Wednesday, August 19, 2015

National Seminar on DepEd Legal Process

Tuloy na po ang First Batch ng ating National Seminar on DepEd Legal Process sa August 21-23 sa Quirino Hall, Teachers' Camp, Baguio City 
(Text/call TDC Hotline for other queries- 0497444499/ 4446564)


Here are the details (details are also applicable for the second batch):
National Training-Seminar on DepEd Legal Process- FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
August 21-23, NCR, Region 4A, Region 4B, Region 5 (Quirino Hall)
August 28-31, CAR, Region 1, Region 2, Region 3 (Romulo Hall)

How much is the registration?
P1700, includes kit, food and accommodation in Teachers’ Camp

Saan i-charge?
Sa local sources- faculty, canteen, local funds or LGUs. Request natin na payagan sa MOOE kunin.

May transportation ba?
Wala. Kanya-kanyang punta. Mas mainam kung may arrangement sa chapter

Early comers?
Ok lang pero baka may additional charge sa dorm sa Teachers’ Camp

Registration time?
First day, 9:00am, AM snack will be served
Program opens at 10:00AM
Closing is at 11:00AM of 3rd day

Puwede pa ba mag-invite?
Oo, kahit ilan basta i-text na agad ang names. Actually kahit wala sa list ay puwede namang walk-in. Kailangan lang makontrol natin ang bilang dahil baka dumami nanman ng husto

Sinu-sino mga speakers?
Invited ang mga taga-Central office, confirmed na si Asec Tony Umali sa 1st batch at considered na ni Asec. Jess Mateo na puntahan ang 2nd Batch.
Then may lawyers tayo na confirmed na rin for discussion of legal matters Atty Ona Caritos of LENTE for Election-Related Laws; Atty. Leland Lopez of TDC for Civil and Criminal Procedure; at si Atty. Wade Latawan for DepEd Administrative Procedure

Ano ang mga dadalhin?
USB, personal needs, comfortable clothes for Baguio weather
See you all!

Thursday, August 6, 2015

Ang Idol Kong si Sir Diomer!

The purpose of our lives is to be happy

Pinuno ng paaralan...
Guro ng silid-aralan...
Ama ng mga mag-aaral...
Janitor ng sambayan...
Makabagong kaisipan...
Masipag na mamamayan...
Si Sir Diomer Yan!

Ang pagiging lider ay hindi lamang nakalagay sa papel. Hindi rin ito promosyon para sa mas mataas na sahod. Ito ay sinasabuhay para makahugot ng mas maraming lider na magiging pag-asa ng bayan sa hinaharap. 

Ang posisyon ay hindi lamang magbibigay sa'yo ng karangalan kundi nagsasabi ito ng mas mataas at malawak na responsibilidad at obligasyon sa iba. Kaya naman, ang pagiging lider ay hindi basta-basta dahil nangangailangan ito ng mas malawak na karanasan, mas mabiyayang kaisipan at sandamukal na pasensya para sa mas maaayos at matatag na samahan para sa iisang layunin.

Isa si Diomer Dela Rosa Dy ng Masaguisi Elementary School, Marinduque. Nakitaan ko siya ng kakayanan para masabing lider na may patutunguhan at posibleng magbigay ng mas maraming responsableng lider sa hinaharap. Sa kanyang mga gawi at asal, hindi maikukubli ang iyong paghanga dahil sa kanyang ipinapakita at isinasagawa.

Nakakatuwang isipin na may pinuno pa rin na kayang magwalis sa bubungan ng paaralan dahil madalang itong makita sa iba. Kadalasan ang mga janitor o utusan sa paaralan ang pinapagawa nito subalit iba kay Sir Diomer, hands on kasi siya sa kanyang mga estudyante at gusto niyang maging ehemplo siya sa iba.

Sa pakikipanayam sa kanya, nalaman ko na siya ay Head Teacher II sa paaralang pinaglilingkuran. Wala umanong principal dito at siya lamang ang nangangasiwa sa eskwelahan. Nagtuturo pa rin siya sa kabila ng kanyang posisyon na hindi ginagawa ng karamihan. Aniya, masaya niyang ginagawa sa araw-araw ang iba't ibang gawain tulad ng pangangasiwa ng kanyang nasasakupang mga guro, taga-turo ng disiplina sa mga mag-aaral, promotor ng mga gawain na hindi kadalasang ginagawa ng ibang lider gaya ng pagwawalis ng bubong na sadyang delikado, paghubog sa mga batang Nurse at batang Police na malaking tulong para makita ng mga mag-aaral ang disiplina at malaking ambag nito sa lipunan, pag-akay sa kanyang kaguruan at estudyante para sa makabagong teknolohiya, at pagpapatupad ng PILA 101 na tatatak sa sambayanan. Sa PILA 101 kasi, tinuruan niya ang mga mag-aaral na pumila mula sa paaralan hanggang makauwi sa kani-kanilang tahanan.

Napakapalad ng mga guro at estudyante sa ilalim ng kanyang pamamahala dahil hindi lamang ang pag-aaral at pagtuturo ng asignatura ang naibabahagi niya kundi ang pagpapakatao. Natututunan din ng kanyang mga nasasakupan ang kanilang papel para maging PAG-ASA NG BAYAN.

Nawa'y marami pang mga lider ang katulad mo na hindi nakakalimutang tumapak sa lupa. Marami kasi ang nabubulagan sa kanilang posisyon at mas pinipiling maging bulag sa katotohan na may mas malaki at mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanila. 

Saludo ako sa'yo Sir Diomer. Mabuhay ka!
 Naglilinis si Sir


Mga Batang Pulis
 PILA 101

 Ang inyong Lingkod


MAKATARUNGANG SAHOD, PROPESYONG MAY DIGNIDAD, EDUKASYONG DE-KALIDAD!

MAGKANO ANG UMENTO SA 2016?
Hanggang ngayon ay hindi pa pinal ang iskema ng umento sa 2016, bagamat naglaaan ng halaga sa panukalang badyet para sa umento sa sahod ng mga kawani ng pamahlaan.
Ang post na kumalat sa FB noong nakaraang buwan kung saan sinasabing magiging P29,800 na ang sahod ng Teacher 1 (SG-11) sa January 2016 ay panukala pa lang sa Senado (SB 2671 or SSL4) at hindi pa aprubado. At kung susuriin ang panukala, ito ay hahatiin pa rin sa 5 tranches (hulugan), kaya kung sakali mang maipasa ngayon ay sa 2020 pa ito ganap na maipatutupad. Ang Kongreso ang magtatalakay at siyang mag-aapruba ng 2016 budget (GAA 2016) alinsunod naman sa panukalang National Expenditure Program (NEP) ng ehekutibo, partikular ng DBM. Ang NEP ay naisumite sa Kongreso noon lamang Hulyo 28, matapos ang SONA.
Ang makatarungang pagtrato sa ating mga guro, kawani at mga manggagawa ay hindi kusang ibinibigay, ni nadaaraan sa simpleng pakiusapan, bagkus ITO'Y DAPAT IPINAKIKIPAGLABAN!
Patuloy nating igiit ang P10K Increase for Teachers & DepEd Employees. Gamitin ang Pink 'SAHOD ITAAS' poster as profile pic at basahin ang ating statement sa FB dated July 26. Salamat po, pls share or repost!
MAKATARUNGANG SAHOD, PROPESYONG MAY DIGNIDAD, EDUKASYONG DE-KALIDAD!
Agosto 6, 2015

Wednesday, August 5, 2015

Benjo, Panauhing Pandangal sa PSSPA III Bi-annual Conference sa Baguio

Naging panauhing pandangal kahapon si Ating Guro First Nominee at Teachers' Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas sa Bi-annual Conference ng Public Secondary School Principals Association of Region III sa Baguio City.

Dinaluhan ito ng 400 participants na karamiha'y mga punongguro mula sa iba't ibang dibisyon ng Region 3.

Tinalakay ni Basas ang mga bagay na may kinalaman sa kapakanan ng mga guro sa kasalukuyan at proteksyong suportado ng batas.

Kasalukuyan naninindigan ang TDC sa pangunguna ni Benjo Basas para maitaas ang sweldo ng mga guro na noon pa dapat naipatupad subalit binabalewala ng kasalukuyang administrasyon. Patuloy rin ang mga kilos-protesta para maiparating sa pamahalaan ang mga dapat nitong iprayoridad.

Umaasa naman si Benjo na magkakaroon ng mas maayos na pagtrato at suporta ang mga dumalong punungguro sa kanilang mga nasasakupan lalo na sa kanilang mga guro. 













Sunday, August 2, 2015

Dagli: NINAKAW

NINAKAW
Ramon Miranda
Jessieto A. Abener
Rhodona Tugna
Kristofer E. Canillas
Jennifer Rama

“Tigil!” Ngunit nagpatuloy siya sa pagtakbo… Takbo … “Bang! “Hanggang sa masukol siya sa kanto.

“Ano ang gusto mo? Pera? Sabihin mo. Marami ako niyan”, ang sagot niyang kinakapos ng hininga. “Hindi ko kailangan ang pera mo. Sakay!” sagot ng humahabol sa kanya.

Naalimpungatan sa sobrang sakit ng kanyang ulo at nakasisilaw na liwanag. “Nasaan na ang epektos?, sabay angat ng kanyang ulo.

Kinabukasan, may natagpuang katawan ng isang lalaki na nakalutang sa estero.

Dagli: Pera na Naging Bato pa!

Pera na Naging Bato pa!
Ramon Miranda
Jessieto A. Abener
Rhodona Tugna
Kristofer E. Canillas
Jennifer Rama

“Nasaan na ang titser na ‘yan? Ipapapulis ko siya!”

“Huminahon po kayo, ano ang problema?” “Basta, ipapapulis ko siya. Tingnan ninyo kung ano ang nangyari sa anak ko.” Hindi napahupa ng malamig na kuwarto ang nagpupuyos  na damdamin.

Habang naghihintay ng sasakyan papuntang presinto, inutusan niya ang anak na bumili ng yosi. “Ate! Ate!” naririnig niyang tawag sa kanya. “Bakit?” Nakauwi na po ba ang anak ninyo? May bumato po kasi sa amin kanina habang pauwi. Natamaan po sa ulo ang anak ninyo.”

Pagkarinig sa sinabi ng bata, biglang bumagsak ang kaniyang balikat

Dagli: TANTSO

TANTSO

Nakangudngod ang mukha niya sa dingding ng kubeta. Hindi makapalag. May busal ang bibig. Hawak sa magkabilang balikat ng bordadong kalalakihan. Naramdamang napunit ang kanyang pagitan. Tawanan. Hagalpakan. Napasubsob. Nanlabo ang paningin. “Putang inang ‘to titser pa naman”.

“Matagal na kaming may relasyon. Mahal ko po siya pero hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa akin. Hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin iyon. Halimaw siya. Demonyo si sir!” salaysay ng Grade 9 student.