Heograpiya ng Lambak ng Indus
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900 km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
Mahalagang Kaganapan sa Kabihasnan ng India
circa 2500
Pag-usbong Kabihasnan sa India
circa 2000
Pag-abot sa tugatog ng kabihasnan sa Harappa
circa 1500
Pagkawasak ng Mohenjo-Daro dahil sa mga Aryan
327 BCE
Pagsalakay ni Alexander the Great sa India
321 BCE
Pagsisimula ng Dinastiyang Maurya na tumagal hanggang 184 BCE
247 BCE
Paghahari ni Asoka ng Imperyong Maurya
320 BCE
Pagsisimula ng Imperyong Gupta
1526 BCE
Pagtatag ng Imperyong Mughal
Kabihasnang Umusbong sa Lambak-Ilog ng Huang Ho
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing
na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang
sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas.
Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala..
Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang
Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa
aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at
pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at
mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
Heograpiya ng Huang Ho
Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho.
Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabagobago nang
makailang ulit sa mahabang Ito ay
dumadaloy patungo sa Yellow Sea.
Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang
makailang ulit sa Mapa ng Kabihasnan sa
China mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na
kapatagan, ang North China Plain.
Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain,
madalas nang nagaganap ang pagbaha sa
lugar na ito.
Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China.
Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya,
hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang
nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga
magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino
na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila
nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom.


Sa sinaunang Kabihasnang Tsina, ang mga Tsino ay naniniwala na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro bunsod ito sa kanilang paniniwala na Sinosentrismo na ang kanilang lahi ay angat kaysa sa ibang kultura kayasila ang sentro ng daigdig. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
Nahahati ang lipunan ng Tsina sa apat na pangkat.
1. Paham- nakababasa at nakasusulat
2. Magsasaka- nagtutustos ng pagkain sa populasyon
3. Artisano- may kasanayan sa paggawa ng armas at iba’t ibang kasangkapan
4. Mangangalakal
Dinastiya ang tawag sa uri ng pamahalaang nabuo sa Kabihasnang Tsina. Pinamumunuan ito ng isang emperador na nagmula sa iisang pamilya o angkan. Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan”, kung saan ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit siya ay itinuturing na Son of Heaven o “Anak ng Langit” pinili siya dahil puno siya ng kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapangabuso, ay babawiin ng kalangitan sa anyo ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o digmaan. Ang paniniwalang Mandate of Heaven at Son of Heaven ang nagpapaliwanag bakit papalit-palit ang dinastiya sa Tsina na tinatawag na Dynastic Cycle.
Ang dinastiyang Xia o Hsia ang tinatayang unang itinatag na dinastiya sa Tsina ngunit nananatili itong isang alamat dahil sa kakulangan ng datos o tala na nagpapatunay sa pag-usbong nito.
SHANG (1570 B.C.E. - 1045 B.C.E)
•Itinuturing na unang dinastiyang pulitikal ng Tsina
•Itinatag ni Emperador Tang
•Nagsimulang ang paniniwala sa kaisipang Mandate of Heaven at Son of Heaven
•Calligraphy ang uri ng pagsulat gamit ang oracle bones
ZHOU/CHOU (1045 B.C.E. - 221 B.C.E.)
•Dinastiyang umiral sa pinakamahabang panahon sa Tsina (900 taon)
•Pinamunuan ni Emperador Wu Wang
•Tinawag na "Gintong Panahon" sa larangan ng Pilosopiya dahil sa panahong ito lumitaw ang mga pilosopiyang Confucianismo, Taoismo at Legalismo
Confucianismo- mabuting asal at tamang pakikihalubilo sa kapwa
Taoismo- tamang pakikitungo sa kapwa at sundin ang daloy ng kalikasan
Legalismo- malupit na batas at mabigat na parusa
QIN/CH'IN (221 B.C.E. - 206 B.C.E.)
•Pinagmulan ng kasalukuyang pangalan ng bansang Tsina
•Pinaunlad ni Emperador Shi Huang Ti
•Ipinasunog ng emperador ang lahat ng naisulat na tala tungkol sa mga naunang dinastiya ng Tsina
•Maraming iskolar ang hinuli at pinatay
•Ipinatayo ni Emperador Shi Huang Ti ang Great Wall of China nanagsilbing panangga ng Tsina laban sa mga barbaro ng Mongolia
HAN (202 B.C.E. - 220 C.E.)
•Itinatag ni Liu Pang
•Naimbento ang papel sa panahong ito.
•Naisulat ang kasaysayan ng Tsina
SUI (589 C.E. - 618 C.E.) •Napag-isa nitong muli ang Tsina
•Itinatag ni Yang Jian
•Naipakilala sa Tsina ang relihiyong Buddhismo
•Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa mahabang panahon.
•Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze
TANG (618 C.E. - 907 C.E)
•Kilala bilang "Gintong Panahon ng Tsina"
•Muling nagkaroon ng kasaganahan at kaunlaran ang Tsina
•Nagkaroon ng pag-unlad sa larangan ng sining at teknolohiya
•Budismo ang naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.
•Ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han subalit pinagbuti pa sa panahong Tang
SUNG/SONG (960 C.E. - 1127 C.E.)
•Itinatag ni Zhao Kuangyin
•Nagtayong isang hukbong imperyal
•Umunlad ang teknolohiyang agrikultural
•Nasakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi
•Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag
YUAN (1279 - 1368)
•Pinamunuan ni Kublai Khan, isang barbarong Mongol
•Nakarating sa Tsina si Marco Polo, isang manlalakbay na Europeo
•Pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang dinastiya sa tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop mula Timog-Silangang Asya hanggang Silangang Europa
MING (1368 - 1644)
•Nagsimulang manakop ang Tsina sa mga kalapit na lupain
•Naipakilala sa Tsina ang Kristiyanismo
•Naitayo rin ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng emperador
•Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type
•Lumaki rin ang populasyon ng China na umabot sa 100 milyon
MANCHU/CHING (1644 - 1911)
•pinamunuan ni Taitsung
•nagkaroon ng kasaganahan at kapayapaan sa Tsina sa loob ng 150 taon
•Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng Tsina
Kabihasnang Umusbong sa Lambak-Ilog Nile
Kabihasnang Ehipto sa Kanlurang Asya
Isang
sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt
na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia
ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging
matatag
ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod
bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob
halos ng tatlong milenyo.
Ang mga orihinal na nanirahan sa Kabihasnang Ehipto ay nagmula sa mga nomadikong Asyano. Sila ay nanirahan sa lambak ilog na Nile. Umunlad ang kanilang pamumuhay at itinatag ang dalawang magkahiwalay na kaharian ang Upper Egypt at Lower Egpyt.
Batay sa mga
ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt
bago
pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay
sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol
sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan
ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog ng
kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon
na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring
ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang
Egyptian sa Lambak ng Nile.
Heograpiya
ng Egypt
Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt,
mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower
Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan
ang
Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper
Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy
mula katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang
panahon,
ang Egypt ay tinawag na bilang The
Gift of the Nile dahil kung wala ang
ilog na ito, ang buong lupain nito
ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa
ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto
ng Africa. Dati-rati, ang malakas na
pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay
nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat
taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay
nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan
High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos
ang suplay ng tubig.
Sa Panahong Neolitiko, ang taunang
pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang
tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig
sa tuyong lupain at nagiiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.
Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa
pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay
unti-unting
naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag
na delta. Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari
ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
Upang
maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang
Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga
kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong
mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa,
sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon
kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga
panahong ito.
Maliban sa
kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing
mahusay
na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang
pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay
ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay.
Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang
mapayapa
at masagana sa loob ng mahabang panahon.
Mga Yugto sa Kasaysayan ng Ehipto:
1. Lumang Kaharian (3200-2000 BCE)
Ito ay tinawag din na “Panahon ng Piramide” itinatag ito ni Haring Menes sa panahon na ito nagsimula ang pagpapatayo ng mga piramide upang maging libingan ng mga Pharaoh. Ang kanilang pinuno ay tinatawag na Pharaoh. Itinuturing ng mga tao na ang kanilang pharaoh ay Diyos kaya kontrolado nito ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan. Ang uri ng pamahalan na may ganitong sistema ay tinatawag na teokrasya.
Mga kilalang pinuno sa Lumang Kaharian
1. Djoser - sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong 2780.
2. Khufu o Cheops - sa kaniyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na 70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon na may tinatayang 80 nakahanay na piramide.
Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang Kabihasnan ng Ehipto. Ang maayos na plano at disenyo ng gusali ay nagpapatunay ng kanilang kahusayan at mataas na kaalaman sa arkitektura. Ang mga sumunod na pharaoh ay hindi nagtataglay ng kagalingan sa pamumuno kung kaya pinahina sila ng sunod-sunod na digmaan. Ang sumunod na magaling na pinuno ay si Amenemhet I mula sa Thebes.
2. Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)
Muling nanumbalik ang kaayusan sa Ehipto ng pamunuan ni Amenemhet I. Sa kaniyang pamumuno Itinatag ang Thebes bilang kabisera ng Ehipto. Pinagbuti ni Amenemhet I ang sistema ng pagsasaka upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain sa kaniyang nasasakupan. Pinaunlad niya din ang yamang mineral ng bansa at ginawang palamuti sa katawan ng mga pharaoh ang mga ito. Naging masigla ang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ugnayan sa Palestina at Syria.
Nagwakas ang maunlad na pamamalakad sa kahariang ito ng makaranas ng sunod-sunod na digmaang sibil na siyang nagpahina sa kaharian. Naging madali silang nasalakay ng mga Hyksos na mula sa Syria. Sa loob ng 160 taon naging maayos at maunlad ang pamumuno ng mga Hyksos ngunit sila ay pinatalsik sa Ehipto sa pamumuno ni Ahmose I ng Thebes. Ang kaniyang pagkapanalo ang naging dahilan ng pagsilang sa bagong kaharian.
3. Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at nagsimula na rin ang Bagong Kaharian na tinatawag din na Panahon ng Imperyo sa paghahari ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.
Ang ilan sa mga tanyag na pharaoh sa kaharian ay ang mga sumusunod:
Thutmose II
-Nasakop ang Nubia para sa imperyo
-Sinakop ang Syria at Palestina
Hatshepsut
-Kauna-unahang babaeng pinuno sa kasaysayan ng daigdig
-Nagpadala ng iba’t ibang ekspedisyong pangkalakalan sa iba’t ibang lugar
-Nagpatayo ng mga temple na isang dakilang ambag ng Ehipto
-ASAWA NI THUTMOSE II
Thutmose III
-Tinaguriang pinakamahusay na pinuno ng Ehipto dahil napaunlad ang kalakalan at nagpalawak ng teritoryo. Nakamit ang Ginintuang Panahon sa kaniyang pamumuno
-Anak ni Thutmose II at Hatshepsut
Amenhotep IV
-Ipinagbawal ang pagsamba sa maraming Diyos
-Ipinakilala ang bagong relihiyon na sumasamba sa iisang Diyos na si Aton.
Tutankhamen
-9 na taon palang ng maupo sa trono
-Ang kanyang piramide ang itinuturing na pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang politeismo o paniniwala sa maraming Diyos sa panahon niya.
Rameses II
-Nilabanan ang mga Hittites.
-Nagpatayo ng malawakang mga templo.
-Naganap sa kanyang panahon ang exodus o pagtakas ng mga Hebreo sa pagkakaalipin
Winasak ng krisis sa Gitnang Silangan ang kapangyarihan ng mga pharaoh. Dahil alay, humina ang kapangyarihan ng imperyo. Sunod- sunod ang pagsakop sa kanila ng mga dayuhan kabilang ang Sudan at Persia. Tuluyang bumagsak ang kapangyarihan ng Ehipto nang sila ay salakayin ni Alexander the Great mula sa kaharian ng Macedonia at itinatag ang lungsod ng Alexandria. Ginawa niyang gobernador ng Ehipto ang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna at tinaguriang “Serpent of the Nile” Sinubukan niyang iligtas ang Ehipto sa pamamagitan ni Julius Caesar at Mark Anthony. Ngunit hindi siya nag tagumpay sa kaniyang pakikidigma sa mga Romano. Nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagpapatuklaw sa ahas. Ang Ehipto ay naging lalawigan ng Romano sa loob ng 700 taon.
Sistema ng Pagsulat
Hieroglypics ang tawag sa sistema ng pagsulat, kung saan ang mga bagay ay may katumbas na hugis o larawan. Tinatala ng mga eskriba sa bato ang paniniwala, kasaysayan at kultura hanggang matuklasan nila ang papel na nagmula sa papyrus reeds. Magaling rin sila sa larangan ng astronomiya, matematika, astrolohiya, at mga gawaing pangkabuhayan.
TANDAAN!
Ang mga
sinaunang kabihasnan na inaral natin ay ang:
1.
Kabihasnang Mesopotamia
- nangangahulugang
"Lupain sa Gitna ng Dalawang Ilog"
- Fertile
Crescent
-
Tigris/Euphrates
- Nasa
dulong bahagi ng Asya at Europa
2.
Kabihasnang Indus
- Indus
River
- Kalupaan
ng India, Bangladesh, Pakistan, at karatig-lugar
3.
Kabihasnang Shang / Tsino
- Huang Ho
- Sa loob ng
Kalupaan ng Tsina
4.
Kabihasnang Egypt
- Nile River
- Sa Africa
Huwag din
nating kalimutan, ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay may pagkakatulad
bagama't may pagkakaiba sa kultura, wika, lahi, heograpikal na lokasyon..
Subalit
nagkakapareho naman ang pinag-usbungan - sa tabi ng ilog!
GAWAIN
1
Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.
1. Ano-anong
katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may
pagkakatulad
sa isa’t isa?
2. Bakit
nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod
ng kabihasnan?
3. Alin sa
kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking
impluwensiya
sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito?
Ipaliwanag
ang sagot.
GAWAIN
2
Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno. Ikomento rin sa gawing ibaba ang iyong sagot.
1. Bilang
isang mag-aaral, anu-anong pagbabago ang napansin mo sa iyong sa paaralan?
2. Sa
pamahalaan naman, anu-anong pagbabago ang iyong nakikita?
3. Sa
iyong Sarili, nababatid mo ba ang mga impluwensya ng unang kabihasnan sa iyong
kapaligiran? Paano mo pahahalagahan ang mga impluwensyang ito? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
GAWAIN
3
Panuto:
Magbigay ng Sampung Lugar na nabanggit sa araling ito. Isulat ang iyong sagot
sa iyong kwaderno. Ikomento rin dito ang iyong sagot.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Reference:
https://dignidadngguro.blogspot.com/search/label/First%20Grading?updated-max=2021-10-18T03:00:00-07:00&max-results=20&start=5&by-date=false
https://dignidadngguro.blogspot.com/search/label/First%20Grading?max-results=20
Kasaysayan
ng Daigdig. Modyul ng Mag-aaral. Unang Edisyon 2014. Department of Education.
Vibal Group, Inc. Philippines.
http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm
phillipriley.comswiki.wikispaces.net
http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/ex
p_set.html
http://www.mapsofindia.com/history/indus-valleycivilization.html
http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm
http://egypt-trade.wikidot.com/
http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations
/mesoamerica.html
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr4xJNuFJtfhHAAQyVXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MOHENJO+DARO&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9ImizFZtfZEEAeU9XNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=map+of+the+world&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=12&iurl=https%3A%2F%2Fonlinehomeopathictreatment.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2013%2F05%2FWorld-Maps-International-printable-World-Map-Photos.jpg&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9CKuPFptfQX4A_VxXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=INDUS&fr2=piv-web&fr=mcafee
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9BNl8F5tfbnQASzFXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HIMALAYA&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=3&iurl=http%3A%2F%2Fhimalayaguides.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2016%2F04%2Fview-of-south-side.jpg&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DskcGZtfQ_AAIVFXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=HUANG+HO&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=6&iurl=https%3A%2F%2Fmedia1.britannica.com%2Feb-media%2F16%2F116016-004-F01710FA.jpg&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9DtTlGptf8egA2idXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=NILE+RIVER&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=16&iurl=https%3A%2F%2Fwww.natgeokids.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2018%2F09%2FNile-River-Facts-Image-4.jpg&action=click
https://images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=Awr9KRZYHZtflbEAVFlXNyoA;_ylu=Y29sbwNncTEEcG9zAzEEdnRpZANERkQ2XzEEc2VjA3BpdnM-?p=MESOAMERICA&fr2=piv-web&fr=mcafee#id=16&iurl=http%3A%2F%2Fschooltoolbox1.weebly.com%2Fuploads%2F1%2F2%2F1%2F0%2F12105454%2F325316244.jpg&action=click