Bukas ay haharap na naman tayo sa ating klase- punumpuno ng positibong bagay para sa ating mga mag-aaral. Magsisikap na matuto sila at talunin ang kamangmangan. Titiyakin na ang bawat bata ay hindi uuwi na walang matututunan o kasiyahan sa puso man lang. Pagkakasyahin natin ang kapos, pipiliting sumapat ang salat. Durugtungan natin ang anumang pagkukulang ng pamahalaan.
Ganyan ang mga guro sa Pilipinas, una ang bata at ang bayan bago ang kanyang sarili.
Pagkatapos ng ating klase, pang-umaga o panghapon ka man, hihintayin ka namin sa Mabuhay Rotonda hanggang alas-7 ng gabi. Mag-ingay tayo at magtirik ng kandila. Hayaan nating marinig tayo ng pamahalaan at ang atiing ilaw ay maging gabay para sa tunay na matuwi na daan.
Igiit ang 'one-month salary' PEI ngayong Hunyo!
Isabatas ang P10, 000 Umento!
K-12 Program, Ipagpaliban!
IBANGON ANG DIGNIDAD NG MGA GURO!
- Benjo Basas
Ating Guro First Nominee
TDC National Chairperson
No comments:
Post a Comment