noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.
- Sa Ikalawang Yugto ng Imperiyalismo, maliit na bahagi na lamang ng kontinente ng Timog Amerika ang nasasakop ng mga Kanluranin.
Paglaganap ng relihiyong Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ay ang pinakalaganap at maipluwensyahang relihiyon sa kasalukuyang panahon. Ang pananakop ng mga Kanluranin noong Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo ay ang naging dahilan ng paglaganap ng Kristiyanismo sa ibat-ibang panig ng daigdig. Gayundin, ang mga kulturang kaakibat ng Kristiyanismo na itinuro ng mga Kanluranin, ay tinanggap ng maraming katutubo. Isang halimbawa dito ay ang Pilipinas na sinasabing pinakaKristiyanong bansa sa Asya.
Kalakalan ng mga Alipin
Sa panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo naging malawak ang kalakalan ng mga alipin sa ibat ibang bahagi ng daigdig tulad sa kontinente ng Africa, Hilagang Amerika at Asya. Ang mababang pagtingin at hindi makatwirang pagtrato ng ilang mga Kanluranin sa ibang lahi ay nagdulot ng labis na paghihirap sa buhay ng mga katutubo. Pangkaraniwan ang pagkakahiwalay ng magkakapamilya, maraming pagkakataon na ang isang alipin ay ipinadadala sa Europa upang sapilitang magtrabaho o sa ibang mga sakop na bansa upang magsilbing mandirigma. Masasabing magpahanggang sa kasalukuyan ay bahagi ng kultura ng ibang lahi ang mababang pagtingin sa hindi kalahi, hindi katulad ng kulay ng balat, at hindi kasing-lebel ng antas sa lipunan.
Paghahalo ng mga Kultura
Ang pananakop ng mga Kanluranin ay nagdulot ng mga pagbabago sa maraming paraan ng pamumuhay ng ibat ibang lupain sa daigdig. Bagamat hindi lahat ng kanilang nasakop ay yumakap sa relihiyong Kristiyanismo, may mga paniniwala, patakaran, aral, gawain at iba pa na iniwan ang mga Kanluranin sa buhay ng mga katutubo. Narito ang ilang halimbawa:
- Ang mga Ingles (British) ay pumigil sa suttee ng mga katutubo ng India, na kung saan ang babae ay kusang loob na sinusunog ang sarili sa tabi ng bangkay ng asawang lalaki.
- Mas napaunlad ng Belgium, France, Britain, Germany, Portugal at Italy ang pagmimina sa ibat ibang bahagi ng Africa. Gayundin ang pagpapastol ng hayop atpagtatanim ng ubas, citrus at iba pa.
- Ang banyagang wika ay naging bahagi na rin ng buhay ng mga katutubo tulad ngnapakalawak na impluwensiya ng wikang Ingles sa Pilipinas.
- Ang mga kapaki-pakinabang na kagamitang at teknolohiyang Kanluranin ay naisalin din sa mga katutubo. Nagpaunlad sa komunikasyon, industriya, agrikultura at pangaraw-araw na pamumuhay.
Pagtatangi ng Lahi (Racism) at Diskriminasyon noon hanggang ngayon?
Rudyard Kipling
- Siya ay isang British na sumulat ng akdang White Man’s Burden na kung saan ay sinabi niyang tungkulin ng mga Kanluranin na turuan at tulungan ang ibang lahi na umunlad sa kanilang pamumuhay.
“Mabuti ang layunin, ngunit mali ang pamamaraan.” Ito ay isa sa masasabing paglalarawan sa ginawang pananakop ng mga Kanluranin. Marami silang naging mabuting dulot sa mga katutubo ng lupaing kanilang sinakop ngunit bago ito ay libu-libong buhay ang naging kapalit. Kasabay ng mga pag-unlad na naiambag nila sa mga nasakop na teritoryo ay ang pagpatay o pagparusa sa mga hindi sumunod sa kanilang mga patakaran.
William McKinley
- Ika-25 Pangulo ng Amerika (1897-1901). Ipinahayag niya sa paniniwalang Amerikano naManifest Destiny, na binigyan ng Diyos ang Amerika ng karapatan upang magpalawak ng teritoryo at gabayan ang mga lupaing nasakop nito. Ang Pilipinas naging teritoryo ng Amerika noong mga taong 1899 hanggang 1946.
Sa kasaysayan ay napakaraming mga kaganapan sa daigdig ang nagpatunay ng mataas na pagtingin ng tao sa kanyang kapwa. Hanggang sa kasalukuyan ay masasabing maraming tao ang nabulag sa kapangyarihan, katanyagan, kalakasan at kayamanan na nagdulot ng diskriminasyon, pang-aalipin at iba pang masaklap na bahagi ng buhay ng tao.
Kahulugan at Katuturan ng Nasyonalismo
Ang Nasyonalismo ay may kahulugang isang damdamin ng pagiging tapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba, pinapatunayan ng pagiging tapat at mapagmahal sa bansa ang pagsasakripisyo pati ng buhay para rito. Nagpapatunay ito na ang mga bansa ay may ibat-ibang pamamaraan kung paano ipinapadama ang pagiging makabayan.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union
Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) kaya tinawag siyang Vladimir the Saint. Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Pagkatapos ng pananakop na ito, ang Russia ay napailalim sa mga czar. Ang uri ng pamahalaan ng Russia sa panahong ito ay monarkiya na pinamumunuan ng isang hari na tinatawag na czar. Kontrolado ng mga maharlika at pulisya ang lahat ng industriya. Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar. Dahil sa mga pang-aabuso ng czar at ng pamahalaan, pinasimulan ang October Revolution kung saan nagkaisa ang mga tao na pabagsakin ang pamahalaan at ag pamumuno ng czar. Nagapi ang czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista na pinamunuan ni Vladimir Lenin.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog Amerika
Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming mga Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at Katoliko Romano ang pananampalataya. Nagkabuklodbuklod sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol, katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal.
Simon Bolivar at Jose de San Martin
Si Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang Timog Amerika laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain. Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang bartolina ng mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika. Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging pangulo si Jose de San Martin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo sa Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa
Hinangad at nagkaroon ng matagumpay na kolonisasyon ang mga bansang Europeo sa Africa. Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya upang mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa pamamahala ni Reyna Sheba. Itinatag ang ikalawa noong 1810 sa tulong ng Estado Unidos habang naging kasapi ng Commonwealth of Nations ang ikatlo noong 1910.
PAGNINILAY
Napakalawak ng mga naging epekto ng Kolonisasyon at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa ibat ibang lupain sa daigdig. Masasabi nating ang mga epektong ito ay naging bahagi na ng pamumuhay, kasaysayan at kultura ng mga katutubo ng mga lupaing nasakop. Mga mabuti at masamang epekto na nagpabago sa maramingbahagi ng nakaraan at kasalukuyan. Mga epektong nagsilbing gabay ng tao sa patuloy na pakikipagsapalaran sa kinabukasan.
GAWAIN
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ikomento sa baba ang iyong sagot. Ilagay din sa notebook ang iyong sagot.
1. Ano-ano nga ba ang layunin ng mga Kanluranin sa pananakop?
2. Gaano kalawak ang naging pananakop ng mga Kanluranin sa daigdig?
3. Ano-ano nga ba ang naging epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa ibat ibang lupain sa daigdig?
4. Tulad ng pag-usbong ng nasyonalismo mula sa ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo, paano mo naman ipapakita ang pagiging makabansa mo sa iyong lipunan?
REFERENCE
Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
LAOAN
ReplyDeleteJerome A. Napoles
Delete8-laoan
1.Upang makahanap ng hilaw nasangkap o spices
2.Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin
3.maraming mabuti at masamang epekto sa ibat ibang aspeto ng kasaysayan at kultura sa ibat ibang lupain sa daigdig.
4.bibili ako ng sariling atin Hindi ako mang huhusga basi sa kulay
Niña H. Ocenar
Delete8- Laoan
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2. Ang teritoryo ng United Kingdom ang may pinaka maraming nasakop. Kabilang na rito ang bansang Timog Africa, Silangan Africa, Australia, India at Canada
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
John MichaelL. Ofanda
Delete8-laoan
1.Upang makahanap ng hilaw nasangkap o spices
2.pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya
3.maraming mabuti at masamang epekto sa ibat ibang aspeto ng kasaysayan at kultura sa ibat ibang lupain sa daigdig.
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
christof jemuel L.Gutierrez
Delete8-laoan
1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan.
Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilanv mabenta at magamit sa pangangalakal.
2.pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakopin ang mga ibat ibang Dinastiyang gusto ni lang sakupin up ang hindi ma tuloy ito sa patatag ng dinastiya nila
4.tutulong ako sa mga gawaing panlipunan tulad ng paglilinis ng kalikasan
Charls John B Criste
Delete8-Laoan
1.Pagpapalawak ng teritoryo/ Nasasakupan.Relihiyon,layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, tulad ng mga pampalasa na maaari nilang mabenta upang magamit sa pangangalakal.
2.Pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa Asya.
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakop ng mga ibat ibang Dinastiyang gusto nilang sakupin upang hindi matuloy sa patatag ng dinastiya nila.
4.Pag respeto at pagpapahalaga sa inang bayan,huwag abusuhin Ang paggamit Ng kalikasan bagkus makiisa sa proyektong magpapanatili Ng kaayusan at pang kalikasan.
Micaella C. Obido
DeleteLaoan
1.paghahanap ng hilaw na sangkap at pagpapalaganap ng kanilang relihiyong kristiyanismo
2.malaki ang nasakop nila sa bansang africa
3.ang epekto nito ay bagong uri ng pamumuhay at relihiyon kasaysayan at kultura
4.papangalagaan at pagiging mabuting mamayanan na rumerespeto bawat relihiyon o paniniwala
Sidney james B.Nogales
Delete8-laoan
MABOLO
ReplyDeleteJanus Andrei F. Indelible
Delete8_mabolo
Dignidad week 8 Q3
Gawain
1.Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang paghahanap ng mga hilaw na sangkap, pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at pagpapalakas ng puwersa.
2.Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa africa ang nasakop ng mga kanluranin. Maliit na bahagi lamang ng kontinente ng timog amerika ang nasakop ng kanluranin.
3. ang mga naging epektong nito ay naging bahagi na ng pamumuhay, kasaysayan at kultura ng mga katutubo ng mga lupaing nasakop.
4.maipapakta ko ito sa pamamagitan ng paggalang at pagsunod ko sa aking bansa.
Kiian Josh G. Jackson
DeleteG8 Mabolo
DIGNIDAD
Q3 WEEK 8
1. LAYUNIN NG MGA KANLURANIN SA KANILANG
PANANAKOP:
1.1 Paghahanap ng mga hilaw na sangkap
1.2 Pagpapalakas ng puwersa
1.3 Pagpalalaganap ng Relihiyong
Kristiyanismo
2. Lawak ng naging pananakop ng Kanluranin sa daigdig:
- halos lupain, teritoryo, bansa sa Africa ang nasakop
- malaking bahagi ng Hilagang Asya
- Pilipinas asa ilalom ng kapangyarihan ng Amerila ( Ikalawang Yugto)
- Ikalawang Yugto, maliit na bahagi ng kontinente ng Timog Amerika.
3. EPEKTO NG PANANAKOP NGGA KANLURANIB SA IBAT IBANG LUPAIN SA DAIGDIG:
3.1 Paglaganap ng Relihiyong
Kristiyanismo
3.2 Kalakalan ng mga Alipin
3.3 Paghahalo ng mga Kultura
4. Bilang mamayan may mga tungkulin at responsibilidad tayong dapat gampanan, karapatan na dapat matamasa, batas na dapat sundin at higit sa lahat ibigay ang pagmamahal at paggalang na buong buo sa ating bansa.
Jewel Crizelle R. Javier
Delete8-Mabolo
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2. Ang teritoryo ng United Kingdom ang may pinaka maraming nasakop. Kabilang na rito ang bansang Timog Africa, Silangan Africa, Australia, India at Canada
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
Akon Allen D. Hulleza
Delete8-Mabolo
AP WEEK 8
1. Upang makahanap ng mga hilaw na sangkap, pagpapalakas ng hukbo, at pagpapalawak ng Kristiyanismo.
2. Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin.
3. Nakilala ang mga bansa nilang natuklasan nagkaroon ng kalakalan, mix cultura atb.
4. Sa pamamagitan ng pagbuwis ng buhay para sa bansa, pagsunod sa mga batas ng bansa, pagprotekta sa ating bansa at iba pa.
Alexza Gweneth R. Jacob
Delete8-Mabolo
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2. Ang teritoryo ng United Kingdom ang may pinaka maraming nasakop. Kabilang na rito ang bansang Timog Africa, Silangan Africa, Australia, India at Canada
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
Franchesca P. Ibayan
Delete8_mabolo
Quarter 3 Week 8
1.Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang paghahanap ng mga hilaw na sangkap, pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at pagpapalakas ng puwersa.
2. Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin.
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Bilang mamayan may mga tungkulin at responsibilidad tayong dapat gampanan, karapatan na dapat matamasa, batas na dapat sundin at higit sa lahat ibigay ang pagmamahal at paggalang na buong buo sa ating bansa.
Johnmhil R. Ibana
Delete8-Mabolo
1.Ang pag papalaganap ng kristiyanismo.
2.Pinakamarami ang nasakop na mga bansa ay sa kontinente ng africa.
3.Naapektuhan dito ang kanilang pamumuhay at trabaho.
4.Bilang mamamayan ay meron tayong dapat gampanan sa anumang gagawin at pag dedesisyunan sa bawat araw katulad ng pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.
Sidney james B. Nogales
Delete8-Laoan
1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan,Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilang mabenta at magamit sa pangangalakal.
2.pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya.
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakopin ang mga ibat ibang Dinastiyang gusto ni lang sakupin up ang hindi ma tuloy ito sa patatag ng dinastiya Nila.
4.irerespeto ko at papahalagahan.
MAHOGANY
ReplyDeleteJuan Mateo V. Guban
Delete8-Mahogany
Gawain
1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan.
Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilanv mabenta at magamit sa pangangalakal.
2.pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakopin ang mga ibat ibang Dinastiyang gusto ni lang sakupin up ang hindi ma tuloy ito sa patatag ng dinastiya nila
4.tutulong ako sa mga gawaing panlipunan tulad ng paglilinis ng kalikasan
Ace Joseph S. Gianan
Delete8-mahogany
GAWAIN
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2. Ang teritoryo ng United Kingdom ang may pinaka maraming nasakop. Kabilang na rito ang bansang Timog Africa, Silangan Africa, Australia, India at Canada
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
Maribel B. Henson.
Delete8-Mahogany
1.Ang kanilang layunin na palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo at maghanap ng mga hilaw na sangkap ay higit pang nadagdagan ng mas mapagnasang mga hangarin para sa ikauunlad ng kanilang bansa.
2.Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin.
3.Nagkaroon ng iba't-ibang relihiyon at naiba ang mga pamumuhay at nakasanayan ng mga ito.
4.Mahalin at sumuporta sa sariling atin.
NATHALIE FORTIS MAMINTA
Delete8-MAHOGANY
Week8
GAWAIN:
1.Ano-ano nga ba ang layunin ng mga Kanluranin sa pananakop?
Sagot:paghahanap ng mga hilaw na sangkap,pag papalakas ng pwersa,Pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo
2.Gaano kalawak ang naging pananakop ng mga Kanluranin sa daigdig?
Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop.
3.Ano-ano nga ba ang naging epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa ibat ibang lupain sa daigdig?
Napakalawak ng mga naging epekto ng Kolonisasyon at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa ibat ibang lupain sa daigdig. Masasabi nating ang mga epektong ito ay naging bahagi na ng pamumuhay, kasaysayan at kultura ng mga katutubo ng mga lupaing nasakop. Mga mabuti at masamang epekto na nagpabago sa maramingbahagi ng nakaraan at kasalukuyan. Mga epektong nagsilbing gabay ng tao sa patuloy na pakikipagsapalaran sa kinabukasan.
4.Tulad ng pag-usbong ng nasyonalismo mula sa ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo, paano mo naman ipapakita ang pagiging makabansa mo sa iyong lipunan?
Sa pamamagitan ng pagiging makabayan at pagmamahal sa bayan bilang mamamayan.
Gawain
Delete1.Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap.
2.May pinakamaraming teritoryo na nasakop ang United Kingdom. Kabilang dito ang ilang mga bansa sa Timog Africa at Silangan Africa, Australia, India at Canada.
3.Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop.
4.Iiwasan kong maging suliranin dito at akin itong rerespetuhin at papahalagahan.
Sydney Jgivhen Glee
Delete8-Mahogany
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap.
2.Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop.
3.Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at pahahalagahan
PILI
ReplyDeleteTricia May P Soria
Delete8-pili
Week 8
Gawain
1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan.
Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilanv mabenta at magamit sa pangangalakal.
2.Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop.
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4.tutulong ako sa mga gawaing panlipunan tulad ng paglilinis ng kalikasan
Alden Mike T.Torne
Delete8-Pili
1.Pagpapalawak ng teritoryo/ Nasasakupan.Relihiyon,layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, tulad ng mga pampalasa na maaari nilang mabenta upang magamit sa pangangalakal.
2.Pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa Asya.
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakop ng mga ibat ibang Dinastiyang gusto nilang sakupin upang hindi matuloy sa patatag ng dinastiya nila.
4.Pag respeto at pagpapahalaga sa inang bayan,huwag abusuhin Ang paggamit Ng kalikasan bagkus makiisa sa proyektong magpapanatili Ng kaayusan at pang kalikasan.
Aishelle mae c seballos
Delete8-pili
Gawain:
1.Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop. Ang una nilang layunin na palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo at maghanap ng mga hilaw na sangkap ay higit pang nadagdagan ng mas mapagnasang mga hangarin para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Mula sa mga unang nakilalang Spain at Portugal na naging tanyag sa mga paglalayag, naging kabilang din sa mga Kanluraning mananakop ang mga bansang Netherlands, France, Britain, Amerika at iba pa. Ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay nagsimula bago ang ika-19 na siglo.
2.Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop.
3.Maraming nag bago lalo na ang mga nakasanayan nila na hindi nila na magagawa at marami pang mga nag bago hindi lamang sa mga gawi nila.
4.Gagamitin ko ang sariling atin at hindu ako mag huhusaga kung ano man ang kulay nila sapagkat, kung ano man ang kulay mi ay yan ay isangnkulay ng pagiging pilipino.
Ma Victoria P Sarmiento
Delete8-PILI
Gawain:
1.Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na nilang nasasakop. Ang una nilang layunin na palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo at maghanap ng mga hilaw na sangkap ay higit pang nadagdagan ng mas mapagnasang mga hangarin para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Mula sa mga unang nakilalang Spain at Portugal na naging tanyag sa mga paglalayag, naging kabilang din sa mga Kanluraning mananakop ang mga bansang Netherlands, France, Britain, Amerika at iba pa. Ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay nagsimula bago ang ika-19 na siglo.
2.Na mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop.
3.Maraming nag bago lalo na ang mga nakasanayan nila na hindi nila na magagawa at marami pang mga nag bago hindi lamang sa mga gawi nila.
4.Aking gagamitin ko ang sariling atin at hindi ko mag huhusaga kung ano man ang kulay nila sapagkat, kung ano man ang kulay mi ay yan ay isang kulay ng pagiging Pilipino.
Amiel John B. Torrecampo
Delete8-PILI
1. Ang una nilang layunin na palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo at maghanap ng mga hilaw na sangkap ay higit pang nadagdagan ng mas mapagnasang mga hangarin para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Mula sa mga unang nakilalang Spain at Portugal na naging tanyag sa mga paglalayag, naging kabilang din sa mga Kanluraning mananakop ang mga bansang Netherlands, France, Britain, Amerika at iba pa ang mga Kanluraning mananakop ang mga bansang Netherlands, France, Britain, Amerika at In the ika-19th century, ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay nagsimula.
2.Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa africa ang nasakop ng mga kanluranin. Maliit na bahagi lamang ng kontinente ng timog amerika ang nasakop ng kanluranin.
3. ang mga naging epektong nito ay naging bahagi na ng pamumuhay, kasaysayan at kultura ng mga katutubo ng mga lupaing nasakop.
4.maipapakta ko po ito sa pamamagitan ng paggalang at pagsunod ko sa mga patakaran at alituntunin sa ating bansa. Uumpisahan ko po iti sa pagsunod sa tahanan at sa paaralan.
TALISAY
ReplyDeleteJOHN ANGELO M. LAURENTE
DeleteGRADE:8 TALISAY
1.sinakop po nila ang asya dahil sa paniniwalang merkantilismo,nag tatag ang mga bansang kanluranin ng kolonya sa asya para may mapagkukunan ng hilaw na sangkap o materyales. dahil ito mayaman at makapangyarihan ang bansa kung may kolonya ng mapagkukunan sa ginto at pilak
2.LUPAIN O MGA TERITORYO NA NASAKOP.
3.MGA NAGING EPEKTO HUMINA ANG BAHAGI ANG PAMUMUHAY NG MGA TAO AT HINDI MAGANDA ANG MGA KALAGAYAN
4:PAGGALANG O PAGSUNOD SA AKING BANSA PAG PAPAKITA NG PAGMAMAHAL SA KAPWA
Kristelle Gale S. Lu
Delete8-Talisay
DIGNIDAD Q3-W8
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2. Ang teritoryo ng United Kingdom ang may pinaka maraming nasakop. Kabilang na rito ang bansang Timog Africa, Silangan Africa, Australia, India at Canada
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan.
Sofia A. Dayang
Delete8-Talisay
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2. Ang teritoryo ng United Kingdom ang may pinaka maraming nasakop. Kabilang na rito ang bansang Timog Africa, Silangan Africa, Australia, India at Canada
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
Chariz Anne Torres
Delete8-Talisay
1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan.
Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilanv mabenta at magamit sa pangangalakal.
2.pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakopin ang mga ibat ibang Dinastiyang gusto ni lang sakupin up ang hindi ma tuloy ito sa patatag ng dinastiya nila
4.tutulong ako sa mga gawaing panlipunan tulad ng paglilinis ng kalikasan
Mheludy Laureta
Delete8- talisay
1. Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan.
2. Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
3. Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilanv mabenta at magamit sa pangangalakal
4. Irerespeto ko ito at papahalagahan
Jaymar legaspi
Delete8-talisay
1. Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo at paghahanap ng mga hilaw na sangkap
2.pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya
3. Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop
4. Sa pamamagitan ng pagbuwis ng buhay para sa bansa, pagsunod sa mga batas ng bansa, pagprotekta sa ating bansa at iba pa.
YAKAL
ReplyDeletePrecious Jewel R. De Mesa
Delete8-yakal
quarter 3 week 8
Gawain
1.Ang kanilang layunin sa pananakop ay ang paghahanap ng mga hilaw na sangkap, pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo at pagpapalakas ng puwersa.
2.Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa africa ang nasakop ng mga kanluranin. Maliit na bahagi lamang ng kontinente ng timog amerika ang nasakop ng kanluranin.
3. ang mga naging epektong nito ay naging bahagi na ng pamumuhay, kasaysayan at kultura ng mga katutubo ng mga lupaing nasakop.
4.maipapakta ko ito sa pamamagitan ng paggalang at pagsunod ko sa aking bansa.
1.Pagpapalawak ng teritoryo/ Nasasakupan.Relihiyon,layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
DeletePagkuha ng mga likas na yaman, tulad ng mga pampalasa na maaari nilang mabenta upang magamit sa pangangalakal.
2.Pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa Asya.
3.Epekto ng mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakop ng mga ibat ibang Dinastiyang gusto nilang sakupin upang hindi matuloy sa patatag ng dinastiya nila.
4.Pag respeto at pagpapahalaga sa inang bayan,huwag abusuhin Ang paggamit Ng kalikasan bagkus makiisa sa proyektong magpapanatili Ng kaayusan at pang kalikasan.
Kasheca antoneth v.pabanil
ReplyDelete1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan.
Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
Pagkuha ng mga likas na yaman, katulad ng mga pampalasa na maari nilanv mabenta at magamit sa pangangalakal.
2.Pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa Asya.
3.Naapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at ang mga nakasanayan bago ang pananakop.
4.Pag respeto at pagpapahalaga sa inang bayan,huwag abusuhin Ang paggamit Ng kalikasan bagkus makiisa sa proyektong magpapanatili Ng kaayusan at pang kalikasan.
BRIAN LASIBAL
ReplyDelete8-TALISAY
GAWAIN:
1.#Paghahanap ng mga Hilaw na sangkap
#Paglaganap ng relihiyong Kristiyanismo
#Kalakalan ng mga Alipin
#Paghahalo ng mga Kultura
2. Pinakamaraming lupain, teritoryo o bansa sa Africa ang nasakop ng mga Kanluranin.
- Malaking bahagi ng Hilagang Asya ay naging teritoryo o nasa impluwensya noon ng Russia.
- Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Amerika noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.
- Ang Turkey o Imperyong Ottaman ay ang pinakamakapangyarihan sa mga karatigbansa nito sa Kanlurang Asya.
- May pinakamaraming teritoryo na nasakop ang United Kingdom. Kabilang dito ang ilang mga bansa sa Timog Africa at Silangan Africa, Australia, India at Canada.
- Bagamat una sa naging makapangyarihan sa paglalayag sa karagatan ang Spain at Portugal, maliit na lamang ang naging teritoryong sakop nito noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo.
- Sa Ikalawang Yugto ng Imperiyalismo, maliit na bahagi na lamang ng kontinente ng Timog Amerika ang nasasakop ng mga Kanluranin.
3.. Masasabi nating ang mga epektong ito ay naging bahagi na ng pamumuhay, kasaysayan at kultura ng mga katutubo ng mga lupaing nasakop. Mga mabuti at masamang epekto na nagpabago sa maramingbahagi ng nakaraan at kasalukuyan. Mga epektong nagsilbing gabay ng tao sa patuloy na pakikipagsapalaran sa kinabukasan.
4.PARA SAKIN AY TANGKILIKIN NATIN ANG ATING PRUDUKTO,YAKAPIN NATIN ANG ATING KULTURA,AT IPAGMALAKI NATIN NA TAYO AY PILIPINO.
Matthew Lhay S.Dacal-Dacal
ReplyDelete8-Yakal
Gawain:
1.Ang mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na nilang nasasakop. Ang una nilang layunin na palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo at maghanap ng mga hilaw na sangkap ay higit pang nadagdagan ng mas mapagnasang mga hangarin para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Mula sa mga unang nakilalang Spain at Portugal na naging tanyag sa mga paglalayag, naging kabilang din sa mga Kanluraning mananakop ang mga bansang Netherlands, France, Britain, Amerika at iba pa. Ang ikalawang yugto ng imperyalismo ay nagsimula bago ang ika-19 na siglo.
2.Na mas malawak na kaalaman ng mga Europeo sa paglalayag sa karagatan ay nagbunsod ng mas maraming lupain na kanilang nasasakop.
3.Maraming nag bago lalo na ang mga nakasanayan nila na hindi nila na magagawa at marami pang mga nag bago hindi lamang sa mga gawi nila.
4.Aking gagamitin ko ang sariling atin at hindi ko mag huhusaga kung ano man ang kulay nila sapagkat, kung ano man ang kulay mi ay yan ay isang kulay ng pagiging Pilipino.
Xymon Gabriel J Payawal
ReplyDelete8-yakal
Gawain:
1.Pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan. 2. Relihiyon, layunin ng mga europeo na palaganapin ang kristiyanismo sa Asya.
2.Pagkatapos masuri ang mensahe ng patalastas tungkol sa pananakop ng mga kanluranin sa asya.
3.Epekto ng mga mga mogol na nasa hilaga sa pagiging mananakopin ang mga ibat ibang dinastiyang gusto ni lang sakupin.
4.Bilang isang mag aaral maipapakita ko ang pagiging nasyonalismo ko sa pamamagitan ng pagmamahal at pagpapakita ng katapatan