Thursday, March 3, 2016

PRAYORIDAD NG ATING GURO PARTYLIST ANG CLASSROOM TEACHERS KAYA TEACHER 1 NG PUBLIC SCHOOL ANG KANYANG FIRST NOMINEE!

PRAYORIDAD NG ATING GURO PARTYLIST ANG CLASSROOM TEACHERS KAYA TEACHER 1 NG PUBLIC SCHOOL ANG KANYANG FIRST NOMINEE!

(Tugon sa isang anonymous photo na posted at shared sa TDA group DepEd Tambayan at FB world*)

TAGA-DEPED ANG DAPAT NA KINATAWAN NG MGA GURO
Naniniwala ang ATING GURO Partylist sa kakayanan ng mga Taga-DepEd. Alam rin ng partido na nakaparaming GURO mula DepEd ang kayang maging kinatawan ng ATING mga GURO sa Kongreso. Tiyak na magiging mas mahusay pa sila sa iba, sapagkat alam nila ang mga hinaing at damdamin ng ATING mga GURO. Batid nila ito hindi lamang dahil sa kanilang nabasa o narinig o naobserbahan- kundi ito ay kanilang araw-araw na karanasan.

Napakaraming partylist groups ang nais kumatawan sa ATING mga GURO at sektor ng edukasyon, ang ilan sa kanila ay nakaupo na nang ilang ulit sa Kongreso. Ngunit, wala ni isa sa mga grupong ito ang nagtiwala sa isang classroom teacher ng DepEd upang maging kanyang first nominee, maliban sa ATING GURO Partylist. Patunay lamang na ang mayorya sa mga kasapi ng partido ay mga guro ng DepEd.

ANG FIRST NOMINEE NG ATING GURO PARTYLIST

Bagamat pinakabata, pinakamababa ang posisyon at may pinakamaralitang kalagayan sa buhay, si Benjo Basas ang napili ng partido upang maging 1st nominee. Simple lamang, dahil sa lahat ng pinagpilian, siya lamang ang classroom teacher at lider ng isang samahan ng mga guro. Sa panuntunang pang-organisasyon kasi ng ATING GURO Partylist, classroom teacher o lider ng samahan ng mga guro ang dapat maging first nominee at ito ay non-negotiable. Bakit? Sapagkat ang 1st nominee ang laging may unang tsansa na makaupo sa Kongreso at kumatawan sa partido. Kaya, kung ang partido ay para sa mga guro o sektor ng edukasyon, dapat 1st nominee at hindi second o third lamang ang isang classroom teacher, ang isang taga-DepEd.

Si Benjo Basas na lisensiyadong guro at kinikilala sa buong DepEd system ay walang pagod sa pagtatanggol sa karapatan at kagalingan ng mga guro nang hindi isinusuko ang propesyunalismo at diplomasya. Lagi siyang makikita sa mga panayam sa media, kinikilala rin sa iba’t ibang ahensiya ng gbyerno at mga organisasyong pribado- bagamat hindi nakaupong kongresista. Patunay nito ang walang pagal niyang pagbisita sa mga paaralan sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, may eleksiyon man o wala. Saksi tayong lahat diyan.

ANG IBA PANG MGA NOMINADO

Nitong nakalipas na mga araw ay naging target ng pag-atake at paninira ng ilang indibidwal o grupo ang ATING GURO. Ang atake at paninira ay nakasentro sa ating second nominee, si Joy Roble na isa umanong negosyante at trapo. Inilihim raw natin na si Joy Roble ay hindi guro kundi isang negosyante at dating mayor.

Nasa ating mga campaign materials ang pangalan at maiksing profile ng lahat ng ating mga nominado, ang ilan ay may larawan pa nila. Ang lima nating nominado ang pinili ng ating Central Committee (CC) upang katawanin ang partido sakaling tayo ay magtagumpay muli sa halalan. Narito sila at ang maiksing pagpapakilala:

1. Benjo Basas, public school teacher. Teacher 1, Step 1 from, Caloocan City; chairperson ng TDC, graduate ng Sta. Quiteria Elementary at Baesa High School sa Caloocan at proud alumnus ng Philippine Normal University (PNU).

2. Joy Roble, technical-vocational education and training (TVET) advocate. Produkto ng Abellana High School, pangunahing tech-voc school ng Cebu at founder ng Virginia Institute of Technology of Leyte.

3. Arsie Jallorina, retired principal at college instructor. Dating pangulo ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA), 36 taong nagturo sa P. Guevarra Elementary School sa Maynila at ngayon ay guro sa Philippine Maritime Institute (PMI) at isang proud Ilocano mula Sta. Cruz, Ilocos Sur.

4. Raquel Castillo, education policy expert. Beterana sa civil society movement, partikular sa education sector, naging executive director ng IBON Foundation at national coordinator ng Education Network-Philippines at naging regional coordinator din ng Asia South Pacific Association for Basic and Adult Education (ASPBAE), tubong QC at produkto ng Philippine Science High School at UP.

5. JR Dona, private school teacher. Kasalukuyang grade school teacher sa St. Scholastica’s College-Manila, nagsusulat siya ng mga teaching modules for history sa elementary at lumilikha ng mga ng mga progresibong awitin, siya rin ang Secretary-General ng partido at nagtapos sa Pangasinan State University (PSU).

Wala tayong itinatago. Batid ng lahat, lalo ng mga taga-Leyte at Cebu na si Joy Roble ay dating mayor ng Hilongos (one term at hindi two terms) at isa ring negosyante. Pero hindi na natin ito kailangang isulat pa sa ating pulyeto sapagkat wala naman itong direktang kinalaman sa edukasyon at ating adbokasiya. Si Joy Roble ay advocate ng technical-vocational education and training at ang kanyang paaralan sa maliit na bayan ng Hilongos ay nagsisilbi sa mahihirap na kabataan sa Leyte. Ito ang sentro ng kanyang adbokasiya na isa rin sa mga pangunahing agenda ng ATING GURO. Pansinin na bawat isa sa limang nominado ay may rehiyon o lalawigang pinanggalingan at may pangunahing pokus sa agenda, itoý dahil malawak ang saklaw ng ating partido.

PUBLIC SCHOOL TEACHERS ANG MAYORYA SA LIDERATO NG ATING GURO PARTYLIST

Taliwas sa paninira ng ilan, natitiyak nating hindi maaaring madominahan ng sinumang tao o grupo ang ATING GURO maliban sa mga guro mismo. Bahagi ng proseso ng organisasyon ang pagsunod sa anumang pasya ng nakararami at sa mga landasin at prinsipyong tinatahak ng partido. Kung sinuman sa mga nominado, kahit pa ang 1st nominee, ang lalabag dito, may kapangyarihan ang Central Committee ng ATING GURO na patawan siya ng parusa, kahit pa patalsikin sa partido o alisin bilang kinatawan sa Kongreso, kung sakali.

Patunay ang komposisyon ng ATING GURO Central Committee na ang partidong ito ay partidong pinatatakbo ng mga totoong guro. Sa tatlumpu at tatlong (33) kasapi ng ATING GURO Central Committee, siyam (9) lamang ang hindi nagmula sa DepEd- dalawa (2) sa kanila ay mula sa civil society, dalawa (2) ay kinatawan ng mga kabataan, dalawa (2) ay kinatawan ng PTA, isa (1) ay guro sa isang state university, isa (1) ay mula sa private school at ang natitirang isa (1) pa ay private lawyer na siya ring tumatayong legal counsel ng partido.

Samantala sa dalawamput-apat (24) na CC members mula DepEd, ay dalawa (2) ang retirees, tatlo (3) ang principal, isa (1) ang supervisor at ang natitirang iba pa (maliban sa 1st nominee na automatic resigned mula nung araw na nag-file sa Comelec) ay pawang mga aktibong classroom teacher ng DepEd- lisensiyado, may kasalukuyang teaching load at may contact time sa mga bata araw-araw at mas marami sa kanila ay Teacher 1.

ANG ATING GURO PARTYLIST AY HINDI LAMANG PARTIDO NG MGA GURO
Bagamat dominado ng mga classroom teachers, maliwanag mula pa noong itatag ang ATING GURO na ito ay hindi lamang partido ng mga guro- kundi ng lahat ng sangkot sa proseso ng edukasyon. Partido rin siya ng lahat ng nagnanais ng reporma sa edukasyon. Higit sa lahat, partido rin siya ng mga nagmamahal sa ATING mga GURO. Kaya nga ATING GURO ang kanyang pangalan.

Ito ang dahilan kung bakit sa ATING GURO Partylist, kabilang rin ang school administrators and officials, non-teaching personnel, private school sector, higher and technical education and training sector, education advocates at maging mga nasa ibang sektor- urban poor, youth, transportation, indigenous people, laborers, farmers, OFWs at senior citizens. Lahat sila na mula sa ibang sektor ay sumapi o sumusuporta sa ATING GURO Partylist dahil sa dalawang pangunahing dahilan- pagpapahalaga sa edukasyon at pagbibigay-pugay sa mga guro.

Lahat ng nagnanais pumasok sa partido ay maaaring tanggapin, basta tinatanggap rin niya ang panuntunang pang-organisasyon, mga paninindigan at batayang prinsipyo nito.

HINDI EKSKLUSIBO SA ISANG GRUPO ANG PAGLILINGKOD SA SEKTOR NG GURO AT EDUKASYON 

Nakalulungkot isipin na bagamat may malaking hanay ng mga guro at mamamayan ang hindi pa organisado, ang ilang indibidwal at grupo ay mas pipiliing manira o umateka sa iba kaysa mag-organisa. Saan tayo pupulutin ng ganitong mentalidad? Ito ay malinaw na sektaryanismo at magdudulot lamang ng lalo pang pagkakahati-hati sa hanay ng mga organisadong grupo na nagnanais ng pagbabago sa sektor ng edukasyon at sa buong lipunan.

Habang ang mga kasapi at volunteers ng ATING GURO ay masigasig na nangangampanya sa mga paaralan at komunidad, kasabay na ipinaliliwanag ang mga usapin ng guro at edukasyon, abala naman ang iba na tayo ay bulabugin.

Habang kinikilala natin ang ambag ng lahat ng grupo, lalo na yaong mga nakaupo na sa Kongreso, ang ilan naman sa kanila ay mas gusto pang pigilan ang ating pagpasok sa Batasan. Ano naman kaya ang motibasyon nila sa ganito? Hindi ba at mas mabuti nga na mas marami ang mga nagsusulong ng mga batas para sa proteksiyon, karapatan, kagalingan at dignidad ng mga guro?

POSIBLE ANG PAGKAKAISA SA KABILA NG PAGKAKAIBA

Kung sakali mang mayroong dapat na ilantad na mga ‘’pekeng’’ party-list, dapat ay unahin yaong mga nagtatago sa magagandang pangalan subalit kung susuriin ay interes ng kani-kanilang pamilya o negosyo ang isinusulong. Ang mga ito ay dati nang nailantad, maging ng mainstream media at napatunayang walang malinaw na track record sa paglilingkod sa kanilang sektor.

Sila ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga ganitong atake sapagkat tahasan silang nanlilinlang sa taumbayan. Malayo ang mga ito sa karanasan at track record ng ATING GURO, na bagamat hindi naiproklama at hindi nakaupo sa Kongreso nitong 16th Congress, patuloy ang masigasig na pagsisikap upang maglingkod sa sektor ng edukasyon, lalo na sa mga guro. Mapatutunayan ito sa malakas na presence ng ATING GURO at TDC sa mass media at iba pang larangan, lalo na sa grassroots level sa DepEd. Saksi tayong lahat diyan.

Bilang panghuli, kinikilala natin ang ambag ng ACT Teachers Partylist at ni Kgg. Antonio L. Tinio, paulit-ulit nating sinasabi ito sa publiko man o pribado at itinuturing natin silang potensiyal na kaalyado sa loob ng Kongreso. Kung paanong itinuturing natin ang mga adbokasiya at laban ng iba’t ibang grupo sa labas ng Kongreso- ASSERT, ACT, PPSTA at iba pa na nakapag-aambag sa pagtatagumpay ng iisang layunin. Bagamat may magkakaibang pagbasa sa ilang mga usapin at sa pamamaraan, hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagkilos ng bawat isa.

DAPAT IPANALO ANG MGA KANDIDATO AT PARTIDONG SUBOK NA AT CONSISTENT SA LABAN

Ito rin ang dahilan kung bakit nagpasya ang ATING GURO Central Committee na suportahan ang kandidatura ni Cong. Neri Colmenares sa Senado. Siya ay mula sa Makabayan Block, malapit sa ACT Teachers at ipinapalagay ng iba na makakaliwa, gayunman, wala tayong duda na siya ay sinserong ipaglalaban ang kapakanan ng karaniwang tao sa Senado, kagaya ng ipinakita niya sa Mababang Kapulungan. At yun ang mahalaga sa atin, ang magkaroon ng boses at kinatawan ang maliliit na tao sa parlamento.

Sa ganitong batayan, kami ay umaasa rin sa ibang mga partido na pansamantalang iwaksi ang pagkakaiba at ituon ang enerhiya at rekurso kung paano maipapanalo, hindi lamang ang mga kandidato at partidong tunay at consistent sa kanilang adbokasiya at laban, kundi maging ang mga estratehikong laban mismo.

Kagaya ng ating nakagawian sa nakalipas na sampung taon, sa Kongreso man o lansangan o kahit sa anong larangan, ang ATING GURO Partylist at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ay patuloy na magiging masigla, malakas at lalaban ng may puso para sa Guro sa Bata at sa Bansa!

Maraming salamat po!

ATING GURO Partylist
Marso 3, 2016

*Hindi na sana namin gusto pang sagutin ang malisyosong post at comments ng ilan upang hindi sana maitampok ang pagkakahati-hati sa hanay ng mga organisadong guro sa bansa. Subalit, kailangan naming maglinaw para na rin maging patas sa amin, sa aming mga tagasuporta at maging sa mga nagsusuri at hindi lubos na nakakikilala sa amin.

Tuesday, March 1, 2016

Ating Guro Partylist Motorcade (2nd)

Mga kapatid na guro naman natin mula sa Caloocan at Valenzuela ang dominante sa ikalawang motorcade ng Ating Guro Partylist noong February 20, 2016. Kasama pa rin ang ilang opisyal at miyembro ng partido mula sa iba't ibang lugar sa Metro Manila.

Nagsimula ang gawain sa Mindanao Exit sa boundary ng Caloocan at Quezon City, binagtas ang kahabaan ng Valenzuela patungo sa Bignay hanggang marating ang Bagumbong. Tinahak naman ang Kalakhan ng Caloocan North sa bandang hapon at nagtapos sa Glorietta Park sa Tala, Caloocan City.

Nais iparating ng gawain na parating na ang totoong kinatawan ng mga guro ng bansa sa kongreso na tunay na magtatanggol at kakalinga para ikabubuti ng educational system natin.

Mabuhay ka TDC National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas.









Sunday, February 14, 2016

MOTORCADE NG ATING GURO PARTYLIST

Nagmotorcade kahapon ang mga miyembro at tagasuporta ng Ating Guro Partylist sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, at ilang bahagi ng Quezon City sa pangunguna ng mga nominado ng partido. Sinabayan ito ng mga kapatid natin sa Leyte at Cebu.

Nilahukan ito ng iba't ibang guro at empleyado mula sa Metro Manila at Visayas na nagdala ng kani-kanilang sasakyan upang ipakita ang suporta sa Ating Guro Partylist.

Ito ang kauna-unahang pagkilos kasabay ng panahon ng kampanya para sa nalalapit na halalan. Inaasahan ding masundan ito sa mga susunod na linggo sa iba't ibang lugar sa bansa.


























Courtesy Photos: Zutan, Alvin Calamba and Leyte

Wednesday, February 10, 2016

SI MAM NA NAHOSTAGE NG BIFF

Ang pagiging guro ay hindi isang biro at simpleng propesyon dahil kaakibat nito ang isang matinding pagtitiis at pagpapasensya sa araw-araw. Malamang hindi nararanasan ng iba lalo't hindi ito ang kanilang pasyon at pawang hanapbuhay lamang sa kanila pero karamihan sa mga guro lalo na sa pampublikong paaralan sa bansa ay hangad ang kabutihan ng iba kapalit ng sakripisyo hindi lamang ng kanilang katawan at kalusugan kundi minsan pati narin ng kanilang mga bulsa. Sinasabing "A teaching Profession is a Noblest Profession"- ibig sabihin, namumuhay ang mga guro ng may integridad hindi lamang sa mata ng tao kundi maging sa mata ng Diyos.

Maraming reklamo ang maririnig at mababasa mo sa mga guro sa araw-araw. Ito'y mapa-personalan man, telebisyon at higit ang trending sa social networking sites - ang facebook, twitter at iba pa. Karaniwan sa kanila ay nagrereklamo sa kakulangan ng sahod, umento sa sahod, kakulangan ng pasilidad ng paaralan, kakulangan ng guro, kakulangan ng pondo para sa proyekto, mapagsamantalang mga school head, promosyon at maraming iba pa. Wala na sigurong titindi pa sa sakripisyo ng isang guro kung mailalagay sa alanganin ang buhay nito.

Isang guro ang nakilala ko mula sa Mindanao (Midsayap sabi ng iba). Nakasalamuha ko siya matapos ang kanyang testimonya ukol sa sakripisyo ng guro sa lugar nila sa ginanap na National Convention ng Teachers' Dignity Coalition sa Baguio City. Aniya, ilan lamang silang kristiyanong guro doon dahil dominante ng mga muslim o Islam Community. Muslim rin daw ang ilang guro na kasama niya at isa ang paaralan nila sa pinakamalaki sa lugar. Ganunpaman, ayaw ng ibang mga guro na ma-assign sa lugar nila dahil sa tensyon sa pagitan ng mga militar at Ilang grupo ng mga muslim. Siya si MaƔm Ruby T. Hierro, Public School Teacher I sa Malingao Elementary School sa North Cotabato.

Sa kanyang testimonya, naranasan niyang ma-hostage ng BIFF sa lugar. Traumatic experience ika nga kapag naranasan mo iyon subalit iba ang kanyang naging pananaw sa nangyari. Maaalalang ilang balita mula sa telebisyon ang ipinarating sa publiko na ilang guro sa Mindanao ang binihag ng BIFF at ilan pa nga sa mga iyon ay kinitil ang buhay. Doon din sumama ang paningin ng publiko sa mga kapatid nating muslim. Lahat na ata ng panghuhusga ay ibinigay sa kanila subalit hindi malaman ang totoong istorya o motibo ng mga pangyayari. Ilang araw, linggo at mga buwan pa ay wala nang balitang ibinigay ang media ukol sa mga nabihag.

Sa kwento ni Ma'am Ruby, nakakatakot na itutok saýo ang naglalakihang baril at dalhin ka sa isang lugar na pinalilibutan ng mga armadong grupo. Pero nakakatuwang isiping ni hindi man lamang siya nadikitan ni isa man sa armadong grupong iyon kahit pa binihag sila. Mga muslim rin ang nagbibigay babala at proteksyon sa kanila kung sakaling may conflict of interest sa pagitan ng militar at BIFF. Aniya kasi, hindi isang beses nangyari ang insidente, yung unang maranasan nilang iyon ay hindi siya nakasama. Nasa labas lamang ng paaralan ang mga armadong grupo at hinintay silang lumabas para kunin at ilang oras o araw namaý ibinabalik ng walang galos o anumang sugat ni kahit pananamantala gaya ng mga napapabalita. Ang ikalawang beses namaý ang BIFF na pumasok sa kanilang paaralan para kunin sila. Hindi naman umano nagpabaya ang mga residenteng muslim doon dahil sila mismo ang nakipagnegosasyon sa armadong grupo. In short, hindi siya pinabayaan sa gitna ng pagbihag sa kanya.

Nakakatuwang hindi nasiraan ng loob si MaƔm Ruby habang nangyayari ang pagbihag sa kanya dahil aniya mataas umano ang respeto ng mga armadong grupo sa kanilang mga guro at magagalang din umano ang mga ito sa kanila. Hindi rin umano ito nananamantala kahit pa bihag sila. Kinuwento rin niyang ang sabi sa kanila ng mga armadong grupo "Sumama na kayo sa amin dahil hindi kayo ligtas dito." Hindi nga ligtas sa lugar na pinagkunan sa kanila dahil nagpapaputok ang mga militar at posibleng maipit sila sa labanan. May ilang lugar lamang umanong pinagdadalhan sa kanila para maiwas sa ingkwentro at pinapalaya din naman kapag maayos na ang kalagayan ng lugar.

Sa nangyaring pagbihag, natuwa siyang dumating si Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro sa lugar nila. Aniya, sobrang nagalak ang kalihim sa ginawa ng mga residente doon dahil dito niya lang nakita kung paano pinroteksyunan ng mga residente ang mga guro ng bayan.

Pahabol ni Mam sa aming pag-uusap, walang katotohanang sinasaktan ang mga guro doon dahil malaki ang respeto at pagtingin sa kanila ng mga muslim. Tumutulong pa umano ang mga magulang ng kanilang mga mag-aaral para disiplinahin ito para matuto. Sa ganyang palagay, hindi niya nakikitang may dibisyon ang mga kristiyano at muslim sa Mindanao dahil hindi ito nagiging balakid para makamit nila ang mga minimithi nila para sa kanilang mga mag-aaral. Hindi rin namang magandang nalalagay sila sa alanganin lalo na ang kanilang mag-aaral sa labanan sa pagitan ng mga militar at mga muslim. Ganunpaman, sakaling mangyari muli ang ganitong engkwentro, hindi siya susuko sa kanyang pagtuturo at hindi rin niya nanaising lumipat ng ibang paaralan para makaiwas sa traumatic experience na ito dahil sa nakita niyang pagmamahal sa kanila ng mga kapatid nating muslim. Wala na rin sigurong makakapantay sa proteksyong ibinibigay sa kanilang mga guro ng mga mag-aaral at mga magulang nito.

Tuesday, February 9, 2016

NATIONAL FORUM-CONSULTATION ON EDUCATIONAL POLICIES AT 3RD NATIONAL CONVENTIONAL NG TDC, MATAGUMPAY!

Matagumpay na naisagawa ng Teachers' Dignity Coalition ang kanilang National Forum-Consultation on Educational Policies at 3rd National Convention sa Benitez Hall, Teachers' Camp, Baguio City nitong February 5-7, 2016.

Nilahukan ito ng mahigit Limandaang (500+) deligadong guro, punungguro at iba pang kawani ng gobyerno mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa. Kasama ring dumalo ang mga panauhin pandangal tulad ni Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro na nagbigay ng keynote speech, DepEd-CAR Regional Director Dr. Ellen B. Donato na nagbigay ng welcome remarks, Professor Rene Romero na nagpaliwanag ng Significance of teachers' movement in educational reforms, DepEd-NCR Legal Officer IV Atty. Ariz D. Cawilan na nagpaliwanag ng DepEd Education Policies, at Si Education Reform Advocate / TDC Counsel Atty. Leland Lopez ay tumutok sa Gaps in Existing Policies. Dumalo rin sa ikalawang araw ng gawain ang ilang kandidato sa pagka-senador at kinatawan nila.

Nagpaliwanag naman ng Broader Policy Change si TDC National Chair at Ating Guro PArtylist First Nominee Benjo Basas na nagbigay din ng opening remarks sa lahat habang nakatutok naman sa TDC Organizational Presentation si TDC Outgoing Sec-Gen Emmalyn Policarpio.

Nagkaroon naman ng Forum-Consultation sa ikalawang araw ng gawain. Isa-isang sinagot nina Atty. Ariz Cawilan, Atty Leland Lopez, Emmalyn Policarpio at Benjo Basas ang mga katanungan at konsultasyon ng mga dumalo. Naging Moderator ng gawain si Ating Guro Partylist Fourth Nominee at AGP Secretary-General Raquel Castillo.

Naging makulay ang gabi ng sabado ng convention. Sa ginanap na Solidarity Night, nagbigay ng iba't ibang talento at impression ang ilang taga - North at Central Luzon, South Luzon, Visayas, Mindanao at maging ng National Capital Region deligates. Hindi rin nagpahuli ang TDC-SINAG Group sa pangunguna ni SINAG Chair Jayson Cruz at Sir Anthony Cruz. Nagbigay ang SINAG group ng isang hindi makakalimutang palabas na sinabayan ng mga piyesa nina Sir Jayson at Sir Anthony.

Idinaos rin ang ulat ng TDC Chairman ukol sa organization at maging ni TDC-Treasurer Felixita Estoesta tungkol naman sa Financial Report. Nagbuo rin ng COMELEC para sa eleksyon ng panibagong opisyales ng organisasyon upang maging maayos ang botohan na kinalaunan ay naipatupad naman. Kinabukasan, ipinresenta na sa publiko ang mga nanalo at panibagong batch ng opisyal ng TDC.

Sina TDC-Caloocan Olive De Guzman at TDC-SJDM Arnold Grecia ang naging tagapagdaloy ng programa.