AP8-Q1-WEEK4-KECPHD
PINAGMULAN NG TAO
Marami ang nagtatalo o siguro nagtatalo pa rin hanggang ngayon kung ano ba talaga ang nauna.. ang itlog? o ang Manok?
Ang manok nama'y nagsimula sa itlog, napisat/nabiyak, naging sisiw, at nung lumaki, manok na!
Ano nga kaya ang nauna?
Isang bagay parin ang marami ang tanong - bakit nga kaya iba-iba ang tao? may maputi, kayumanggi, maitim! mayroon ding pandak, katamtaman, at matangkad... minsan may higante pa ang laki sa karaniwan..
Iba iba rin ang tabas ng pangangatawan ng tao, may payat, may mataba, may singkit, bilugan, katamtaman! may matangos, at may Pango! Pango kaba?
Ang mga katangiang ito'y ipinamana sa inyo/atin ng mga magulang, lolo at lola, ninuno natin... maging sila ay ganun din... Ang tanong-Saan ba nagmula ang tao? Saan ka nagmula? Sa unggoy ba?
Alamin natin!
Sa araling ito, pag-aaralan naman natin ang Sinaunang Tao.
Nakaraan pinag-aralan natin ang Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Pantao.. Kung saan, inaral natin ang pisikal na katangian ng daigdig at mga saklaw ng heograpiyang pantao tulad ng wika, relihiyon, at pangkat-etniko.
Maliban sa mga Alamat! Dalawa ang teorya ng pinagmulan ng Tao! - Ang sa Bibliya at sa Siyensya!
BIBLIYA
Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, ang tao raw ay nilikha ng Diyos. Sa Bibliya, Mababasa sa Genesis (Creation). Ipinaliwanag dito kung paano nilikha ng Diyos ang mundo at Tao sa loob ng anim na araw. Sila Eva at Adan ang unang tao sa mundo ayon sa bibliya.
SYENSYA
Sa siyensya naman, Sinasabi ng mga siyentipiko at mga antropologo na ang tao ay lumitaw sa mundo dahil sa isang proseso ng ebolusyon. Ang prosesong ito ay katha ng isang kilalang geologist at biologist na si Charles Robert Darwin. Pinakatanyag ang teorya ni Charles Darwin na Evolution of Man. (Picture)
Ayon sa kaniya nagmula sa simpleng organismo ang tao at hindi bunga ng isang paglikha. Dahil sa proseso ng ebolusyon lumitaw ang tao, ito ay tinawag niyang Theory of Evolution o Teorya ng Ebolusyon ng Tao.
Sa kanyang teorya, ang tao raw ay nagmula sa unggoy?!? - Mukhang unggoy.
Ang pagkakasunud-sunod nito ay:
Australopithecus
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Neanderthalensis
Homo Sapiens
Sa teoryang ito, ayon kay Charles Darwin, ang lahat ng species o pangkat ng mga nabubuhay na organismo ay nalinang sa pamamagitan ng natural selection. Ang mga pahayag at pag-aaral na ito ay nakasaad sa kaniyang librong may pamagat na "On the Origin of Species" na nailimbag noong taong 1859.
Maraming tumaliwas sa pananaw na ito subalit naging batayan ito ng mga ilang siyentipikong nagdadalubhasa sa pinagmulan ng tao.
Pinagmulan ng Tao batay sa Siyentipiko at Arkeologong Tuklas
Batay sa siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng tao, ang tao daw ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes o bakulaw – malaking uri ng unggoy - (ang sinasabing pinagmulan ng tao). Mula sa specie ng Austrolapethicus hanggang sa specie ng Homo (nangangahulugang tao).
May 2.5 milyong taon na ang nakalilipas nang makitang nabuhay ang mga ninuno ng tao. Napagtagumpayan ng mga Homo na ito ang makiayon sa kanilang kapaligiran at sa panahon.
Australopethicus ito ay nagmula sa salitang Austra na nangangahulugang Timog at Pithecus na nangangahulugang Ape na kapag pinagsama ang mga salita, ito ay nangangahulugang "Southern Apes". Ang lahat ng mga labi at buto ng Southern Apes ay natagpuan sa Timog Africa.
Tatlong tanyag na Homo na natagpuan sa iba’t-ibang panig ng Daigdig
- Nangangahulugang able man o handy man
- Unang species ng hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang yari sa bato.
- Namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong taon na nakalilipas
- Lucy pinakatanyag na Austrolapethicus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974. Ito ay pinaniniwalaang ninuno ng Homo Habilis.
-Natatanging uri ng mga Homo sapagkat ito ay nakatatayo ng tuwid o taong nakatindig.
-Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo.
-May kakayahang gumawa ng mga kagamitan gaya ng Homo Habilis.
-Unang hominid na namuhay sa lipunan ng mga mangangaso.
-Nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang nakakaraan
-Uri ng Homo na nangangahulugang matalino, nakapangangatwiran at modernong tao. ·
-Ito ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao.
-Ang mga tao sa henerasyong ito ay kabilang at tinatawag na Homo Sapiens
-Isang halimbawa ng homo na ito ay ang Cro-Magnon.
Nang simulan ng mga unang tao na gumawa ng mga kagamitan na yari sa bato ay nagsimula na rin ang panahon na tinawag ng mga arkeologo na panahon ng bato. Hinati ito sa tatlong panahon:
Paleolitiko- Panahon ng Matandang Bato
Paleos: matanda
Lithos: bato
Mesolitiko - Gitnang Panahon ng Bato
Meso: gitna
Lithos: bato
Neolitiko - Panahon ng Bagong Bato
Neo: bago
Lithos: bato
Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.
PANAHONG PALEOLITIKO (2 500 000 – 10 000 B.C.E)
Ito ay tinatawag ding ―Panahon ng Lumang Bato o Old Stone Age‖. Ito ay nanggaling sa dalawang salita na Paleos (matanda) at Lithos (bato). Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga hominid. Laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat sa panahong ito. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Sinasabi na ang mga tao sa panahong ito ay tinatawag na Nomadic o nomadiko - walang permanenteng tirahan.
Ayon sa mga dalubhasa sa paksang ito, ang Panahong Paleolitiko ay nahati sa tatlong bahagi: Lower, Middle, at Upper Paleolithic.
A. Lower Paleolithic Period
-Ayon sa pag-aaral, ito ang panahong nagbabago ang anyo ng mga tao at ang pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.
-Nakilala ang mga Homo Habilis sa bahaging ito sapagkat dito nila natutuhang gumawa ng mga kasangkapang yari sa bato. Nagwakas ang bahaging ito dakong 120 000 taon na ang nakararaan.
B. Middle Paleolithic Period
-Ito ang bahagi nang paglitaw ng makabagong tao 100 000 taon na ang nakalilipas. Sa
panahong ito umusbong ang pagiging artistiko at abilidad ng mga tao dahil sa pagguhit sa mga bato at pagpipinta sa kanilang mga katawan. Sinasabing dito nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi.
C. Upper Paleolithic Period
Umusbong dakong 40 000 – 8 500 taon ang nakararaan. Nabuo sa bahaging ito ang kultura ng mga tao. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak. Sa panahong ito lumitaw ang mga Cro-Magnon at napalitan ang mga Neanderthal. Nagkaroon din ng pagbabago sa mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12 000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang simula ng Panahong Neolitiko
PANAHONG NEOLITIKO (10 000 – 4 000 B.C.E)
Ito ang huling bahagi ng Panahong Bato. Kilala ito sa tawag na Panahon ng Bagong Bato o New Stone Age. Nagmula sa mga katagang Griyego na Neo at lithos na ang ibig sabihin ay bagong bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagpapabago sa kabuhayan ng tao ay umabot sa mataas nitong antas. Ang mga pagbabagong ito ay bunsod ng pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya. Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi. Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.
Pinaunlad sa panahong ito ang sektor ng agrikultura gamit ang makabagong makinarya. Natuto din ang mga tao na magpaamo ng mga hayop. Naging mas bihasa sila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa bato.
Maging ang kanilang mga tahanan ay mas malaki at pulido gamit ang mga materyales na tulad ng graba, semento at buhangin na hindi pa nauso ng panahong paleolitiko. Natuto na rin ang mga taong tumira at manahanan sa isang pamayanan. Hinihinuha na dito na rin nabuo ang konsepto ng pamilya at tahanan.
Catal Huyuk – isa itong pamayanang Neolitiko na matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon). Ito ay isang pamayanang sakahan.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. At dito nag-umpisa ang Panahon ng Metal. Naganap ito dakong 4 000 B.C.E.
PANAHONG METAL (4 000 B.C.E - Kasalukuyan)
Ito ang panahon makalipas ang panahon ng bagong bato. Natutunan ng mga tao sa panahong ito ang paggamit ng metal upang lumikha ng mga kasangkapang magagamit nila sa kanilang paghahanap-buhay tulad ng kutsilyo, sibat, pana, itak, at espada. Dito nakilala ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga patalim.
A. Panahon ng Tanso
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2 000 B.C.E. sa Europe at 1 500 B.C.E. naman sa Egypt. Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
B. Panahon ng Bronse
Ang panahong ito ay nagpakilala sa bronse bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitang pansaka. Natuklasan ng mga tao na ang bronse ay mas matibay kaysa tanso sapagkat ito ay pinaghalong tanso at lata. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.
C. Panahon ng Bakal
Ang panahong ito ay isang yugto ng kaunlaran ng sinaunang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya dakong 1 500 B.C.E. Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian.
Tandaan!
Maraming paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ilan sa mga paliwanag na ito ay ang paniniwalang panrelihiyon (Teoryang Paglalang) at ang paliwanag mula sa siyensya (Teoryang Ebolusyon).
Ayon sa siyentipikong pag-aaral, ang tao ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes o bakulaw – malaking uri ng unggoy - (ang sinasabing pinagmulan ng tao).
Ang tatlong tanyag na Homo na natagpuan sa iba’t ibang panig ng Daigdig
1. Homo Habilis - Nangangahulugang able man o handy man. Isang hominid na marunong gumawa ng mga kagamitang yari sa bato.
2. Homo Erectus - uri ng mga Homo na nakatatayo ng tuwid o taong nakatindig. Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo; at
3. Homo Sapiens - isang Homo na nangangahulugang matalino, nakapangangatwiran at modernong tao. Ang mga tao sa henerasyong ito ay kabilang at tinatawag na Homo Sapiens.
Ang mga Homo na ito ay nabuhay sa iba’t ibang yugto. Ang mga yugtong ito ay tinatawag na:
A. Panahong Paleolitiko o Lumang Bato
B. Panahong Neolitiko o Bagong Bato; at
C. Panahong Metal
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa SET B ang tinutukoy ng SET A. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno. Isend sa inyong guro.
SET A
1. Nangangahulugang tao
2. Sumulat ng On the Origin of Species
3. Nangangahulugang able man o handyman
4. Pinakatanyag na Austrolapethicus Afarensis
5. Ang tao ay lumitaw dahil nilikha ng Diyos
6. Tawag sa walang permanenteng tirahan
7. Tinatawag na upright man dahil sa tuwid ito kung tumayo
8. Isang halimbawa ng Homo Sapiens
9. Sila ang nakatuklas ng bakal
10.Naganap sa panahong ito ang sistematikong pagtatanim
SET B
a. Hettites
b. Nomadiko
c. Charles Robert Darwin
d. Cro-Magnon
e. Austrolapethicus
f. Lucy
g. Homo
h. Teoryang Ebolusyon
i. Teoryang Paglalang
j. Homo Erectus
k. Homo Sapiens
l. Homo Habilis
m. Panahong Paleolitiko
n. Panahong Neoltiko
o. Panahong Metal
Gawain 2
Panuto: Ngayong natapos mo ang araling ito, dugtungan mo naman ang mga sumusunod na Open-ended Statement base sa iyong nalaman at naunawaan sa araling ito. Ikomento ang iyong sagot sa comment section sa ibabang bahagi nito.
Nalaman ko __________________________________________________________.
Naunawaan ko _______________________________________________________.
Gagawin ko __________________________________________________________.
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isend ang sagot sa iyong guro.
1. Sa anong yugto sa Panahong Paleolitiko nagsimulang lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan?
A. Prehistoric Period C. Middle Paleolithic Period
B. Lower Paleolithic Period D. Upper Paleolithic Period
2. Isa itong Homo Species na nanganghulugang able man o handy man, sila ang unang hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato.
A. Homo Erectus C. Homo Sapiens
B. Homo Habilis D. Homo Neanderthal
3. Sa panahon ng Upper Paleolithic ang mga taong Neanderthal ay nawala at napalitan ng mga taong Cro – Magnon. Ang mga Cro – Magnon ay kakaiba sa mga sinaunang tao dahil sa:
A. gumagamit ng apoy
B. bumuo ng isang sistema ng irigasyon
C. nakikipagkalakalan sila sa malayong pook
D. gumagamit sila ng mga kasangkapang yari sa bronse
4. Alin sa mga sumusunod ang pag-unlad na naranasan sa panahon ng Middle Paleotic Period?
A. paggamit ng apoy
B. paggamit ng magaspang na kagamitan
C. nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso
D. umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan
5. Ang mga Homo Sapiens ay nangunguna sa lahat ng sinaunang tao sa karunungan. Ito ay nagpapatunay na:
A. higit na marami silang kagamitan kaysa sa ibang sinaunang tao
B. pagala–gala sila sa paghahanap ng makakain
C. hindi sila nakakasulat ng anumang bagay
D. umasa sila sa kalikasan upang mabuhay
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng MALING impormasyon tungkol sa yugto ng pag-unlad sa pamumuhay ng tao?
A. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
B. Dumami ang maaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
C.Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Paleolitiko.
D. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.
Reference:
Kasaysayan ng Daigidg. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education. Vibal Group, Inc. Philippines.
Bustamante (2014). Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadeth Publishing House Corporation. Philippines
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9Du3GIotf2ZMAWwZXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=evolution+of+man&fr2=piv-web&fr=mcafee
BAKAWAN
ReplyDeleteNalaman ko na paano sila nagembento ng metal, pano sila mangangaso at pano sila kumakain. Naunawaan ko na may sinaunang diary of spice sila ay mga homo sapiens. Gagawin ko na ipapaalala ko ko sa ibang tao na kumpaano sila namumuhay na walang tirahan.
DeleteTRISHA MAE DAYOLA 8-BAKAWAN
DeleteGAWAIN 2
NALAMAN KO AY ANG SAANG URI TAYO NAGMULA AT KUNG PAANO UMUNLAD ANG KULTURA.
NAUNAWAAN KO NA ANG PAGIGING MAPARAAN AY UUNLAD ANG KAKALABASAN.
GAGAWIN KO AY GUMAWA NG PARAAN SA ANO MANG BAGAY.
Ben Jared S. Urquia
DeleteGawain 2
Nalaman ko ang mga sinaunang tao pala ay malayong malayo kaysa sa mga tao ngayon
Naunawaan ko ang mga pinagdaanan ng sinaunang tao noon
Gagawin ko ay mag tiyaga at masipag upang umunlad gaya nang mga sinaunang tao
Lindsay N.Clariño
DeleteGawain 2
Nalaman ko na mas mahirap ang pamumuhay nila noon kaysa ngayon.
Naunawaan ko anv pamumuhay na mayroon sila noon.
Gagawin ko ay magaaral akong mabuti upang ako'y di mahirapan.
Moises Isaac G. Cuello
Delete8-Bakawan
NALAMAN KO na ang sinaunang tao ay nagsasaad ng dalawang paniniwala
NAUNAWAAN KO na mayroong limang uri ng mga sinaunang tao
GAGAWIN KO ay ibabahagi ko ang mga ginawang mga kagamitan ng mga sinaunang tao
BANGKAL
ReplyDelete1.Nalaman ko kung paano ang pamumuhay ng mga sinaunang tao.
Delete2.Naunawaan ko ang pagkakaiba ng Panahong Paleolitiko,Panahong Neolitiko, at Panahon ng Mesolitiko
3.Gagawin ko ay ibabahagi ko sa iba ang aking napag-aralan.
Justine Redoblado
Delete8-Bangkal
Gawain#2
Nalaman ko na ang tao ay may dalawang paniniwala ng pinagmulan ang paniniwalang pangrelihiyon at ang paliwanag ng siyensya
Naunawaan ko ang mga yugto ng pag unlad ng kultura ng mga sinunang tao ang mga panahong iyon ay ang panahon ng paleolitiko,panahon ng Neolitiko,at ang panahon ng metal
Gagawin ko ibabahagi ko ang kaalaman kong ito sa aking mga kaibigan at kapatid,at pag-aaralan ko pa ito ng mabuti
Stephanue B. PAULITE
Delete8-BANGKAL
NALAMAN KO NA kung paano sila namumuhay panahong iyon at nalaman ko kung paano sila umangat o umunlad nalaman ko rin na may ibat ibang paniniwala ang mga tao.
naunawaan ko ang kanilang pamumuhay kahit na mahirap kayang malagpasan, at nakagawa pa sila ng paraan para umunlad.
gagawin ko ang kaya kong maibahagi sa iba para magkaroon sila ng kaalaman, magkaroon sila
ng influence sa buhay
Ashley f. Rañeses
Delete8-bangkal
1.Nalaman ko na ganon pala mamuhay nung panahon na iyon at di ako makapaniwala dahil nalaman ko kung pano sila umangat
2.Nalaman ko kung ano pinag kaiba ng panahong Paleolitiko,Panahong Neolitiko, at Panahon ng Mesolitiko
3.ibabahagi ko ang mga natutunan ko sa family ko para malaman din nila kung dinila alam
KALANTAS
ReplyDeleteIrish A. Implica
Delete8-kalantas
Nalaman ko kung paano umunlad ang ating mga ninuno at kung paano sila mag-isil
Naunawaan ko ang pagkakaiba ng panahong paleolitiko,panahong neolitiko,at panahong metal naunawaan ko rin kung ano ang tawag sa mga sinaunang bato
Maaari ko itong ibahagi sa iba upang malaman rin nila kung paano umunlad ang mga sinaunang tao.
Ronnabele E. Homeres
Delete8-kalantas
Nalaman ko ang pinagmulan ng mga sinaunag tao at pag-iimbento ng mga bagay at iba pa at kung paano sila mamuhay.
Naunawaan ko kung paano mamuhay at pag-kakaiba ng panahon ng metal,panahon ng neolitiko at iba pa.
Gaga win ko ipapamahagi ko pa ang nalalaman ko sa iba pang bata.
Aldrich Khildz L. Elevazo
Delete8 - Kalantas
Gawain 1:
1.B
2.C
3.L
4.I
5.A
6.D
7.K
8.N
9.O
10.F
Gawain 2:
Nalaman ko ang mga Ebulosyon ng Tao.
Naunawaan ko ang mga lahat ng Aralin.
Gawin ko ang lahat ng Gawain sa Araling Panlipunan.
Gawain 3:
1.B
2.A
3.C
4.B
5.D
6.C
7.A
8.B
9.C
10.D
KAMAGONG
ReplyDelete1.Nalaman ko na si Lucy ang pinakatanyag na Austrolapethicus afarensis.
Delete2.Naunawaan ko kung na ang "On the Origin of Species" na isinulat ni Charles Darwin ay isa ring paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao.
3.Gagawin ko ay aralin ko pa ito ng mabuti upang maintindihan ko pa ito.
Juri Andrei V. Peregrin
DeleteVIII-KAMAGONG
GAWAIN #2
1.Nalaman ko na may dalawang uri ang teyorya ang dalawang uri nito ay ang Teyoryang Pambibliya at Teoryang Pamsiyensya
2.Naunawaan ko na ang ibig sabihin ng AUSTRIA ay south at ang PETHICUS naman ay ape kung ang ibig sabihin naman nito ay SOUTHERN APES
3.Gagawin ko itong pulot aral upang madala ko ito sa aking pag tanda at mabahagi sa iba kung sakaling may mag tatanong
Jamaica C. Ohina
Delete8-Kamagong
Nalaman ko ang tungkol sa mga sinaunang tao.
Naunawaan ko na ang panrelihiyon,senyang paniniwala.
Gagawin ko ay aaralin ng mabuti at intindihin ang iba pa.
Nalamang ko na may dalawang teorya napinagmulanng two Ang biblia at syensya
DeleteNaunawaan ko na maraming pinagmulan Ang tao
Gagawin ko masmag aaral ako tungkol dito
Edwin John P. Abugan Jr.
Delete8 - Kamagong
Gawain #2
1. Nalaman ko na sabi ng iba na galing tayo sa Syensya pero mas pinaniwalaan ko na galing tayo sa Bibliya.
2. Naunawaan ko ang mga aralin na tungkol sa pinagmulan ng tao, panahon o yugto at kung paano umunlad ang mga tao.
3. Gagawin ko pagaaralan ko pa itong mabuti at isasabuhay ko na maaari kong gamitin balang araw ang mga aralin dito.
Rafaela Cassandra M. Nacional
Delete8-kamagong
GAWAIN 2
Nalaman ko na nag mula pala sa simpleng organismo ang tao at hindi bunga ng pag likha.
Naunawaan ko kung saaan nagmula ang tao at mga panahong napagdaanan nito.
Gagawin ko ay babasahin pa at papag aralan ng maigi para di ako malito at malaman ko.
Nalaman ko na sa simpleng organismo pala ang mga tao
DeleteNaunawaan ko na ang buhay ng mga sinaunang tao noon
Gagawin ko ay aaralin kopa ang mga pinagmulan ng tao
Jade Raulyn Espinosa Mostoles
Delete8-kamagong
Gawain #2
Nalaman ko na kay Charles Darwin pala galing ang sinaunang tao
Naunawaan ko na ngayon ang sinaunang tao
Gagawin ko ay tatandaan ko ito palagi para sa susunod pang malalaman ay hindi ito mawawala sa aking isip
ANGELICA M. NAZ
DeleteGAWAIN 2:
1. NALAMAN KO KUNG SAAN ANG NGA TAO AY NAGMULA
2.NAUUNAWAAN KO KUNG ANO ANG KANILANG PAMUMUHAY NOONG UNANG PANAHON
3.GAGAWIN KO PAG-AARALAN ITO AT PAPAHALAGAN ANG LAHAT NG AKING NATUTUNAN SA ARALIN NA ITO.
Delete1. Nalaman ko na sabi ng iba na galing tayo sa Syensya pero mas pinaniwalaan ko na galing tayo sa Bibliya
2.Naunawaan ko na maraming pinagmulan Ang tao
3.Gagawin ko ay aaralin kopa ang mga pinagmulan ng tao
YAKAL
ReplyDeleteEunice Abegail Blay
DeleteGAWAIN#2
1.Nalaman ko na nagmula pala tayo sa unggoy at Hindi pala tayo nilikha ng diyos
2. Naunawaan ko na ang mga unggoy ay may ibat ibang uri ng pamumuhay
3. Gagawin ko ay mananaliksik pa ko ng iba pang
Kinalaman sa pinagmulan ng tao
Daphne Claritz L Bombuhay
Delete8-yakal
1.Nalaman ko na tayo pala ay uri ng unggoy
2.Naunawaan ko na ang pamumuhay ng ibang unggoy ay hindi madali
3.gagawin ko Gagawin ko ay maghahanap pako sa google ng iba pang nagawa ng mga unggoy sa ating kapaligiran
Leah Anycca M. Kulong
Delete8-Yakal
Gawain#2
1.Nalaman ko na mayroong dalawang uri ang pinaniniwalaan tungkol sa tao.Ang Pangrelihiyon at Sensya
2.Naunawaan ko na hindi madali ang pamumuhay nila nuon
3.Gagawin ko ay pagaaralan ito upang mas maunawaan ang tungkol sa unggoy
Aicelle P. Bayoneta
Delete8-Yakal
Gawain #2
1. Nalaman ko na ang tao ay nagmula sa proseso ng rebolusyon na tinatawag na Theory of Evolution
2 Nalaman ko na may tatlong tanyag na Homo, ito ay Homo Habilis, Homo Erectus at, Homo Sapiens.
3. Nalaman ko na ang tao din daw nabuo sa paglikha mg diyos sa tao. Ito ay tinatawag na teoryang paglalang.
Kristoff cajes
Delete8-yakal
1. G
2 C
3 I
4 F
5 I
6 M
7 J
8 D
9 I
10 N
GAWAIN 2:
1paano ang pagka sunod sunod ng teoryang ebolusyon
2 si charles robert darwin ang sumulat ng teoryang ebolusyon
GAWAIN 3:
1B
1B
3C
4A
5A
6A
Joana Khaye Medilo
ReplyDelete8-Kalumpit
GAWAIN 2
NALAMAN KO ANG KUNG PAANO UMUNLAD ANG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG TAO.
NAUNAWAAN KO KUNG PAANO SILA NAMUHAY NOONG PANAHONG IYON.
GAGAWIN KO AY MAAARI KONG IBAHAGI ANG KAALAMANG NALAMAN KO AT PATULOY NA MANGALAP TUNGKOL SA USAPING ITO.
Shainna Marey S. Miranda
ReplyDelete8-kalumpit
GAWAIN 2
Nalaman ko ang teorya ng ating pinagmulan.
Naunawaan ko ang uri ng mga sinaunang tao
Gagawin ko, ipagmalaki ito nang sa ganon ay marami ring makaalam.
NALAMAN KO ang tungkol sa teorta ng pinagmulan
ReplyDeleteNAUUNAWAN KO na ang buhay ng mga sinaunang tao ay napakahirap bagkus sila ay umunlad dahil sa kanilang pag-diskubre ng mga bagay sa daigdig
GAGAWIN KO ay pahahalagahan ko ang aking pinag aralan ng sa ganon ay maibahagi ko ito at magamit ko ito sa pagdating ng panahon
Khercelle Jane P. Marasigan
ReplyDelete8-KALUMPIT
GAWAIN#02
NALAMAN KO ang tungkol sa teorta ng pinagmulan
NAUUNAWAN KO na ang buhay ng mga sinaunang tao ay napakahirap bagkus sila ay umunlad dahil sa kanilang pag-diskubre ng mga bagay sa daigdig
GAGAWIN KO ay pahahalagahan ko ang aking pinag aralan ng sa ganon ay maibahagi ko ito at magamit ko ito sa pagdating ng panahon
Khercelle Jane P. Marasigan
ReplyDelete8-KALUMPIT
GAWAIN#02
NALAMAN KO ang tungkol sa teorta ng pinagmulan
NAUUNAWAN KO na ang buhay ng mga sinaunang tao ay napakahirap bagkus sila ay umunlad dahil sa kanilang pag-diskubre ng mga bagay sa daigdig
GAGAWIN KO ay pahahalagahan ko ang aking pinag aralan ng sa ganon ay maibahagi ko ito at magamit ko ito sa pagdating ng panahon
1.Nalaman ko na ang mga tao pala ay nagmula sa unggoy at hindi pala nilikha ng diyos
ReplyDelete2.naunawaan ko na ang mga unggoy pala may ibat ibang uri ng pamumuhay
3.gagawin ko ay man an a likes k ako ng mga iba pang ginawa ng unggoy sa kapaligiran
Rhon Jeld L. Callada
ReplyDelete8-Yakal
Gawain#2
1. Nalaman ko kung ano ang mga kagamitan ng mga sinaunang tao
2. Naunawaan ko ang tamang pagkakasunod sunod ng mga unggoy at ang mga panahon ng mga unggoy
3. Pag-aaralan kopa ang mga iba't iba pang uri ng mga unggoy at ang kanilang kagamitan noon
1.Nalaman ko na ang mga tao pala ay nagmula sa unggoy at Hindi pala silay nilikha ng diyos
ReplyDelete2.naunawaan ko na ang mga unggoy pal ay may ibat ibang uri ng pamumuhay
3.gagawin ko mananaliksik ako ng mga iba pang ginawa ng unggoy sa kapaligiran
PRINCESS O.IGNSCIO
ReplyDelete8-KALANTAS
1.)Nalaman ko :na ang mga tao ay nagmula sa bukulaw o unggoy ayon kay charles darwinna isang biologist...ang mga tao ay may ibatibang muka dahil ganun ang pinagmulan natin.at sa kanilang kultura,nakikibagay sila sa klima o panahon upang mabuhay.umunlad ang kanilang kultura dahil sa mga bagay na ginagamit nila.__________________________________________________________.
Naunawaan ko:na bukod sa panrelihiyon na paniniwala tungkol sa paglikha ng tao,naniniwala rin cla sa siyensya kung saan,sinasabing tayo ay nagmula sa bakulaw.._______________________________________________________.
Gagawin ko:tulad ng mga sinaunang tao,natuto clang makibagay at nakatuklas parin cla ng mga bagay kahit walang edukasyo kaya hindi imposibleng matuklasan ko rin kung bakit nagkaroon ng pagsabog kaya nabuo ang mga planeta at nagkaroon ng mga tao...at rerespetohin ko ang pinaniniwalaan ng mga tao kung cno o saan talaga nagmula ang tao..__________________________________________________________.
Jan Dave Lingad
ReplyDelete8-kalantas
Mga sinaunang tao at kung saan nagmula ito.
Iba-iba ang mga uri ng tao.
Irespeto lahat ng tao saan man sila nagmula.
Princess Ashley Masiglat
ReplyDelete8-kalumpit
Nalaman ko ang mga pinagmulan ng tao at panahong paleolitiko neolitiko at metal.
Naunawan ko ang lahat ng mga aralin.
Gagawin ko ay tandaan lahat ng ito at aralin.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteCyrus Pintucan
ReplyDelete8-kalumpit
Naganap sa panahong Ito ang sistematikong pagtatanim noong panahong neolitiko.
Joana V. Ajos
ReplyDelete8-kalumpit
Nalaman ko Kung saan nagmula ang mga tao
Naunawaan ko Kung paano sila mamuhay noon
Gagawin ko ay tatandaan ko ng mabuti ang mga aking napag-aralan upang maibahagi ko ito sa iba
Angelo Miguel S. Oabel
ReplyDelete8-Kalumpit
Gawain 2:
NALAMAN KO ang teoryang pinagmulan natin
NAUNAWAAN KO ang buhay ng mga sinaunang tao bagkus sila ay umunlad
GAGAWIN KO papahalagahan ko ang natutunan ko at ibabahagi sa iba ang nnatutunan ko
Edgar D. Ofilanda
ReplyDelete8-kalumpit
1.nalaman ko ang mga tao pala ay nagmula sa unggoy at Hindi pala nilikha Ng diyos.
2.naunawaan ko na ang mga unggoy pala ay may ibat ibang uri ng pamumuhay.
3.gagawin ko mananaliksik ako ng mga iba pang ginawa ng unggoy sa kapaligiran.
Strilla Prelyn Joy Vargas
ReplyDelete8/Kalantas
NALAMAN KO kung paano mabuhay ang mga sinaunang tao kung paano umunlad ang kultura etc.
NAUNAWAAN KO ang pagkakaiba at pagkakapareho nang mga panahong paleotik,panahong neolitiko at panahong metal.
GAGAWIN KONG instrumento o mga natutunan para pahalagahan ang buhay,at pahalagahan ang aking natutunan.
Hanna Nicole Sanchez
ReplyDelete8-kalumpit
Gawain 2
Nalaman ko na ang hirap ng buhay dati kesa ngayun
Naunawaan ko ang kanilang pamumuhay
Gagawin ko ay papahalagan ang mga aral at ibahagi ito
Zeena Yshin K. Marcial
ReplyDelete8-Kalumpit
NALAMAN KO: na Hindi totoo na galing Tayo sa unggoy.
NAUNAWAAN KO: NA PAREPAREHO TAYONG TAO NGUNIT KAKAIBA LANG ANG KANILANG WANGIS.
GAGAWIN KO: PAPAHALAGAHAN KO DAHIL GALING PA ITO SA ATING NINUNO
Zeena Yshin K. Marcial
ReplyDelete8-Kalumpit
NALAMAN KO: na Hindi totoo na galing Tayo sa unggoy.
NAUNAWAAN KO: NA PAREPAREHO TAYONG TAO NGUNIT KAKAIBA LANG ANG KANILANG WANGIS.
GAGAWIN KO: PAPAHALAGAHAN KO DAHIL GALING PA ITO SA ATING NINUNO
Jaede L. Bejeno
ReplyDelete8- yakal
1.NALAMAN ko po mas mahirap pala ang kanilang pamumuhay sahil bilang lamang ang kaninalng mga kagamitan
2NAUNAWAAN ang ko po na ang unggoy ay may ibat ibang uri ng pamumuhay
3.GAGAWIN ko po ay papahalagan ang mga bagay na meron ako
Angel Faith V. Bioco
ReplyDelete8-Yakal
1.Nalaman ko na ang sumulat ng ON ORIGIN OF SPECIES ay si Charles Robert Darwin
2.Naunawaan ko na ang lucy ay pinakatanyag na austrolapethicus afarensic
3.Gagawin ko ay lalo ko pang aaralin ang mga pinagmulan ng tao
8-YAKAL
ReplyDeleteNalaman ko kung paano umunlad ang ating mga ninuno at kung paano sila mag-isil
Naunawaan ko ang pagkakaiba ng panahong paleolitiko,panahong neolitiko,at panahong metal naunawaan ko rin kung ano ang tawag sa mga sinaunang bato
Maaari ko itong ibahagi sa iba upang malaman rin nila kung paano umunlad ang mga sinaunang tao.