Thursday, May 7, 2015

Benjo Basas on the Suspension of K-12 Implementation

Mga kapatid sa DepEd, paglilinaw po hinggil sa tindig ng TDC at Ating Guro sa isyu ng K-12:

Hindi kami tutol sa reporma sa edukasyon. Ang hindi namin inaayunan ay ang pahayag na tila baga ito at tanging ito lamang ang solusyon sa lahat ng suliranin ng sektor ng edukasyon. Sapagkat masasayang ang lahat ng paghahanda, oras at gastusin para sa K-12 kung hindi maiaayos ang pagpapatupad nito. Hanggang ngayon ay hindi maikakaila ang mga kakulangan sa pasilidad, learning materials atbp.

HIGIT SA LAHAT, DAPAT NA UNAHIN ANG KAPAKANAN NG MGA GURO!

Ang mga guro ang nasa unahan ng repormang ito kaya dapat na sila ang mas kinukumbinsi at inihahanda ng DepEd.


Anumang pagtatangkang ayusin ang sistema ng edukasyon ay mabibigo kung hindi ilalagay sa pangunahing konsiderasyon ang kapakanan ng mga guro.

Kaya, kami po ay makikiisa sa panawagang SUSPEND K-12 at lalahok sa pagtitipon sa May 9 sa Liwasang Bonifacio.


Batid namin na lahat tayo ay nagmamalasakit sa mga bata, mga guro at sa ating niyan.

Maraming salamat po!

-Benjo Basas, TDC Chair/
Ating Guro Nominee

No comments:

Post a Comment