Sunday, January 24, 2016

Ating Guro Partylist, Pormal ng Ipinakilala

Pormal nang ipinakilala ang Ating Guro Partylist sa SM Aura, Taguig kahapon, January 23, 2016. Kasabay din ito ng Solidarity Lunch ng Teachers' Dignity Coalition.

Dinaluhan ito ng mahigit isandaang Lider at Opisyal ng TDC at Ating Guro Partylist, mga miyembro mula sa iba't ibang Rehiyon ng bansa, ilang kandidato sa mataas na posisyon kabilang na si Senator Alan Peter Cayetano na tumatakbong Vice President at mga kapatid natin sa media.

Naging tampok na usapin ang pagpapakilala ng Ating Guro Partylist bilang sandigan hindi lamang ng mga guro kundi maging ang lahat ng mga mamamayan ng bansa dahil nakatutok ito sa pagpapabuti ng educational system at maging ang kapakanan ng mga mag-aaral lalo na ang mga guro. Nabanggit din dito ang plataporma ng partido at maging ang nais nitong mangyari sa mga susunod pang mga araw at buwan.

Ipinakilala sa programa ang limang nominado ng partido. Sina TDC National Chairperson Benjo Basas bilang First Nominee, Voctech Advocates Joy Roble ang Second Nominee, Former Principal Arsie Jallorina ang Third Nominee, Adult Education and Life Long Learning Advocates Raquel Castillo ang Fourth Nominee, at Private Teacher and Writer Juanito Dona ang Fifth Nominee.

Nagbigay ng Solidarity message si Senator Alan Peter Cayetano at Dr. Romeo Fernandez ng PESPA habang inilatag nama ni TDC Secretary-General Emmalyn Policarpio ang plataporma ng partido. Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe ang mga nominee para lalong pagtibayin ang partido.

Nagpaaliw naman ng sayaw ang grupo ng TDC-SINAG habang tinula naman ni SINAG Chairman Jayson Cruz ang ilan sa kanyang mga piyesa. Sina Marilou Felipe at Jaime Albiza ang naging tagapagdaloy ng programa.















































































































Thursday, January 14, 2016

TDC Forum-Consultation, Matagumpay!

Matagumpay na naisagawa kanina ang Forum-Consultation on Educational Policies ng Teachers' Dignity Coalition sa DepEd-NCR Hall, Quezon City na dinaluhan ng mahigit 100 na mga Guro,  Punungguro at Personnel mula sa Region III, Region IV-A at National Capital Region o NCR.

Tinalakay ni TDC National Chair at Ating Guro Partylist First Nominee Benjo Basas sa forum-consultation ang papel ng Ating Guro Partylist sa mga guro, analysis ng 2016 National Budget, Updates sa TDC, mga nalalapit na gawain, at Salary Increase Proposal na hindi naipasa ng nakaraang taon habang si TDC Vice Chair for South Luzon Ramon Miranda naman sa Legislative agenda ng TDC / Ating Guro Partylist at kay TDC-NCR Chair at Head of National Organizing Committee Nono Enguerra naman ang paglalahad ng Consolidation of Activities ng grupo.

Nagbigay ng maikling tula (MAGTIIS KA!) si TDC-SINAG Head Jayson Cruz na nagpaigting ng damdamin ng mga dumalo habang inilahad naman ni TDC-NCR Prop Team Member Kristofer Canillas ang plano ng Caloocan sa darating na kampanya ng Ating Guro sa Caloocan.

Sa huli, nagbigay naman ng Pledge of Commitment sina Sir Richie Salubre ng Cavite, Sir Reynaldo Jerusalem ng Central Luzon at Maám Jennifer Cunanan para naman sa panig ng mga Principal. Si Maám Cristy Ensena ng Lucena ang nagbigay ng closing remarks habang si Sir Roger Benitez naman ng Central Luzon ang naging tagapagdaloy ng programa.

Umaasa naman si Benjo Basas na magiging matagumpay ang mga susunod pa nating laban.

Mabuhay ang TDC / Ating Guro Partylist!