Showing posts with label Literature. Show all posts
Showing posts with label Literature. Show all posts

Monday, November 19, 2018

Magbabago o Magbabago?!?

Magbabago o Magbabago?!?
ni Dione Ulep

Ano nga ba ang nagbago sa aking sarili? 
Dapat ba ako'y magbago para lapitan ng lahat?

Uumpisan ko na ang aking isinulat....

Nag tatanong nag hahanap ng sagot sa mga tanong ...sa mga tanong na hindi ko alam ang sagot 
Kaya't patulong 
Sinabing pabulong 

Ayoko na suko na ako!
...Ang aking sinabi sa aking sarili 
Pero bawal sumuko dahil grado ang nakasalalay 
Grado ang nakasalalay kaya't bawal sumuko 
..Grado binago mo ako para di ako sumuko at habulin ang aking mga kulang 
...pinangako ko sa aking sarili, ako'y magbabago sa pag dating ng ikalawang markahan. 

Sumunod ang nagbago sa aking sarili  ang aking ang emosyon 
...Na ako'y laging nakasimangot at laging nagagalit binago ko ito para lapitan ng mga gwapong lalaki. 
...Tulad nga ng sinabi ko na akoy tatamad tamad nung unag markahan kayat pilit kong babaguhin ang aking sarili sa pag dating ng ikalawang markahan

Ikalawang markahan...
Ano nga ba ang nag bago sa aking sarili 
Nagbago ng lalapitan..
Nagbago ng kokopyahan.. 
Isa sa mga pag babago ko at isa rin sa pag babago ng aking mga kamag-aral. 

Nung unang markahan na hindi gumagawa ng takda na binabaliwala na  parang taong mahal ko na kung ano ang pag babaliwala ko sa aking takda ganoon din ang pag babaliwa nya sa aking nararamdaman 
...kaya't  binago ko ito sa ikalawang markahan ...pero binaliwa parin ako 

Dumako naman tayo sa parte ng pag susulit...

Maikling leeg na humahaba kapag pagsusulit 
Malabong ang mata kapag nagtuturo ang guro 
...pero pagdumaan ang  pagsusulit itoy lumilinaw! ako'y na bibilib!  

Dapat na natin itoy baguhin 
Kung maikli wag nang pahabain 
Kung malabo wag nang palinawin 
Baguhin na natin ang ating sarili 
...para hindi magsisi

Dumako tayo sa parte ng mundo...

Sa mundo na puno ng nag fefeeeling perpekto
Ganyan sa mundo puno ng  nagfefeeling perpekto  kapag ika'y nasa taas pilit kang ibaba 
kaya't ako'y mas gugustuhin na nalang 
...nasa baba para hindi na maibaba!

Nung ako'y nataasan ko sya sa aking grado ...nasabihan ng tabi sa matalino kaya binago ko ito 
...kaya hinde na tumabi sa matalino 
...tumabi na sa kapantay!

At dumating ang ikalawang markahan
...na dumating na ang aking grado  
...wala parin pag babago 
...mataas parin ang grado 
kaya kahit kanino ako'y itabi wala paring pagbabago 
...Ehh kung itabi ako sa'yo sino ang matalino?
maraming salamat sa iyong panghuhusga kase nalaman ko kung ano ang kaya ko!

Sa mga taong mapanghusga sa akin o sa amin 
...lubos akong nag papasalamat dahil nabago namin ang aming sarili 
...muli huwag akong kakalimutan ako si Dione Ulep na lubos na nagpapasalamat sa iyong salitaan!

Sa parte naman tayo ng malabo...
Sa'an man ito'y matungo sana nasa tama 
Sa relasyong kompikado! 
..Na malabong maging tayo!
..Na parang proyekto na malabong  maipasa! 
..Na malabong ihabol at malabong hindi na makapasa! 
dahil hindi na habol at huling nabigkas ng aking bibig na "SANA  NILINAWAN KO NUNG UNA!"  
...para hinde na naghabol!

Tuesday, June 19, 2018

"KAIBIGANG NAGDUDUNUNG-DUNUNGAN"

Ni Sir Franz Senido

Wala kang b*yag at paninindigan
Ang maging alipin ay kinahihiligan
Habang nilalaban namin ang lahat ng karapatan
Ikaw itong T*nga at nagbubulag-bulagan

Gumising ka aking kaibigan
Hindi dapat posisyon ang iyong inaasam-asam
Sapagkat kung tunay kang magaling sa iba't ibang larangan
Hindi mo kailangan magpabida sa amo mong gahaman

Patawarin ka nawa sa iyong kamangmangan
Dahil HINDI kami papayag na prinsipyo ay matapakan
Lalo na kung tungkulin namin ay maayos na ginagampanan
Sadyang hindi mo lang maunawaan aming pinaglalaban

Ikaw ba ay naniniwala? sahod mo ay sapat?
At itong L*ntik na mga buwaya sa'yo ay tapat.
Maaring sa bukas na pag-iisip, ikaw ay salat
Aba, mag-isip ka!!! bago mahuli ang lahat.

Wednesday, January 3, 2018

Thirty Nine

Benjo Basas
Teachers Dignity Coalition
National Chairman

Kape tayo! Ngayon ang huli kong birthday bago mag-kuwarenta anyos. Mag-aapat na dekada na pala ako sa mundo. Habang nagkakape ako ay naisip kong balikan ang una kong dekada, ang 1979 hanggang 1990.

Dekada 80 ako unang nag-birthday, 1980 ang first birthday ko. Sa dekada ring ito unang nag-aral- kinder at elementary. Noong kinder, 5 years old ako, parang limang ulit lang ako inihatid ng Nanay ko sa Friendship School, medyo malayo sa amin, lakad lang. Sa elementary naman ay na-enjoy ko ang pagiging bata. Masaya sa school, maraming kaibigan, maraming matututunan. Uso pa ang corporal punishment, pag makulit ka, walang assignment, maingay sa klase o nakikipag-away- palo o pingot ka kay teacher. Wala pang Child Protection Policy ang DECS (wala pang DepEd eh), pag pinalo ka ni teacher at nalaman ng Nanay mo, magagalit ang Nanay, hindi kay teacher kundi sa iyo. Kaya palo ka uli pag-uwi mo. Masaya ang karanasan ko sa pag-aaral. Dahil sa pag-aaral natutunan ko rin ang ilang kalokohan- magmura, magsugal ng ending, digit at text pera-pera. Natuto rin ako makipagsuntukan. Pag nagkaasaran sa school, may usapan na pag-uwi ay suntukan sa likod ng simbahan. Salamat talaga Sta. Quiteria Elementary School!

Salat at kapos, ganun ang buhay, gayunman, masaya ang aking kabataan. Naranasan ko pa ang totoong laro- tumbang preso, luksong tinik, luksong baka, patintero, siyato, agawan base, teks, holen (plesing ang tawag sa laro ng holen kung saan may taya sa loob ng isang bilog na guhit, sa lupa ito nilalaro, hindi puwede sa damo o semento. Kung bakit plesing, ewan ko.) at tatsing (parang plesing pero laruan o pera ang taya). Nakaranas din akong maligo sa tibagan, manghuli ng talangka sa bukid, mamingwit ng palaka, umakyat at mamitas ng bayabas ng kapitbahay nang hindi nila alam. Lahat yan ay sa Sta. Quiteria nangyari, ang iba sa Ugong, Tullahan River lang kasi ang pagitan ng Caloocan at Valenzuela, tanawan lang rin at minsan sigawan makakakuwetuhan mo na ang nasa ibayo. Oo, ganun pa ang itsura ng Sta. Quiteria at Ugong noon, may mga bukid, may mga sapa at maraming kalabaw, semi-rural (hindi semi-feudal ha).

Batang-bata pa ako noong Dekada 80, ang alam ko lang magulo sa Pilipinas. Nakikita sa balita at naririnig sa usap-usapan ng matatanda. May senador na pinatay sa airport, tapos may mga protesta. Tapos may eleksiyon na ramdam ko ang tensiyon- Namfrel volunteers yata ang mga magulang ko noon. Tapos nangyari yung sa EDSA, walang pasok, matagal. Nung lumaon saka ko lamang naunawaan  na ang bansa pala ay nasa ilalim ng diktadurya, walang demokrasya, may digmaan sa Mindanao at kanayunan at baon sa utang. Tahasan ang pandarambong at paglabag sa karapatan ng taumbayan. Bandang huli, nagpalit ng presidente at konstitusyon. Hindi naman natigil ang gulo, baon pa rin sa utang at laganap pa rin ang kahirapan.

Dekada 80 rin nung sumikat ang That’s Enteratinment ni Kuya Germs, dito nagsimula ang halos lahat ng malalaking artista ng ating henerasyon- Gino Padilla, Jaime Garchitorena, Lilet, Caselyn Francisco at Billy Joe Crawford. Pumunta rin dito at nag-concert ang Menudo, ang orig boy band na tinitilian ng mga teenager sa buong mundo na galing pa sa Puerto Rico. Nagsimula ang TV Patrol kasama ni Kabayang Noli sina Mel Tiangco, Angelique Lazo at Kiko Evangelista at may portion si Ernie Baron. Lalo pang sumikat ang ABS-CBN, sinuwerte sila sa Year of the Dragon, 1988 yun. Ang balita sa gabi ay puro English, walang Tagalog. Pati ang cartoons ay hindi naman dubbed sa Tagalog kadalasan. Sumikat din ang Bioman at Shaider at ibinalik ang Voltes V at Daimos. Ang Eat Bulaga ay nasa Channel 9 pa, pati ang John en Marsha nina Dolphy at Nida Blanca at Superstar ni Nora. Si Vilma naman ay nasa Channel 7 at si Sharon ay sa Channel 2, gayundin ang drama show ni Maricel. Namamayagpag din ang Channel 13 sa big time shows gaya ng Iskul Bukol, Ok ka Fairy ko, TODAS at Sic o’clock News, dito rin nagsimula ang show ni mega bago lumipat sa dos. Hindi rin uso ang network war at makikita mo sa iba’t ibang channel ang mga artista, maraming channel kang mapagpipilian, hindi gaya ngayon na halos dalawa lang.

Naglabasan na rin ang mga instant noodles- Maggi, Nissin’s at Payless (hindi yung tindahan ng sapatos sa Venice). May kapeng barako pa sa tindahan na mabibili ka. Ang babolgam natin ay Bazooka na palolobohin mo nang malaki. May maliit na comics ang Bazooka sa balot niya na mayroong jokes, English din. Star margarine ang paborito nating palaman, minsan inihahalo rin sa mainit na kanin at may star rice ka na, aasang tatangkad ka. Naaalala ko rin ang mga tsibog nung bata ako- tira-tira, itlog ng butiki, zeb-zeb, pompoms at yung tsitsiryang inilalagay sa diyaryo na ibibigay sa iyo ng mamang may dalang potpot kapalit ng bote mo. Ang bigas ay sa papel inilalagay, hindi sa plastic. Nagsimula nang sumikat ang Jollibee, pero mas sikat ang Cindy’s, Tropical Hut at Scott Burger, yung may estatwa ng batang may pasang hamburger (sikat talaga kasi ang tag line, sa Scott kayo’y laging sikat).

Wala pang flyover sa EDSA at hindi pa matrapik. LRT line 1 pa lang ang nagagamit at ang PNR ay tumatakbo hanggang Kabikulan, buhay pa rin ang istasyon sa Caloocan. North Diversion Road ang tawag sa NLEX at South Superhighway naman sa SLEX. Ang biyahe ng bus na Novaliches-Baclaran ay sa Quirino Highway at Balintawak ang daan. Kung magta-taxi ka, may option na aircon at non-aircon. Mayayaman lang ang may telepono at PLDT lang ang nagseserbisyo, ni sa hinagap ay walang nag-akalang magkakaroon ng celfone ang lahat ng tao.

Ganyan ako pinalaki ng Dekada 80. Simple. Masaya. Marami pang kuwentong babalikan sa dekadang ito, hindi lang ako, kundi lahat tayong naranasan pa ang totoong kapaligiran, bago sakupin ng Facebook ang ating buhay at dalhin tayo sa mundong virtual.#

Friday, December 29, 2017

Unity is a Myth, When Adversity Rises

By Teacher Bong Lopez

A cool breeze of December and a scent of Christmas have been twittering around the soundless village when Gemma woke up as early as three o’clock in the morning. She was looking at the window for about an hour while holding a new dress she bought for bunso, when she saw and petrified with the falling star and immediately with no hesitation, she whispered a sanguine wish. After she spoke the secret words, her arid face became vivid and vigorous. Every day, she needs to fix all her daily routines and rituals, as part and parcel of being a wife, a mother of her four kids, and a public school teacher in a nearby town. “I need to finish folding these clothes first before doing my Daily Lesson Log while cooking rice for our breakfast. “ Gemma mumbles while she glances to her husband and four children sleeping soundly in their rooms.

Gemma is a mediocre public school teacher in Sta. Cruz, High School. She has been in teaching for almost twenty two years but still holding a position of Teacher I, the lowest rank in the platform of Department of Education (DepEd). In spite of this condition, she had devoted her life to teaching. She is very animated and enigmatic teacher that is why most of the students love and idolize her. “Why did you not pursue your Master degree and after that you can apply for promotion?” Maricel says, her closest friend and co-teacher who just promoted for Master Teacher I in Senior High School, a month ago, who is definitely rendered shorter service in the DepEd. “I thought of that but certainly it will become a dilemma. I have four kids and my husband only works in the field. We cannot even afford a Nanny. Saturdays and Sundays are just the remaining time for my family to go elsewhere, and bind together in our small Pentecostal church.” Gemma humbly replies. She thinks that sometimes aspiring in higher rank with higher compensation could create deviation in the academe.

Modern technologies and way of living have been continually emerging and the gaps of non-millennials and millennials are constantly broadening. These become great barriers between the students and the teachers. The Social Media has a great influence in these changes. Gemma, as a teacher needs to be abreast with these issues and be flexible by finding means how to bridge these hurdles. He religiously mingled with the students and discovered very important insights. Using the recent technologies and learners’ interests like Facebook (FB), Twitter, Instagram and the like including millennial language could be tools and aids in more emphatic and realistic teaching-learning process. Gemma should do the other way, this time she should be learning from the students.

When Gemma started writing original stories and tried to post on FB, she has received a lot of positive comments from the social media users and they shared her works. She tackled issues, conditions, and aspirations of the Public School teachers in her first novel series entitled Agonies of a Teacher. When the first part was posted, most of the comments from the readers are they excited in the next chapter. The most exhilarating part of Gemma’s life is when her second short story about life, love, betrayal and death became viral. Ang Diary ng Isang Patay (A Diary of the Dead) received more than twenty thousand likes and more than eighteen thousand shares in just two months from the FB users (netizens). In a glance Gemma’s life was turned upside down. The netizens became conscious and more eager about her life and her written stories. Some netizens with good hearts rendered help to Gemma in pursuing her talents by helping her in publishing her books and eventually earning certain amount additional to the salary she is getting in teaching.

There was also a bill created in the senate that the salaries of the public school teacher especially in the lowest rank will be doubled and already in its final reading next senate session. Some of the senators have read the stories written by Gemma and immediately they considered and probed the recent conditions and compensations of teachers and found out that
It is timely for them to receive higher salaries and more benefits to ease their financial burdens.

It was like fiesta at Sta. Cruz High School when a reporter from a well-known Television came to interview Gemma about her trendingpost. “What is your inspiration in making such viral stories Madam Gemma Sabado and where do you get the emotion of the stories which seem to be appealing to the readers worldwide?” Asked by Pam Agila a renowned reporter. “I am a very pragmatic person but with soft heart. I put empathy in my writings because I knew the feelings of being neglected and nothing. I represent stereotypical people, the netizens who simply want changes in their monotonous lives that even a single like or reaction in their posts matter a lot. I believe that everyone can be a means of changes and unity despite of the problems we are currently facing. My ounce of courage in this vision begins in my pen and ends in my mind, which is given by our Father, Our Omniscience God.” Says Gemma with tearing eyes.

“Mom is it true, look, you are in T.V.!” Pauleen says, Gemma’s daughter, and she tightly hugs and kisses her mother. “Congratulations Ma! We are so proud of you.” She happily continues. “Okay let’s eat, I just cooked spaghetti and fried chicken”. Gemma says as she calls everybody. “Yeheey!” They yell in chorus.

At the evening, when she was about to rest and take a long nap, she closed her eyes and say a little prayer and said “Dear God, thank you that despite of my infirmities and imperfectness you made me a teacher like you. It may not be the best and highest remunerated job in the world but I hope in my diminutive skills, empathy for children to learn and for unceasingly loving this mission, which you have bestowed upon my hands, every day, I will continue to write stories through the lives of my children. It could be fairy tales which always finish in a happy ending and tragedies that culminate to melancholy circumstances, but full of lessons to be learned. In Jesus name. Amen.”

Monday, November 27, 2017

Diary ng Isang Patay

By Teacher Bong Lopez

Tandang tanda ko pa ng mamatay si Selina. Pati ang  panahon ay nakikidalamhati sa kanya. Kahapon lamang ay maaliwalas ang kalangitan ngunit nang magsimula na ang marcha ng mga tao patungong sementeryo ay biglang pumatak na ang ulan. Palaisipan din sa mga tao kung nasaan na si Mena ang nag-iisa niyang kasama sa lumang mansyon at  katulong ng pamilya Dominguez sa loob ng mahigit limampung taon.

Si Selina ay kabilang sa pinakamayamang angkan sa aming bayan. Sa katunayan sila ang may pinakamaganda at pinakamalaking bahay sa aming Barangay. Ito ay malaking mansyon na yari sa kahoy at semento na may 2nd floor at basement. May malawak itong sala at may tatlong malalaking silid sa itaas. Lahat ay halos mapapatingin sa angking laki at ganda ng bahay ang sinomang mapadaan doon.

Nag-iisang anak lang si Selina ng mahigpit at matapobreng si Raymundo Dominguez na isang kilalang abogado at haciendero sa bayan bagama't maagang namatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso. Sila ang nagmamay-ari ng halos humigit kumulang sa dalampung ektaryang lupa sa aming baryo. Kabilang na dito ang sinasaka ng aking yumaong ama na kalahating ektarya.

Si Selina ay lumaking maganda at nakakapag-aral sa isang pinakasikat na pribadong paaralansa aming bayan. Isa ako sa madaming kalalakihan na nagkakagusto sa kanya, subalit dahil sa takot sa kanyang tatay ay di ko man lang nasabi ang lihim kong nararamdaman. Marami akong nakitang umakyat ng ligaw sa kanilang tahanan. May mga enhinyero, doctor at iba pa, pero sa higpit at pihikan ng kanyang ama ay ni minsan wala kaming nabalitaang naging kanyang kasintahan. “Balak yatang gawing matandang dalaga ng tatay niya itong si Selina, ang ganda ganda pa naman.” bulong bulongan ng mga usiserang kapitbahay.

Kasalukuyan noon na nasa ikatlong taon ng kursong abogasya si Selina ng biglaang mamatay ang kaniyang ama dahil sa stroke. Nagulat ang maraming tao sa inasal niya sa lamay ng kanyang ama. Ni hindi man siya nakaramdam ng lungkot o naiyak at hindi man lang nagsuot ng pangluksang damit. “Buhay pa ang aking Daddy, natutulog lang siya” aniya ni Selina sa mga taong nakikiramay sa kanya. Isa ako sa nakiramay roon at nakasaksi sa unti-unting pagbabago ng kaisipan niya. Naaawa ang mga tao sa kanya, sa ngayon ay ulilang lubos na siya kahit pa madami silang ariarian. “Kawawa naman si Selina, parang nababaliw na yata siya, baka di niya kayang tanggapin ang pagkamatay ng kanyang ama”, bulong bulungan ng mga tao.

Umabot na ng dalawang linggo pero ayaw pa ilibing ni Selina ang kanyang ama, kaya kumilos na aming kapitan at isinangguni sa Alkalde ang problema patungkol dito. Dahil sa bisa ng isang resolusyon galing munisipyo ay sapilitang  inilibing ang ama nito. Nakayakap si Selina sa kabaong ng kanyang ama at sinasabing buhay pa siya at ipinipilit ang gustong huwag siyang ilibing, hanggang nawalan siya ng malay. Sinamantala naman ng mga tao na dalhin sa sementeryo ang labi ng kanyang ama upang doon ilagak.

Awang awa ako kay Selina ng panahong iyon, wala akong magawa kundi titigan siya habang inaalalayan ng kanilang  katulong na si Mena. Dumudugo ang aking puso sa tuwing napapatingin ako sa kanilang bakuran at nakikita ko siyang tulala at namumutla dahil sa labis na lungkot. Kung may magagawa lang sana ako ng panahon na ‘yon para aliwin siya at sabihin sa kanyang mapalad pa nga siya kaysa sa akin dahil bata pa ako ay wala na akong mga magulang.

Lumipas ang maraming buwan at taon. Hindi na makitang lumalabas ng bahay si Selina. Minsan natatanaw siyang nasa kanilang hardin o di kaya’y nasa sala lang. Huminto na siya sa pag-aaral at umaasa na lang siya sa mga upang pera at palay sa kanilang bukid tuwing anihan na tanging si Mena lang ang tumatanggap ng mga ito. Si Mena din na lang ang madalas makitang namimili ng mga kailangan sa bahay  at pag kinakausap naman ito ng mg tao ay pilit pa itong umiiwas at tikom ang bibig. Iniisip tuloy ng marami na talagang bumigay na ang utak ni Selina.

Isang araw, nabalitaan ko na kailangan nila ng hardinero. Dahil nag-iisa lang naman na ako sa buhay at hindi nakapag-aral kaya sinubukan kong pumasok sa kanila. Sa una’y tanging si Mena lang kumakausap sa akin hanggang sa lumabas si Selina. Nagulat ako ng una ko siyang nakita. Ibang iba na ang maganda’t matalinong si Selina na nakilala ko noon dahil mukhang hindi na siya nasisikatan ng araw, at napakahaba na rin ng kanyang mga buhok, may maduduming kuko at parang matagal ng hindi naligo.

Nagkapalagayan kami ng loob dahil sa maayos na pag-aalaga ko sa kanilang hardin. Kinakausap ko rin siya ng madalas at nakikinig ako sa mga out of this world niyang mga kwento. Pinapabayaan ko lang siyang magsalita dahil parang ngayon lang ulit may nakinig at umunawa sa kanya. Natutuwa naman ako dahil unti unting nagbabago si Selina. Minsan nga ay nakiusap siya sa akin na bumili ng lason sa daga dahil madami raw umaaligid na bubuwit sa kanyang kwarto. Tuwang tuwa siya ng kinabukasan ay madaming nakabulagtang daga sa loob at labas ng mansyon. Pinulot ko lahat ng mga ito at ibinaon sa likuran ng bahay.

Nagtataka ako ng minsang pinatawag Si Aira, isang baklang beautician, sa aming baryo. Pag alis ni Aira ay nagulat ako sa nakita ko. Nagpagupit pala si Selina at nagpa-pedicure at manicure. Paglabas niya sa bahay ay nakita ko siyang malinis at bumalik ang kanyang angking kagandahan. Hindi ko na nababanaag kay Selina ang sinasabi ng mga kabaryo ko na siya ay nasisiraan ng bait. Maganda siya at maayos naman makipagusap. Hindi ko maipagkakailang bumalik ang pagmamahal na dati ko ng naramdaman sa kanya. Hindi ko lang ito nasabi sa kanya dati dahil sa mahigpit at matapobre niyang ama, at isa pa sa dami ng manliligaw niya hindi niya pipiliin ang isang nakikisaka lang na katulad ko.

Naging mabilis ang pangyayari at naging magkasintahan kami ni Selina. Masaya ang bawat araw na magkasama kami. Madalas siyang magluto ng pagkain at kumakain kaming magkasama sa kanilang maluwag na kusina. Ang ngiti ni Selina ay nanumbalik. Sa wakas ay nayaya ko na rin siyang lumabas ng kanilang bahay at dumadalas kaming nakikitang lumalabas at inaangkas ko siya sa aking lumang motorsiklo. Niyaya ko siyang manood ng sine sa nag-iisang mall sa bayan lalo na noong ipalabas ang mga pelikula ni Dolphy at Panchito. Di pa rin maiwasan na makarinig kami ng mga side comment ng mga pakialamera at tsimosang mga kabaryo. Noon ay naawa sila kay Selina at ngayon naman na naging nobya ko siya mas lalo silang naawa sa kanya dahil sa dami daw ng manliligaw niya dati, sa katulad kong palaboy ang bagsak niya. Masakit para sa akin iyon. Mahal ko si Selina at kahit wala siyang pera at ari-arian mamahalin ko pa rin siya.

“Ayos ka tol ha, sabihin mo nga sa akin kwarta lang ang habol mo kay Selina no? E baliw na yun ba’t mo pa pinatos?” pambabastos na sabi ni Ato sa akin habang nag-iinuman kami minsang fiesta sa aming baryo. Nagpantig ang aking tenga at inumbagan ko siya ng sunod sunod na malalakas na suntok. Dumugo agad ang kanyang ilong at biglang nagkagulo sa loob ng plaza at pinilit akong inilabas ng mga tanod. Nagsisigaw pa din ako at dinuduro si Ato at pinagbantaang huwag na huwag siyang magpapakita sa akin at baka mapatay ko siya. Wala akong magawa noong gabing yun kundi bitbitin ang isang kwatro kantos, lagokin ito habang naglalakad  hanggang nakatulog ako sa tabi ng simbahan.

Kinabukasan, umugong ang balitang malapit na daw kaming magpakasal ni Selina. Nakikita kasi ng mga tao ang suot-suot kong engagement ring na binigay ni Selina sa akin noong nakaraang linggo. Sa halip nga na ako ang magbigay sa kanya ng singsing ay ako naman ang binigyan. Ito ay mamahalin at nakalagay sa loob ang kanyang pangalan. Alam niya siguro na wala akong pambili dahil siya rin naman ang nagbibigay ng sweldo sa akin bilang hardinero at boy nila. Usap usapan din ang pagpapatahi ni Selina ng Trahe De Buda sa bayan. Namili din daw siya ng barong tagalog, sedang pantalon, camisa de chino, balat na sinturon at sapatos, medyas at suklay na may burdang R.L. na aking inesyal. 

Pangarap ko talagang mangibang bansa. Bago pa man kami naging magkasintahan ni Selina ay mayroon na akong nakapending na application sa Saudi bilang construction worker. Nagulat ako nang minsang may dumating na sulat na nagsasabing tanggap ako. Nais ko sanang mangibang bansa ng dalawang taon upang patunayan kay Selina at sa mga kabaryo ko na kaya ko siyang buhayin sa pamamagitan ng sarili kong pera at di lang ako aasa sa kanya habambuhay. Dalamput walong taon pa lang naman ako noon at si Selina naman ay benti singko pa lang.

Ipinagtapat ko kay Selina ang balak kong pangingibang bansa. “ Ano pa ba ng kulang sa akin at iiwanan mo din pala ako? Sa tingin mo ba hindi tayo mabubuhay sa kung anong mayroon tayo ngayon? Bakit ba napaka-importante sa iyo ang sasabihin ng ibang tao?” Paiyak na bigkas ni Selina. “ Babalik din ako Selina, dalawang taon lang naman yun. Para sa atin din naman ito at isa pa bata pa ako nilalait na ako ng mga tao, wala akong mga magulang, namumulot lang ako ng mg kalakal at nakikitira lang kung kani-kanino. Ito na ang panahon na may mapapatunayan ako sa sarili ko at ibang tao.” Pagpapaliwanag ko kay Selina sabay yakap sa kanya. “Huwag mo muna akong kausapin.“ Sagot niya sa akin sabay piglas at takbo sa kanyang kwarto sa itaas habang sumisigaw ng malalakas na dinig na dinig sa labas ng kanilang bahay.

Ilang linggo din na di kami nag-usap ni Selina. Hindi ko rin siya nakikitang lumalabas ng bahay tanging si Mena lang ang nakikipagusap sa akin sa tuwing pumupunta ako sa kanila. Sinasabi niya madalas sa akin na ayaw daw akong kausapin si Selina. “Pakisabi na lang sa kanya sa Martes na ng madaling araw flight ko ha.” Sagot ko naman kay Mena. Napag-isip isip ko na mali yatang mangingibang bansa ako pero nananaig pa din sa akin na para sa ikabubuti din namin kaya ko gagawin ito. Alam ko mapapatawad din niya ako at magpapakasal kami pagkatapos ng dalawang taon pagbalik ko.

Nakaempake na lahat ng gamit ko at papeles sa malaki kong luggage nang hindi ko inaasahang isang araw bago ang aking flight papuntang Saudi ay pinuntahan ako ni Mena. Sinabihan niya ako na doon na daw ako magtanghalian sa kanila at hapunan dahil ipinaghanda ako ni Selina. Dalhin ko na din daw ang aking luggage kasi siya na daw ang maghahatid sa akin papuntang airpot mamayang madaling araw. Tuwang tuwa ako dahil alam ko nauunawaan na niya ako at pagkakataon ko din ito para makapagpaalam sa kanya ng maayos.

Dali dali akong nagbihis at hila hila ang aking luggage at pumunta sa mansyon nila Selina. Pinagbuksan ako ng gate ni Mena. Maayos ang buong bahay at malinis. Amoy na amoy ko pa ang nilulutong kalderetang kambing ni Selina kasi alam niya yun ang paborito ko. Namangha ako kasi wala namang nagbago kay Selina, hindi naman siya mukhang depressed maliban lang sa namumugto ang mata nito at halatang umiyak. “Kumusta ka na?” sabi ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit at hinalikan ko siya sa labi. Bigla na lang siyang humagulgol ng iyak at hindi makapagsalita ng maayos. Para siyang batang paslit ng nanghihingi ng awa ng panahong iyon. “Ano pa hinihintay niyo kain na tayo tanghali na kaya.”  Nagulat kami ng tawagin ni Mena. Nagkatinginan lang kami at sabay na pumunta sa mesa na punong puno ng pagkain.

Masayang masaya ang araw na yaon. Parang hindi ako aalis bukas. Parang ayaw ko na nga umalis. Masaya ako na kasama si Selina at alam ko na magiging malungkot siya ng sobra sa pag-alis ko tulad din ng naranasan niya ng biglang mamatay ang nanay  at sunod naman ang kanyang ama na halos ikasira ng kanyang bait. Di pa naman ako patay at babalik naman ako. Pilit kong sinsabi sa sarili ko.

Sabay din kaming kumain ng hapunan at maaga kaming natulog na magkasama sa kanyang silid. Hindi ako makatulog nang gabing yun dahil binabantayan ko ang oras kailangan kasi alas onse ay aalis na kami ni Selina. Ang pagkakaalam ko kasi ay mayroon na siyang inupahang sasakyan na maghahatid sa akin sa airport. Alas dyes na ng tumayo ako at nagsuot ng damit. Alam niya na magbibihis na ako dahil malapit na ako umalis. “Teka lang at ipagtitimpla kita ng kape.” Sabi sa akin ni Selina. “Oo sige para magising ang diwa ko.” sagot ko sa kanya. Habang nabibihis ako ay pumunta siya sa kusina para kumuha kape. “Sige Hon inumin mo na tong kape.” Malambing na yaya sa akin ni Selina. Masarap ang kapeng ininum ko galing kay Selina pero sa dulo ay parang may natikman akong ibang lasa. Bigla na lang umikot ang paningin ko at animoy parang hindi ko kayang pigilan ang sobrang antok na nararamdaman ko.
   
Nagising ako, nagulat at naguluhan. Nagtanong ako sa aking sarili bakit nasa bahay na ako wala na ako sa mansyon nila Selina. Tinignan ko ang oras at alas onse pa lang at bigla akong tumakbo papunta sa bahay nila kahit madilim. Pilit kong kinakatok ang kanilang gate at sumisigaw pero hindi nila ako naririnig. Papasok sana ako sa loob ng bahay nila pero may tila malakas na kuryente pumipigil sa akin para hindi ako makapasok sa loob ng bahay nila. Pinilit ko pa ring pumasok pero sa sobrang lakas ng kuyente at tumilapon ako at nawalan ng malay.

Umaga na nang ako ay  magising dahil sa dalawang kapitbahay na naguusap sa tabi ko sa kalsada na nakatulugan ko. “Kawawa naman itong si Selina Mare, balita ko iniwan na siya ni Rene at nagflight na siya kaninang madaling araw papuntang Saudi. Naku baka masiraan na naman ng ulo yan”. Narinig kong usapan nila. Sumagot ako at sinabi kong “Hindi andito lang ako di ako natuloy sa abroad.” Pero di nila ako naririnig. Nagtataka ako parang di rin nila ako nakikita.  Ano ba ng nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?  tanong ko sa aking sarili. Biglang lumabas si Mena sa gate para mamalengke kaya nabuhayan ako ng loob. Nilapitan ko siya at kinausap pero di niya rin din ako naririnig at nakikita. Hindi ko na alam kung ano nangyayari sa akin. Sobrang naguguluhan! Sino ang pwede kong lapitan para magpaliwanag sa akin kung bakit ako nandito sa sitwasyong ito. Bakit andito lang ako sa sa tapat ng mansyon nila Selina at di makapasok sa loob?

Pagkalipas ng dalawang araw nagulat ang mga kapitbahay sa masangsang na amoy na kanilang naaamoy galing sa bahay nila Selina. Lalo pa itong nagiging mabaho pagkalipas ng ilang araw. Amoy na amoy ko din yun at nagtataka ako. Di ko naman nakikitang lumalabas si Selina at di naman ako makapasok sa loob ng bahay para malaman ko kung ano ang nasa loob ng bahay nila na sobrang mabaho. Baka mga daga lang yon sabi ko. Pero sumangguni pa rin ang aming Kapitan sa Alkalde. “Pwede ba nating kasuhan ang taong di naliligo at di naglilinis ng kanyang bakuran?” Tugon naman ng Opisyal sa reklamo ng mga kapitbahay. Dahil walang magawa ang mga kapitbahay kitang kita ko silang kumuha ng mga timba ng tubig at nagdikdik ng bulaklak ng ilang ilang at sampaguita. Nilagyan din nila ito ng madaming kalamansi at lihim na binubuhos sa bakuran nila tuwing gabi para maibsan ang masangsang na amoy nito.

Lumipas ang ilang buwan ay nawala na din ang amoy sa bahay. Si Mena naman ay labas masok pa rin sa mansyon upang mamili. Nagulat ako ng minsan nakita ko lumabas ng bahay si Selina at umupo sa kanilang hardin. Sumigaw ako ng malakas at nagmamakaawang buksan niya ang gate pero di niya ako naririnig. Humagulgol ako pero di naman niya ako makita at madinig. Nakikita din siya ng mga kapitbahay na nagdaraan na minsan tulala at naawa sila sa kanya. Araw araw ko siyang nakikita doon at wala akong magawa kundi titigan na lang ang aking mahal na si Selina. Sa loob ng apatnapung taon ay ganoon na lang ang ginagawa ko tinititigan siya sa labas ng mansyon hanggang sa pumuti na ang mga buhok nito at kulubot na ang kanyang balat. Matanda na din si Mena pero nakakapaglakad pa rin ng maayos. Halos nabubulok na din ang bahay napapalibutan pa ito ng mga sari saring damo at baging. Nawala na talaga ang angking ganda ng mansyong ito. Kung dati ay manghang manghang sila sa disenyo ng bahay subalit ngayon naman ay kung may iba lang daan ay di sila dadaan dito, dahil parang pinamamahayan ng mga multo. Nagtataka nga ang lahat kung bakit nakakatiis tumira ang matandang sina Selina at si Mena.

Nagulat ang lahat ng minsang ibalita ni Mena na patay na si Selina. Pinuntahan ito ng aming kapitan at nakita sa siya sa kanyang tumba tumba sa sala na walang buhay. Si Mena naman ay biglang nawalang parang bula ng maipamalita na patay na si Selina. Walang mag-aasikaso sa labi ni Selina kaya napilitan silang ilapit ito sa aming Alkalde. Nagbigay siya ng libreng kabaong at sinabing ilibing na din ito kinabukasan. Kahit sa libing ni Selina ay puro awa ang bukambibig ng mga nakipaglibing. Di ko man nasilayan ang kanyang labi kasi nakasara na ang kanyang kabaong noong ilabas na ito ng kanilang bahay. Pinuntahan ko na lang ito sa sementeryo sa kanyang puntod. Ako lang ang naiwan doon. Pinagmamasdan ko habang sinasara nila ang nitso. Pag-alis ng sepulturero ay umiyak ako at humingi ng tawad sa kanya. Hindi ako umalis hanggang bigla na lang umulan ng malakas at dumilim.

Ikasiyam na araw ng kamatayan ni Selina ng makita kong maraming tao ang nagkukumpulan na papasok sa bahay nila. Nais daw nilang makita ang loob ng bahay at alamin kung bakit minsan ay may masangsang na amoy dito. Sinubukan kung sumama. Nagulat ako na wala na ang kuryenteng pumipigil sa akin at malaya akong nakapasok sa loob ng mansion nila kasabay ng madaming tao. Pagpasok ko sa loob ay pumapasok din sa isip ko ang mga masasaya’t malulungkot na alala namin ni Selina. Sa sala kung saan binurol ng isang gabi si Selina ay maayos pa naman tanging mga tuyong bulalak at malaking tarpaulin na nakaimprenta ang kanyang mukha ang makikita.  Umakyat ang lahat sa itaas na kwarto kung saan natulog kami noon ni Selina at pinahihinalang pinanggagalingan ng nakakasulasok na amoy dati.

Pagbukas ng pintuan ay kitang kita agad ang tila dekorasyon na pangkasal ng silid at halos puti lahat ng mga kurtina sa loob kahit pa sa ito ay inaagiw na dahil halatang di nililinisan. Nakita rin namin ang isang barong tagalog na nakasabit sa tabi ng isang damit pangkasal sa gilid. Nakatupi din ng maayos ang isang sedang pantalon, camisa de chino at nakaibabaw ang isang sinturon at suklay na R.L. ang inesyal. Nakita  din namin ang isang makinis na pares ng sapatos. Nanlumo ako at parang matutunaw sa aming nakita ng mapatingin kami sa kama. May isang bangkay na nakahiga sa unan at mga  buto na lamang ang natitira, pero maaninag mo ang kanyang posisyon na nakayakap ito. Sa tabi naman ng ulo nito ay may isang unang nakalubog na tila ba matagal ng hinihigaan at punong puno ng mahahaba at mapuputing mga buhok. “ Diyos ko po, patawarin mo po kami.” Sigaw ng isang kapitbahay na pumasok sa silid.

Nakita ko sa daliri ng bangkay ang singsing na binigay sa akin ni Selina at sa maliit na mesang nasa tabi ng higaan ang baso na pinagtimplahan ng kape. Bigla akong umiyak ng malakas at naawa sa aking sarili pagkat napagtanto kong apatnapung taon na palang akong patay.  Biglang nagliwanag ang buo kong paligid at nakarinig ako ng tinig “Anak, halika ka na’’, at biglang unti unti akong pumapaitaas. Nang ako’y nasa alapaap na ay tanaw ko sa malayo ang isang matandang babaeng may puting buhok at hawak hawak sa magkabilang kamay ng dalawang demonyong may sungay at sumigaw ng malakas na “Rene, Patawarin mo ako!!!”

Friday, November 10, 2017

Agonies of A Public School Teacher Part I

 By Teacher Bong Lopez

“Teacher Mercy, paano po kayo naghanda sa kumpetisyon ngayon?” Tanong ng Host at Actor na si Ryan Agoncillo ng pinakasikat na noon time show, ang EAT BULAGA sa kanilang Semi-Final Round ng Pinoy Henyo 2007 High School Edition. “Araw-araw po kaming nagpa-practice at china-challenge ko sila ng mga payo at salita para lalo sila ganahang maglaro”. Tugon ni Teacher Mercy… “Ano po ang gusto nyong sabihin sa mga bata bago natin umpisahan ang patimpalak?” Tanong ni Ryan. “Nico at Gian Carlo, kayo ay kayamanan ng ating eskuwelahan, ilang beses na ninyong  binibigyan ng karangalan ang ating eskwelahan hanggang nakarating tayo dito sa Semi Final, alam kong kaya niyo ito, relax lang kayo and go! go! go! fight! fight! fight!” halos paiyak na wika ni Teacher Mercy habang nararamdaman niyang lumalakas na din ang tibok ng kanyang puso dahil sa nerbiyos.

Nang magsimula na ang laro ay halos manahimik ang buong studio at habang sumasagot ang mga bata ng mga tanong ay humihiyaw naman ang mga manonood. Halos di magkarinigan sa loob dahil sa hiyawan ng mga tao. Nang matapos na ang mga bata sa pagsagot ay nalaman nilang sila ang may pinakamaikling oras na nagamit. Napalundag si Mercy dahil alam nya na sila ang nanalo at itinaas ang kanyang kanang kamay at sumigaw ng malakas na “YES! YES! WOOAAH!” ‘Di siya makapaniwalang sila ang nagwagi at parang nakalutang sya sa alapaap habang patakbo siyang pumunta sa entablado upang samahan ang kanyang mga estudyante. "Congratulations! San Vicente High School. Babalik kayo sa Grand Finals na gaganapin sa May 23. You won a total amount of One hundred thousand pesos. Magbabalik ang EAT BULAGA” Masaya at masiglang anunsyo ni Ryan, sabay putol ng T.V. live broadcast para sa commercial break.

Masaya ang lahat dahil sa nakuha nilang premyo. Nakuha pang manlibre ng dalawang winners sa higit sa isang bus na akay akay nilang supporters, guro, at estudyante sa kanilang paaralan sa isang restaurant sa Kamuning upang kumain. Parang fiesta ang araw na ‘yon. Sulit ang pagod, kaba, at gutom ng bawat kasama. Si Mercy naman ay tuwang tuwa dahil nakatanggap sya ng sampung libong piso bilang coach. Ito ay kusang binibigay ng Eat Bulaga sa mga nananalo at di nanalong coaches.

Nang maghiwa-hiwalay ay dagliang umuwi si Mercy sa kanilang bahay upang puntahan ang kanyang apat na anak at asawang kapwa din niyang guro sa public school. Sa daan pa lang ay napakarami nang nagsasabi sa kanya na
“Congratulations Ma’am, balato po namin…” na gagantihan na lamang ng ngiti ni Mercy. Ang kanyang mga kapitbahay, kapwa guro, kabarangay, kakilala at higit sa lahat ang kanyang pamilya ay tuwang tuwa dahil sa napanood siya kanina sa T.V. sa Eat Bulaga  na may pinakamataas na rating tuwing tanghali at may napakaraming televiewers nationwide.

Agad niyakap si Mercy ng apat niyang anak.. “Mama ang galing galing mo!,” sabi ng panganay.. “Ang ganda mo pala sa TV Ma,” ika ng nag-iisang lalaki niyang anak. “Very good! Nakabihis na pala kayo. O halina at nasa kotse na si Papa niyo kakain tayo ngayon sa labas.” Pag-aaya ni Mercy sa kanyang mga anak. “Yeehey!” Sabay sabay na sigawan ng apat na magkakapatid at kinarga ni Katkat, pangalawang anak ni Mercy, ang bunsong kapatid.

Narinig nila ang tunog ng lumang kotse ng tatay nila. Hirap na hirap ang tatay nila na magmani-obra ng sasakyan dahil makipot at matao ang squatter area na kanilang tinitirhan. Kailangan pang hawakan at tanggalin sa kulungan ang manok na panabong ng kapitbahay, para lang makadaan ang kotse nilang segunda mano. “Pa,’bat ayaw mong bumili ng tricycle?” tanong ni Pawpaw, ang panganay nilang anak. “Mas safe tayo dito Nak.” masayang sagot ni tatay dahil hindi niya masabi  ang tunay na dahilan. Binili lamang niya ang kotse sa halagang Fifteen thousand pesos na halos apat na beses na mas mura kaysa sa maganda, bago, at branded na motor.

“Ma, mag gasolina tayo ha?” wika ni Teacher Manny kay Mercy. Halos said na din kasi ang lamang gas ng kotse at dahil sa old model na nga ito ay parang nagmumumog pa sa pagkunsumo ng gasolina pag ito’y gagamitin. Madalas ngang biruin si Manny ng kanyang prinsipal na ibenta na lang ang kotse sa VIVA FILMS, para pasabugin sa pelikula, o  di kaya’y dalhin sa Manila Bay para pakapitan sa talangka, talaba, at tahong. Iniisip na lang ni Manny na mas okay na ‘yon kaysa tulad ng kanyang boss na may bago ngang kotseng Mitsubshi Mirage pero hinulugan naman ng mahigit twenty thousand pesos sa isang buwan sa loob ng limang ton. Nagtataka  tuloy siya  kung paano ito nahuhulugan ng kanyang prinsipal samantalang wala namang trabaho ang asawa nito. ’Di rin naman kataasan ang sweldo nya at may netong Four thousand three hundred pesos sa kanyang Payslip sa buwan ng Pebrero 2007. Nalaman nya ito nang minsang aksidente niyang makita sa ibabaw ng mesa ng prinsipal ang nasabing dokumento.
 
May RUSI na scooter namang ginagamit si Manny sa araw araw niyang pagpasok sa school para makatipid sa gas tutal mag-isa lang naman siya o di kaya’y pag sinusundo si Mercy. Ipinasalo lang ito nang hindi makabayad na kapitbahay sa buwanang hulog na One thousand six hundred pesos sa loob pa ng isa’t kalahating taon.

Malaking bagay na din na makatipid siya sa pamasahe o sa gasolina para sa pagkain nila araw-araw, baon ng  nag-aaral nilang mga anak at bayad sa nagbabantay sa kanilang bunsong anak. Ginagamit na lang nya ang kanilang box type na kotse pag may pupuntahan silang pamilya tulad ng pagsisimba, pamamasyal sa circle, at kapag papunta sa Mindoro, sa mga magulang ni Mercy. Mabuti na lang at magaling ang mekaniko niyang si Rey, na kahit sisenta y tres na ay kaya pa ring magtrabaho  at magkumpuni. Mas lalo pang ginagahan si Rey pag nakakainom ng tatlong boteng Redhorse na sinasabi niyang kanyang maintenance.

“Ma, saan tayo kakain?” Excited na tanong ng mga bata kay Mercy. “Sa Mang Inasal  na lang anak  tapos didiretso tayo sa Supermarket pagkatapos sa TOM’S WORLD.” Sagot ni Mercy “Yehey! Alam mo ba Mama habang nagsasalita ka kanina sa T.V. naghihiyawan ang mga kapitbahay natin sumisigaw sila sa amin… “Pawpaw, Kat Kat, Otoy, ang Mama niyo, nasa T.V. siya!” Di nga namin expect na mananalo kayo kasi magagaling din yong ibang schools. Mama sa Grand Finals sasama kami ha? Please..” Pagmamalaki’t pamamakaawang  wika ni Otoy sa Nanay.

Pagdating sa restaurant ay agad silang pumila para umorder. Halos alas otso na ng gabi nang maihain ang kanilang pagkain. Sa sobrang gutom ay halos pabalik-balik ang waiter na mag-aabot ng extra rice. Si Mercy naman ay masayang pinagmamasdan ang kanyang asawa at mga anak na ganadong kumakain. Sa sandaling panahon ay nakalimutan niya na kahapon lang ay halos wala na palang gatas si baby at aabot na sa tatlong buwan ang kanilang bayarin sa renta at dalawang buwan naman sa tubig at kuryente. Kung pwede na nga lang mag-tap sila sa connection sa Meralco sa kanilang lugar, gagawin nila para walang monthly bills dahil halos lahat naman  ay may jumper sa kanilang kalye. Iniisip pa din niya na mga guro sila at hindi naman magandang makita o malaman may ganoon silang gawain.

Naisip din niya ang dating humigit kumulang na Sampung libong pisong niloan nya sa PAG-IBIG Fund noong nakaraang buwan. Hindi pa mandin niya naibibili ng mga kailangan nila sa bahay nang masungkit pa ng magnanakaw ang kanyang bag, dahil nakalimutan nilang i-lock ang bintana sa kwarto. Ang masaklap pa ay nandoon sa wallet niya ang kanyang mga ID, ATM, at iba pang mahahalagang papeles. Wala siyang magawa noong panahong iyon kundi umiyak, dahil yon lang ang perang inaasahang niyang pambabayad din sa mga utang nya sa kaniyang co-teachers at ang matitira ay panggagatos sa pamilya. “Itong talent fee kong ito, siguro ang kapalit ng perang ninakaw sa akin.” Wika ni Mercy sa kanyang sarili, sabay huminga siya ng malalim at maluha luhang tinitigan ang mga kumakaing anak at asawa. Pilit niyang iniiwas  ang kanyang mukha kung akmang tititigan sya ng kanyang asawa o mga anak para di nila mapansing napapaiyak na sya…

            ITUTULOY………….

Sa mga maglilike po at magsheshare… abangan po ang susunod na Chapter in 2 weeks… Salamat sa support… Totoo ang kasabihang… Kapag nababasa mo ito, pasalamatan mo ang iyong guro…. See u again…

Wednesday, November 11, 2015

UMENTO SA SAHOD NG MGA GURO, IWASTO!

SAHOD KO?!?
NI KRIS CANILLAS

IBA'T IBANG BALITA ANG MEDIA AY IPINAMUKHA
SI P-NOY RAW AY MAY HANDOG NA MAGANDANG BALITA
UMENTO SA SAHOD PARA SA MGA KAWANI NG MADLA
MATATAMASA NA KAPAG APROBADO NA NG BABA

MAHIGIT DALAWANG LIBO ANG KANILAÝ PINAMUKHA
DAGDAG SA SAHOD NG MGA ABANG MANGGAGAWA
MAS MATAAS UMANO ITO SA MGA PRIBADONG KAPWA
DAHIL TIMES TWO RAW KUNG SA SWELDO NILAÝ MAGMULA

ITONG ABANG MGA GURO AY HINDI NATUWA
BAGKUS NAGSALITA LANG NANG NAGSALITA SA MADLA
MAPA-SOCIAL MEDIA MAN O SA MGA KASAMANG DUKHA
ANG UMENTONG SAHOD DAW AY MAPANLINLANG NA LIKHA

HINIHILING KASI ANG SAMPU, MAHIGIT AT KULANG
NA SA TINGIÝ SAKTO NAMAN AYON SA GULANG
MAMUMUHAY NG MAAYOS AT MAKAKAHINGA SA UTANG
DAHIL POSIBLENG HUSTO AT HINDI MAUUBOS ANG PINGGAN

SUBALIT MUKHANG HINDI UUBRA SA MGA PATRON NA YAON
ANG HILING NG MGA BAYANI NG MAKABAGONG PANAHON
DAGDAG SA SAHOD NA SAKTO AT NAPAPANAHON
KAPALIT NG PAGPUPUYAT DAHIL SA RPMS NA IYON

KAYA NAMAN ITO AY AMING PANAWAGAN
KUNG HINDI NINYO BIBIGYAN KAMI NG KARANGALAN
MAPA-RPMS MAN O ANUMANG INYONG PAKINABANG
MAAYOS NA SAHOD O KABI-KABILANG PANAWAGAN?

MGA KATOTO KO PAKINGGAN ANG AKING HILING
KAHIT PIPI AT BINGI MAPAPANSIN TAYO KUNG MARAMI
IPAKITA ANG PWERSA NA SA ATIÝ MAWAWARI
TAYO KASI ANG MGA MAIMPLUWENSYANG NILALANG NG ATING MGA LIPI

HUWAG MATAKOT ILABAS ANG ATING SALOOBIN
MAPA-INTERNET MAN O SA ANUMANG GAWING ATING NAISIN
BASTA'T HINDI NALALAGAY TAYO SA ALANGANIN
DAPAT KILALANIN ANG AMBAG NATING HINDI PWEDENG ISNABIN!


Wednesday, October 7, 2015

MANGARAP AT KUMILOS

MANGARAP AT KUMILOS
ni Ramon B. Miranda

Nais mong maabot lipunang malaya
Ibig mong makamit kaginhawaan ng madla
Nangarap kang ang lupa’y ibigay sa timawa
At masaganang buhay para sa manggagawa.

Paano mo mararating ang pangarap na ito
Kung bulag ka sa nangyayari sa paligid mo
Tainga mo nama’y bingi sa karaingan ng tao
Di mo pinapansin ang kanilang pagsusumamo.

Pananaw mo sa buhay, bakit ba ganyan?
Nais mong tumulong ikaw nama’y nag-aalinlangan
Ikaw ba’y natatakot iyong karapata’y ipaglaban?
O iniisip mo lamang ang sarili mong kapakanan?

Kung sa dibdib mo’y takot ang namamahay
Pangarap mong lipunan di maipagtatagumpay
Kaya nakasalalay sa iyong mga kamay
Taos-pusong pakikilahok sa pakikibaka ng buhay.

Kaibigan halina’t mag-aral at mag-isip
Tayo nang bumangon sa pagkakaidlip
Karapatan natin kailangang masagip
Sa kuko ng mapagsamantala, gahaman at sipsip.

Sa sistemang bulok, huwag aksayahin
Itong kinabukasang tinataglay natin
Ang ating mga teorya’y dapat pagyamanin
Buhay ay gugulin sa magandang adhikain.

Gawaing pagmumulat ay mahirap talaga
Sanlaksang pilosopo sa iyo ay dadagsa
Kung magtitiyaga ka lamang sa pag-oorganisa
Hanay ay mabibigkis, lipunan ay lalaya.

Nasa pagkilos ang ating paglaya
Hindi sa pangarap at patunga-tunganga
Kung hindi ngayon, kailan pa
Kaya kilos na, baka masayang ka!

Sunday, September 13, 2015

HUGOT


HUGOT
ni Jayson Alvar Cruz

Emperador ako pangga
Lasing sa iyong Ginebra
Ginising aking Cobra
Usok ng ‘yong mariwana

Redhorse kang agad tumalab
Nagpabula sa ‘king utak.
Katawan mong Coke marilag
Sa Sogo’y pinapangarap

Kalamansi, papaitan
Labuyo sa dinakdakan
Paminta sa sinigang
Puluta’y pagmamahalan

Bisyo kang hirap iwaksi
Nicotine ka sa ‘king yosi
Chaser kang nagpapangiti
Sa buhay,lipos ng hikbi.

Humawak ka sa ‘king braso
‘wag bumitiw sa pangako
Hihinto lang, itong puso
Pag naningil na ang bisyo.


Sunday, September 6, 2015

KONTRA-PELO

KONTRA-PELO
ni Franz Senido

Moderno na daw ang mga tula,
Basta na lamang susulat at maglalathala,
Kahit di gamitan ng tamang sukat at tugma,
Maipahayag lamang damdamin ng makata.

Ngunit kung ganito lang ang ating sistema,
Puro pagbabago at pagpapabata,
Kahit hindi pag-isipan mga tulang nililikha,
Huwag na tayo gumawa, sunugin at ibasura.

Sana sa susunod na iyong paglikha,
Hayaan ang puso’y pumanaod at lumaya,
Di kaya’y gumamit ng angkop na salita,
Nang ang iyong tula’y di maanod ng baha.


Ina'y ko po

Ina'y ko po
ni Franz Senido

Salamat ina, sa pag-aaruga mula pa nang kami'y bata
Pagmamahal na hindi nagbago hanggang sa aming pagtanda
Walang oras na hindi inisip ang aming kapakanan
Pinalaki kaming maayos at may paninindigan

Kahit mag-isa'y di alintana
Maitaguyod lamang ang pamilya
Wagas na pagmamahal mo sa amin ay sapat na
Upang mabuhay ang anak mong lima

Maaaring sa salapi ay nagkulang
Ngunit ramdam namin pagiging butihin mong magulang
Ilang ulit man ika'y aming pinaluha
Dahil sa mga nagawang pagkakasala

Patunay lamang yan na lagi kang nariyan
Upang aming pangangailangan ay matugunan
Pananalig sa Diyos ang tanging tangan
Nang kami'y mabigyan ng magandang kinabukasan

Ngayon kami'y mga ganap nang propesyunal
Iyon ay dahil sa walang sawa mong pagpapagal
Utang namin sa iyo ang aming buhay
At sarili pa'y handa mong ialay

Sana sa simpleng tula na aking nilikha
Mapasalamatan mga yaring nagawa
At ngayon ang iyong kaarawan
Sa ganitong paraan nawa'y ikaw ay mapasalamat


Saturday, August 29, 2015

KARA

KARA
Ni: Jessieto A. Abener

Pinong luntian sa paikot na daan
Umaalog na hangin sa tenga
Kasabay ng matunog na sitserya
Para kang adik na high sa ulap altidude
Batang musmos, kumakaway

Habang naglalakbay sumasabay ang alaala
Ng kahapong naging unang turista sa malamig na plaza
Mga taong nakangiti sa mga banyagang namumukod tangi
Magkasintahang nagsasagwan, pinagmamasdan.
Malalim na damdamin ay nagpapatianod.
Mababaw na tubig sa Burnham, animo'y nalulunod.

Malamig nasimoy ng hangin
ang dumadalisdis sa mabundok at mahamog na pasyalan
Panandaliang pagtakas sa magulo’t maingay na syudad ng Kamaynilaan.
Patungo sa tunay na paraisong gubat na sa libro madalas nasusulat.
Hay! Para kang dayuhan sa sariling bayan

Kasabay ng malakas na paghinto
ay pagkamulat sa makabagong realidad.
Rebulto ng dating pangulo may warak na sa ulo.
Sa libis ay matatanaw ang nagsulputang bahay
habang sa tabi’y umuusok ang animo'y hamog
sa mga bagay na nakatumpok.

Madilim na ng marating ko ang sentro.
Nasumpungan ang sarili sa loob ng isang banyagang restawran,
na nagsulputan na para bang mga tigyawat sa pisngi.
Habang humihigop ng maanghang na jjampong na isinilbi.

Naglalakad-lakad.
 Minamasdan ang mga taong nagse-session,
Mga humahalukay sa wagwagan sa mahabang daan.
Huminto sa isang sulok upang bumuga ng usok.
Natanaw ang Mariang si Kara ang pagpapakilala
“Sir, masahe?”, eksena sa Malate.

Lunsod na dating lunti
Ngayo'y mga ilaw sa tuktok ng gusali ang nakangiti.
SM na tambayan, dating puno ng halaman.
Matatayog na tahanan para sa panandaliang ti'rahan.


Habang nakahiga sa aking kwarto ay nasambit ko sa sarili.

Ang pook na may magandang Kara ay tila naglalaho na.


Sunday, August 2, 2015

Dagli: NINAKAW

NINAKAW
Ramon Miranda
Jessieto A. Abener
Rhodona Tugna
Kristofer E. Canillas
Jennifer Rama

“Tigil!” Ngunit nagpatuloy siya sa pagtakbo… Takbo … “Bang! “Hanggang sa masukol siya sa kanto.

“Ano ang gusto mo? Pera? Sabihin mo. Marami ako niyan”, ang sagot niyang kinakapos ng hininga. “Hindi ko kailangan ang pera mo. Sakay!” sagot ng humahabol sa kanya.

Naalimpungatan sa sobrang sakit ng kanyang ulo at nakasisilaw na liwanag. “Nasaan na ang epektos?, sabay angat ng kanyang ulo.

Kinabukasan, may natagpuang katawan ng isang lalaki na nakalutang sa estero.

Dagli: Pera na Naging Bato pa!

Pera na Naging Bato pa!
Ramon Miranda
Jessieto A. Abener
Rhodona Tugna
Kristofer E. Canillas
Jennifer Rama

“Nasaan na ang titser na ‘yan? Ipapapulis ko siya!”

“Huminahon po kayo, ano ang problema?” “Basta, ipapapulis ko siya. Tingnan ninyo kung ano ang nangyari sa anak ko.” Hindi napahupa ng malamig na kuwarto ang nagpupuyos  na damdamin.

Habang naghihintay ng sasakyan papuntang presinto, inutusan niya ang anak na bumili ng yosi. “Ate! Ate!” naririnig niyang tawag sa kanya. “Bakit?” Nakauwi na po ba ang anak ninyo? May bumato po kasi sa amin kanina habang pauwi. Natamaan po sa ulo ang anak ninyo.”

Pagkarinig sa sinabi ng bata, biglang bumagsak ang kaniyang balikat

Dagli: TANTSO

TANTSO

Nakangudngod ang mukha niya sa dingding ng kubeta. Hindi makapalag. May busal ang bibig. Hawak sa magkabilang balikat ng bordadong kalalakihan. Naramdamang napunit ang kanyang pagitan. Tawanan. Hagalpakan. Napasubsob. Nanlabo ang paningin. “Putang inang ‘to titser pa naman”.

“Matagal na kaming may relasyon. Mahal ko po siya pero hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa akin. Hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin iyon. Halimaw siya. Demonyo si sir!” salaysay ng Grade 9 student.

Dagli: TRIP TO ABROAD

TRIP TO ABROAD

Nakasusulasok na amoy ang sumalubong sa mga estudyante, isang umaga. Tinunton ng mga titser kung saan nanggagaling ang amoy. May isang estudyanteng sumigaw. “Sir, dito po nanggagaling ang amoy.” Nakasarado ang pinto ng CR. Hindi naman ito magawang buksan dahil mahigpit na bilin ng bruskong principal na huwag itong ipapagamit. Pinuntahan ng mga titser ang Assistant Principal para hingin ang susi. Walang maibigay dahil nasa loob ng opisina diumano ng principal ang susi nito. 

Alam ng lahat na nasa labas ng bansa ang principal kasama ang iba pang opisyal ng Dibisyon.

May nagsusukang estudyante na at ang iba’y nahihilo dulot ng masangsang na amoy. Nagdesisyon na ang ASTP na destrongkahin ang pinto. Pinagtulungan tadyakan ng dyanitor at guro ang pinto. Napakaraming langaw ang nabulabog. Tumambad ang katawan ng isang lalaking nakasuot ng barong. Nakasubasob ang mukha sa inidoro, may nakabaon na kutsilyo sa tagiliran at mayroong karatulang nakasabit sa leeg “OUT OF ORDER.” 

Dagli: Teacher Bailer

Teacher Bailer
Ni Ana Basas

“Ano? Dala mo na ba  ang pang pyansa”? Makakalabas na ba  ako dito? Sunud-sunod na tanong ni Michael. 

“ Sa makatlo pa daw ibibigay ni Bombay eh’.  

‘Lintek na buhay talaga ‘to oh!”

Mabibigat ang hakbang ni Gng. Briones habang tinatalikuran ang anak, tumutulo ang luhang inaalala niya ang pag-uusap nila noon na kanyang kaibigan. 

“ Bakit tayong mga titser ‘no, mabuti pa ang ibang bata  natuturuan natin, napapayuhan natin pero, mismong mga anak natin ni hindi na nga natin sila kilala eh! “Dinedma lang niya noon ang  tinuran ng kaibigan.

Dagli: A Hundred Shoes

A Hundred Shoes

A classmate would always brag about her hundred shoes. I doubt. She would go to school with her feet slipped on the same shoes everyday – old and dirty. 

A week of absence made us pay her a visit. On their door, hung a black cloth and guilty of eavesdropping, “The old man gave up the battle without having sold even just a pair.” 

There and then I knew what my classmate says is true.

ALAALA NG TDC ART WORKSHOP SA BAGUIO

ALAALA NG TDC ART WORKSHOP SA BAGUIO
Ni Kristina Ku

Sa isip binabalikan ang daang bumati
Pasayaw-sayaw, gumigiri-giri
Tila kumpas ng pendulum ng orasang antigo
Nawika ko, nandito na nga ako sa Baguio.

Paghalik ng bagahe sa bulwagang Quirino,
“Gala tayo”, ang yaya ko.
Pagkakatao’y sinamantala, sa palengke’y pumunta
Kakulita’y sumirit, damay-damay, kapit-kapit
Di alintana ang hagibis ng langit.

Nagkakarerang pawis, nagmumula sa langit
Walang balak magpatalo, dumadaloy ng malupit
Hindi ko mabilang, tunog ng tikatik
Binibigyang ritmo, kalaro kong mga titik

Mga mukhang may bukas-bagong kuhang PEI
Babaunin yaong kasiyahang taglay
Pagsali sa workshop, wika’y napamahal
Di malilimot, kakulitang kay sir Eros at sir Jowie ay taal.

SAMPUNG LIBO LAMANG

SAMPUNG LIBO LAMANG
Ni Jayson A. Cruz

Sampung libo lamang, tangi naming hiling,
Tangi naming hiling, sampung libo lamang
Kumpara sa bilyong, iskandalo ngayon.
Iskandalo ngayon, higit sampung bilyon.

Silang nagpakasasa, sa b’wis na winaldas.
Silang mambabatas, sa guro’y utang ang talas.
Bakit hanggang ngayo’y bantulot sa batas
na sa buhay nami’y magbibigay lakas.

Sampung libo lamang, tangi naming hiling,
Tangi naming hiling, sampung libo lamang
Kumpara sa bilyong, iskandalo ngayon.
Iskandalo ngayon, higit sampung bilyon.

Ilang dekada na guro ‘y nagmamartsa
Sa Batasan, Senado, DBM at Mendiola?
Ilang Mila pa, hahandusay sa bangketa
upang makita nila, abang lagay ng maestra?

Sampung libo lamang, tangi naming hiling,
Tangi naming hiling, sampung libo lamang
Kumpara sa magagara nilang mga sasakyan,
nagtatayugang mga bahay at ari-arian.

Kaming namamaos upang kabataa’y maiayos,
Kaming nagpupuyat sa pagbalangkas ng leksiyon,
Kaming bumubuhay sa mga pangarap at ambisyon,
patuloy na isinasantabi’t suweldo’y binubusabos.

Kailan pakikinggan, aming panawagan?
Kailan ibibigay aming munting hiling?
Kailan kikilalanin, malaking ambag namin
Kung patay na kami’t nabaon na sa utang?

Sampung libo lamang, tangi naming hiling,
Tangi naming hiling, sampung libo lamang
Makatarungang umentong malapit sa katotohanan
Pakikurot naman nang kaunti, sa kaban ng bayan.

Nais din naming mabuhay nang may dignidad
Ibig din naming mabuhay nang marangal
Huwag n’yo naman kaming ituring na hangal
Basahin n’yo ang bibliya, ang guro ay banal.

Sampung libo lamang, tangi naming hiling,
Tangi naming hiling, sampung libo lamang
Makatarungang umentong malapit sa katotohanan
Pakikurot naman kami nang bahagya, sa kaban ng bayan.


June 1, 2014
3:46 AM
SMV. Binangonan

Tulang binigkas sa rally ng TDC sa Rajah Soliman Park, Malate, Manila at iba pang consultation forum ng samahan bilang panawagan sa sampung libong umento sa sahod ng mga guro sa bansa.